Chereads / I Don't Believe That My Father Is Already Dead / Chapter 2 - A Chase in the Middle of Nowhere

Chapter 2 - A Chase in the Middle of Nowhere

"Nasaan si Samuel at ang bata?" galit na tanong ni Ray sa lalaking nasa kanyang harapan.

"Sabihin mo samin kung hindi, ipuputok ko to!" sigaw pa niya.

Hindi nagpakita ng kahit maliit na takot ang lalaki. "Huli na kayo. Nakatakas na si boss kasama ang bata," sagot nitong naghahabol ng hininga.

Ilang sandali pa at bumulwak ang maraming dugo mula sa bibig nito at humandusay na sa sahig.

"Let's go Ray! I'm sure he isn't far yet," tugon ni Paul sa kasama.

Agad na pinaharurot ng dalawa ang sinakyang SUV at iniwan ang bodega kung saan tumba lahat na kalabang lalaki.

Sa hindi kalayuan ay nakita nina Paul at Ray ang mabilis na takbo ng sasakyan ni Samuel.

"Ayun!" turo ni Ray sa kasamang si Paul na nagda-drive.

Isang matinding maneuver ang ginawa ni Paul tsaka bumwelo ng takbo.

"Zoooooomm!" "Zooooooom!"

Napakatulin ng takbo ng dalawang sasakyan. Tila ba nasa karera ang mga ito.

Maya maya pa, nakabuntot narin sa wakas sina Paul at Ray sa sasakyan ni Samuel.

Ngunit, sa kalagitnaan ng habulan, may napansing kakaiba si Paul sa takbo ng hinahabol na sasakyan.

"Ray, napansin mo ba, menor ng menor ang sinasakyan nina Samuel, yang sinusundan natin? Kanina lang humaharurot yan eh," nagtatakang tanong ni Paul sa kasama.

Napansin din ito ni Ray ngunit hindi na ito gaanong pinansin swerte pa nga niya dahil sa ganoong paraan, mas madali niyang magagawa ang kaniyang plano.

Patuloy sa habulan ang dalawang sasakyan.

Mayamaya, isang mahabang menor ang ginawa ng sasakyang hinahabol. Hudyat upang ilabas ni Ray ang kanyang kalahating katawan sa bintana at barilin ang gulong ng sinusundang sasakyan.

"Bang!'

Sapul na sapul ang gulong nito.

Tumirik ang sasakyan sa madilim at maraming puno na bahagi ng kahabaan.

At dahil sa tulin ng takbo ng sasakyan nina Paul, hindi ito maaaring diretsong prumeno. Kaya, nagpatuloy muna ito sa pagtakbo dahilan upang maunahan ang sasakyan na hinahabol.

Nang malapit nang prumeno sina Paul,

"Swooosh!"

Iniliko ni Paul ang sasakayan sa posisyong 45 degrees dahilan upang humarang ang posisyon nito sa kahabaan.

Sa loob ng hinabol na sasakyan, hindi man lang nakitaan na pagkabahala ang matandang si Samuel. Humalakhak pa nga ito at nagsabi," Bwahahaha! Sa wakas ay magkikita ulit kami."

Sabay na lumabas mula sa SUV sina Ray at Paul at pumwesto muna ang isa sa kanila sa gilid ng sasakyan upang hindi makita. Habang ang isa naman ay pumunta sa direksyon ng tumirik na sasakyan ni Samuel.

Nakita ni Samuel na lumabas mula sa SUV ang isang matikas na lalaki at papalapit ito sa direksyon niya.

Nang dalawang metro na ang layo ng lalaking papalapit, agad na lumabas si Samuel mula sa sasakyan nito.

"Sumuko ka na Samuel Dela Cruz! You're now under arrest!" sigaw ng lalaking kaharap ngayon ni Samuel.

