Chereads / THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel) / Chapter 79 - CHAPTER SEVENTY EIGHT

Chapter 79 - CHAPTER SEVENTY EIGHT

(De Vega Empire Hotel, after two weeks)

(Kath Rence's POV)

TWO WEEKS PASSED...

Matapos ang nangyaring insidente sa company nina Sachi, kung saan nabaril si Jack, ay kaagad nakulong si Aling Vivian. Agad na rin silang inilipat sa kureksyunal at binasahan ng sakdal ng korte sa kasong homicide. Dahil sa nangyari kay Jack ay napabilis ni Sir Albert ang proseso ng annulment nila ni Aling Vivian. At ayon kay Sachi ay malaki ang chance na manalo si Sir Albert sa kaso.

Samantala, naidaos na ang foundation anniversary week. Naitanghal ng mahusay nina Joshua at Gianna ang play na umani ng iba't ibang papuri mula sa mga audience maging sa mga teachers at iba pang prominenteng tao na nakapanood ng play. Naganap din sa foundation anniversary ang taunang annual search para sa Mr. and Ms. Kensington High School. Luckily, Khendra and Yogo wins the crown habang second runner up naman si Kuya Leonard.

(French Suit, De Vega Empire Hotel, afternoon)

(Kath Rence's POV)

NASA hotel kami ngayon dahil gaganapin na ang pinakahinihintay na wedding celebration ng buong tropa, ang kasalan nina Jhake at Erich. Excited na kaming lahat para sa kasal.

Habang inaayusan ni Mikki si Erich ay handa na kaming mga bridesmaids niya. Ang mga best mans naman sa kasal ay nasa kabilang kuwarto kasama ni Jhake.

"Haay, ano ba 'to. Kinakabahan ako..." ang medyo nangangatog na sabi ni Erich habang nakatitig siya sa salamin.

"Ba't ka naman kinakabahan?" tanong ni Riri.

"K-kasi...masyadong guwapo yung pakakasalan ko. At ang nakakaloka pa dun, kaibigan pa natin." sabi ni Erich.

"Sus, pati yang mga ganyang bagay, ipinagpapakaba mo pa. Swerte mo nga dahil sa dami ng babaing pwede niyang pakasalan ay ikaw pa ang napili. Tsaka malaki ang tiwala namin na aalagaan ka ni Jhake dahil napakabait niyang tao." sabi ni Rhian.

"Oo nga. Kaya imbis na kabahan ka, isipin mo na lang na mala-diyosa kang maglalakad sa dambana mamaya!" kinikilig na sabi ni Yhannie.

"Tsaka makikita mo ang napakaguwapong soon to be husband mo sa altar!" pangagatong pa ni Khendra.

"Salamat ha, kasi palagi ninyong pinapalakas ang loob ko. Talaga ngang bestfriends ko kayo." nakangiting sabi ni Erich.

"Sus! That's what friends are for, noh!" sabi ko.

"Tara, group hug nga tayo!" at niyakap naming magkakaibigan ang napakagandang bestfriend slash bride ng Campus Sweethearts na walang iba kundi si Erich.

(Precious Hall, De Vega Empire Hotel)

(Erich's POV)

PAGLABAS ko sa suite ay agad na akong inalalayan ng wedding coordinator papunta sa venue ng kasal. Nalula ako pagkat napakaraming tao ang imbitado sa kasalang ito, karamihan ay mga estudyante, teachers at CEO's ng Kensington High School. Nung nagbigay na ng senyas ang wedding coordinator na nasa labas na ako ng hall ay inayos na kaagad ang mga magsisipaglakad sa altar. At dahil mauuna si Jhake na pumasok sa loob ay nakita ko siya. In fairness, napakaguwapo ng groom ko sa puting suit na suot niya.

Nung tumugtog na ang wedding march ay isa-isa na akong hinalikan sa pisngi ng mga bessys ko.

"Una na kami sa loob ah, good luck sa wedding!" - Rhian.

"Thanks." sabi ko.

Muli akong napatingin sa carpet na lalakaran ko.

Okay.

Inhale. Exhale.

Kaya mo 'to, Erich!

AJA!

(Precious Hall)

(Kath Rence's POV)

Habang naglalakad na ang abay sa altar ay ramdam ko ang kaligayahan ng bawat isa sa amin. Kasabay ng paglalakad ng principal sporsors at mga abay (kami) ay sinasabayan iyon ng isa sa mga paborito kong kanta mula sa Youth Asylum.

