MARCUS
"Ysa!" Napalingon kaming parehas ni Ysa nang may marinig naming tinawag siya ng mommy niya. "What the hell are you doing? I told you not to come close to this guy anymore!" Galit na sabi ni Mrs. Mandelope.
"Mommy, p-pinasakay ko l-lang po s-siya ko p-para ihatid. Gabi na po kasi e." Pagpapaliwanag naman ni Ysa.
Hindi sumagit ang mommy niya sa halip ay ako ang hinarap nito. "Hindi ba't sinabi ko sayong wag ka nang lalapit sa anak ko? Bakit mo ba gustong-gusto mo siya maging kaibigan? Dahil sa pera ha?"
"Ma'am hindi po." Kalmado kong sagot.
"Anong hindi? Ayaw kong makikitang-"
"Mommy stop it already. Let's go home." Pag-aawat naman sa kanya ni Ysa.
Nakatingin lang sa akin ang mommy niya. "Mabuti pa nga kesa makipag-usap sa isang mahirap." Tugon nito at saka hinila ang anak nya.
"Sorry!" Pahabol na sabi pa ni Ysa.
I was hurt by her mother's words but I couldn't do anything dahil ganoon na talaga kababa ang tingin niya sa akin. Nasanay na akong minamaliit ng ibang tao pero hindi ko maiwasang masaktan sa mga sinasabi nila lalo na kapag may nakakarinig na ibang tao. Pero imbes na magpaapekto sa mga salita nila, ginagamit ko na lang iyon para magkaroon ng rason para maabot ko ang pangarap ko na maibalik ang dating buhay namin.
Bumuntong hininga ako at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Malayo-layo na rin ang nalalakad ko nang bigla na lang may humawak sa braso ko. Malamig ang kamay niya kaya sigurado akong hindi siya tao.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko nang lingunin ko siya.
"Tulungan mo ko." Sagot nito habang nakayuko.
"Hindi kita matutulungan." Tugon ko.
"Matutulungan mo ako..." she raised her face. "Kahit ngayon lang."
Hindi ako tumugon dahil nagdadalawang isip ako kung tutulungan ko ba siya o hindi. I can see sadness in her eyes like it's begging me to help her.
I sighed. "Okay. Anong magagawa ko?"
"Sumunod ka." Aniya na ginawa ko naman. "Kapag nahihirapan ang bunsong kapatid ko sa project niya ay ako ang gumagawa noong nabubuhay pa ako." Pagkukwento niya habang naglalakad kami.
"Anong gusto mong gawin ko?" Tanong ko.
"Kaya kung pwede ay ikaw na ang tumapos ng project niya na nung nakaraan pa niya ginagawa." Sagot nito. Hindi ako kumibo hanggang sa dinala niya ako sa isang bahay. Nang makapasok ay bumungad sa akin ang mga gamit na nakakalat. "Popsicle stick house ang project nila. Kaya mo bang gawin?" Ani ng babaeng multo.
"Oo." Sagot ko at saka pumwesto na para gawin ang sinasabi niya. Kumpleto naman ang gamit na kailangan ko kaya siguro ay matatapos ko din 'to agad. "Anong style ba ang gusto niyang gawin?" Tanong ko.
"Yung dream house niya na may second floor at veranda." Sagot niya. Tumango na lang ako bilang tugon at sinimulan na ang paggawa.
Bigla naman akong napaisip kung bakit naaalala niya kung sino ang kapatid niya. "Bakit nga pala kilala ang kapatid mo? Hindi ba't nalilimutan nyo ang dating buhay nyo pag multo na kayo?" Tanong ko.
"Naaalala namin ang lahat kapag malapit na mag-isang taon." Sagot niya. "Matagal na akong naghahanap ng makakatulong sa akin pero kanina lang kita nakilala. Sa makalawa pa ako mag-iisang taon pero aakyat na ako kapag natapos ka na dyan." She added.
"Oh I see." Tumatango kong tugon.
Kung naaalala ng mga multo ang nakaraan nila bago mag-isang taon, ibig sabihin ay malapit na din bumalik ang alaala ni Allistair?
Binilisan ko ang paggawa pero inabot pa din ako ng dalawa't kalahating oras. Mahimbing pa ring natutulog ang kapatid niya nang matapos ako.
"Salamat." Nakangiting sabi ng babaeng multo habang unti-unti siyang naglalaho.
"You're welcome." Tugon ko.
"Nasa park si Allistair." She said before she was completely vanished.
Hindi na ako nakatugon pa kaya mabilis kong kinuha ang bag ko para puntahan si Allistair sa park. Isang park lang naman ang meron dito at malapit lang din sa bahay na pinuntahan namin nung multo kaya tinakbo ko na lang. Hinihingal na mabilis kong hinagilap si Allistair sa park.
I can't see her but I can feel her presence.
"Allistair" Tawag ko sa kanya. She seems like to be leaving because I feel her presence slowly disappearing . "Wag kang aalis. Magpakita ka." I added na hinihingal pa din.
Wala akong narinig na tugon mula sa kanya. Maya-maya pa ay bigla na lang siyang nagpakita na nakaupo pala sa swing. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya pero hindi nakatingin sa akin.
"Pinuntahan ka. Sabi nung babaeng multo nandito ka daw." Sagot ko. Pinagpagan ko saglit ang tshirt ko bago lumapit sa kanha.
"Ah yung babaeng nakausap ko kaninang umaga ata ang tinutukoy mo." Tugon niya.
Umupo ako sa katabing swing. "Do you know her?" Tanong ko.
"Oo."
"Ikaw ang nagsabi sa kanya tungkol sa akin noh?"
"Oo."
"Himala hindi ka nag-deny?"
"Why would I deny that?"
"Multong englisherist."
"Englisherist? Saan mo napulot yun?"
"I just saw it on social media."
"Masama bang mag-english ang multo ha?" Mataray niyang tanong pero natatawa naman.
I laughed. "Bakit mo nga pala ginawa yun?"
"Gusto ko lang siya matulungan. Wala naman akong kilalang ibang tutulong sa kanya kundi ikaw." She answered.
"Hay nako." Buntong hiningang tugon ko.
"Umuwi ka na. May pasok ka pa bukas." Aniya na tumingin ulit sa kawalan.
"Anong ako? Tayo." Tugon ko.
"Ikaw na lang. Maghahanap pa ako ng tutulong sakin." Sagot niya sa nagtatampong boses.
"Maghahanap ka pa e nandito naman ako."
"E diba ayaw mo nga ng may makulit, maattitude at pikunin na multo?"
"Wala akong sinabing ganon."
"Meron."
"Wala."
"Aba! Bahala ka dyan basta meron kang sinabe."
"Ikaw na nga 'tong tutulungan na ang attitude pa."
Gulat siyang napatingin sakin. "Tutulungan mo ulit ako?"
"Oo kaso inaaway mo na naman ako." Sagot ko.
"Eto naman hindi mabiro HAHAHA! Tara na uwi na tayo." Tugon niya at saka tumayo na mula sa swing.
Iiling-iling na lang din akong tumayo para maglakad na pauwi. Hindi ko rin alam sa sarili kung bakit gusto kong tulungan si Allistair na magawa ang last mission niya. Naiirita ako kapag makulit ang isang babae pero iba 'tong babaeng multo na to. It seems like I'm already attached to her even though it's been a few weeks since I met her.