Habang nakangisi, walang pagtutol na itinaas ni Samuel ang kanyang kamay. "Well, well, well, look who's here, Mr. Ray Collins! After four years, nagkita tayong muli"

"Put your gun down!" galit na sagot ng lalaki.

Parang walang narinig si Samuel at nagpatuloy. "Kapag sinuwerte ka nga naman Ray eh no. What a turn of events! Four years ago, ako yung humahabol sa iyo. Wait, no, let me rephrase that. Ako yung humahabol sa iyo at sa anak mo. Akala ko talaga napatay na kita noon eh kaya hindi ko na rin pinagtangkaan ang buhay ng anak mo---"

"I said put your gun down!" naputol ang sinasabi ni Samuel.

Unti unting umabante ang lalaki hawak ang baril sa kaliwang kamay. Sa bawat hakbang nito papalit ay ang hakbang paurong naman na ginagawa ni Samuel.

Unti unting lumuhod ang matanda at isinusuko ang dalang baril.

"Bang!"

Isang malakas na putok ng baril ang tumama sa noo ng lalaking kanina'y kaharap ni Samuel at matapang na pinapasuko ang matanda.

Headshot.

Hindi napansin at nawala sa isipan ni Samuel na mayroon pala siyang kasamang kanina pa naghihintay sa kanilang pagdating at nagtatago lamang sa isang puno sa mismong madalim na lugar. Ang tawag ni Samuel sa kanya ay 'boss'.

Malumanay ngunit sarkastiko ang boses ng 'boss' na lumabas mula sa pagkakatago. "Oh, what a scene I made. I'm sorry."

Agad na tumayo si Samuel sabay sabing, "naman boss oh! Tsk. Impatient as ever. Hindi naman ganito plano natin di'ba?"

"I have a better reason why I have to pull the trigger myself. Anyways, see, isang baril lang patay na! Ang dami nyo pang drama eh. Di bale, lapitan mo na yan, make sure he's dead," sagot naman ng 'boss'.

**********

Narinig ng kasama ng lalaking binaril ang putok na iyon. Mula sa SUV na pinagtataguan, hindi makapaniwala ang lalaki sa kanyang nakikita.

Nakahandusay sa daan, duguuan at walang malay ang kasama nito sa operasyon.

Hindi niya akalaing nakuhang maitumba ng kalaban ang highly trained officer na kasama.

Gulat man sa pangyayari, mas pinili ng lalaki na maging kalmado.

Mula sa pinagtataguan, lumuhod, yumuko at pinilit na kabisaduhin ng lalaki ang mukha ng 'boss' ni Samuel. Ngunit walang kahit maliit na ilaw na tumatama rito dahil siya at si Samuel ay nakatalikod sa headlight ng sasakyan ng matanda, ikanga'y against the light ang kanilang naging posisyon. Ang tangi lamang malinaw na bagay na makikita sa crime scene ay ang duguan at walang buhay na kasama ng lalaki sa operasyon.

Hindi masikmura ng lalaki ang nangyari sa kasama. Matapos ang mahigit walong taon nilang pagsasama sa lahat ng operasyon bilang mga pulis, hindi niya matanggap na sa ganoong paraan lamang mamamatay ang kasama at sa kamay pa ng mortal niyang kaaway.

Dahil sa nag-aapoy na galit, itinutok ng lalaki ang baril sa tinawag na 'boss' ni Samuel. Magaling na marksman ang lalaki kaya walang hirap na nakuha nito ang perpektong anggulo upang saktong mabaril sa dibdib ang 'boss'

"Click", tunog ng pag gantsa ng baril ng lalaki.

Nagbilang ito, "1 … 2---"

"Dapat yung kasama nating sniper na naka standby dun sa burol na iyon ang tatapos dito boss, di ba? Yun yung plano eh. Bakit 'di nalang yun hinayaan mong pumatay nito. Dito perfect spot niya di'ba! Kaya nga menor ako ng menor kanina para eksaktong dito, dito mismo, mabubuo ang plano natin," reklamo ni Samuel habang nagsisindi ng sigarilyo.

