Chereads / Our Supernatural Love / Chapter 5 - Chapter 4

Chapter 5 - Chapter 4

MARCUS

Napabalikwas ako ng tayo nang mapansing wala na si mama sa tabi ko. Nakabukas na din ang bintana kaya nasapul ako ng sinag ng araw. Nagpalinga-linga ako pero wala si mama kaya sinubukan ko siyang katukin sa c.r. pero wala rin.

"Oh anak gising ka na pala." Nagulat ako nang biglang magsalita si mama na kakapasok lang. "Bumili lang ako ng paminta sa tindahan. Hindi ka nagising kanina nung tumunog yung alarm mo kaya ako na ang bumangon para asikasuhin ka." Nakangiting dagdag niya.

I smiled as she spoke normally. Nasa tamang pag-iisip na ngayon si mama dahil sunod-sunod ang pag-inom niya ng gamot na maganda ang epekto sa kanya. Medyo magaan ang araw-araw na buhay namin ni mama kapag ganyan siya dahil nakakakilos siya nang maayos at nababawasan din ang ginagawa ko.

"May niluto akong itlog dyan, iyon na lang ang ipalaman mo sa pandesal. Paborito mo 'yon diba?" Nakangiting sabi pa niya habang ginigiya ako paupo sa hapagkainan. "Teka lang, ipagtitimpla kita ng gatas." Aniya at saka kumuha na ng baso. Laging gatas ang ipinapainom sa akin ni mama kapag siya ang nag-aasikaso sakin para daw healthy.

"Ma, ikaw hindi ka pa kakain?" Tanong ko sa kanya habang nagtitimpla siya ng gatas.

"Kakain na. Hinintay lang kitang magising." Sagot niya na tinapos na ang ginagawa at saka sinabayan ako sa pagkain. "Oo nga pala, wala ba akong ginawang mga weird na bagay? I mean hindi ba ako nagwala or something?" Tanong niya habang nakain kami.

"Wala. Nakatulala ka lang dyan sa bintana." Sagot ko.

She smiled. "That's good."

Walang natatandaan si mama sa tuwing nawawala siya sa sarili niya kaya naman kapag umookay siya ay lagi siyang nagtatanong sa akin. Alam kong hindi niya rin gusto ang kalagayan niya pero wala naman kaming magagawa dahil hindi na siya gagaling nang tuluyan.

Tinapos ko agad ang pagkain ko bago naligo. I can't feel Allistair's presence since last night. Saan naman kaya pumunta ang babaeng yun? Siguro naghanap na ng ibang tutulong sa kanya. Mabuti nga yun para wala nang maattitude at makulit na multo ang manggugulo sa akin.

Paglabas ko ng c.r. ay plantsado na ang uniform ko kaya nakapagbihis na agad ako.

"Ma, aalis na ako ha. Kapag nararamdaman niyo na sumasakit na ang ulo niyo ay magpahinga na agad kayo." Bilin ko sa kay mama.

Lumapit siya sa akin para ayusin ang kwelyo ko. "Alam ko. Mag-iingat ka ha." Bilin din niya sakin. Iyon lang at umalis na ako.

Isa akong Grade 12 student na nag-aaral sa isang hindi kalakihan pero private school. Scholar ako ng parents ni Triv kaya naman hanggang kaya ko ay pinapanatili ko ang maaayos na grado dahil iyon na lang ang maisusukli ko sa kanila.

"Marcus!" Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang malakas na tawag sa akin ni Seb. "Free ka mamayang gabi?" Agad niyang tanong ng makalapit.

"Mamayang gabi? Hindi e." Sagot ko.

"Again? Overtime sa trabaho?" Tanong pa niya.

"Hindi. Si mama kasi walang magbabantay. Bakit?" Tugon ko.

He sighed. "Gusto lang kita ilabas. Masyado ka na kasing nakakulong sa sitwasyon ng buhay mo. You also need to have fun hindi yung puro ka lang aral, trabaho at pag-aalaga sa mama mo."

What he said touched my heart. "Thank you pero madami pa akong aasikasuhin e." Tugon ko.

"Sige na nga. Basta next time ha? Sige na may klase pa ako. Babye!" Iyon lang at nagmamadali na siyang umalis.

I met Seb when I was in Grade 10. Madali kaming nagkasundo sa mga bagay-bagay. Ayaw niyang malayo sa akin pero kinailangan namin maghiwalay ng strand dahil magkaiba ang career na gusto naming tahakin.

"Marcuuuus" Si Ysa agad ang bumungad sa akin nang makapasok ako sa classroom. Hinila niya ulit ako palabas ng room at saka bumulong. "Ako na gumawa ng part mo sa research. Napasa ko na kay Buenavista pero ang sabi ko ikaw ang gumawa. Wag ka maingay ha?"

"Ha? Bakit mo naman ginawa yun? Kaya ko naman yun matapos e." Tugon ko.

She rolled her eyes. "Ginawa ko na nga yun para sayo e dahil alam kong pagod ka lagi."

"Oo na nga. Thank you." Nakangiti kong tingin na bahagyang ginulo pa ang buhok niya.

"Hay nako. Tara na nga." Aniya at saka hinila na ulit ako pabalik sa classroom.

Ysa Mandelope became my girl bestfriend last year. Her parents owns one of the largest magazine company in Asia but despite their family's wealth, she still chose to study here. Sabi niya kasi ay hindi naman mahalaga kung saan ka nag-aaral, ang mahalaga ay ang pinag-aaralan mo. At first, I could not believe she was rich because of her actions. She will always choose street foods than expensive restaurant. Ysa grew up with a golden spoon in her mouth pero hindi siya naging maarte. But she's actually the opposite of her parents and relatives that are so arrogant. Mahigpit sila kay Ysa kaya hindi ko rin siya minsan masisi kung bakit inaayawan niya ang pamilya niya kahit mayaman sila.