Chereads / THE FORGOTTEN / Chapter 3 - 3 - 10

Chapter 3 - 3 - 10

NAGDADALAMHATI ang Creepy Hunters sa pagpanaw ng isa sa mga kasapi sa samahan, maging ako ay hindi lubos akalain na magpapakamatay sa harap namin si Allison, naaalala ko pa kung paano bumagsak sa sahig ang kanyang katawan, mga dugong sumirit dahil sa sugat niya sa leeg na siya mismo ang naging dahilan. Nang araw na iyon ay parang hindi siya ang kaharap namin kundi ibang nilalang, kung sino at ano man siya ay kailangan namin malaman lalo na't kaya niyang makapanakit ng ibang tao.

"Kung mas maaga lang sana natin naisip na nasa panganib ang buhay ni Allison, baka nandito pa siya buhay at kasama natin ngayon" malungkot na wika ko habang katabi si August. Hindi ko parin mapigilan na 'di madismaya sa kung ano ang nangyari, inaamin ko ng araw na 'yon, natakot ako ng sobra at wala talaga akong nagawa para tulungan siya.

"Ginawa natin ang lahat nang makakaya natin ng araw na iyon, sadyang kinulang lang tayo sa oras kaya hindi natin nasagip ang buhay ni Allison. Kung kailangan mo nang kausap nandito lang ako" ngumiti siya akin na parang nagpagaan ng loob ko, sa tatlong taon na kasapi niya sa samahan ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni August, 'yung marunong magcomfort at marunong dumamay sa kapawa niya kapag nangangailangan.

"Salamat," maiksi kong tugon, naramdaman ko na lang ang marahan niyang paghagod sa likod ko, ganito pala ang pakiramdam na may nagaalo sa'yo, parang kahit anong oras may handang tumulong sa'yo.

Isinagawa namin muli ang ritwal ng pamamaalam, nagbigay uli ang liham ang bawat isa para sa namayapa naming kaibigan at sinunog ito hanggang sa maging abo gamit ang apoy ng kandila. Napaisip tuloy ako kung nagiging payapa ba ang mga kaluluwa ng taong sila mismo ang kumitil sa kanilang buhay, sabi kase sa bibliya ay malaking kasalanan sa Diyos ang pagpapakamatay. Sana maging payapa at matiwasay ang mga yumao naming kaibigan sa kabilang buhay, sana mapatawad sila sa ginawa nilang malaking kasalanan na pagpapatiwakal.

Nagpatawag ng pagpupulong si Frederick para makapag-usap ang walong natitira pang kasapi sa Creepy Hunters, naisip niya na kailangan namin mag-usap, lalo na't may nalagas na naman sa aming isa sa samahan. Matapos ang araw ng ginawang pagpapakamatay ni Allison ay nakita ko ang sobrang gimbal at takot ni Frederick, iyon ang unang beses ko siyang makitang gano'n. Sabagay, maski ako ay hindi din makakain nang maayos at makatulog pagkatapos kong mapanood kung paano kilitin ni Allison ang buhay niya sa harap naming tatlo.

Napagdesisyunan namin na magkita sa isang fast food malapit sa aming paaralan pagkatapos ng eskuwela, nang kumpleto na kaming walo sa loob ay nagkanya-kanya kami munang order ng pagkain bago magsimula ng pagpupulong, sabi ni Frederick ay malaki raw siyang anunsiyo na sasabihin sa amin, hindi tuloy ako mapakaling malaman kung anong anunsiyo ang sasabihin niya ngayong araw. Matapos ang tatlong araw ng libing ni Allison ay ngayon lang kase siya nagpatawag ng pagpupulong, siguro para respeto narin sa aming mga kasapi na nagdadalamhati sa pagkamatay ng aming kaibigan.

"Ang yaman ni pinuno ngayon, hindi ko tuloy alam kung anong anunsiyo ang sasabihin niya, baka naubos na 'yung budget natin dahil lang sa pakain ngayong araw" pagbaklas sa katahimikan ni Steve, wala kaseng gustong magsimulang magsalita sa amin, pawang lahat ay nakasara ang bibig at tanging anunsiyo lamang ng pinuno ang hinihintay.

