+PART 2+
Nag susulat kame ngayon dahil nagstart na ang lesson namin ngayon. Kahit nag susulat kame hindi parin na aalis ang daldalan. Lahat naman ng studyante ganun eh kahit may teacher daldalan parin parang hindi na uubusan ng chismis parang kame lang. Ahaha.. Mabait kame eh.
" uy beh alam mo yung balita? Si janice sinampal si louie? " chismis ni lyn kahit nag susulat.
Oh? Si janice? Yung sikat dito sa campus? Bakit nya naman sinampal boyfriend nun? Dahil sa dakilang usasera ako kaya tinanong ko.
" oh? Ano ngyari? Kala ko ba naman mahal nila ang isa't isa? Lalo na si janice?"
" pano naman na kita nya na kasama ni louie si pauline at HAWAK KAMAY " may pagka diing sabi ni lyn dun sa huli.
Hala? Kung ganun na biktima na sila ng sikat na suluterang si pauline? Kawawa naman si janice kay bait naman nya tapos ginanun sya? Tsk.. Tsk..
" kawawa naman si janice mahal na mahal pa naman nya si louie mantikin mo? 3 years sila tapos ganun lang? " na papailing na sabi ko.
" oo nga eh. Wala eh na biktima sila.. Kawawa naman. "
" hay ewan ko ba nga dun kay pauline? Puro sikat ang tinatarget sila pa naman ang pang-apat ngayon? " saad ko. Kahit patuloy sa pagsusulat.
Hehe galing ko noh? Daldalan habang ng susulat multi-tasking lang ako eh.
" tama.. Nako for sure magsisi din si louie sa huli.. Katulad na lang ni tommy pinag palit nya si cindy dun kay pauline eh tignan mo ilang weeks lang ang tinagal nila? " sabi ni lyn. Na patigil pa nga sya sa pagsusulat at iniisip kung ilang linggo.
Kaya ako na pagaya din ang alam ko mga.
" ang pagkaka alam ko mga 12 weeks lang eh.. " sagot ko.
" ay oo nga pala... " sabi nya habang naka taas ang hintuturo nya.. " Palaging 12 weeks ang tinatagal nya. Pero ang pinaka matagal nya si kuya zands mga 1 month ata yun basta naka months sya " tuloy nya.
" yup "
" teka si pauline ba pinag uusap nyo ba yung.. Matangkad na babae na mahaba ang buhok pero parang mukhang bakla? " biglang singit ni ysa.
" pfft.. Ahahahaha! " tawa namin ni lyn.
Haha pano naman nakaka tawa yung sinabi nya.. Bakla? Si pauline wahahaaha... Kung sa bagay mukang ganun na nga dahil sa kapal ng make up.
Pagtingin ko sa kanya seryoso ang mukha ni ysa mukhang inosente nga eh pero hindi ko parin mapigilan ang pagtawa. Mabuti na nga lang wala si mam kung hindi lagot kame nito. Alam ko na nakaka kuha kame ng atensyon ngayon ni lyn dahil sa lakas ng tawa namin.
" pfft.. Haha... Sorry naman.. *ehem* oo sya ngayon " medyo na himasmasan na ako. Kasi mukhang nag-aabang talaga sya ng sagot ko eh.
" eh ano ba na kakatawa? " tanong nya.
" tinawag mo kasi bakla.. Eh nako pag narinig ka nun for sure aawayin kana nun "
" eh? Hala. Hindi ko naman alam eh. At isa pa ayun ang pagkaka describe ko " may pagka takot sa boses nya.
" nako huwag ka mag-alala andito naman kame pag inaway ka. Eh bakit mo pala na tanong? " saad ko. Nag-ayos ako ng upo. Tapos na din kasi ako mag sulat mabuti nga itong si lyn tumigil na sa kakatawa.
" kasi parang na kita ko sya nung isang araw sa isang coffe shop malapit sa parke dun sa kabilang bayan " sagot nya.
