Chereads / Online It Is / Chapter 78 - Chapter 39.0

Chapter 78 - Chapter 39.0

Chapter 39:

Abby's POV:

"You said what?" Inilapit ko ang aking tainga sa mukha ni Joyce dahil baka namamalikrinig lang ako.

"Haynako bakla, hindi nga rin ako makapaniwala nung sinabi niya sa akin 'yan. Pero ang taray ng bakla dahil totoo nga!" Natatawang sabi ni Jackie.

"Eksena ka girl? Hindi ako nagsisinungaling, kapain mo pa yung tiyan ko." Inilagay niya ang palad ko sa kaniyang tiyan, at totoo nga! May umbok ang tiyan ng loka, akala ko pa naman baby fats lang kaya hindi ko pinansin kanina.

"Ang landot niyo rin ni Jherwin noh. Akalain mo 'yon, the night na nag-propose si Jherwin sa'yo ay yun din ang gabi kung kailan kayo nakabuo."

Nanlaki ang nga mata ko dahil sa sinabi ni Jackie.

Pinatunog ko ang mga daliri ko at saka matalim na tinignan si Joyce.

"Sabihin mo Joyce, nasaan ang walang hiyang Jherwin na 'yan ha. Nakuu, kahit kakalabas ko lang ng ospital ay handa na akong sumabak sa giyera!" Narinig ko pa ang paghagikgik ng bakla sa likuran ko.

"Ano ka ba girl, kalma ka lang okay?"

"Paano ako kakalma kung binuntis ka na niya agad eh nagpropose pa lang naman siya sa'yo. Hindi na niya nahintay ang honeymoon pagkatapos ng kasal!" Naku, nanggigigil ako.  

Tumayo si Joyce at saka dahan-dahang minasahe ang balikat ko habang pinapaupo niya ako sa silya.

"Huwag ka ng highblood kay Jherwin girl, ginusto ko rin naman eh." Humagikgik rin ito na parang kinikilig pa.

"Ayan girl, ayan na nga ba ang sinasabi ko. Ayan tayo eh, marupok. Handang magpakarupok para sa taong minamahal." Mukhang naistress ata ako sa sinabi ni Joyce ah. Minasahe ko ang aking sentido at saka huminga ng malalim. "Ano pa nga ba'ng magagawa ko eh nandiyan na sa tiyan mo 'yang bata. Pero ang tanong, kailan ang kasal?"

"Wala pang exact date, pero pagkatapos kong manganak girl. Ayaw ko namang maglakad sa isle ng malobo ang tiyan. Gusto ko ay sexy ako sa araw ng kasal ko syempre."

"I see. Eh nasaan na ngayon si Jherwin?"

"Ayon, nasa trabaho. Kayod kalabaw--"

"Ano?!" Bakit nasa trabaho siya eh buntis yung mapapangasawa niya. Paano na lang kung may mangyaring masama sa kaibigan ko habang nasa trabaho siya? Hindi ba dapat ay nasa tabi lang siya ni Joyce?

"Alam ko ang iniisip mo girl. Pero nasa trabaho ngayon si Jherwin dahil siya ang nag-aasikaso sa studio. Hindi na muna niya ako pinapayagang magtrabaho hanggang hindi pa ako nanganganak. Kaya 'wag kang mag-alala dahil naglilive-in kami ngayon para maalagaan niya ako. Hindi muna siya umaalis ng bansa dahil gusto niyang malapit lang siya sa akin lalo na kapag manganganak ako." She smiled.

"Hmm. Mabuti naman pala kung gano'n. Atleast hindi kami mag-aalala ni bakla masyado." Mabuti ng malinawan ako dahil wala akong masyadong tiwala sa Jherwin na 'yon. Alam kong mabuting tao siya, but the fact na lagi niyang pinapaiyak ang kaibigan ko at binuntis nang wala sa oras ay medyo hindi okay sa akin 'yon. But as long as masaya naman sila sa isa't-isa kahit puro sila drama ay masaya na rin ako para sa kanila.

Nasa kalagitnaan kami ng pagchichikahan nang mag-ring ang phone ko.

"Saglit lang mga bakla, sagutin ko lang 'tong tawag." Tumango sila bilang sagot.

"Hey Nich! What's up?"

"Hey Abby, gusto lang kitang kamustahin ngayong nakalabas ka na ng ospital." Aww Nich, so sweet as always.

"Hmm, gano'n ba. Ayos naman ako ngayon, masaya kasi sa wakas ay nakalabas na ako. Malakas na rin ako ngayon unlike noong nakaraang linggo na pakiramdam ko ay ang lanta ko."

"That's good to hear then!"

