MARCUS
"Anong pangalan mo?"
"Ewan."
"Saan ka nakatira?"
"Ewan."
"Saan ka nag-aaral?"
"Ewan."
"Paano ka namatay?"
"Ewan."
Nakakailang tanong na ako pero lahat ay hindi niya alam. "Wala ka talagang alam?" Tanong ko pa.
"Wala nga. Kaya nga nanghihingi ako ng tulong sayo diba?" May pagkasuplada pang sagot niya.
"Sabagay wala na nga pala talaga kayong alam kapag namatay na kayo." Tugon ko. Naglalaba ako ngayon ng mga damit namin ni mama habang ang makulit naman na multong ito ay nakaupo sa harap ko.
"Marcus Allixtair De Veron." Pagbabanggit nito sa buong pangalan ko. "Saan nakuha pangalan mo?" Tanong pa niya.
"Ewan ko. Si mama baka alam niya." Sagot ko habang nagkukusot ng tshirt.
"Bigyan mo ko ng pangalan." Deretsong aniya.
Napantingin naman ako sa kanya. "Pangalan? Bakit pa magpapangalan e di mo naman na magagamit yan?"
"Magagamit mo kaya. Para hindi na "hoy" ang tawag mo sa akin." Sagot niya.
Napaisip naman ako sa sinabi niya. "Oo nga noh? Sige anong gusto mong itawag ko sayo?" Tanong ko pa sa kanya nang marealize na tama naman siya.
Bigla naman niya ang binato ng napulot niyang maliit na bato. "Bakit ako? E ikaw nga magbibigay sa akin e." Sagot nito.
"Wala akong alam sa pangalan ng babae." Tugon ko.
Napatigil siya saglit para mag-isip. "Ah! Alam ko na." Nakangiting sabi niya na nakaisip na yata ng pangalan niya. "Allistair na lang. Kinuha ko sa second name hehe."
"Allistair? Okay na rin. Sige Allistair na itatawag ko sayo." Pagsang-ayon ko. Pumalakpak pa siya sa tuwa dahil may pangalan na siya. "Wag ka ngang pumalakpak. Mukha kang sea lion." Pang-aasar ko.
"Ang ganda ko para maging isang sea lion." Pagkontra naman niya. "Bakit nga pala sa ganito lang kayo nakatira ng mama mo?" Biglang tanong niya.
Napatigil ako sa pagkukusot dahil sa tanong niya. "Wala e. Ganun talaga." Tugon ko at nagpatuloy na sa ginagawa.
"Anong ganun talaga? May trabaho ka naman kaya pwede kang lumipat sa mas malaking bahay." Sabi pa niya.
I sighed. "Allistair, itong mundong ginagalawan ko ay hindi kasingdali ng iniisip mo. Kahit pa may trabaho ako ay hindi sasapat para sa mas maayos na tirahan dahil pinapagamot ko si mama."
"Bakit nga ba ikaw ang nagtratrabaho? Nasaan ang papa mo?" Tanong pa niya. Hindi ko magawang mainis sa kanya dahil alam ko namang wala siyang alam sa nangyari sa pamilya namin.
"My father died four years ago." Sagot ko habang nagpapatuloy sa pagkukusot.
Natigilan naman si Allistair. "I'm sorry." Tugon niya.
Tumingin ako sa kanya na parang nahiya dahil sa tanong niya. "Ayos lang. Tanggap ko na." Nakangiti kong sabi.
Hindi siya kumibo habang pinagmamasdan lang ako na naglalaba. "Kung mabibigyan ako ng pagkakataon na makausap ulit ang family ko kung meron man, I'll tell them to help you." Biglang sabi niya.
"Hindi ako nanghihingi ng kapalit." Tugon ko.
"I won't do that because you helped me. I'll do that because you deserve a better life." Napatigil ako sa pagkukusot nang marinig ko iyon. "You're a good guy." Dagdag pa niya.
"Ang bait mo yata ngayon?" Tanong ko na hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya.
"Ngayon lang yan. Mamaya mangungulit ulit ako." Tugon niya at nag-evil laugh pa. "Sige na tapusin mo na yan." Aniya saka bigla na lang naglaho. Iiling-iling na lang akong nagpatuloy sa paglalaba.
Alas-nwebe ng umaga noong matapos ako sa pagsasampay. Pumunta ako saglit sa palengke para bumili ng uulamin namin ni mama bago magluto. Hindi inaatake ngayon si mama ng sakit niya kaya tahimik lang siya habang nakaupo at pinapanood na maglaro ang mga bata sa labas. Ibinilin ko din muna sa kapitbahay namin na silip-silipin si mama habang wala pa ako. Nang makabalikay nagluto na agad ako. Habang hinihintay ko naman maluto ang pagkain ay naglinis ako ng bahay. Ganto lang ang lagi naming sitwasyon ni mama. Kahit mahirap ay kailangan ko tiisin dahil wala naman akong ibang magagawa wag lang talagang susumpungin si mama.
