Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Seven Vows: Women of Rebirth, Retribution and Serenity

🇵🇭MissGee
--
chs / week
--
NOT RATINGS
23.7k
Views
Synopsis
Meet the Seven Ladies who bond together to fight against the scrutiny that they've experienced, experiencing and will experience. Battling in the light and in the dark side of the society the women vows to protect and to ensure a bright future ahead of them. 1st Installment: ROGUE, a story about an ex-cop who has been betrayed by the people she trusted the most and vowed to fight even if its against the people who governs the law that she dedicated her life to. 2nd Installment: MORTA, TBA
VIEW MORE

Chapter 1 - PROLOGUE. The Prelude of ROGUE

YEAR 2017. The morning after the BuyBust Operation on City D.

"Nanlaban... nanlaban yung suspect!" nanghihinang pagbigay alam ni Nina sa mga pulis na nakabantay sa Van na kinalalagyan niya matapos barilin si Biggie Chen at si General Alvarez na siyang nanguna sa operasyon nila ng nagdaang gabi, at isa pang lalaking kasama nito.

Hawak ang binti na nabaril dinampot niya ang cellphone na hawak ng walang buhay na Heneral.

"Lieutenant," nagmamadaling nagsipuntahan sa van ang mga pulis na kanina ay kumukontrol sa mga media personnel na nag-iintay ng balita patungkol sa naganap na buy-bust nang nagdaang gabi.

Agad agad naman siyang inilipat ng mga ito sa ambulansya na kasabay ng mga itong dumating para sa cleaning operation.

"TINATAYANG labing tatlong katao ang patay at apat na sibilyan ang sugatan sa nakaraang buy bust operation ng mga kapulisan nitong nagdaang gabi lamang sa Barangay Tambak. Kung saan talamak ang bintahan ng droga at dito rin di umano ang kuta ng isang drug lord na matagal nang pinaghahahanap na alyas Biggie Chen. Ayun di umano sa mga kapulisan ay isa itong malaking tagumpay para sa War on Drugs campaign ng gobyerno dahil ang nasabing drug lord ay siyang pinakanamumuno sa lahat ng operasyon sa City D."

Nagising siya sa ingay na nagmumula sa bukas na telebisyon. Binabalita nito ang nangyaring Buy-Bust Operation na pinamumunuan ng National Enforcement.

Ilang araw na rin ang nakalipas mula nang mangyari ito ngunit narito pa rin siya sa hospital at nakaratay. May bali ang kanyang braso, maraming sugat ang binti at may saksak rin siya sa kanyang tagiliran at may tama rin siya ng baril sa may bandang hita niya. Namamaga din ang kanyang kaliwang mata.

"Lieutenant," tawag pansin sa kanya ng bagong dating na pulis. Matangkad ito at kayumanggi ang balat. Maganda din ang pangangatawan, mahahalata mong banat ang buto sa pag-eehersisyo at trabaho. May pagkakastila din ang hilatsa ng gwapo nitong mukha, papasa nang model. May hawak itong ballpen at isang maliit na notebook. "Senior Inspector Malinawan, Precinct 002. Maaari mo bang idetalye ang buong nangyari sa operasyon niyo?"

Matiim siyang tinitigan ng babaeng kaharap. Matalas ang titig. Hindi man komportable sa uri ng tingin nito ay pinagpatuloy niya pa rin ang pag-iimbestiga. "Lieutenant?"

"Nasa balita na ang lahat. Ano pa bang statement ang gusto mo?" mabigat ang mga salitang lumalabas sa bibig nito. Tila hindi gusto ang lumabas na impormasyon sa mga nightly news.

"Lieutenant, kailangan naming pagtakpan ang ilang mga pangyayari concerning the war on drugs campaign ng ating gobyerno otherwise malaking gulo ito," mahinahon niyang paliwanag.

"Pito laban sa buong barangay ng tambak. Halos kalahati sa mga naninirahang sibilyan sa barangay na yun napatay sa buy bust operation na ginawa namin kagabi. May nag tip sa kalaban tungkol sa operasyon namin. Napaghandaan. Isa yung malaking ambush Sr. Inspector Malinawan. Hindi yun buy bust kung hindi isang massacre," kalmado ngunit nakakasugat ang pahayag nito.

"Naiintindihan ko na may mga kasamahan kang nawala Lieutenant," napasinghap si Nina sa lumabas na salita sa kaharap niya. Siya lang ang natira sa pitong elite members ng National Enforcement Agency. Hindi ito pinansin ng lalaki at ipinagpatuloy ang nais na sabihin. "Galit ka dahil sa nangyari. Ginagawa ko ang trabaho ko para mabigyan ng hustisya ang sinapit nila," mariing pahayag ng lalaki. "Kailangan kong malaman ang tungkol sa nangyari. Lahat. Mula umpisa hanggang sa panlalaban ni Biggie Chen matapos mahuli."

"Sr. Inpector, bago lang ako sa team," saad niyang napapabuntong hininga.

"Oo. Alam ko. Isa ka sa dalawang nakasurvive sa infiltration sa City D last year bago ka nalipat sa team ni Don." Bago pa maipagpatuloy ni Sr. Inspector Malinawan ang kanyang sasabihin pinutol na siya ni Nina. Ang tinutukoy nitong Don ay Team Leader ng grupo na kinabibilangan niya na siyang nanguna sa Buy Bust Operation nitong nakaraang araw lamang sa Barangay ng Tambak.

"Kung alam mo lahat ng yan. Sabihin mo sakin, swerte ba ko o malas?" Tinitigan siyang mabuti ng lalaki. Sinusuri kung anong maaring ibig niyang sabihin sa binitawang pahayag. "Swerte dahil lagi akong nakakaligtas.. o malas dahil namamatay ang mga kasamahan ko?"

"You're neither of them Lieutenant. Wag mo sanang isipin ang mga bagay na yun," nakikisimpatyang pahayag nito sa babae.

"Tama ka. Meron lang talagang mga halang ang kaluluwa na handang isakripisyo ang iba para sa kayamanan. Kagaya ni Hudas na handang ilaglag si Hesus para iligtas ang sarili," makahulugang pahayag ni Nina na may naglalarong ngiti sa labi.