(Gym, afternoon)
(Jack's POV)
KAKATAPOS ko lang mag-ensayong mag-isa nang makita kong papasok sa gym si Sachi. Agad kong inayos ang bolang ginamit ko sa lalagyan ng mga bola at kinuha ang bag ko. Aalis na sana ako sa gym nang higitin ni Sachi ang braso ko.
"B-bakit?" paiwas kong tanong sa kanya.
"Iniiwasan mo ako." sabi niya habang tinititigan niya ako ng direkta sa mga mata ko. Napaiwas ako ng tingin sa kanya.
"H-hindi. Hindi kita iniiwasan." pagsisinungaling ko pero nginitian niya lang ako.
"Jack, hindi ka pa rin magaling magsinungaling. Iniiwasan mo ako." sabi niya, dahilan para matahimik ako.
"P-pasensya na." mahinang sabi niya.
"Hindi ikaw ang dapat na humingi ng pasensya. Ako dapat ang humingi ng pasensya sayo. Pasensya ka na kung naging pasaway akong kapatid sayo. Pasensya ka na kung naging matigas ang ulo ko kay Daddy. At pasensya na rin kung palagi kitang napagbubuntunan ng galit ko. Sorry ha?" at nakita kong pumatak ang luha sa mga mata ni Sachi.
Natigilan ako sa sinabi niya.
"Okay lang, Sachi. Hindi kita masisisi kung bakit galit ka sa amin, kasi nasaktan ka sa nangyari sa pamilya mo. At kami ni Mama ang may kagagawan ng mga yun. Patawarin mo rin sana ako dahil inagaw ko sayo ang daddy mo. Inagaw ko ang kung anong dapat na meron ka. At kamuntik ko na ring agawin sayo ang babaing mahal mo." sabi ko kasabay na rin ng pagpatak ng luha sa mga mata ko.
"Jack...miss na kita." sabi niya.
"Miss na rin kita." sabi ko.
"Pwede bang maging kapatid ulit kita?" tanong niya.
"Sige. Walang problema."
Emosyonal kaming nagyakap ni Sachi. Tuluyan nang nabunot ang tinik na nakabara sa dibdib ko. Malaki ang pasasalamat ko sa Panginoon dahil sa wakas ay napatawad na ako ng kapatid ko. Napatawad na ako ng mga taong inagrabyado namin ni Mama.
"May isa na lang sana akong hihilingin sayo, Sachi. Wag mo sanang mamasamain..." at napabuntung-hininga ako bago muling nagsalita. "Patawarin mo na sana ang daddy mo. Wala siyang kinalaman sa naging pagkawala ni Chelsie, tsaka isa pa...wala naman siyang intensyong sirain ang pamilya ninyo. Sadyang naging marupok at mahina lang ang kalooban nila kaya nangyari ang mga hindi dapat mangyari."
Saglit na natahimik si Sachi bago siya muling nagsalita.
"O-oo naman. Hindi na ako galit kay Daddy. Hihingi na ako ng sorry sa kanila, kasi naging pasaway at matigas ang ulo ko sa kanila. Tsaka wala na akong ibang idinulot sa kanila kundi kunsumisyon at problema."
"Wag kang mag-isip ng ganyan, Sachi. Kailanma'y hindi ka naging pabigat sa tatay mo. Tsaka sa mga nangyayari sayo ngayon, siguradong proud na proud siya sayo." sabi ko sabay tapik ko sa balikat niya. "Sachi, matagal ka nang hinihintay ng tatay mo na humingi ng tawad sa kanya."
"Thank you talaga, Jack. Thank you, kasi kahit naging masama ako sayo noon, hindi pa rin nawala ang concern mo sa akin. Salamat talaga ha."
"Ano ka ba, walang anuman yun. Kaya ko lang naman ginagawa yun ay dahil hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko sayo bilang kapatid ko." I said.
Muling napangiti si Satchel sabay yakap niya ulit sa akin. Taos-puso ko rin siyang niyakap.
Salamat sa Panginoon dahil nagbigay siya ng daan upang muli kaming magkasundo ng kapatid ko.
Sana'y magtuluy-tuloy na ang pag-usbong ng maganda naming samahan.
Sana...
(Gym)
(Kath Rence's POV)
HABANG mahigpit na magkayakap sina Jack at Sachi ay walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko. Sa wakas, after long years of their estrangement, nagkasundo na rin sa kanila. I'm so happy for them.
Until...
"Haay salamat, sa wakas at nagkasundo na rin ang dalawa." sabi ni Khendra sa akin.
"Oo nga. Ang sweet nilang tignan." sabi ko.
"I hope, magtuluy-tuloy na ang pagbabati nila." nakangiting sabi ni Khen sa akin.
"Sana." and I smiled at her.
"Tara, tawagin na natin ang buong tropa. Magdiriwang tayo sa pagbabati ng dalawa." and she smirked at me.
"Sige ba!" at nakangiti kaming lumabas ng gym.