Chereads / THE FORGOTTEN / Prologue

THE FORGOTTEN

🇵🇭Aftoktonia
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 18.1k
    Views
Synopsis

Prologue

Friday, August 15, 2009.

NAGKUKUMPULAN ang napakaraming mga estudyante nang ilabas ang bangkay ni Mr. Cardino Sacramento– isang guro ng Asignaturang Filipino sa aming paaralan na sa edad na apatnapu't pito hindi namin lubos akalain na ito ang kanyang sasapitin sa kamay ng hindi pa nakikilalang kriminal. Nakatakip ito ng puting tela nang ilabas ng pulis mula sa pinangyarihan, nakipagsiksikan at nakipagsikuhan ako para lang mas makita nang malapitan ang nangyari sa sinapit ng aming guro, kinilabutan ako ng makita ang mga bakas ng dugo nito sa nakatakip na tela, naririnig ko ang iba't-ibang reaksyon ng mga kapwa ko mag-aaral ng makita ang bangkay, magkahalong takot, lungkot at awa ang kanilang mga naramdaman na sinasang-ayunan ko. Marahil masakit para sa pamilyang iniwan ng aming guro ang kanyang sinapit, hindi ito kayang tumbasan ng isang patawad lang dahil itinuring na parang hayop lamang ang buhay nito at pinatay ng karumal-dumal.

Isang malakas na ihip ng hangin ang binuga ng kalikasan habang binabalak na sanang ipasok sa ambulansya ang bangkay ng biktima na sakay ng isang stretcher, nakakabinging ingay ang umalingawngaw sa buong paligid ng paaralan ng aksidenteng tangayin ng hangin ang nakabalot na puting tela sa biktima, maging ako ay hindi napigilan mabigla sa aking nasaksihan, ang itsura ng aming guro ay hindi kayang sikmurain ng mahina ang loob dahil ang ulo nito ay halos mapigtal sa pagkakakabit sa kanyang leeg at bukod do'n ay naliligo din ito sa sariling mga dugo, basag ang mukha nito na dahilan para medyo lumuwa ang kaliwang mata na kung saan halos doon siya mukhang pinuruhan ng hindi pa nakikilalang salarin at halos madurog din ang kaliwang pisngi nito dahil nakayupi na ito na parang lata. Siguro'y pinalo ng kung anong matigas na bagay ang ulo ng biktima kung kaya't ganito ang sinapit niya, hindi ko lubos maintindihan kung saan kumuha ng lakas ng loob ang kriminal at pinatay ito sa faculty room na posibleng maraming makakita ngunit mapalad ito dahil kinabukasan pa natagpuan ang bangkay ng aming guro, marahil bihasa sa pagpatay ang serial killer at gano'n naging kalinis ang krimen.

Nataranta sa pagkuha ang isa sa mga tumutulong sa pag-akyat sa biktima nang damputin nito ang nilipad na puting tela na ginamit nilang pambalot sa aming guro, matagumpay naman nitong naibalik ang tela at muling binalot sa biktima pero hindi na nito mabubura ang lahat ng aming mga nasaksihan. Tuluyan na nilang naipasok ang aming guro sa ambulansiya at isang malakas na alingawngaw ng wangwang na mula sa ambulansiyang sasakyan ang nagpabalik sa aking ulirat, nakatulala at malalim ang iniisip.

Nakita ko si Frederick na kaklase ko ngayon bilang freshmen na may hawak na digital camera, marahil kanina pa siguro ito kumukuha ng litrato ng hindi ko man lang namamalayan, kumindat siya sa'kin sabay kuha ng litrato habang nakatulala akong nakatingin sa kanya, tinakpan ko gamit ang kaliwa kong kamay ang hawak niyang camera dahil balak na naman muli nito na ako ay kuhanan ng litrato, ganito ang kanyang libangan at paraan ng kanyang pangangasar, ang kumuha ng litrato ng hindi mo inaasahan, tumigil din naman siya pangungulit kalaunan.

Sumenyas nang pagkaway ito mula sa malayo at nakita ko doon 'yung apat ko pang kaklase. Habang abala si Frederick sa pagkaway may dumaan na dalawang pulis sa aming harap at doon ay narinig ko ng kaunti ang kanilang pinag-uusapan, mayroon daw dalawang estudyanteng nawawala at mula daw sa third year high school.

Plagiarism is a crime.

This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events or locales is intirely coincidental.