Chereads / THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel) / Chapter 80 - CHAPTER SEVENTY NINE

Chapter 80 - CHAPTER SEVENTY NINE

(Kensington High School...after six months)

(Kath Rence's POV)

JUNIOR - SENIOR PROMENADE.

Isa sa mga pinaka-memorable na event sa buhay ng isang high school student. Last year, umattend na rin ako nito pero nagmukha lang naman akong dekorasyon sa pader. But this year, on my senior year, hinding-hindi ko ito makakalimutan, dahil kasama ko na ang mga friends ko pati na rin ang hubby ko na si Sachi.

Escort ko sa prom si Sachi na sobrang guwapo ngayong gabing ito. Pagdating na pagdating pa nga lang namin sa school ay pinagkaguluhan kami ng mga schoolmates namin. Marami pa nga ang nagsasabi na baka makoronahan kaming Prom King and Queen this year.

Pero hindi ko kailangan ang koronang yun para maramdamang reyna ako, dahil hindi nagkukulang si Sachi para iparamdam sa aking reyna ako ng buhay niya.

"Shall we dance, my queen?"

Napalingon ako at nakita ko si Sachi na nakalahad ang kamay sa akin.

"Sure." nakangiti kong sabi. Nagsayaw kaming dalawa sa dance floor. Titig na titig siya sa akin.

Hihi, kinikilig na naman ang lola nyo.

"I'm so lucky to have you as my girlfriend. Dati...sa pangarap ko lang nagagawang makasama ka. Sa pangarap ko lang nagagawang mahalin ka. Pero ngayon, nagkatotoo na ang lahat ng iyon. Katy...salamat dahil tinupad mo ang pangarap kong yun." pabulong niyang sabi sa akin habang magkasayaw kami.

"Thank you, hubby ko." and I smiled at him. "Ikaw ang suwerte sa buhay ko."

"Aba, suwerte ka na rin kaya sa akin. Kaya nga mahal na mahal kita eh." sabi niya sabay halik niya sa noo ko.

Kokontra pa ba ako?

When I'm dancing with my ideal man?

PS: Hindi kami ni Satchel ang nanalong Prom King and Queen. Sina Chelsie at Joshua ang nag-uwi ng korona. Pero okay lang yun sa akin. Daig ko pa ang isang prinsesa o reyna sa piling ni Satchel.

MY ONE AND ONLY...

DREAM MAN.