(After eight years...)
Nakatapos ng kursong Education sa Amerika si Kath Rence, with matching Magna Cum Laude award. Gayundin si Satchel. He finished Engineering with high honors. Ngunit maagang nagbuntis si Kath sa panganay nilang anak ni Satchel kung kaya naman agad silang nagpakasal. Sa ngayon ay presidente na ng De Vega Empire Group of Companies at Kensington High School Incorporated si Satchel habang kaka-assign pa lang kay Kath bilang bagong principal ng Kensington High School.
Samantala, nakapagtapos si Chelsie sa kursong Business Administration at ibinigay sa kanya ang pamamahala ng buong Casablanca boutique. Sa ngayon ay naninirahan na siya sa Italy kapiling ang kanyang mister na si Joshua na ngayo'y isa na sa mga kinikilalang business tycoon sa buong mundo. Biniyayaan sila ng dalawang anak, sina Nina Stacey at Johanna Marie.
While Riri and Yogo turned into a well known fashion designers in the world. Sila ang nagmamay-ari ng pinakasikat na online boutique na nag-di-distribute at nagbebenta ng mga designs nilang gowns, costumes at cocktail dress sa iba't ibang bansa. Bukod pa roon ay sila ang palaging puntahan ng mga directors ng iba't ibang pageants para kumuha ng mga damit na isusuot ng mga kandidata sa mga international pageants tulad ng Miss Universe. At dahil pamilyadong tao na ay naging mas matured at mas naging malawak ang pang-unawa ni Riri. Isa rin siyang mabuting maybahay kay Yogo maging sa dalawang anak nila na si Rossann at Ragie. Subalit, hindi pa rin nawala ang pagiging maldita niya at mas naging palaban pa ang image niya.
Sina Khendra at Jack naman ay masaya sa simple pero tahimik at masayang buhay bilang mag-asawa. Natupad ang pangarap ni Khendra na maiuwi ang korona ng Miss Universe, three years later at matapos iyon ay opisyal na siyang naging national director ng Miss Universe - Philippines. While Jack is the new CEO of Trek Incorporated na dating pinamunuan ng kanyang biological father na si Elbertson. Biniyayaan sila ng isang anak na pinangalanan nilang Cherry Yasmien.
Si Mikki naman ay nagmamay-ari ng isa sa mga pinakasikat na cosmetic company sa Southeast Asia. Bukod pa roon ay kilala rin siya sa pagiging isang sikat na make-up artist. Habang ang asawa naman niyang si Yusof ay team captain na ngayon ng Trek Riders sa PBA na kamakailan lang ay nag-back to back to back champion sa Philippine Cup, Commissioners Cup at Governors Cup. Binigyan sila ng tatlong cute na mga supling.
Naninirahan na sa Canada sina Yhannie at Zeric. Nagtatrabaho ngayon si Yhannie bilang supermodel ng isang sikat na clothing brand sa US at Canada habang si Zeric naman ay naging Hollywood director at ilang beses nang nanalo bilang best director sa Oscars at Cannes.
Pinili naman ng mag-asawang Leonard at Rhian na magtayo ng sarili nilang negosyo at walang isang taon ay lumago ang kanilang coffee shop business hanggang sa nakapagpatayo na sila ng iba't ibang branches ng Fendis Cafe sa Pilipinas. Biniyayaan sila ng tatlong anak, sina Louis, Kyrie at Arianna Grace.
Sina Erich at Jhake naman ay naging isa sa mga maiimpluwensiyang tao sa bansa dahil sa kanilang mga naglalakihang mga malls at mga clinics. CEO si Jhake ng Wales Group of Malls habang si Erich ay may sariling beauty clinic na dinarayo ng mga artista at iba pang mga prominenteng tao. Binigyan sila ng isang anak na pinangalanan nilang Eldred John o EJ.
Naging isang sikat na girl group sa Pilipinas ang Power Three na kinabibilangan nina Femme, Yarra at Carly. Bukod pa roon ay naging isa sila sa mahuhusay na aktres sa bansa.
Sina Esprit at Atty. Martha naman ay tuluyan nang nagretiro sa kanilang career. Sa ngayon ay naninirahan na sila sa isang napakagandang isla sa Palawan. Samantalang si Albert naman ay suwerteng nakatagpo ng babaing kanyang mamahalin, sa katauhan ng elementary teacher na si Rida. Si Vivian naman ay naging isang mabuting preso sa piitan. Ibinabahagi niya ang kanyang oras at panahon bilang preacher sa mga kapwa niya bilanggo. At si Elbertson naman ay nakatira na sa kanyang bagong bahay sa Batangas kapiling ang kanyang ina at mga kapatid.
While Jane turned into a president of Cambridge Royal Hospital dahil sa kanyang maayos at mahusay na performance. Bagama't wala siyang asawa ay masaya naman siya sa takbo ng kanyang career bilang doktor. Nakatira na siya sa piling ng kanyang mga foster parents na sina Don Ismael at Dona Amalia.
At dito nagtatapos ang kwentong ito na nagsasabing HINDI BASEHAN ANG ITSURA SA PAGHAHANAP NG TUNAY NA PAG-IBIG, KUNDI ITO'Y NASA KALOOBAN.