Sa Kasalukyan – June 4, 2014.
Dito sa Central South Philippine University, isa sa mga paboritong tambayan ng mga estudyante ay ang Lily Garden. Sikat ito dahil sa mala-paraisong setup na nasa lugar.
Nakatayo sa gitnang bahagi nito ang isang shrine kung saan nag-aalay ng dasal ang mga estudyante upang pumasa sa kanilang exams, lovelife at kung anu-ano pang hangarin ng isang tipikal na estudyante.
Sa harapan naman ng shrine na ito ay isang kulay puting tulay na nag-uugnay sa magkabilang dulo ng maliit na lawang makikita rin sa hardin. Tinawag itong Lily Garden dahil sa dami ng lily pods na lumulutang sa lawa, isang nakakabighaning atraksyon sa naturang lugar.
Paboritong tambayan ni Keanne ay ang benches na nakapalibot sa lawa.
"Haaayy… Preskong hangin, malupitang view at tahimik na paligid. I couldn't wish for another perfect spot to sleep," pahayag ni Keanne habang nakaupo sa paboritong bench nito.
Isang paraiso nga siguro ang hardin dahil hindi nagtagal at mahimbing ng natutulog si Keanne.
[Flashback]
"Son, sa pangalawang liko ko, I want you to jump out of the car. You got it?"
"What?! No! I won't leave you pa!"
Keanne's heart is beating triple times now.
"Keane, makinig ka! This is the only way na maliligtas tayong dalawa," tugon ni Ray sa anak.
"I know we can make it! Naghihintay pa satin si Mom, remember?" sagot ni Keanne.
Buong buhay ni Keanne natuto siyang lumaban sa emosyon at hindi kailanman nagpatalo sa sakit na dala nito.
But fate betrayed him.
His tears started to fall.
Terrified of their situation.
Tumingin sya sa mga mata ng kanyang ama at nakita ang awra ng awtoridad na bumabalot dito. Alam niyang talo siya.
Nang nasa palikong bahagi na sila, binagalan ni Ray ang takbo ng sasakyan at lumingon sa anak.
"Patawad anak. There is no other way," at itinulak si Keanne palabas ng sasakyan.
Sa mabatong damohan, hindi mabilang kung ilang beses nagpagulong gulong si Keanne.
Makalipas ang ilang segundo, isang malakas na tunog ang narinig. "Booom!"
Kahit masakit at dumudugo ang ulo, pinilit ni Keanne na tumayo. Those clear blue eyes of him was now flaming red as he saw their car on fire...
"Hoy! Gumising ka na po!"
Napabalikwas ng tayo si Keanne dahil sa makulit na sundot na ginagawa ng babaeng nakatayo sa kanyang harapan at nakataas ang kilay.
"Hi there crus…ay este Courinne!"
Courinne rolled her eyes. "Well, I'm here to remind you that we still have a class to attend to. Napahaba na naman 'nap' mo eh no," Courinne said sarcastically.
Keanne checked his watch. "Oh crap! What class is it today? Hehe."
"Haaayyys." Hindi matago ni Courinne ang pagkadismaya sa kaklase nitong matalino nga, hindi naman kabisado ang kanilang class schedule. "Keanne, you're hopeless. C'mon!" She rolled her eyes again.
Habang mabilis na naglalakad ang dalawa pabalik sa kanilang silid, nagpatuloy sa pagsasalita si Courinne.
"Keanne, hindi mo talaga naaalala sched natin eh no. So di mo rin natatandaan sino next instructor natin? Okay, here's the hint: he's our Math instructor who has a foreign name. Funny isn't it, a foreign teacher who teaches Math instead of English? Haha."
Biglang napatigil sa paglalakad si Keanne. "Wait, do you mean, him?" Halata ang pangangamba sa kanyang mukha.
"Yeah. Him. Mr. Reynald Cole! So you better pull yourself together Keanne! Our assignment is due today and…"
Hindi pa rin umuusad sa paglakad si Keanne.
"Oh no, wait. I know that face. I know what that means," natatawang sabi ni Courinne.