"Shit!" Hindi natuloy ng lalaki ang tangkang pagbaril sa 'boss' dahil sa narinig. Agad siyang tumakbo sa pinakamalapit na puno na alam niyang hindi makukuha ng scope ng sniper.

"Dammit! Mabuti nalang at nakatakbo kaagad," hinihingal na pahayag ng lalaki. "What now?! Hindi ko maaaring sugurin ang dalawang to. Anytime, maaari akong mamatay. Delikado rin pag nahalata ng naka-standby na sniper ang muzzle flash na gagawin ng baril ko pag nagpaputok ako. Arrrgh, dammit!" dagdag pa niya.

Nawawalan na ng pagasa ang lalaki. Sinuntok niya ang punong pinagtataguan dahil sa prustrasyon. "Arrrrgh! "

"Samuel, tayo na. Ikarga na natin to dun sa SUV ng kalaban," walang simpatiyang utos ng 'boss' kay Samuel.

"Okay boss. Paano naman yung bata?" tanong ng matanda.

"Iwan nalang natin yan. Mga pulis nang bahala dyan," sagot naman ng 'boss'.

Aktong yuyuko na sana ang dalawa upang hilahin ang patay na katawan nang…

"Bang!" hindi na nagdalawang isip pa na pinaputukan ng lalaki mula sa puno ang 'boss' ni Samuel. Dehado man sa depensa dahil sa nakaambang sniper sa kanya, wala nang iba pang maisip na paraan ang lalaki. Kapag hindi niya iyon ginawa, tuluyan nang makakatakas ang kalaban.

Tulad ng nakaplano, siniguro nito ang dibdib ng puntirya. Ngunit, napaatras lamang ito sa impact at madaling nakakuha pabalik ng balanse. Yun pala ay naka bullet proof vest ito.

Sa pangalawang pagkakataon, tinangka ulit barilin ng lalaki ang puntirya. "Bang!" Sa pagkakataong ito hindi na nabigo ang lalaki dahil tinamaan sa kaliwang braso ang puntiryang 'boss'.

Susundan pa sana ng lalaki ang pangalawang putok nang, "bang!" isang putok ang tumama sa direksyon niya. Mabuti nalang at sa punong kahoy na pinagtataguan lamang ito tumama. Alam ng lalaking galing ito sa sniper ng kalaban. Natunton ng sniper ang posisyon niya dahil sa ginawang muzzle flash ng kanyang baril matapos ang dalawang putok na pinakawalan "Arrrgh! Malas! Malas!" sambit ng lalaki.

Sa puntong iyon, tuluyan nang nawalan ng iba pang paraan ang lalaki.

"Boss, okay ka lang?" tanong ni Samuel sa boss nito.

"Shit boss, may tama ka sa kaliwang braso! Teka, diyan ka lang boss. Hahanapin ko kung sinong gumawa nito. I'm sure it's just near here, lurking behind the trees," pag-aalala ni Samuel.

Galit naman itong sinagot ng kanyang 'boss'. "Gong gong, wag na! Imposible mo siyang mahanap sa madilim at mapunong lugar na ito. At kung mahanap mo man, I'm sure mauuna ka pang mamatay! Wag kang mag-alala hindi na niya matutuloy kung may binabalak pa siya kasi alam niyang may sniper na nakaabang sa kaniya."

Naiinis at naguguluhan na tinanong ni Samuel ang boss. "Hindi ko ibig na kuwestyunin ang iyong abilidad sa mga ganitong mga pagkakataon boss ha, ngunit pano mo naman nasabing alam niyang may sniper na nakaabang?"

