MARCUS
"Allistair" tawag ko sa makulit na multo nang makaalis si Brandon.
"I'm here!" Tugon nito na nakaupo pala sa isang bato sa gilid.
"Isasabay ko ang paghahanap ng kaparehas ng uniform mo sa pagbili ko ng gamot ni mama. As of now wag ka munang makulit ha? Madaming tao." Sabi ko sa kanya at naglakad na.
"Okay boss." Pagsang-ayon naman na sumunod na sa paglalakad.
Pupunta ako ngayon sa isang pharmacy para bumili ng gamot ni mama. Pagabi na rin kaya isasabay ko na lang ang paghahanap ng kaparehas ng uniform ni Allistair.
Ang makulit naman na multong 'to ay inosente sa mga bagay na nakikita. Tuwang-tuwa kapag nakakakita ng umiilaw na bagay.
Medyo mahaba ang pila sa loob ng pharmacy kaya siguradong medyo matatagalan ako. Habang nagpapahupa ng dami ng tao ay lumabas muna ako para bumili ng kaunting grocery sa kabilang store. While looking for some men stuffs I noticed two male students talking. Kaparehas ng kulay ng uniform nila ang suot ni Allistair. Hindi ako lumapit pero sinilip ko kung may i.d sila dahil baka nakalagay sa i.d lace nila ang school na pinapasukan nila pero wala akong nakita. Bumuntong hininga ako bago lumapit sa kanila.
"Hmm excuse me? Pwedeng magtanong?" Deretso kong sabi nang makalapit.
"Ah opo." Nakangiting sagot ng lalaki sa kanan. Kung titignan ay mukha naman silang mabait at halatang mas bata sila sa akin siguro mga sixteen years old and below ito.
"Saang school kayo nag-aaral?" Tanong ko pa.
"School? RWIS po." Sagot naman ng lalaki na nasa kaliwa.
"Oh okay. Salamat." Nakangiting tugon ko at umalis na. RWIS? Anong school yun? Hindi ko na natanong sa kanila kung anong full name ng school dahil baka mapagkamalan nila akong masamang loob.
Nang makuha ang mga bibilhin ay dumeretso na ako sa counter para makabalik na ako sa pharmacy. Wala nang masyadong tao kaya hindi na rin ako nagtagal. Tulad ng inaasahan ay inabot na naman ng 3k mahigit ang gamot ni mama sa loob lang ng dalawang linggo.
"Anong sabi ng kausap mong dalawang lalaki kanina?" Tanong sa akin ni Allistair na lumitaw na lang bigla.
"Paano mo nalaman?" Tanong ko.
She rolled her eyes. "Nandon kaya ako duh."
"I see. Sa RWIS daw sila nag-aaral, hindi ko naman alam kung saan yun." Sagot ko sa tanong niya kanina.
"Edi alamin mo." Tugon nito.
Iiling-iling akong nagpatuloy sa paglalakad. "Ang attitude mo talagang multo ka."
"E paano ba naman kasi pwede mo naman tanungin kung anong full name ng school pero hindi mo nagawa." Mataray niyang sagot.
"Baka mapagkamalan pa akong masamang loob." Tugon ko.
"Sabagay. Bakit ba kasi naka-cap ka pa?" Tanong niya na tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa.
"Wala ka na dun." Sagot ko. Nakasuot kasi ako ng sinpleng tshirt at pantalon. May cap din ako kaya para akong mga takas sa kulungan na nagtatago sa pelikula.
Nang nakarating sa bahay ay naabutan kong pinapakain ni Aling Emma si mama.
"Aling Emma, ako na po ang magpapakain kay mama." Agad kong sabi nang makapasok.
"Ah sige. Napaliguan ko na ang mama mo dahil parang init na init siya kanina. Binatuan ko naman ng mainit yung tubig kaya hindi malamig." Tugon niya.
"Ganun po ba. Maraming salamat po." Wika ko habang kinukuha ang wallet sa bulsa. "Eto po pala tanggapin niyo na. Konting bayad lang po sa pagbabantay nyo kay mama." Sabi ko at saka iniabot ang 300 pesos na tinanggap naman niya.
"Naku hindi ko to tatanggihan dahil panggatas din to ng apo ko. Sige na uuwi na ako." Aniya at lumabas na ng bahay.
Ipinagpatuloy ko naman ang pagpapakain ko kay mama bago ko siya painumin ng gamot. "Ma, inumin mo na itong gamot mo." Sabi ko sa kanya dahil ayaw niyang inumin ang gamot. "Inumin mo na ito para gumaling ka." Tumitig muna siya sa akin bago kinuha ang gamot at ininom. Medyo hindi okay ang kalagayan niya ngayon dahil sa mga narinig niya sa terror na naningil sa amin ng utang. Mabuti na lang dahil hindi na siya nagwala na siguro ay epekto na rin ng sunod-sunod niyang paginom ng gamot. Habang naghuhugas ng plato ay napangiti ako nang mapansin na nagkusa na si mama na pumunta sa kwarto para matulog.
"Tapos ka na?" Nagulat ako nang bigla na lang magsalita si Allistair na nakaupo sa gilid ng lababo.
"Bakit ka ba nanggugulat?" Naiinis kong tanong.
"La? Ginulat ba kita?" Tanong din niya sa akin.
"Bigla bigla ka na lang nasulpot." Umiiling kong sagot.
"E anong gusto mong gawin ko? Mag-fade in?" Pilisopo niya pang tanong.
"Aba! Bahala ka dyan. Hindi kita tutulungan." Naasar kong tugon.
Napatayo naman siya bigla. "Eh? At bakit naman aber?" Tanong pa niya habang nakapameywang pa.
Attitude talaga 'tong multo na ito.
Tumigil ako sa pagbabanlaw ng plato. "Alam mo? Sa lahat ng nakilala kong multo ikaw yung maattitude."
"E ikaw nga kalalaking tao ang sensitive. Wala namang ginagawa bigla na lang maiinis." Mataray pa niyang tugon.
"Siguro nung buhay ka pa ang daming naiinis sayo."
"At bakit na naman ha?"
"E halata naman. Multo ka na nga ang attitude mo pa. Paano pa kayo noong buhay ka?"
"Mabait ako nung buhay pa ako."
"Sinong nagsabe ha?"
"Sabe ko."
"Oh tamo. Self-proclaimed mabait."
"Ikaw nga kalalaking tao napatol sa babae. Bading ka ba?"
"Hoy! Hindi ako bading."
"E bat ka naaasar?"
"Kase nakakaasar ka." Tugon ko at nagpatuloy sa pagbabanlaw. "Bahala ka talaga dyan, hindi kita tutulungan."
"La? Hoy sabe ko nga hindi bading."
"Heh."
"Binibiro ka lang e. Dali na."
"Ayaw."
"Edi wag!" Aniya at bigla na lang naglaho.
Naiinis na tinapos ko ang paghuhugas ng plato bago naligo. Hanggang sa pagtulog ay hindi ako binubulabog ni Allistair. I can't even feel her presence. Mabuti naman dahil magiging payapa ako ngayon at bukas. Tumutulong talaga ako sa multo pero ang isang 'to ang pinakanakakainis tulungan, ang demanding at ang kulit. Bumuntong hininga ako at saka hinayaan na lamunin ng antok.