(Kensington High School, morning)
(Satchel's POV)
NAGPA-PRACTICE kami nina Joshua at Jhake sa gym nang makita naming palapit sa amin si Katy.
"Sachi, si Jack...n-nabaril ng nanay niya! K-kritikal ngayon ang lagay niya sa ospital..." sabi ni Katy.
"WHAT?!!" gulat na gulat na sabi ko. "Si Jack...hindi. Hinding-hindi ako makakapayag na mawala sa akin ang kapatid ko! Hindi!" at nagmamadali akong lumabas ng gym. Agad akong sinundan nina Katy.
Jack...please lang...wag kang susuko. Di ba nangako kang babawi tayo sa isa't isa. Na magtuturingan tayo bilang tunay na magkapatid...
Please...wag mo naman kaming iwan nina Chelsie at Daddy...
Please...wag mong isuko na lang ng basta-basta ang buhay mo...
Please...
My brother.
(Cambridge Royal Hospital)
(Satchel's POV)
PAGDATING namin sa ospital ay tumambad sa amin si Daddy. Duguan ang kanilang damit at mugto ang mga mata nila sa kakaiyak. Patakbo akong lumapit sa kanila.
"Daddy, kamusta na si Jack?! Is he okay?!" sunud-sunod na tanong ko sa kanila.
"N-no, my son...k-kritikal ang lagay niya. M-maraming dugo ang nawala sa kanya...tsaka tinamaan pa ng bala ang kanyang baga. H-he's in coma." at napaiyak si Daddy. Tulala akong napayakap sa kanila kasabay ng pagpatak ng luha sa mga mata ko.
"Jack..." at tuluyan nang napaiyak si Khendra. Agad siyang niyakap nina Katy at Yhannie.
"Kawawa naman siya." malungkot na sabi ni Riri.
"Kilala ko si Jack. Matapang siyang tao. Marami na siyang pinagdaanan. Makakaligtas siya. Tiwala lang, guys. Makakaligtas siya." ang pagpapalakas loob ni Zeric sa amin kahit na anumang sandali ay maiiyak na rin siya.
"Kasalanan ko kung bakit nangyari sa kanya ito. He doesn't deserve this." luhaang sabi ni Daddy.
"Wala po kayong kasalanan. Si Vivian. Siya po ang may kasalanan ng lahat ng ito." sabi ko.
Walang ilang minuto ay nakita namin ang pagdating ni Mang Elbertson. Taranta siyang lumapit sa amin.
"Sir Albert, anong nangyari sa anak ko?! Anong nangyari sa kanya?!" histerikal na tanong nila kay Daddy.
"N-nabaril ni Vivian si Jack. M-maraming dugo ang nawala sa kanya at napinsala ang kanyang baga. C-comatose siya..." uutal-utal na sabi ni Daddy.
"C-comatose ang anak ko..." at napahagulgol si Mang Elbertson. "Jack...a-anak ko..."
"I-I'm so sorry, Elbertson..." malungkot na sabi ni Daddy.
"HAYUP ANG VIVIAN NA YAN! KAPAG MAY MASAMANG NANGYARI SA ANAK KO, HINDING-HINDI KO SIYA MAPAPATAWAD! KAHIT KAILAN!" galit na galit na sabi ni Mang Elbertson.
Hindi na lang sumagot si Daddy. Habang si Khendra naman ay hindi na maawat sa pag-iyak. Hindi ko na rin napigilan pang mapaiyak habang nakatingin ako sa pintuan ng ICU kung saan naka-confine si Jack.
Jack...wag mo namang gawin sa amin ito. Please...
Hanggang sa may lumabas na doktor mula sa ICU. Agad namin siyang nilapitan.
"Dok, kamusta na po ang anak ko? Ligtas na po ba siya?" tanong ni Daddy.
"Sa ngayon ay natanggal na ang bala sa katawan niya at nasalinan na siya ng dugo. Pero napinsala po ng balang tumama sa kanya ang kaliwang bahagi ng baga niya. Kung magpapatuloy pa pong lumala ang inflammation sa baga niya...there are chances...na baka hindi na magising pa ang pasyente." sabi ng doktor.
Natahimik kaming lahat. Sa pagkagulat at galit ko ay nahila ko ang damit ng doktor.
"Sachi, relax." sabi sa akin ni Daddy pero hindi nila ako naawat.
"So, sinasabi mo bang mamamatay na ang kapatid ko? Yun ba ang ibig mong sabihin?! Hah?!" at akmang susuntukin ko na sana ang gagong doktor na yun nang inawat ako nina Yusof.
"J-Jack...please...lumaban ka naman...wag mo naman akong iwan...mahal na mahal kita...please...lumaban ka...pilitin mong mabuhay...para sa akin...para sa amin..." humahagulgol na sabi ni Khendra habang yakap siya ni Yhannie.
"D-dok...wala na bang ibang paraan para makaligtas siya?" mahinahon pero kinakabahang tanong ni Katy.