Hindi na nga nakasagot si Keanne at napakamot na lamang ng ulo.
"Haha. I knew it! Forgot to do your assignment again huh? C'mon hurry up! I know you can still work on it. WE STILL GOT TIME! Multi-tasking is your forte, isn't it? Besides, top 1 ka naman pagdating sa math," pagsisiguro ni Courinne sa kasama.
Keanne felt a relief of what Courrine said. Keanne grabbed Courinne's hand and said, "thanks Koko."
Hinihingal na dumating sa classroom nila sina Keanne at Courinne. It's a good timing for the both of them since Mr. Cole isn't there yet. Kaya, dali daling kumuha si Keanne ng gamit at nagsimula ng gumawa ng kanyang assignment.
Kilala si Keanne noon during his high school years sa husay nito sa logic at math. Marami nang math contests ang kanyang naipanalo mapa national level man ito.
Malapit ng matapos si Keanne sa paggawa ng kaniyang assignment nang isang malaking boses ang bumungad sa pinto ng kanilang classroom.
"Class, did you know why homeworks are called that way?" tanong ni Mr. Reynald sa buong klase.
Alam ni Keanne kung sino ang pinariringgan ng striktong guro nila. Ngunit hindi siya nagpatinag dito at nagpatuloy pa rin sa kaniyang ginagawa.
"Because it's supposed to be done at home! However, some of you might just be so 'busy' with I don't know what and tend to it here instead. Tsk!" dagdag pa niya.
Sa pagkakataong iyon, nairita na si Keanne. Kunot ang nuo at nakatagpo ang kilay na tumungo si Keanne sabay bagsak ng kanyang notebook sa lamesa. Dahil nawalan na ng gana, napagdesisyonan niyang 'wag nalang tapusin ang ginagawa.
Ang lahat sa klase ay nakatingin lamang kay Keanne at kay Mr. Reynald, ramdam nila ang tensyon na namumuo sa dalawang nilalang na halimaw sa larangan ng matematika.
Napansin ni Mr. Reynald ang wari'y napipikong mukha ni Keanne at sinabing, "nagagalit pa nga pag sinasabihan, tsk."
"Anyways, I'm sorry for that class. Good morning by the way," pagbati ng guro sa buong klase.
"Good morning Mr. Reynald," sagot ng lahat.
"Okay take your seats. So, to start off this this meeting, let us first have some recap on what we discussed last time: Laws of Exponent, a very basic skill that you must all master. And to do this, I will call three from the class to answer the three problems on the board. Are you ready?" pahayag ng guro.
Tumungo naman ang lahat bilang pagsang-ayon.
"So, first to answer, I'd like you to do this Ms. Angelica. Here, take this chalk. And for the second one let us have, yes the pretty Ms. Ruth, here. And for the last problem…"
"Let me do it sir," alistong tugon ni Keanne.
"Oh, confident as always Mr. Keanne. That's my boy!" masayang tugon ng guro na para bangng walang nangyari kani-kanina lamang.
Ilang segundo lang ang nakalipas at tapos nang sumagot ang tatlong magkaklase.
"Okay. Let us check your answers. First problem. Hmmmm. X= -54. Yes, that's right. Good job Ms. Angelica Diaz! Cute and smart I see."
"Next problem, hmm, let's see. Hmmm. Yes, that's also correct. Good job Ms. Evangelista. Pretty and amazing as always!"
"And for the last problem---"
"Mr. Reynald, Keanne's answer is wrong. I'm sorry Keanne, but, uhhmm, I think the correct answer is 125," pagputol ni Courinne sa guro.
"Do you agree to that Mr. Keanne?" Mr. Reynald asked Keanne.
"No," pabalang na sagot ni Keanne.
"Keanne, 1 raised to 0 is 0. And your answer is 1," mabilis namang tugon ni Courinne.
At this point, Keanne just perfectly did the thing his classmates find the most annoying gesture he always does in the class; Keanne smirked, rolled his eyes and stood up.
"Courinne, any number raised to the power of 0 is 1. Remember that dear."