" oh? Baka nag hahanap naman yun ng lalake.. Hindi kasi yun na kokontento sa isa nag dadalawa yun eh " singit ni lyn.
" talaga? Nako sama naman nya makakarma din yun " sagot ni ysa.
Kinuha nya yung notebook ko para maka kopya daw sya mamaya sa bahay. Haha may pagka tamad din pala ito eh akala ko masipag i mean masyadong masunurin at masipag almost perfect, hindi rin pala.
Na tapos ang klase ng maayos. Kahit medyo nakaka pagod sa pakikinig at kakaupo pero ayos lang.
Medyo sad ako kasi hindi ko na kita si babe eh. Baka busy lang.
Kaya ito pauwi na ako. kasabay kasi ni lyn si ysa may report daw sila eh. Bilis nga may group report agad? Excited much kasi. Ayoko pa naman na may report ka tamad eh.
Habang naglalakad ako may na datnan akong fishball.. Eehhhh my favorite ang daya naman bakit dito meron? Pero dun sa gilid ng school wala? Mukhang pinapalayo ah.
Dahil sa favorite ko bumili ako ng sampong piso at ang sawsawan eh sukang maanghang masarap kaya yun. Try nyo haha. Huwag lang sobra baka malasing pa kayo. Hehe joke.
Medyo marami na ang tao dito sa parke teka? Dito pala yung sinasabi ni ysa kung saan nya na kita si pauline. Tsk ano kaya ginagawa nun dito?.
Sa kakalakad ko hindi ko sinasadyang may maka bangga ako.. Kaya in end medyo na tapunan ako.
Haist kainis ang amoy suka ako tuloy nito oh.
" haist ano ba naman hindi nag-iingat " paangil na sabi ko.
" nako miss sorry hindi ko sinasadya " pahingi paumnhin naman. Nako boses lalake. Tsk kaya naman pala eh siguro kung maglakad to eh feeling sakop ang buong kalye?!
" pssh sa susunod mag-ingat ka " sabay layas ko na. Ayoko na mabwiset pa ng lalo.
Ganyan dati si Dmitri kala mo sakop buong linalakaran eh. At dun kame nagkakilala hehe.. Ano ba yan kinikilig na naman ako.
Pauwi na akong ng bahay mga ilang hakbang na eh malapit na ako ng biglang may nagtxt sakin kaya tinignan ko kung sino.
From: babe. Dmitri<3
Babe where are you? Be ready i will fetch you. Sorry kung hindi kita na hatid pero susunduin kita maya aalis tayo remember are date bye love you :*
Ehh? Sh*t naka limutan ko. Nako buti na paalala nya sakin.. Tsk ano ba naman yan..
Tumakbo na ako para makarating sa bahay. Na datnan ko pa nga si mama nag-aayos sa lamesa hindi ko narin narinig yung sinasabi nya. Basta kao diretso sa kwarto ng palit ng damit nag-ayos ng sarili at nag pabango para hindi mabaho ako. Panget naman nun kung maging ganun? Kahiya kaya baka maturn off pa sakin nako ayaw ko nun.
Pag baba ko nagkiss na lang ako kay mama at nagbabye syempre nag paalam kung saan pupunta at sabay alis. Tamang tama nga ang paglabas ko kasi kakarating nya pa lang.
Hohoho... Parang lalong gumagwapo si dmitri sa suot nya. Tapos yung ngiti nya pa. Lalong na kakainlove oh.. Nako swerte ko talaga naman oh. Hihi ano ba yan kikinilig na naman ako.
Paglapit nya sakin hinalikan nya ako sa pisngi sabay hapit sa bewang ko. Sa ginawa nya lalo ata akong ang na mula at kinilig.
" you look perfect babe.. *tsup* " sabay halik sa labi ko. " thats why i love you more " naka ngiting sabi nya.
Nako.. Nako naglalambing na naman. Baka masanay ako nito? Pero gusto ko naman hihi... Tsk pati nga pagkiss gusto mo din eh.. Hay nako naman oh?! wala eh na sasanay na ata ako sa kanya.