"Loko ka talaga, brad" pabirong batok na saad ni Maximo sa kanya, napangiti nalang ako ng bahagya dahil sa kakulitin ng dalawa. Parang ngayon ko lang uli kase nakita ang dalawa na magbiruan, hindi na kase itonnaulit simula ng huling pagpupulong.

"Si Gino nagpapanggap pang mahinhin kumain, nahihiya pa sa pakain ni pinuno, alam naman naming lahat ikaw talaga ang pinaka masiba dito, tol" pang-aalaska ni Steve sa naglalagay na ng ketchup sa tissue na si Gino, napailing nalang ito sa pambibiro ng kanyang kaibigan.

"Hindi niyo napapansin si Michael marami nang nakakain" napatawa nalang kaming lahat ng halos mabulunan ito dahil sa ginawang paninita ni Alexa. Inabutan nalang siya ng isang baso ng coke para malunok nito nang maayos ang hamburger niya, napasuntok nalang ito sa dibdib at doon lang nito nalunok ang nakabara sa lalamunan niya.

"Loko ka talaga, Alexa. Kumain na nga lang kayo diyan" malakas na tawanan na lang ang naging tugon namin sa sinabi niya.

Matapos kainin ang lahat ng mga pagkain na ini-order namin ay may inilapag sa mesa na isang lumang libro at mga litrato si Frederick, nagulat ako sa ginawa nito dahil sa kalagitnaan ng asaran at katuwaan pa naman kami, lahat ay napakunot-noo sa nakita nilang mga litrato at libro. Hindi na bago sa akin ang mga litratong iyon dahil nakita ko na ang mga iyon nang ipuslit ni August sa loob ng silid ang bag ni Allison, biglang naging seryoso ang mga mukha ng aming mga kasapi lalo na si Frederick. Napahalukikip nalang si August habang nag-oobserba sa mga reaksyon ng mga mukha ng mga kasama niya, ganito pala ang ginagawa niya kapag may mga pagpupulong, hindi man siya kumikibo pero mabusisi naman niyang pinag-aaaralan ang pag-uugali ng bawat isa.

"Nakita ko ang lahat ng mga iyan sa loob ng bag ni Allison bago siya magpakamatay, gusto ko lang ipaalam sa inyo na bistado na ang ginawa niyong palihim na pag-iimbestiga ng wala akong permiso at nang pagtatago ng mga bagay na pwedeng makatulong sa atin sa imbestigasyon sa kaso ni Mr. Cardino" halata sa mukha ni Frederick ang sobrang pagdidismaya at napanganga nalang ako sa aking nalaman.

"Magpapaliwanag kami, pinuno" biglang pagtatanggol niya sa sarili na saad ni Michael.

"Kung ano man ang dahilan niyo ay malinaw ang mga ebidensiya na nagtago parin kayo ng lihim sa mga ating samahan na mahigpit nating ipinagbabawal, isa iyan sa mga sinumpaan nating pangako nang ginawa natin itong samahan. Sobra akong nadidismaya at nalulungkot sa ginawa niyong pagtalikod sa mga sinumpaan niyong pangako" malungkot na saad ni pinuno.

"Ayaw lang namin kayong mapahamak sa maling desisyon na ginawa namin, hindi ito basta pagtalikod lang sa tungkulin namin pinuno" tumango na senyales na sumasang-ayon si Alexa, Steve at Maximo sa sinasabi ni Michael. Marahil ang tatlo ay kabilang sa mga tinutukoy ni pinuno na isa sa mga tumalikod sa kanilang pangako, hindi ko naman akalain na magagawa nilang lahat ng iyon, malaki ang tiwala ko sa samahan pero matapos ang lahat ng mga narinig ko parang hindi ko alam kung magtitiwala pa ba ako sa kanila.

"Tulungan niyo kami, pinuno, parang awa mo na!" pagmamakaawa ni Alexa na biglang nanginig sa takot at nagpapanggap lang pala na walang pinagdadaanan.

