"City M, Camilla Ville, House No. 3459," basa niya sa nakasulat sa papel. Nang tumawag kagabi ang hinire niyang Private Investigator agad niyang isinulat sa kapirasong papel ang address na binigay nito at ngayon ay nasa harap na niya ang unang clue kung saan mahahanap si Nina.
Kinatok niya ang pinto. "Ms. Agsunta Sinclair?" walang sumagot sa tawag niya pero nakarinig siya ng kaluskos sa kabila ng pinto. "Ms. Agsunta alam, kong nandyan ka. Kailangan kitang maka-usap tungkol sa babaeng nagngangalang Nina Sinclair."
"S-sino ka?" narinig niyang sagot nito.
"Isa akong police."
"Anong k-kailangan mo?" maya-maya pa ay binuksan nito ng bahagya ang pintuan. Nakita niya ang mukha nito. Maganda ang babae pero bakas sa mukha nito ang takot.
"Nandiyan ba si Nina Sinclair?" napalunok ang babae sa tanong niya at naging malikot ang mata.
"Wala. W-wala akong kilalang Nina." akmang isasarado na nito ang pinto ng pigilan niya. May itinatago ito. Sigurado siyang kilala nito ang hinahanap niya.
"Ms. Agsunta alam kong konektado ka kay Miss Nina Sinclair." matigas niyang pahayag na nagpanginig sa babaeng tinawag niyang Agsunta. Binuksan nito ng bahagya ang pinto sapat para makapasok siya. Nang nasa loob na siya ng bahay ay nakita niya ang picture ni Nina na nakasabit sa dingding, may malaking ngiti sa labi at katabi nito ay ang babaeng kaharap niya.
"Anong kailangan mo sa kapatid ko?" kung kanina ay may takot sa boses nito ngayon ay may bahid na ito ng galit.
"Sr. Inspector Rob Malinawan," bago niya sagutin ang tanong nito ay nagpakilala muna siya. "May itatanong lang akong ilang bagay sa kanya. Maari ko ba siyang maka-usap?"
Hindi siya nito agad sinagot kaya sinundan niya ang direksyon na tinitignan nito. Picture ni Nina na nakapatong sa isang maliit na table at isang urn.
"Urn?" mahina niyang bulong sa sarili. Ibinalik niya ang tingin sa babae.
"You're already late. Two and a half years late," malumanay na saad nito na ngayon ay sa kanya nakatuon ang buong atensyon. "She was waiting for you, you know?" a small sad smile appear on her pale lips.
"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan man ay nagawa pa rin niyang magsalita.
"She's inside that urn. Sabi niya sakin may napagsabihan siya tungkol sa Hudas. Punyetang Hudas. Inantay ka niya araw-araw at habang ginagawa niya yun nangangalap siya ng impormasyon para maibigay sayo. Hanggang sa..," may pait sa boses nito, she was gritting her teeth. "Inspector lumalalim na ang gabi," tumayo ito at iginiya siya palabas ng bahay.
"Sandali lang. Alas-sais pa lang," pigil niya dito ng hilahin siya nito. "May iba pa ba siyang nabanggit sayo? Alam kong may sasabihin ka pa."
"Bukod sa taong napagsabihan niya tungkol sa Hudas? Wala na. Hindi ko nga alam kung anong trabaho ng kapatid ko," malungkot na saysay nito. "Sige na Inspector."
"Sorry," hingi niya ng paumanhin dito. Kung para saan? Hindi niya alam. "yung mga nalaman niya or nahanap na information maari ko bang malaman kung alam mo kung nasaan or ano?"
Lumambot ang mukha nito sa sinabi niya. May kung anong emosyon ang dumaan sa mata nito. "Pasensya na Inspector pero walang binibigay sakin ang kapatid ko o nababanggit na kahit ano pero baka may makita kang makakatulong sayo sa dati niyang bahay sa City D."
MATAGAL nang naka-alis ang Inspector sa bahay ng tinatawag na Agsunta pero hanggang ngayon naka-upo pa rin siya sa tapat ng malaking picture ni Nina kasama 'siya'. Kinuha niya ang nakatagong pakete ng sigarilyo sa drawer na katabi ng sofa na kinauupuan niya. Sinindihan ito at humithit.
Maya-maya pa ay maririnig mo ang malakas na tawa ng babae at ang tunog ng takong ng stilleto heels na bumababa sa hagdan mula sa ikalwang palapag ng bahay.
"Adara," mapagbanta ang boses na nagmula sa babae na ngayon ay uupo na sa harapan ng tinawag na Adara.
"Damn. That was fun. Did you see me Rogue? Or should I call you Nina?" mapang-uyam na pahayag nito.
"Whatever. Tapos na ang mission mo. Makaka-alis ka na sa bahay ng kapatid ko," malamig ang boses at walang emosyong pinaalis ni Nina ang babae.
"Eyy. Rogue let me stay here. Baka bumalik siya sige ka. Ikaw ang abutan," tumatawa pa ring sabi ni Adara.
"Bakit ba ikaw ang pinadala ni Seraphine," walang pagtatanong sa boses ni Nina pero punong puno ito ng sarkasmo.
Hindi mapigilang tumawa ni Adara sa itinuran ni Nina sa kanya. Alam niyang ayaw ng babae sa mga kagaya niya. Isang kriminal. Ipinagpatuloy niya ang paghithit sa sigarilyong hawak.
"Sa ating pito si Kara ang artista pero hindi mo siya pwedeng gawing pain sa lalaking yun, saka isa pa magaling din naman akong umarte a. Napanood mo naman di ba?" sabay turo sa picture nilang dalawa. Sa loob nito ay isang hidden camera at sa ikalawang palapag naman pinapanood ni Nina ang mga naganap kanina.
Napabuntong hininga na lang si Nina sa itinuran niya. Sanay na ito sa mga kagaspangan ng pag-uugali niya.
HINDI niyang lubos na maintindihan kung bakit ang reyna pa ng manggagantso ang pinagpanggap na kapatid niya. Masyadong carefree ang babae at yun ang pinaka-ayaw niya sa lahat.
Napa-iling na lang siya sa babae na umani naman ng isang halakhak mula dito.
"Look. Rogue. Sa tingin mo gusto ko tong gawin? Alam kong ayaw mo sa mga kriminal na kagaya ko," napapa-ismid na sabi nito na siyang nakapagpanting sa pandinig niya.
"Is that what you think Adara? You're a criminal but compare to Hudas and his other FRIENDS, you are nothing," nakataas ang kilay na saad niya. Binibigyang diin ang salitang FRIENDS para intense. Bubuka pa lang ang bibig ni Adara nang mabuhay ang TV Screen sa sala at tumambad sa kanila ang mukha ng isang babaeng nakaputi.
"Ladies," bati nito sa kanila.
"Seraphine."