" pssh bola naman.. " sabi ko.
" hindi ah nag sasabi kaya ako.. Tsk nako baka nga ikaw eh pinapantasyahan mo na ako sa isip mo nya.. Ahaha a-aray joke lang "
Kainis naman ito kung ano-ano pinag sasabi yan pinalo ko nga.
Pssh baka kasi maniwala kayo sa sinasabi nya eh.. Hindi ko naman sya iniisip eh kahit pa na sa gwapo nya ngayon kahit sa nakaka inlove sya. Diba hindi?
" haha.. Oo na. Tara na nga baka mamaya eh maging kamatis kana sa pula eh "
" haist babe naman eh " asar ko. Kulit eh.
" haha hindi na tara na nga babe ko " sabay alis namin.
Hindi ko nga alam kung saan kame pupunta. Pag tinatanong ko kasi sya panay secret ang sinasabi kaya ito nag lalakad kame kung saan habang hawak nya kamay ko. Hoho wala kayo HHWW kame ngayon. Hihi.
Maya maya sa kakalakad namin. Na mumukhaan ko na yung lugar ewan ko ba parang familiar kasi sakin to eh?!
Teka? Tama dito nga.. Dito ko sya sinagot dito ang pinaka first date namin.
Isang syang playground dati na nagkaruon ng fish pond wala na gano tao dito aksi luma na ito gagawin daw itong amusement park eh. Malawak kasi ito kaya okey lang.
" teka.. Dito tayo? " takang tanong ko dito sa kasama ko. Pero sya ayun naka ngiti ng malapad eh.
" yup " tipid na sagot nya.
Kaya nilibot ko na lang ang panginin ko ganun parin wala naman pinag bago mabuti nga may parang care taker eh kung hindi baka maala gubat na dito sa dame ng damo eh.
Sa kakatingin ko sa paligid na pansin ko parang lumilim? Eh kanina amaraw nga eh ngayon hindi. Kaya tinignan ko yung likod ko at pagkita ko maaraw naman dun pero dito na malilim hindi naman uulan.
Ng biglang tumigil kame sa paglalakad. Tatanongin ko sana si babe kung bakit kame tumigil? Dahil ba sa nag-ala gubat ba dito kaya lumilim? Pag lingon ko.
A-ano to? T-teka? Na-nasa lungsod pa ba ako? O nasa paraiso na?
Wow!! Ang g-ganda dito may ganto pala dito? Sa sobrang pag hangga ko haharapin ko si babe.
Pero pag harap ko isang halik lang ang binagay nya at sabay sabing " did you like it babe? " naka ngiting sabi nya.
Ako literal na speachless na papa iyak pa ata ako eh. Huhu ang sweet nya. Ginawa nya ba to? Wow ang effort nya talaga.
Pano naman yung dating fish pond na may lumot eh wala na ang linaw na makikita mo na yung mga isdang lumalangoy wala na din yung mga damo damo na mahahaba sa paligid nito..
Puro bulaklak din sa paligid lalo na dun sa gilid ng fish pond may lamesa dun at dalawang upuan sa paligid nun may mga bulaklak at halata namang tinanim dun ang ganda hugis puso nga eh. Andun yung mga paborito kong bulaklak eh.
At kaya naman pala nag mukhang malilim dahil may malaking bubong sa kinatatayuan namin at mula dun sa may fish pond maganda ang Design nito may mga ugat ugat sa paligid pabilog dun sa mga mala bakal kung saan naka patong ang ala bubong.
Mukhang pinahandaan ito ng masyado kasi maganda nga. Paglingon ko kay dmitri naka ngiti sya sakin habang naka pulupot yung kamay nya sa bewang ko. Sa sobrang saya ko na halikan ko sya sa labi ng 3 minuto at ni yakap walang sawa kong sinasabi sakanya ang ' i love you ' at ' thank you ' sa kanya. Tumatawa at hinahalikan nya yung temple ko.