"Alexa!" pipigilan pa sana ni Steve si Alexa sa mga sasabihin nito pero sumenyas na si Maximo sa kanya na mas mabuting malaman namin kung anong klaseng lihim ang pilit nilang tinatago sa amin.

"Nasa panganib ang mga buhay namin, hindi namin alam na sa gagawin pala naming ritwal ay may masu-summon kaming demonyo" paglalahad ng katotohan ni Alexa.

"Kailan pa nagsimula ang lahat ng mga ito?" tanong sa kanila ni pinuno.

"Noong araw na nakausap namin ni Allison ang asawa ni Mr. Cardino, binigay niya ang libro na 'yan sa amin, kasama yung transalation ng libro. Pinaniwala namin siya na tutulungan namin ito sa kung ano ba ang naging tunay na dahilan ng pagkamatay ng asawa niya" nagkatinginan kami ni August sa naging rebelasyon ni Alexa, hindi ko akalain na matagal na pala silang gumagawa ng hakbang ng hindi namin nalalaman.

"Anong meron sa libro na ito at bakit nagawa ni Allison at Sheena na kilitin ang buhay nila? Sinong demonyo ang nasummon niyo sa impyerno?" natakot ako sa mga nabitawan na tanong ni Frederick, nararamdaman ko ang pagpigil ni Frederick na hindi magalit sa lahat ng mga nalaman niya. Sa palagay ko isinagawa niya ang papupulong na ito dahil hindi niya kinaya ang lahat ng mga natuklasan niya, ayaw nitong manggaling mismo sa bibig niya ang masakit na katotohanan.

"Pakiusap, tulungan niyo kami! Hindi na din namin alam ang gagawin namin, nakikiusap ako sa inyo" naluluhang saad ni Alexa habang nagsusumamo sa paghingi ng tawad sa ginawa nila. Pinakalma naman ni Michael ito gamit ang paghagod sa likod pero bigla nalang bumuhos ang mga luha nito na kanina pang nagpipigil na bumagsak.

"Alam namin na nagsinungaling kami sa inyo pero parang awa niyo na! Wala na kaming ibang alam na maaaring hingian ng tulong bukod sa inyo" humihingi narin nang saklolo na saad ni Michael, patuloy parin ito sa pagpapatahan sa pag-iyak ni Alexa.

"Tutulong kami basta't sabihin niyo lahat ng mga nalalaman niyo tungkol sa mga larawang ito at sa lumang libro" wika ni August na biglang sumingit sa usapan, aakmang magsasalita na sana ang aming pinuno sa magiging desisyon nito pero biglang hinarangan ito ni August.

"Tutulong din ako pero tama si August, kailangan niyong sabihin ang lahat nang nalalaman niyo para malaman namin kung paano kayo matutulungan" pagboboluntaryo ko na pagtugon sa paghingi nila ng tulong.

"Ganoon din ako" saad ni Gino.

"Tutulong din ako" napangiti kaming lahat sa sinabi ng aming pinuno, ang akala namin ay tatalikuran nito ang kanyang mga kasapi dahil sa ginawa nilang pagsisinungaling sa samahan. Alam kong hindi lang kasapi sa samahan ang turing niya sa mga ito kundi tunay na rin na kaibigan.

Inilahad ni Alexa ang lahat ng mga nangyari, mula sa simula hanggang sa kung paano na may nai-summon silang dimenyo mula sa kabilang mundo, hindi naging malinaw para sa akin kung paano nila nagawa 'yon pero sa tulong raw iyon ng libro basta't sundin mo lang ang lahat ng mga nakasulat dito. Ibinigay sa amin ni Alexa ang translacion ng libro na si Steve pala ang nagtago, sinubukan kong intindihin ang pagtranslate ng mga salita mula sa papel na binigay nila hanggang sa libro pero hindi talaga siya ganoon madaling maintindihan. Ipinaliwanag sa amin ni Alexa kung ano ang ibig sabihin ng mga simbolo, ang sabi sa translacion iyon raw ay isang tatak na galing pa sa impyerno, ang marka na idinidikit sa mga demonyo na siyang patunay kung anong klaseng nilalang ito.