"Eh ikaw? Kamusta?" I wonder kung ano ang ganap kay Nich nitong mga nakaraang araw. Dalawang beses lang ata siya bumisita sa akin sa ospital simula nung nagising ako. Well, what am I expecting? Busy siya sa kaniyang trabaho at sa pag-aalaga sa anak nila ni Steph. Oh, speaking of Steph, ngayon din ata mawawalang bisa ang temporary restraining order niya. Kamusta na kaya siya?

"Heto, busy pa rin gaya ng dati, pero binabalanse ko na sa ngayon. Alam mo na, buhay daddy na ako ngayon. Hindi pwedeng puro lang ako trabaho, kailangan ko ring alagaan si Philip."

"Ahh I see. By the way, may kaunting salu-salo dito sa bahay ko. Birthday kasi ng kambal at dito sinelebra nila kuya Rex at ate Jes. B-Baka gusto niyong pumunta? Alam mo na, close din naman kayo ng kambal 'diba?" Kahit naman break na kami ni Nich ay hindi pa rin maitatanggi na naging malapit na rin siya sa pamilya ko noong kami pa, lalo na sa kambal. Gaya ko, ay lagi din niyang iniispoil ang mga bata kaya gustong-gusto nila si Nich.

"Oo nga, birthday pala ngayon ng kambal. Pasensya na nakalimutan ko." Nakarinig ako ng mahinang tunog sa kabilang linya, nag-facepalm ata si Nich. "Pa'no 'yan hindi ko makakapunta, may sinat kasi ngayon si Philip."

"Ano ka ba,  ayos lang. Hindi mo kailangang mag-alala dahil mabait naman ang kambal." Napahagikgik ako.

"Pero kahit na. Gan'to na lang, pwede bang pakisabi sa kambal na tatawagan ko sila mamaya para batiin at tatanungin ko na rin kung ano'ng gusto nilang regalo." 

"Oo naman, sureness Nich! Oh pa'no ba 'yan kailangan ko ng ibaba ang tawag kasi tinatawag ako ni mama sa loob. Pakisabi na lang kay Philip get well soon but not so soon ha." Ano nanaman kaya ang sasabihin ni mama?

"Yes okay, sure Abby. Take care, bye!"

"You too... Bye Nich!"

Nang maibaba ko ang tawag ay dumiretso na ako sa loob.

"Saan ka ba nagsususuot Abby, kanina pa kita hinahanap?" 

"Kausap ko si Nich sa phone ma kaya lumabas ako kasi maingay dito sa loob."

"Gano'n ba dear, inimbitahan mo sana siya dito."

"Inimbitahan ko siya ma, kaso hindi siya makakapunta kasi may sinat daw si Philip, yung anak niya. By the way, ano po ang sasabihin niyo ma?"

"May picture taking dear. May dala kasing camera si Rigel at nag-volunteer siyang kuhanan tayo ng family picture. Kaya tara na nak, ikaw na lang ang hinihintay."

Hindi pa ako nakasagot pero hinila na ako ni mama. Kaya wala na akong nagawa kundi magpatianod sa kanila.

"One..."

"Two..."

"Three..."

"Click!"

At saka ako ngumiti sa camera. 

"You're late again ate." Reklamo ni Pau matapos kaming kuhanan ni Rigel ng litrato.

Kanina pa pala may photoshoot session dito, hindi ko napansin dahil nakikipag-chikahan ako kila Joyce at Jackie.

Wow naman Rigel, hindi naman halatang prepared siya para dito. Maliban kasi sa camera ay may dala pa pala siyang ring light at soft box. Hindi ko ito napansin kanina na dala niya on our way here.

Nang matapos kuhanan ng litrato sila Kuya Rex at ate Jes kasama ang kambal ay kami namang tatlong magkakaibigan ang sumunod. At dahil mga loka-loka sila ay wala kaming matinong litrato. Puro tawa lang ata ang ginawa namin habang kinukuhanan kami ng litrato.

"Oh kayo naman ni Rigel ang magpa-picture anak!" Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni mama.

"Ha? Bakit kailangan pa po ba 'yon?" Tinignan ko si mama na may pagbabanta pero nag-thumbs up lang siya sa akin. So wala akong choice kundi tumingin kay papa, hoping na tututol siya sa sinabi ni mama. Pero ang duga! Tinanguan lang ako ni papa at saka siya ngumiti. What the hell pa?!

"Sige na anak, halos siya ang nagbantay sa'yo sa ospital no'ng na-coma at nagpapagaling ka tapos ayaw mo man lang magpapicture sa kaniya." Ito na nga ba ang sinasabi ko eh, may utang na loob nanaman ako sa maeksenang lalaking 'to.

Bumuntong hininga ako at saka napagdesisyunang lumapit kay Rigel na todo ang ngiti na halos umabot sa tainga. Inirapan ko lang siya bago siya tabihan.

Pero ang mas kinainis ko ay ang ngising aso ni Joyce habang hawak niya ang camera ni Rigel.