Therefore, the answer to the problem which is to find X from the given equation X=〖( 2〗^3×15 )+5+〖(15.01)〗^0 is X= 120 + 5 + 1. Courinne, it's 126."
Tumahimik ang buong klase. Sabay sabay ang lahat na lumingon sa direksyon ni Mr. Reynald. Inaantay kung ano ang magiging hatol ng kanilang guro.
Natameme ang lahat ng makitang nakatulala ang guro nila habang nakangiti. Bakas sa mukha nito ang pagkamangha kay Keanne.
"Kulang nalang mag slow clap yang si sir. Manghang mangha kay Keanne oh, parang timang," pabulong na sabi ng isa sa kanyang mga estudyante sa katabi nito.
Ilang segundo pa ang lumipas bago nakabalik sa sarili nito si Reynald.
"Oh, I'm sorry for that. Uhm, very well Keanne! Yes, you are right. Any number raised to the power of zero is one," sabi ng guro.
"Wow! You made me look like a proud dad there huh?" dagdag pa niya habang nakangisi.
Keanne just smirked.
"Anyways, that's also a good argument Courinne. You know what? I'm thinking you two really are compatible. The cold and stubborn Keanne and the smart, understanding Courinne."
"Ayiiiieeee!" sabay sabay na tukso ng kanilang mga kaklase.
Hindi maitago ni Keanne ang pagkainis sa kanyang guro, "oh crap! What a stupid thing to do Mr. Reynald."
Ngunit, "but dammit, why. am. I. blushing?!" hindi makapaniwalang sabi ni Keanne sa sarili.
**********
Natapos na ang walong oras na klase ni Keanne ngunit napagpasyahan muna nitong bumisita sa Lily Garden.
"Uy, Keanne! San punta mo?" tanong sa kanya ni Courinne.
"Garden," sagot naman nito. "Uhhhm… D'you wanna come?" nahihiyang imbita ni Keanne.
"Sure, why not."
**********
"You really love this place, aren't you?" Courinne asked while both of them are peacefully looking at the beautiful scenery.
"Yes I do. Uhm, Courinne do you still remember during enrolment?" tanong ni Keanne.
Lumingon si Courinne sa direksyon ni Keanne at sumagot. "Uhm, yes."
Sa paglingon na iyon ni Courinne, saktong tumama sa kaniyang mukha ang sinag ng lumulubog na araw sa hapong iyon. "Ahh. This place is even more beautiful," pabulong na sabi ni Keanne.
"Huh?" nalilitong tanong ni Courinne.
"Uhh uhm, wala, never mind hehe. Where am I again? Oh yeah, uhm you know, during enrollment, you really helped me a lot there. I haven't thanked you yet. Uhm thank you," kinakabahang sabi ni Keanne.
Kinakabahan man, nagpatuloy si Keanne. "I really like hanging out with you tho. I didn't feel left out at all. You know, it's hard for me to find people to hang out with. People find me weird, nerd and other stuffs. So yeah, thanks!"
Courinne was flattered. "Yeah, people suck! I mean why do they find it hard to be with you Keanne when they can learn so much things from you; trivias, formulas, facts, history. You know, benefits they can get," pahayag ni Courinne.
"Stop it Courinne. Masyado mo naman akong pinupuri. Sige ka pag ako nasanay niyan... Hahahaha"
"Hahaha," nagtawanan ang dalawa.
Ngunit, biglang nag-iba ang mukha ni Keanne. Bakas sa kaniyang mukha ang lungkot.
"Seriously Courinne, I never thought I could be this happy again after that relationship."
"Hey, are you alright? You can tell me the story if you want to, I'm willing to listen," said the concerned Courinne.
He hesitated at first. But Keanne trusts Courinne kaya nagsimula na siyang magkwento.
"Honestly, I really don't know why the thing between us sadly turned out that way. It's not my fault" Keanne's voice is shaking. Halatang kinakabahan.
"I thought she's the one for me---"
"Hey, take it easy. You can refuse to tell me your story me if you wish so, it's fine. I know it isn't that easy to speak up," natatarantang pinutol ni Courinne ang kasama.