"Mama kakain ka na." Sabi ko kay mama habang nagsasandok ako ng pagkain niya. Nilagyan ko na ng towel ang harapan ng damit niya para hindi madumihan. Nakatulala lang siya habang pinapakain ko siya. Matapos kumain ay nagpahinga muna ako bago ko siya pinaliguan. Nang matapos ko namang paliguan si mama ay sarili ko naman ang inasikaso ko.
"Allistair" tawag ko sa makulit na multo habang pinapatuyo ko ang buhok ko. "Lumabas ka na dyan."
Bigla naman siyang lumitaw sa likod ko. "Bakit?" Agad nitong tanong.
"Mag-usap tayo kung paano mo kita matutulungan." Tugon ko.
Prenteng-prente siyang umupo sa isang monoblock chair. "May naisip ako." Aniya.
"Ano?" Tanong ko.
"Hanapin natin kung saang eskwelahan ang may ganitong uniform tapos hingiin mo yung year book nila baka nandon ako." Tugon niya.
Maganda ang naisip niyang idea. "Sige." Pagsang-ayon ko. "Pero bukas na tayo lumakad dahil may raket ako ngayon." Mabilis kong dagdag.
"Okaayyy." Tugon niya at saka naglaho.
Nang maituyo ko na ang buhok ko ay pumunta ako sa kapitbahay namin para ibilin si mama.
"Aling Emma, pwede po bang tignan tignan nyo po ulit si mama? May raket po kasi ako ngayon e." Pakikiusap ko sa kapitbahay namin na si Aling Emma.
"Sige ako nang bahala basta may iniwan ka ng pagkain niya ha?" Pagpayag naman niya.
"Opo. Kumuha na lang din po kayo kung gusto niyo. Salamat po." Nakangiting tugon ko.
"Mag-iingat ka." Anito.
"Salamat po ulit." Iyon lang at umalis na ako.
Si Aling Emma na kapitbahay lang namin ang naasahan kong magtitingin saglit kay mama sa tuwing wala ako. Mabait siya kaya napagkakatiwala ko sa kanya ang mama ko. Nag-iiwan na lang ako ng pagkain para hindi ko na iasa pa sa kanya ang pagluluto ng makakain.
"Wala ka talagang raket noh?" Nagulat ako nang bigla na lang sumulpot si Allistair habang naglalakad ako sa kalsada.
"Meron kaya lubayan mo muna ako." Sagot ko.
"Wala kaya." Giit niya.
I sighed. "Oo na, wala talaga. Makikipagkita lang ako sa inutangan ko ng pera pambili ng gamot ni mama."
"E bakit sabe mo sa babae kanina may raket ka?" Tanong pa niya.
"Kase alam kong umaaligid ka." Sagot ko.
Napatigil ako sa paglalakad nang humarang siya. "Baka naman pwede mong saglit na alamin yung school ko." Anito na nagpapacute.
"Ayaw ko." Tugon ko at nilagpasan na lang siya. Mabuti na lang na nakaearphone ako kaya hindi ako mukhang weird kapag kausap ko si Allistair.
"Please?"
"No."
"Dali naaaa."
"Ayaw."
"Saglit lang."
"Bukas na."
"Ngayon na."
"Bukas."
"Ngayon."
"Aba! Ikaw na nga nagpapatulong demanding ka pa?" Reklamo ko sa kanya.
She pouted. "Pleaseee?"
I sighed. "Okay pero pagtapos na namin magkita ni Brandon." Pagpayag ko na lang dahil nakukulitan na ako.
"Yeheeeyyy!" Tuwang-tuwa namang tugon niya. Iiling-iling na lang akong nagpatuloy sa paglalakad.
Makikipagkita ako ngayon kay Brandon na inutangan ko pambili ng gamot ni mama dahil nagalaw ko ang naipon ko para ipambayad sa utang namin sa terror na babae kahapon.
"Bro" tawag niya sa akin ni Brandon sa di kalayuan.
"Hey!" Bati ko sa kanya.
Nang makalapit ay iniabit niya agad ng sobre na may lamang pera. "Dinagdagan yan ni mommy pero wag mo na daw bayaran yun." Agad nitong sabi nang kuhanin ko ang sobre.
"Eh? N-nakakahiya naman." Nahihiya kong tugon.
Umiling naman siya. "Ayos lang yun ano ka ba? Hindi ka naman iba e."
"Maraming salamat ha. Wala na kasi akong malapitan e." Wika ko na medyo nahihiya pa din dahil sa dagdag na binigay ng mommy niya.
"Basta kapag kailangan mo ng tulong, tawagan mo lang ako. I gotta go now. May biglaan kasi akong lakad." Tugon niya.
"Ganun ba? Sige ingat ka." Iyon lang at nagmamadali na siyang umalis.
Kaibigan ko si Brandon simula pa noong high school. Maaga siyang naulila sa ama na naging dahilan para muntik na bumagsak ang business nila. Sa murang edad ng kuya nya ay natuto na itong magpatakbo ng negosyo na ngayon ay lumalago na ulit.