♪ Used to see in black and white never any in between

Waiting all the love of my life to come into my dreams

Everything is shades of gray never any blues or green

Needing someone else to turn to someone

Who could help me learn and see all the beauty that was waiting for me ♪

Nung maglakad na si Erich sa aisle kasama ang mommy niya ay nakatingin ang lahat sa kanya. May nagagandahan sa pagkakaayos sa kanya, may iba naman na nagagandahan sa bridal gown niya. At may mga iba din na naiinggit sa kanya dahil ikakasal siya sa isa sa mga campus heartthrobs ng Kensington High.

♪ You, you put the blue back in the sky, you put the rainbow in my eyes

A silver lining in my prayer and now there's color everywhere

You put the red back in the rose just when I needed it the most

You came along to show you care and there's color everywhere, everywhere ♪

Pero kung sino man ang pinaka-stammered sa bestfriend namin, walang iba kundi si Jhake. Halos hindi na nga niya maalis ang mga mata niya kay Erich.

♪ My life is so protect and bold never in a mystery

But ever since you shine the light all of that is history

And now I have a hand to hold all the reasons to believe, yes

There's someone in my life worth living for

I was hangin' around just wishing all is done

To put the happiness back in my heart ♪

Hindi namin mapigilang mapaluha sa galak habang nakatitig kami kay Erich. She really deserves this day. At alam naming masaya siya dahil ikakasal siya sa taong tiwala naming aalagaan at mamahalin siya.

♪ And you, you put the blue back in the sky, you put the rainbow in my eyes

A silver lining in my prayer and now there's color everywhere

You put the red back in the rose just when I needed it the most

You came along to show you care and now there's color everywhere

A silver lining in my prayer and now there's color everywhere ♪

♪ Left those hazy days behind me never to return again

Now they're just a faded memory, oh oh

'Cuz baby it's all so clear to see

The beauty that is waiting there for me ♪

♪ You, you put the blue back in the sky, you put the rainbow in my eyes

A silver lining in my prayer and now there's color everywhere

You put the red back in the rose just when I needed it the most

You came along to show me you care and now there's color everywhere

A silver lining in my prayer and now there's color everywhere

You came along to show me you care and now there's color everywhere ♪

Nung makalapit na si Erich sa altar ay hiningi na ni Jhake ang kamay niya kay Tita Elaine.

"Alagaan mo ang baby girl ko ah?" nakangiti pero may luhang paalala ni Tita.

"I will, Tita Elaine." nakangiting sabi ni Jhake.

"Jhake, wag mo na akong tatawaging Tita. From now on, Mommy na ang itatawag mo sa akin, okay?"

"Opo, Mommy Elaine."

Nung iabot na ni Erich ang kamay niya kay Jhake ay inumpisahan na ang seremonya.

(Rose Garden/Beach, afternoon)

(Kath Rence's POV)

NUNG matapos na ang wedding ceremony ay nagsipuntahan na kaming lahat sa reception area malapit sa hall na pinagdausan ng kasal. At hindi nga kami nabigo dahil talagang masasarap ang mga pagkaing inihain sa reception.

Pagkatapos ng kainan ay nagkaroon ng parlor games kung saan sasaluhin ng mga abay ang wedding bouquet na ihahagis ni Erich. Pinatayo kaming mga abay at pinakumpol sa gitna.

"Are you ready, my bessys?" tanong ni Erich sa amin.

"Game na, bessy!" sabi ko.

"Okay! Eto na!" at inihagis na ni Erich ang kanyang bouquet. Nagulat kaming lahat nang nasalo ni Chelsie ang bulaklak.

"Waah! Ikaw ang susunod na ikakasal!" sabay palakpak ni Riri.

"Oo nga! Advance congratulations, Chelsie!" pang-aasar naman ni Rhian.

"Kayo talaga. Malayo pang mangyari yun, noh." nakangiting sabi niya.

"But for sure, si Joshua na ang groom mo nyan." sabad sa amin ni Erich.

"Ayiee! Si Josh daw ang groom!" kantyaw namin sa kanya. Bahagyang nag-blush si Chelsie habang nakangiti sa kanya si Joshua.

"Kayo talaga, pinagti-trip-an nyo ang kapatid namin." sita sa amin ni Jack.

"Oo nga." sabad ni Sachi.

"Sus, parang binibiro lang namin siya eh." katwiran ni Yhannie.

"Kayo talaga, napaka-overprotective ninyo kay Chelsie." sabi ni Riri.

"Ganyan talaga kapag bunso." and Chelsie smirked at us.