"No, hahaha. I'm fine. I'm sorry. Okay let me start again," mabilis namang tugon ni Keanne sa natarantang kasama.
Keanne composed himself and continued. "So, ganito nangyari. Our fairytale-like relationship started in high school as we're both members of the school choir. Maigne sang like an angel. That's why I fell hard for her. In fact, she chose to continue her singing in this university---"
"Wait, don't tell me you're talking about Maigne Ortega! The Maigne Ortega of this school?" Courinne interrupted.
"Woah! What's with the so surprised expression?" naguguluhang tanong ni Keanne sa nagulat na kasama.
"Seriously Keanne? You had dated a Maigne Ortega?! Keanne, she's a star in this school! Everybody knows her. She excels mostly in everything. I'm kinda even envious of her. You know, she sings so well, dance so well, she's good in art… Ugh, she's like an idol here, didn't you know that?! I can't believe you," Courinne said in exasperation.
Kahit alam niyang mahusay si Maigne sa lahat ng bagay, medyo nagulat pa rin si Keanne sa naging diskripsyon ni Courinne sa ex niya.
Sa isip niya, "Maigne? Well I should've expected that. Name the thing what you want her to do and she'll nail it! She's an amazing woman kaya hindi maipagtatakang marami ang humahanga sa kanya."
"Oh, I'm sorry for interrupting your storytelling Keanne, haha. Ituloy mo na kwento mo," tugon ni Courinne sa kasama.
"Thanks Courinne," Keanne said sarcastically. "But yeah, Maigne's a year older than me, so she graduated earlier and decided to study here.
After I graduated, I was so excited 'cause I can finally enrol myself too in this university. Then, we can spend more time together and do stuffs like what most couples do. Just like what we had planned when we're still in high school.
But when I told her about the news of me enrolling here, shits suddenly happened. She suddenly turned cold. Then eventually, she broke up with me just before the enrolment. I don't know her reasons at all. Like, I've never been a jerk and cheated.
At that point I'm so determined to know the truth why she made such decision. But during the process, I got tired. Kahit malaman ko man ang katotohanan, talo pa rin ako. Hindi na maibabalik sa dati," hindi maitago ni Keanne ang lungkot sa kanyang mukha. Alam niyang anytime tutulo na ang namumuong luha sa gilid ng kanyang mata.
Courinne moved closer to him. She patted his shoulder and murmured, "sssshhh. That's okay. Do you still want to continue?"
Keanne felt the brush of Courinne's soft palm on his shoulder. He was comforted.
"Yeah. Let me continue. You know Courinne, to find out her reasons is pointless. I realized she doesn't deserve me and I deserve someone better, someone who's 'compatible' to me just like what Mr. Reynald said," ang mahabang litanya ni Keanne.
Courinne was taken aback with what Keanne said but still managed to ask, "who's that 'better' then?"
Keanne faced Courinne.
"You," sagot ni Keanne.
Nagkatitigan ang dalawa, walang umiimik at ninanamnam ang katahimikang bumabalot sa kanila.
Ilang segundo rin sila sa ganoong sitwasyon.
"Uy Keanne ang galing mo ha. Matalino ka na nga, palabiro ka pa. Hahaha!" aligagang tugon ni Courinne.
Nanatiling seryoso ang mukha ni Keanne. "It's true. I never joke around in situations like this. Courinne, I like you."
Isang katahimikan na naman ang bumalot sa dalawa.
Kunot ang noo at nag-aalinlangang sumagot si Courinne. "Uhm Keanne, I don't think it's me. I mean, you're cool, smart and funny but I don't think it's me you're looking for---"
"No, Courinne---" pagputol ni Keanne
"Sshhh. Let me finish okay?" pagpapatuloy ni Courinne. "Keanne, I think I can never return the same butterflies you're giving me."
Tila binuhusan ng isang baldeng malamig na tubig si Keanne. Aktong sasagot pa sana siya nang…
"Wait, I think my phone's ringing. I have to go Keanne. Bye!"
