Chapter 6 - 5 The Secretary

"Inna. Stay here," napabuntong hininga na lang si Inna sa utos ng boss niya kaya kahit na nag aalangan ay sinunod niya ito. Isa pa, mas maganda na hindi siya sumama sa loob para magawa niya ang trabaho niya.

Nang makaalis ito ay inalabas niya ang kanyang phone at nagsimula ng maglaro ng isang survival game.

"Maam, mahilig po pala kayong maglaro ng mga may barilang laro," pahayag ng driver na katabi niya. Nakatodo kasi ang volume ng nilalaro niya at maririnig mo ang palitan ng atake ng mga manlalaro.

"Oo naman, Manong. Pampalipas oras din habang nagaantay kay President," mabilis natapos ang usapan nila at muli na niyang ibinalik ang focus sa paglalaro.

Maya maya pa ay napasuntok siya sa hangin ng matalo ang kalaban. Hudyat ito na simula na ang plano nila.

Naamoy naman niya agad ang kemikal na ibinubuga ng aircon kaya agad siyang tumigil sa paghinga. Sinulyapan niya ang katabi at nang makitang agad itong nawalan ng malay agad niyang binuksan ang pintuan ng kotse.

Kinuha niya ang memory card ng blackbox ng sasakyan bago bumaba. Nilapitan niya ang nakaitim na kasuotan at may dalang sniper gun.

"The pawn?" Inna asked the person at ang sagot na nakuha niya dito ay ang pagturo ng daliri nito sa direksyon kung saan naka-pwesto ang sasakyan ni Jio at sa may bandang likod nga nito ay ang nakahandusay na lalaki.

"Flashdrive?" tanong nito sa kanya habang nakalahad ang kamay.

"Here. Tell Seraphine not to involve a civilian again," walang buhay na saad ni Inna.

Tatlong taon na mula ng magsimulang magtrabaho si Nina para sa Seven Vows at ngayon nga ay isa siyang undercover agent under the false name of Inna, Jio's secretary, where she's able to gather information at kahit na dalwang taon na siyang nagtatrabaho para sa lalaki mailap pa rin ang impormasyon tungkol kay Hudas at sa organisasyong kinabibilangan nito hanggang sa malaman niya ang tungkol sa private army ni Jio.

Isa sa mga private army ni Jio ang nakalaban niya sa isang one-man infiltration operation na siya ang mismong nagplano matapos niyang makalabas ng hospital kung saan siya nirecruit ni Seraphine bilang isang miyembro ng Seven Vows, to the Men, they are called The Vows.

Ang Seven Vows ay isang organisasyong nabuo noong 1950's. Kung saan ang Seven Vows ay isang secret affiliate ng gobyerno. When all else fails and every department and public officials hands are tied, that's when the organization step in. Madalas sa kasong hawak nila ay ang pagkalap ng mga ebidensya laban sa mga corrupt public officials at maging ang paglinis sa mga ito, kasama din sa trabaho nila ang paghuli sa mga sindikato na naglipana ngayon sa Country P.

Seven Vows are not officially part of the Government nor they are known to the Public. To the officials and the police, they are just a myth. After all, their existence is only known to the most revered Head of Country P and selected people.

"Hmm," tumango ito saka nito tinanggap ang flashdrive na inaabot niya.

"I'm serious Morta," humigpit ang hawak niya sa kamay nito.

"Don't get attached Rogue. Seraphine won't chose him if he's a good man," mariing pahayag nito na nagpabuntong hininga sa kanya. Morta rarely speaks and when she does it was never non-sense, unlike Adara. Tama ito. Seraphine never chose an innocent citizen as an escape-goat. Pero kahit na ganun hindi pa rin niya maiwasang mag-alangan patungkol sa isang civilian, after all, she live and breath for the safety of the civilian and her fellow. She's a police, in her heart, she will always be one.

Seraphine planted a seed on Mr. Jang's head to steal from the company. She used his tracks as hers and covered her original path from the company's system to steal all the transactions that Jio has been partaking in. Those files are Hudas' crumbs of evidence. They'll use it against the Seistos who rule the underground and illegal trades that has been happening in country P. They have to be covert as possible leaving no trace of information that they hold. All of this would be possible with the help of the Queen of Hackers, Dauntress.

"Right," binitawan na niya ang kamay nito at hinayaan itong pumunta sa isang tagong gusali para gawin ang misyon.

Siya naman ay bumalik na din sa sasakyan ngunit bago sumakay ay inilagay muna niya ang sulat mula kay Seraphine. Nang makapasok ay hinubad niya ang kanyang gloves na sinuot niya kanina bago lumabas at saka pumwestong parang natutulog.

Maya-maya pa naramdaman niya ang paghaplos ng kamay sa kanyang pisngi bago narinig ang nag-aalalang boses nito.

"Nina," mahinang bulong ng lalaki bago naramdaman ang matipunong braso na pumalibot sa kanyang binti at sa may bandang likudan at unti unting inangat siya sa ere.

Gusto niyang maawa para kay Jio dahil ang lalaki ay isa lamang sa misyon niya. Alam niyang may nararamdaman ito para sa kanya pero matagal nang sumuko ang puso niya sa gantong klaseng emosyon.

Isa pa, ang lalaking ito ang may hawak ng susi sa katauhan ni Hudas. Ang ulo ng pinakamalaking sindikato sa Country P at ang lalaking dahilan kung bakit namatay ang buong team na itinuturing niya na ring kapamilya. Kaya naman, hindi siya maaaring magpaapekto sa nararamdaman nito.

May isang bagay na matagal ng gumugulo sa isip niya mula ng makaligtas siya sa infiltration operation nila noon sa City D, kung saan dalawa lamang silang nakaligtas. Sigurado siyang binalikan siya ng kababata niya at kasama niya sa team na si Rosanto matapos mabaril nang apat pang beses ng iwan siya ng mga ito, may kasama pa ngang isa pang lalaki ang kababata at sigurado din siyang may narinig siyang bumanggit sa salitang Hudas. Kung sino sa dalawa ang tinutukoy ng tumawag, hindi niya alam.

Malalim na ang tinatakbo nang kanyang isipan kaya hindi niya namalayan na nakatulog na siya sa bisig ni Jio.

TINITIGANG mabuti ni Jio ang mukha ni Nina. Minimemorya ang bawat detalye ng magandang mukha ng babae. Bawat pagkunot ng noo nito at ang munting pagbuka ng labi nito sa paghinga, ang marahang pagtaas baba ng dibdib nito. Itinatatak niya sa kanyang diwa.

Hinaplos niya ang malambot na labi ni Nina. Nabibighani siya sa taglay nitong ganda. Unti-unti inilapit niya ang mukha sa labi ng babae.

Hindi kayo nararapat para sa isa't isa.

Bago pa man niya mailapat ang labi ay pinigilan niya ang kanyang sarili bago mawala sa pag-iisip. Hindi tama ang gagawin niya. Ayaw niyang ipasok ang babae sa magulong buhay na meron siya.

Sa huli wala siyang magawa kundi ang mapabuntong hininga at titigan ang babae.. kagaya ng lagi niyang ginagawa.