Pagka tapos nun inalalayan nya ako umupo dun sya na yung nag usog ng upuan at pina upo na ako.
" did you really love it? " naka ngiting saad nya.
Tumango na lang ako. Ewan ko ba na pipi ata ako wala na ako masabi na mesmerize ako masyado sa ginawa nya eh.
" mabuti naman.. Pinag hirapan ata namin ito ni mang dante sa pag-aayos.. Sorry din kung hindi mo ako na kikita kanina ah? Inaayos ko kasi ito pati rin sa pag hatid sayo. Pinuntahan ko kasi ito kung maayos na ba talaga " paliwanag nya. Wala ibang sagot ko kung hindi tango at ngiti.
Nag-umpisa na kame kumain ayun nag kwentuhan lang kame ng kung ano-anong bagay.
Hindi ko talaga makalimutan itong ginawa nya dahil sa mga past bf ko sya palang ang nag bigay sorpresa sakin ng ganto eh kaya mas masaya ako.
" wow!! Gagandang isda naman nyan? Bago yan noh? " puna ko dun sa mga isdang lumalangoy.
Ngayon ko lang kasi nakit yung mga bagong isda ata? Kasi dati mga apat o lima lang eh ngayon mukhang dose na sya.
Katapos lang namin kumain at ito kame naka upo dun sa railing i mean ako pala sya nasa baba naka alalay sakin. Hawak nya likod ko at kamay ko. Medyo nilalaro nga nya daliri ko.
" ah.. Oo yung iba kasi jan donate ko na " sabi nya. Patuloy nya parin ni lalaro yung daliri ko.
" talaga? Yaman ah.. Donate donate na lang " biro ko naman.
" haha.. Ikaw talaga " sabay pisil nya sa ilong ko. Pinalo ko nga. Sakit kaya.
" mga dati kong alaga yan.. Eh hindi ko rin naman maalagaan na dahil may bago na nga aso diba? Kaya binigay ko na lang jan " paliwanag nya.
Ahh oo nga pala si spencer yung bagong tuta nya. Bigay ng pinsan nya bago panganak daw kasi yung aso nila eh ayun binigya sya. Hihi ang cute nga eh minsan na nya dinala sa bahay yun. Nag tampo nga sya kasi mas inasikaso ko daw yun kaysa sa kanya haha. Eh wala eh sa cute yung tuta, sya kasi gwapo hoho.
" ay oo nga pala.. Na paalala mo sa weekend dalhin mo si spencer ah? " paalala ko. Tuwing weekend kasi andun yan sa bahay.
" oh? Bakit? "
" eh! Babe naka limutan mo? Diba magjojoghing tayo edi isama mo na para may kasam tayo diba " sagot ko with kumpas pa yan.
" pssh tapos hindi mo na naman ako papansinin? " achuchu nako.. Hahaha
Nagtatampo na ang babe ko ahaha...
" sus nag tampo kana nyan? " sabi ko.
" pssh.. Pano naman alam ko pag dinala ko si spencer for sure sya lang aasikasuhin mo at hindi ako " tampo saad nya.
Kaya ginawa ko niyakap ko na lang sya yung ulo ko nasa leeg nya.
" nako babe huwag kana mag tampo.. Mas mahal naman kita dun.. Kahit inaasikaso ko sya ikaw naman ang aasikasuhin ko everyday.. Eh ayun tuwing weekend lang " amo ko sa kanya. At mukhang effective naman.
Pinatong nya na din yung ulo nya sa ulo ko at. As yinakap ako ng mahigpit. " talaga? Sure ka? " parang batang sabi nya.
Na tatawa ako sa asal nya pero pinipigilan ko na lang baka lalong mag-alburuto eh haha.
" yup sure na sure " sabi ko
" sabi mo yan ah walang bawian.. I love you babe " sabi nya na naka tingin sakin.
" i love you to " sagot ko
At pagka tapos nun hinalikan nya ako at yinakap ng sobrang higpit.