"Magdasal na lang tayo na sana'y may mangyaring himala. Excuse me." at umalis na ang doktor. Mas lalong napaiyak si Khendra habang hindi na makapagsalita pa sina Daddy at Mang Elbertson. Ang mga kaibigan namin ay tahimik pero naiiyak na rin sa mga sandaling ito.
"Jack...please...don't do this to me..." nanginginig na sabi ni Khendra habang tuluy-tuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata niya.
Sa galit ko ay sinuntok ko ang pader ng ospital. Kasalanan ko kung bakit nagkaganito pa si Jack.
Kasalanan ko.
"KASALANAN KO ANG LAHAT NG ITO!!!"
"Sachi, tama na!" awat sa akin ni Katy. "Please...tama na."
"K-Katy..." at napahagulgol akong yumakap sa kanya.
"My son doesn't deserve to die like this..." at muling naiyak si Daddy.
Jack...wag mo namang gawin sa amin ito.
Please...
(Jack's POV)
"NASAAN AKO?"
Nandito ako ngayon sa isang lugar na punumpuno ng mga ulap, malamig at maraming naglalarong mga anghel na nagkikinangan sa suot nilang damit.
Sinubukan kong maglakad at nakadama ako ng kapayapaan habang iginagala ko ang paningin ko sa napakagandang lugar na ito. Hanggang sa may lumapit sa aking isang matandang babae. Napakapamilyar ng mukha niya sa akin dahil minsan ko na siyang nakasama noong bata pa ako.
"Jack..." bati sa akin ng matanda.
"L-Lola Tanchang...k-kayo po ba yan?" tanong ko.
"Oo. Ako ito, ang Lola Tanchang mo."
"Lola!" at sabik na sabik akong niyakap sila. "Miss na miss ko na po kayo!"
"Apo ko..." ang natutuwang sabi ni Lola.
"N-nasaan po ako? Nasa langit na po ba ako?"
"Oo. Nasa langit ka." sabi ni Lola.
"Lola...napakaganda po dito. Gusto ko na po dito." sabi ko pero biglang sumeryoso ang itsura nila.
"B-bakit po? May problema po ba? Di ba...patay na po ako?" tanong ko sa kanila.
"Hindi ka pa patay, apo ko. Nasa pagitan ka ng buhay at kamatayan." sabi ni Lola.
"B-bakit naman po?"
"Dahil sinusubok ka kung hanggang saan mo kakayanin ang mga pagsubok na pinagdadaanan mo." at hinawakan ni Lola ang mukha ko. "Anak...hindi mo pa panahon para lumagi dito. May magagawa ka pa para baguhin ang kapalaran mo sa lupa. Jack, bumalik ka sa lupa at ipagpatuloy mong mabuhay para sa pamilya mo. Para sa pinakamamahal mo. At para sa mga kaibigan mo na walang sawang nagmamahal sayo."
"L-Lola..."
"Sige na. Humayo ka na. Bumalik ka na sa lupa...hangga't hindi pa nahuhuli ang lahat para sayo." sabi ni Lola.
"Opo. Ipinapangako ko pong lalaban ako. Pipilitin kong lumaban para sa mga nagmamahal sa akin. Sige po. Aalis na po ako." at sumakay ako sa isang ulap. Unti-unti na akong ibinaba ng ulap na yun hanggang sa hindi ko na matanaw pa si Lola.
Habang pababa ng pababa ang ulap na sinasakyan ko ay naririnig ko ang pag-iyak at pagsusumamo nina Daddy, Papa, Sachi at Khendra.
Hindi ko hahayaang mahuli ang lahat para sa akin.
Mabubuhay ako para sa kanila.
Mabubuhay ako.
Ipinapangako ko yan.
(Cambridge Royal Hospital)
(Satchel's POV)
INABOT na kami ng gabi sa ospital...umaasang baka magising na si Jack...pero wala pa ring nangyayari. Hindi ko na maiwasang panghinaan ng loob sa takot na baka magkatotoo ang sinasabi ng doktor.
"Magigising pa kaya si Jack?" mahinang tanong ni Rhian sa akin.
"Hindi ko alam. Pero sana'y wag magkatotoo ang kinatatakutan kong mangyari sa kanya." malungkot na sabi ko.
"MAGIGISING PA SI KUYA JACK."
Napatingin kami sa may-ari ng boses at nakita namin si Chelsie na kasama si Mommy, Lola Mart at Tita Jane.
"C-Chelsie..." sabi ko habang nakatitig ako sa maamong mukha niya.
"May awa ang Diyos. Magigising siya. Makakasama pa natin siya." at ngumiti si Chelsie, isang ngiti na puno ng pag-asa at katatagan.
"Anak." at inakbayan ako ni Mommy. "Walang imposible sa Panginoon. Kahit anong hilingin mo sa Kanya, binibigyang katuparan Niya iyon. Dahil sa Kanya, naibalik Niya kami ng kapatid mo sa inyo. Kaya malaki ang tiwala namin na ililigtas Niya si Jack."
"M-Mommy..." ang tanging nasabi ko na lang.
Nang biglang...
"GUYS! GOOD NEWS! GISING NA SI JACK! GISING NA SIYA!"
