Chereads / Online It Is / Chapter 74 - Chapter 37.0

Chapter 74 - Chapter 37.0

Chapter 37:

Abby's POV:

"Hey..." Nakangiting bati ko kay Nich. "Is there something wrong? Ba't naluluha ka?"

Tila nagulat ito sa sinabi ko. "Hindi ka galit sa akin?"

Kumunot ang aking noo. "Why would I?"

"Ako ang dahilan kung bakit ka nagkaganyan." Hindi siya makatingin sa akin, nanatili lang siyang nakatayo sa tapat ng pinto.

"Come here Nich, hindi ako galit. Baka mangawit ka pa diyan na nakatayo." 

"Sure ka?" Tumango ako bilang sagot kung kaya naman ay lumapit na siya sa akin at saka umupo sa upuan na nasa tabi ng hospital bed.

"Kamusta ang mag-ina mo? Kamusta ka?" Napatigil siya dahil sa sinabi ko, tila ba ay may sinabi akong isang foreign language na hindi niya gets.

I chuckled. "Sinabi na sa akin nila mama at papa ang lahat kanina, and it's okay."

Hindi na ako nagulat nang sabihin nila na si Stephanie ang nasa likod ng pamamaril sa akin. Yes, pamamaril it is at hindi pananaksak. Natrigger ko ata siya noong binuhusan ko siya ng frappe sa mukha that's why her friend also pulled the trigger for me.

Infairness, ang galing umasinta ng kaibigan niya to the point na na-coma ako, pero hindi masyadong magaling dahil hindi ako namatay. Charot! Ano ba 'yan, walang kahoy na pwedeng pagkatukan. 

Isang buwan matapos ang insidente ay sumuko na si Stephanie by herself at nasa kustodiya na ngayon ng mga pulis. Inako daw niya ang lahat at ayaw ilantad ang kasabwat niyang kaibigan. Hindi na rin nagsampa ng kaso sa kaniya sila mama dahil alam nila 'yon din ang magiging desisyon ko if ever na gising ako that time. Pero pinatawan pa rin siya ng temporary restraining order dahil sa nagawa niya.

"Nagmahal lang talaga siguro siya ng sobra ka niya 'yon nagawa."

"But what she did is--" I cut him off.

"Shh... Kayang gawin ng isang tao ang lahat kapag nagmamahal siya, nakabubuti man ito o nakasasama. Nagiging bulag at manhid tayo kapag nagmamahal which make love a dangerous feeling. Yun nga lang ay sobra lang na nagmahal si Stephanie to the point na naapektuhan nito ang emosyon niya na nagdulot upang gawin ang nagawa niya. Pero kahit gano'n, hindi pa rin magbabago ang fact na kaya niyang pumatay para sa'yo Nich." I chuckled again.

Natawa rin si Nich dahil sa sinabi ko.

"But seriously, I'm so sorry Abby sa lahat. At maraming salamat din sa lahat. Ang swerte talaga ng lalaking mamahalin mo noh, kasi mayroong babaeng sobrang understanding at selfless na nagmamahal sa kaniya."

"Alam mo Nich, ayos na yung unang sinabi mo eh. Kaso sinamahan mo nanaman ng bola."

"Totoo naman eh. Just this once Abby, maniwala ka sa akin dahil totoo naman talaga ang sinasabi ko." Napakamot siya ng batok.

"Oo na Nich, oo na. So yun nga, kamusta kayo?"

"Heto, bumabawi sa anak namin ni Anie. Since wala ang mama niya ay ako muna ang nag-aalaga sa kaniya. Mabait siyang bata kaya madalas ko siyang dinadala sa trabaho, kapag nagshoshoot kami dahil hindi ko naman siya pupuwedeng iwan sa bahay mag-isa. Hindi pa rin alam ng publiko na ako talaga ang tunay niyang ama dahil mas gusto kong ipaalam sa buong mundo ang totoo kapag wala na ang restraining order ni Anie. Tungkol naman kay Anie ay nagsisisi siya sa nagawa niya sa'yo kaya kusa na siyang sumuko, at ang sabi niya ay sa personal siya hihingi ng tawad sa'yo kapag okay na ang lahat." 

Ibang Nich ang nakikita ko ngayon. Hindi siya ang Nich na nakangiti lang palagi, kundi ang Nich na kaharap ko ngayon ay ang Nich na masaya. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang tunay na saya sa kabila ng kinakaharap niya, dahil iba ang nakangiti lang sa tunay na masaya. Makikita mo sa mga mata ng isang tao ang totoong nararamdaman niya, dahil hinding-hindi magsisinungaling ang mga ito. Our eyes are indeed the window to our soul.