"Sige na, ikaw na ang bunso." sabi ni Rhian.

Nagtawanan ang mga bisita sa paligid.

"Ay oo nga pala. Sasabitan pa pala kami ni Jhake ng pera habang nagsasayaw." sabay lapit ni Erich kay Jhake. "Hubby, halika na. Magsasayaw pa tayo. Hinihintay na tayo ng mga principal sponsors."

"Okay, wifey." at tumayo na si Jhake. Bumalik na kami sa mga upuan namin para panoorin silang dalawa.

Nag-umpisa na silang magsayaw. Habang nagsasayaw sila ay isa-isa silang sinasabitan ng pera ng mga ninong at ninang sa kasal. Kinukunan naman sila ni Yogo ng picture.

Nung matapos na ang sayaw ay sumunod na ang picture taking. Nauna munang kunan ng picture sina Erich at Jhake. Sumunod naman ay kasama nila sina Tito Jordan at Tita Elaine. Pangatlo naman ay kasama nila ang mga principal sponsors at mga ring bearers at flower girls. At ang panghuli ay kami-kaming magkakaibigan. Mga 30 minutes ding tumagal ang picture taking.

Pagkatapos ng picture taking ay binuksan na ang disco balls para sa sayawan. Habang nagsasayawan ang mga bisita ay lumabas ako ng garden at pumunta sa beach. Napakagandang pagmasdan ng dalampasigan at masarap damhin ang dumadamping hangin sa buhok ko.

Until...

"Haay, nandito ka lang pala, Katy."

Napalingon ako at nakita ko si Sachi na palapit na sa akin.

"Ikaw pala, Sachi. Ba't ka nandito? Tapos na ba ang sayawan?" tanong ko.

"Not yet." at niyakap ako ni Sachi. "Ba't wala ka sa reception? Kanina pa kita hinahanap eh." paglalambing niya sa akin.

"Nagpapahangin lang ako dito sa dalampasigan." sabi ko.

"Samahan kita."

"Sige." at muli akong napatingin sa dalampasigan.

"Ang dami ring nangyari sa mga nakalipas na araw noh." sabi ni Sachi.

"Oo nga eh." I said.

"Pero marami naman akong natutunan sa mga pangyayaring yun."

"Tulad ng ano?" tanong ko sa kanya.

"Kababaang loob, pagtanggap at pagpapatawad." and he smiled at me.

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Mabuti naman at totally okay ka na. Kayo ng pamilya mo."

"Yes. Kaya nga nagpapasalamat ako kay Lord dahil sa wakas ay kasama ko na si Mommy at Chelsie. Tapos idagdag pang bati na kami nina Daddy at Jack. Wala na akong mahihiling pa dahil kumpleto na kayong nagmamahal sa akin." nakangiting sabi niya.

"Masaya ako para sayo, Sachi." and I touched his handsome face. "At wish kong sana'y magtuluy-tuloy na ang kaligayahan mo. Nating lahat. Nating dalawa."

Masuyong hinaplos ni Sachi ang buhok ko.

"I hope so. Kaya naman gagawin ko ang lahat, maging masaya lang tayo palagi. Alam kong hindi naging perpekto ang nakaraan ko, pero gagawin ko yung inspirasyon para wag maulit ang mga nangyari noon. Katy, gusto kong bumuo ng isang masayang pamilya balang-araw. May mommy, may daddy at siyempre, may mga anak. Ikaw ang magiging mommy, habang ako naman ang daddy. At siyempre, nandyan din ang magiging mga anak natin."

"Sachi, malayo pang mangyari yun." and I smiled. "Pero gagawin ko ang part ko para matupad ang pangarap nating dalawa."

"I love you, Katy." he said so sweetly.

"I love you too, Sachi." sabi ko.

He leaned on me and kiss my lips. I kissed him back.

Sa totoo lang, hindi ko alam ang mga mangyayari in the future, Basta't ang alam ko lang ay masaya ako sa piling ni Sachi. Kuntento ako sa takbo ng relasyon naming dalawa. Aaminin kong wala sa isip ko ang umibig...pero nang makilala ko siya at ang pagkatao niya ay masasabi kong ako na ang pinakamasuwerteng babae dahil minahal ako ng isang tulad niya sa kabila ng itsura ko noon. Kung kaya naman napakagandang biyaya sa akin na mahalin niya ako. At napakasarap sa pakiramdam ko na mahalin din siya.

Ah basta, masaya na ako.

Masaya na si Kath Rence Villas.