Natulala na lamang si Keanne sa nangyari. For the second time, a girl left him, hanging.
**********
Umuulan ng malakas sa mga oras na iyon. Napakagandang pagmasdan ang pagpatak ng malalaking butil ng tubig ulan sa siradong bintana ng bus na sinasakyan ngayon ni Keanne pauwi. Gusto niyang sabayan ng pag-iyak ang pagbuhos ng ulan, gusto niyang ibuhos lahat ng kabiguang nadarama.
He was never been this hurt before.
"It was her who's giving me hope to go on with my life. But why?! Why life can be so cruel? Crap!" ang pabulong na sabi ni Keanne sa sarili habang nakasalampak ang mukha sa bintana.
Sa buong biyahe ng naturang bus, ang tangi lamang maririnig ay ang mapayapang pagbuhos ng ulan at ang maingay na pintig ng durog na puso ni Keanne.
Kinuha niya ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa at ikinabit ang kanyang earphones. Hinanap niya ang isa sa kanyang mga paboritong musika sa kanyang music player. Isa sa mga hilig ni Keanne ay ang pakinggan ang musika ng isang babaeng tumutogtog ng piano. Ang babaeng ito ay sikat ngayon sa telebisyon sapagkat, siya ay isang mahusay na pianista at ngayoy naatasan na mag tanghal sa Japan para mag compete laban sa iba't ibang mga bansa.
"I'm glad that somehow, her music lessens my pain a bit no matter how tough it is. I wonder if I can granted a chance to meet her personally someday."
**********
Pagkauwi ni Keanne, dali dali itong sumalampak sa kanyang kama. Muli niyang inalala ang mga masasakit na katagang binitawan ni Courinne.
"I think I can never return the same butterflies you're giving me."
"Dammit!" galit na sabi ni Keanne sabay tayo mula sa pagkakahiga. Palabas na sana si Keanne mula sa kaniyang kwarto nang masagi ng kanyang paa ang isang violin sa ilalim ng kaniyang kama.
Hindi niya na ito gaanong pinansin at pumunta na ng kusina kung saan naghahanda ng hapunan ang kaniyang ina.
"Ma, anong ulam na---"
Hindi natapos ni Keanne ang tanong. Nagulat siya sa kanyang naaktohan sa kusina. Malapad ang mga ngiting may kausap sa telepono na inipit sa kanyang tenga at balikat ang kanyang ina. Habang abala naman ang isang kamay nito sa pagsandok ng ulam. Pasayaw sayaw pa ito habang abala sa kanyang ginagawa.
"Ew, hahahaha," ang tanging naging komento ni Keanne sa kanyang naaktohan.
Hinay hinay siyang lumapit sa direksyon ng ina. Nang makalapit, mas naging malinaw ang boses ng ina. Napasinghap si Keanne. Gusto niyang humalakhak. Iniba ng ina ang kanyang boses, yung tipong parang batang nagpapacute sa kalaro.
Hindi na napigilan pa ni Keanne ang sarili. "Bwahahaha! Teka, ano nga yung tawag sa ganitong mga galawan? Hahaha. Ahh, nagpapabebe," malakas na pagpaparinig ni Keanne sa ina.
Nagulat ang kaniyang ina at muntikan nang mabitawan ang sandok.
"Ah eh, Yanne. Andyan ka na pala. Hehe," sabi ni Maria habang dali daling isinilid sa bulsa ang telepono.
Even in her mid 40's, Maria, Keanne's mom is still a hottie. She still got the looks, the curves and fair skin that seldom moms at the age has. She's a wife of the handsome Ray Collins indeed.
"Sino po yun ma? Parang seryoso usapan natin dyan ah," panunukso ni Keanne.
"Ha? Naku wala yun. Hehehe," nahihiyang sagot naman ni Maria.
"Sus! Sige na ma. Sino po yun? Sige ka, pag 'di mo sasabihin, hindi ko kakainin to," pangungulit pa ni Keanne.