Napatingin kaming lahat kina Yusof at Mikki na masayang lumapit sa amin.
"Si Jack...g-gising na siya?!" gulat na sabi ko.
"Oo. Kanina pa! Halina kayo! Hinihintay na niya kayo!" sabi ni Mikki.
"Di ba? Sabi ko sa inyo, mabubuhay pa si Kuya Jack." - Chelsie.
"Chelsie..." at naiiyak kong niyakap ang kapatid ko.
Lord...maraming maraming salamat dahil iniligtas Ninyo si Jack.
Iniligtas Ninyo ang kapatid namin.
(Cambridge Royal Hospital...after three days)
(Jack's POV)
"Say aaah."
Sinubuan ako ni Khendra ng pagkain.
"Khen, busog na ako." sabi ko pero umiling-iling siya.
"Nope, Jack. Ubusin mo na 'to, konti na lang itong congee." and she pouted her lips. "Please."
"Okay."
Mga tatlong araw na rin akong naka-confine dito sa ospital. Nagpapagaling na lang ako ngayon at sa awa ng Diyos ay naging mabilis ang recovery ko. Masasabi kong himala ang nangyari sa akin dahil sa pagkakaalam ko ay hindi na nakakaligtas pa ang tinatamaan ng bala sa sintido, puso, baga at iba pang internal parts.
Pero kahit ganun ay nagpapasalamat ako dahil binigyan pa ako ng Panginoon ng chance para makasama ko ang pamilya ko at maibangon ang sarili ko mula sa pagkakalugmok ko sa nakaraan.
Nung maubos ko na ang pagkain ay buong alalay akong pinainom ni Khendra ng tubig. Pagkainom ko ng tubig ay dahan-dahan niya akong inihiga sa kama.
"Ang swerte ko talaga sa nurse ko." sabay hawak ko sa kamay niya. "Bukod sa maganda na, mabait at mapagpasensya pa."
"Jack, kaya ko ginagawa ito ay para mapabilis na ang paggaling mo at makalabas ka na ng ospital." and she kissed me on my forehead. "Wag na wag mo nang uuliting paiyakin ako, ha?"
"Yes." tugon ko sa kanya.
"I love you, Jack."
"I love you too, Khendra."
She smiled and kiss my lips gently. I kissed my princess back.
Until...
"Talagang mapapabilis yang paggaling mo, Jack. Andito yung girlfriend mo eh."
Napabitiw kami ni Khendra at nakita namin sina Ma'am Esprit kasama sina Chelsie at Satchel.
"Kayo po pala." nakangiting bati ko sa kanila.
"Kamusta ka na, anak? Okay ka na ba?" tanong ni Ma'am Esprit habang inilalagay nila ang dala-dala nilang basket ng prutas sa mesa.
"Opo. Baka bukas o sa susunod na araw ay makalabas na po ako dito." sabi ko. "Anyways...k-kamusta na po si Mama? N-nakakulong na po ba siya?"
"Oo. Nakakulong na ang mama mo." sabi ni Ma'am Esprit.
Natahimik ako sa sinabi nila.
"Sorry, hijo." malungkot na sabi ni Ma'am Esprit. "Kami ang dahilan kung bakit nakulong ang mama mo."
"Okay lang po. Batas na po ang bahalang humatol sa kanila." sabi ko habang pinagtatakpan ko ang lungkot na nararamdaman ko.
Sa totoo lang ay nalulungkot ako dahil nakulong si Mama. Pero sa isang banda ay thankful na rin ako dahil nabigyan na ng hustisya sina Manang Ising, Papa at Ma'am Esprit. Mapagsisisihan na nila ang mga nagawa nilang pagkakamali sa kulungan.
"Jack..." at hinawakan ni Ma'am Esprit ang kamay ko. "Gusto mong magkaroon ng mommy, diba? Nandito ako. Willing akong maging mommy mo."
"T-talaga? N-naku, wag na po. Sobrang dami na po ng utang na loob ko sa inyo." ang pagtanggi ko pero nginitian lang ako ni Ma'am Esprit.
"Ma'am..." sabi ko.
"Handa akong maging nanay mo. Anytime. Kaya sige na, pumayag ka na. Tsaka isa pa, gusto kang maging kuya ni Chelsie." sabi ni Ma'am Esprit.
"S-salamat po. M-Mommy Esprit." ang nakangiting sabi ko.
"You're welcome anak. Mula ngayon, Mommy Esprit na ang tawag mo sa akin ha?"
"Opo." sagot ko.
Niyakap ako ni Mommy Esprit habang nakangiti sa amin sina Khendra, Satchel at Chelsie.
Siguro nga'y pinaglaruan kami noon ng nakaraan. Pinahirapan at sinaktan. Pero ngayon, handa na akong makipaglaban sa buhay, kapiling ang mga taong nagmamahal sa akin.
Handa ko nang buuin ang bagong sarili ko, kasama sila.
Papatunayan ko sa buong mundo na kakayaning maging masaya ni Jackson Lauren De Vega.