Lahat raw ng mga demonyo ay may mga marka, hindi raw sila pare-parehas ng mga tatak na ibinibigay sa kanila, ngunit lahat ng mga marka ito ay patunay na makapangyarihan at ganap na silang malakas na demonyo, maaari na nilang linlangin ang mga tao sa pamamagitan ng mga halusinasyon, bulong at ang pinaka huli ay ang pagsanib nila dito na talagang mapanganib. Nang araw na ginawa raw nila ang ritwal ay kailangan raw nilang mag-alay ng dugo ng pusa, kailangan ay walang makakakita sa kanila at tanging liwanag lang ng mga kandila ang magsisilbing liwanag. Madali naman ang unang instructions na gagawin kailangan lang ay gumihit ng hugis na bilog gamit ang dugo ng pusa, itong bilog na iginuhit nila ay siyang magsisilbing dimensyon para makapunta sila sa kabilang dimensyon.

Ang sumunod na ginawa nila ay naghawak-hawak sila ng kamay at sabay-sabay nang nagdasal ng mga salitang hindi sila pamilyar, kailangan ay paulit-ulit lang nila itong bigkasin hanggang sa magbukas ang kabilang dimensyon. Habang isinasagawa raw nila ito ay may kung anu-anong ingay at bulong silang naririnig, pakiramdam nila ay punong-puno ng tao sa loob ng silid at nagsisiksikan sila dahil sa sobrang init, kahit na tanging anim na tao lang naman ang nasa loob. Ipinagpatuloy parin nila ang pagsagawa ng ritwal hanggang sa isa-isang namatay ang mga kandila at wala na silang makita, doon ay nagkalas sila ng mga kamay at binuksan nila ang mga namatay na kandila.

Nagtawanan pa nga raw sila pagkatapos noon at nagdesisyon na hindi na ipagpatuloy ang sinumulan nilang ritwal at umuwi na sa kani-kanilang mga tahanan pero pagkatapos ng araw na iyon ay nagkaroon sila ng mga masasamang panaginip. Minsan, nagigising sila na dumudugo ang mga ilong nila sa hindi malaman na dahilan pagkatapos ay may naririnig silang bulong kahit wala naman tao sa paligid, hindi nila pinansin ang mga iyon hanggang sa may magpakita sa kanilang kakaibang nilalang, mahaba raw ang mga kuko nito, wala itong anyo dahil nagtatago lang ito gamit ang isang anino. Malalaman mo raw nandoon ito sa paligid kapag narinig mo ang mga pagkaskas ng mga ngipin, mga kaluskos na mahirap hanapin kung saan nanggaling at minsan maririnig mo ang kumakalam nitong sikmura.

"Ibinigay ko na sa inyo ang lahat nang mga nalalaman ko, nagsasabi ako ng totoo, lahat ng 'yun ay totoong nangyari, sa ngayon ang hindi lang namin alam ay kung paano namin malalaman kung sino na ang susunod na bibiktimahin nang napakawalan naming demonyo" saad ni Alexa na tinaas pa ang kanang kamay na tila namamanata.

"Okay, okay, okay. Naniniwala na kami sa'yo" saad ni August matapos ang mahabang paglalahad nito ng katotohanan.

"Maaaring makatulong sa atin ang asawa ni Mr. Cardino, sigurado akong may mga nalalaman siya na pwedeng makatulong para malaman natin kung paano mapipigilan ang pagdating ng demonyong sinasabi niyo" suhestiyon ko ng biglang pumasok sa isip ko na sa kanya naman nangggaling ang libro, baka may mga naiwan pang kung anong gamit si Mr.Cardino na tinago ng asawa niya na puwedeng makatulong sa amin.

Nagkatinginan sila Alexa at Michael sa sinabi ko, biglang nawalan ng pag-asa ang mga mata nila. "Tungkol kase sa asawa ni Mr. Cardino..." tumingin muna ito sa mga kasama niyang nasa panganib din ang buhay. "Tatlong araw pagkatapos niyang ibigay ang mga bagay na ginamit namin sa ritwal.... Natagpuan nalang siyang patay ng kanyang anak na nakabigti sa sarili nitong kwarto"