Hindi na nakalusot pa ang ina. "Si Mr. Reynald yun. Ikinuwento niya yung nangyari kanina sa klase ninyo. Napahanga mo raw siya anak, Im so proud of you!"
Nagtataka si Keanne kung bakit tumawag ang kanilang guro sa ina. Ngunit naalala niyang may ipinasa pala silang index card kung saan nakalagay ang cellphone number ng kanilang magulang o guardian.
"Hahaha. Sa akin humanga si Mr. Reynald ma, pero feeling ko sa iba siya may 'paghanga'," panunukso ni Keanne.
"Enough. Kumain ka na," namumulang sabi ng kaniyang ina.
"Okay. Chill lang po ma. Hahaha," natatawang sabi ni Keanne.
Keanne looked at her mom's direction, "How I wish dad's still here ma."
Imbis na magpakita ng simpatiya ang ina sa anak, ngumisi lamang si Maria at binigyan ang anak ng mukhang tila ba nagsasabing 'he's with us'.
**********
Sa parehong oras na iyon, malayo sa maingay na siyudad ng Valencia kung saan nakatira sina Keanne, sa isang madilim na lugar na may abandonadong bodega, nakabantay ang mahigit sampung armadong lalaki.
"Boss, matagal pa ba ang transaksyon na yan?" tanong ng isa sa kanila sa matandang lalaking nakatayo sa sulok.
"Boss, dispatsyahin nalang natin 'yan. Parang hindi naman tutuloy yung may dala ng ransom eh. Mag aapat na oras na tayo dito oh!" sambat naman ng isa.
"Mga inutil! Tumahimik nalang kayo. Puro kayo satsat!" singhag ng matanda.
Aktong sasagot pa sana ang lalaki nang…
"Tahimik!" sigaw ng matanda.
"Vrooooomm!"
Isang humaharurot na SUV ang maririnig sa malayo. Alam ng matanda na papunta sa kanilang direksyon ang naturang sasakyan.
"Boss, may paparating na sasakyan. Sibat na tayo!" nagmamadaling sabi ng isa sa mga lalaki.
Bakas sa mukha ng matanda ang pagkadismaya. "Bwesit! Pag minalas ka nga naman oh!" singhag ng matanda sabay buga ng usok mula sa hinihithit na sigarilyo.
Nagmamadaling sumakay ang matanda sa getaway vehicle nito habang kinakaladkad ang kinidnap na bata.
Nagpupumiglas ang batang babae kaya nahihirapan ang matandang kontrolin ito at ipasok sa sasakyan. Hindi maitago ng matanda ang prustrasyon sa mga gong-gong na alipores nito nang lahat sila'y naka pwesto lamang sa malaking entra ng bodega at hinihintay na makarating ang SUV. Wala man lang ni isa sa kanila ang tumulong sa kanya.
Nagpupumiglas pa rin ang batang babae. Tumatakagtak na ngayon ang pawis ng matanda dahil sa pwersang kanyang inilalaan para ma kontrol ito.
"Hoy mga gong-gong tulungan niyo ako dito!" galit na utos ng matanda.
Aktong tutulong pa sana ang isa sa kaniyang mga alipores nang isang malakas na putok na baril ang umalingawngaw sa lugar.
Ito ang naging hudyat ng matanda upang gamitin ang lahat ng puwersang posibleng makuha sa nanghihina nitong katawan.
"Boog!"
Sinuntok ng matanda ang tiyan ng batang babae dahilan upang mahimatay ito at madaling naipasok sa loob ng sasakyan.
Nagpalitan ng putok ang mga armadong lalaki at ang sakay ng SUV. Mahahalatang mahusay sa pakikipagbakbakan ang dalawang sakay ng SUV dahil sa loob lamang ng dalawang minuto'y pito na ang naitumba sa sampung armadong kalaban.
Sa mga oras na iyon, naka alis na ang getaway vehicle ng matanda sakay ang walang malay na batang babae.
"I knew you'd come, Ray Collins," nakangising sabi ng matanda sa loob ng sasakyan.
[End of Chapter 1]