"Masaya ako para sa'yo Nich." Naluluha akong ngumiti saka ko tinangkang abutin ang kamay ni Nich, pero siya na mismo ang naglapit ng sarili niyang kamay sa akin upang hindi ako mahirapan.

"Hindi ako nagsisisi na pinalaya kita. Kasi kita ko naman ngayon kung gaano ka kasaya, ang saya ng mga mata mo ngayon Nich. You're almost home Nich, kaya 'wag kang mag-alala dahil malapit mo ng makasama ang pamilya mo, malapit mo ng makasama ang babaeng mahal mong tunay. You'll be finally home in no time."

Siya naman ngayon ang humawak sa aking kamay. "That's why I am so thankful to you Abby. Hindi rin ako nagsisising minahal kita, dahil tunay kang kamahal-mahal. At mamahalin pa rin kita, hindi man romantically, but as a special friend of mine. Hindi man tayo para sa isa't-isa, pero baka sa mga anak natin ay may magkatuluyan, doon na lang tayo babawi." 

Mahina kong kinurot ang kamay niya. "Loko-loko ka talaga Nich noh. Pero pwede rin naman." 

Then we both laugh again.

Nang paalis na si Nich ay saktong papasok naman si Rigel sa loob ng kwarto. So bale nagkasalubong sila sa pintuan. Sandali silang nagkatinginan bago lampasan ang isa't-isa.

"Bakit gising ka pa? You should be resting by now." Ani Rigel nang tuluyang makapasok sa kwarto.

"Eh ikaw, bakit ka nandito? Wala ka bang trabaho? Project o 'di naman kaya ay client?"

"I can do my work here." Sabay pakita ng hawak nitong laptop. "I already told you earlier, babantayan kita hanggang sa makalabas ka. Pero pwede ring habambuhay kung gusto mo."

"Ha? May iba ka pa bang sinasabi?" 

"Wala. So don't mind me and just rest." Nakakunot ang noo na sabi niya.

"Eh ba't parang ang sungit mo naman?" Huwag niya akong masungit-sungitan dito dahil kahit na-coma ako ng halos dalawang buwan ay kayang-kaya ko siyang patikimin ng batok kung nanaisin ko.

"I'm not." This time ay nakanguso na ito habang nagtitipa sa laptop niya. I Wonder kung ano'ng ginagawa niya, siguro ay animation.

"Tss. Siya nga pala, nabalitaan kong nag-eskandalo ka dito last month."

"What do you mean?" Tanong niya pero nasa laptop pa rin ang paningin. Ngayon ko lang napansin, ang fresh niya ngayon. Unlike noong last kaming nagkita na sobrang haggard niya, ngayon naman ay sobrang gwapo na niya ulit.

I silently slapped myself.

Ano ba 'yan Abby, kung anu-ano nanaman ang naiisip mo.

"Yung fight scene niyo ni Nich."

Napatingin na siya sa akin this time.

"Wait, do you mean kami? Bakit ako lang ang sinasabi mo? We were both involved, so basically, it was OUR scandal-- wait, it's not even a scandal. It's called boy thing." May pa quotation sign pa siyang nalalaman gamit ang mga daliri niya.

"Pero ikaw daw ang naunang nanuntok. Bakit mo naman ginawa 'yon eh hindi naman si Nich ang bumaril sa akin, and besides, ano ba'ng pake mo? Hindi naman kita boyfriend--" He cutted me off.

"He's not the one who shoot you, but he's the reason why you were shoot."

"Pero hindi naman 'yon tamang rason para suntukin mo siya nang gano'n na lang."

"Reasonable or not, kapag babaeng mahal ko ang nalagay sa peligro, ibang usapan na 'yon."

Napamulagat ako dahil sa sinabi niya.

"A-Ano'ng sabi mo?"

"Na-coma ka lang, nabingi ka na tss. Ang sabi ko hindi ko gusto na nasasaktan ang babaeng mahal ko, ayaw kong masaktan ka." Seryosong sabi niya siyang nagpahinto ng tibok ng puso ko.

Ilang segundo rin akong natameme bago magpakawala ng mahinang tawa.

Umayos ako ng pagkakaupo sa hospital bed saka siya tinaasan ng kilay.

"Says the one who hurt me first~" May pakantang sabi ko. Kulang na lang ay pumalakpak ako dahil sa sinabi niya.

Nagpapatawa ba siya? Kasi kung oo ay infairness, may potential siya maging isang komedyante.

"Why are you laughing?" Kumunot ang noo nito.

"Natawa lang ako sa'yo. Ang lakas naman ng loob mong sabihing hindi mo gustong nasasaktan ako, pero ikaw nga 'tong unang nanakit sa akin 'diba." Tinignan ko siya na parang nanghahamon.