Chapter 5 - 4 The Thief

"Inna, stay here." utos ni Jio sa kanyang sekretarya.

Nag-aalangan man sinunod siya ni Inna. Hindi niya pinasama ang babae dahil hindi nito magugustuhan ang maaring maabutan nito sa loob. Nauna na niyang pinapunta ang kanyang mga tauhan sa lugar para makasiguradong nandun nga ang lalaki.

Iniwan na niya ito at tinungo ang bahay ni Mr. Jang. Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang tinatraydor siya. Sa isiping ito agad na nagbago ang expression ng kanyang mukha. His real face was now replacing the smiling persona he created. His expressive face was now devoid of emotion. It was as if, his smile never existed. At all.

"Boss," agad itong tumungo ng makita siya. "We already prepared him."

Ang ibig sabihin ng tauhan niya sa prepared him ay bugbog sarado na ang lalaki. Nanghihina na rin at puno na ng sugat at pasa ang katawan.

"Mr. Jang," inilabas niya ang tabaco na tinatago niya sa suit niya, sinindihan ito at saka hinithit. Bago ipagpatuloy ang sasabihin ay binuga niya dito ang usok, "Nagpunta ako dito para kunin ang pagmamay-ari ko."

"N-naibalik ko n-na. Naibalik ko na sa mga tauhan mo ang files na n-ninakaw ko," nauutal na pahayag ni Mr. Jang. Ang kaharap niya ngayon ay hindi ang President Jio na kilala niya.

Tinignang mabuti ni Jio ang mukha ng lalaki saka muling humithit sa tabacong hawak at muli ibinuga ito sa mukha ng kaharap.

Napa-ubo ito sa ginawa niya. May tumutulong dugo mula sa sentido nito ganun din sa iba pang parte ng katawan nito. Wasak rin ang mga gamit nitong pambahay. Nakaluhod ito sa harapan niya at nanginginig pero wala siyang maramdamang awa sa lalaki.

"Mr. Jang, hindi lang yan ang kailangan mong ibalik," malamig niyang tugon.

"P-president ma-maawa ka. Wala akong alam. W-wala," pagmamaka-awa nito.

"Hmm," tinitigan niya itong mabuti.

"Ang pera at ilang files lang ang ni-ninakaw ko mula sa k-kompanya. Wala ng iba," pilit nito.

"City S. Blueville Subdivision. House #206. Alam mo ba kung sinong nakatira sa address na yun?" Banggit niya. "Divy."

Napatigil ito sa pangalang binanggit niya. "Parang-awa mo na President. Wag mong idamay si Divy dito. Wala na akong ibang ninakaw bukod sa pera at ilang files. President!"

"Take him. Ipapakita ko sayo kung pano ko papatayin ang fiance mo Mr. Jang," Malamig niyang utos sa mga tauhan, maririnig mo rin ang pagmamaka-awa ni Mr. Jang na huwag ng idamay ang kanyang nobya pero bago pa makatayo si Jio sa kinauupuan ay nakita niya ang pulang dot na nakatapat sa may puso nito at ang sunod na ngang nangyari ay ang pagbagsak ni Mr. Jang sa tiled floor nito.

Saglit na napatigil ang lahat sa biglaang pagbagsak nito. Hindi nila inaasahan ang pangyayarin kaya agad siyang pinrotektahan ng mga tauhan niya. Hindi na nasundan pa ng pagpapaputok ng baril ang nangyari kundi nakakabinging katahimikan.

Nanatiling alerto ang mga tauhan niya bago siya ligtas na inilabas sa bahay ni Mr. Jang na ngayon nga ay naliligo na sa sarili nitong dugo. Agad naman niyang pinuntahan ang sasakyan niya at nakita ang driver at ang kanyang sekretarya na walang malay sa loob nito. Nakita rin niya ang isa pa niyang tauhan na walang malay malapit sa likod ng kanyang sasakyan. Nagngitngit ang loob niya. Sino naman kaya ang maaring gumawa nito?

"Search the area," he commanded his men and they disperse as soon as they heard his order.

Napasuntok siya sa pintuan ng sasakyan niya. "Fuck!"

Lumapit siya sa kinapepwestuhan ni Inna at hinawakan ang salamin na nakaharang sa pagitan nilang dalawa. Dito na nga niya napansin ang naka-ipit na papel sa windshield niya.

"President,

It was nice meeting you. We'll meet again!

P.S. I got what you're looking for, btw." Jio read the note aloud.

"Nikhol," he called for his shadow guard's name and gave an order. "Find out who he talked to and get his fiance."