Yumuko ang 'boss' at kinapa-kapa ang parteng taenga ng patay na lalaki sa kanilang harapan. "Kung hindi ako nagkakamali," may dinukot ang 'boss'. "Ito ay isang transreceiver. Hindi ko na ipapaliwanag sayo kung paano ito gumagana, hindi mo rin naman maiintindihan. Basta, sa madaling salita, naririnig ngayon ng kung sino man yung bumaril sa'kin ang lahat ng naging usapan natin dahil dito. Kaya, bilisan mo na dyan at tiyak akong may paparating na back-up to!" mataas na paliwanag ng 'boss'.

Hindi na tumutol pa si Samuel.

Agad nitong hinila ang patay na katawan. Ngunit bigo itong mabuhat paloob ng SUV. Mabigat ang katawan at hindi pa nakakatulong ang kanyang 'boss' dahil sa tama nito sa kaniyang braso.

"Dalian mo!" naiinip na utos ng 'boss' kay Samuel.

"Heto na nga oh! Alam mong matanda na eh---"

"Weeewwwww, wwweeeewwww!"

Hindi na natapos ng matanda ang reklamo nang isang napakalakas na siren ang umalingawngaw sa lugar. Mahigit sampung sasakyan ng pulis ang paparating sa kanilang direksyon.

"Lintik na!" sabay na bigkas ng dalawa.

Hindi pa rin nila naipapasok ang patay na katawan sa sasakyan at malapit nang makarating ang mga pulis sa kanilang direksyon. Kaya, napagdesisyunan ng dalawa na huwag na lang isama ang patay na katawan. Iniwan na lamang ng dalawa ang katawan na nakahandusay sa daan.

Dali daling sumakay sa SUV ang dalawa at humarurot ng takbo. Parang sanay sa karerahan ang nagmamaneho nito dahil sa bilis ng takbo ng sasakyan ay hindi na ito naabutan pa ng mga pulisya.

**********

Pagkarating ng mga pulisya sa lugar na pinangyarihan ng krimen, nakita nila ang patay na katawan ng lalaki na may tama sa ulo. Nasagip narin nila ang batang babae na hanggang sa mga oras na iyon ay wala paring malay.

Dave Santos, isa sa mga pulis na rumesponde sa naturang lugar ang tumawag sa kanilang Police Chief na si Neil Collins at ipinagbigay alam ang buong pangyayari at ang kasalukuyang sitwasyon sa lugar.

**********

Matapos maghapunan, pumunta si Keanne sa balkonahe ng kanilang bahay. Dito pinipili ni Keanne na tumambay kapag gusto niyang mapag-isa at magmuni-muni.

Kinuha niya kanyang cellphone sa loob ng kaniyang bulsa. Binuksan ang browser nito at hinanap ang paboritong video ng isang babaeng tumutugtog ng piano.

"Ahhh. Peaceful night and her soothing music," pahayag ni Keanne sabay sandal sa kaniyang upuan.

Sa gabing iyon, dalawang bagay lamang ang tumatakbo sa isip niya. Una ay ang pag basted sa kanya ni Courinne at ang pangalawa ay ang mga ala-ala kasama ang kaniyang ama.

Malinaw pa sa isipan ni Keanne ang mga bagay na mahilig nilang gawin mag-ama; ang maglaro ng chess, ng basketball at ng video games. Ngunit, ang pinaka-paboritong gawin ni Keanne kasama ang ama ay ang paunahan nilang maka-solve ng mga brain games at mystery puzzles. Malinaw pa rin sa kanyang puso't isipan ang masayang pakiramdam kapag natatalo niya ang kanyang ama. Tuksuan, tawanan at biruan kasama ang ina.

"Haaayys. I can't believe he's dead."

Naalala na naman ni Keanne ang mapait na gabing nangyari sa kanilang mag-ama apat na taon na ang nakalipas.

"No, I don't believe he's dead! Wala ni isang ebidensyang nagpatunay na patay na siya. At hanggang walang maipresentang ebidensya ang kung sinuman sa pagkamatay ni papa, hinding hindi ako maniniwalang patay na siya," malungkot ngunit determinadong sabi ni Keanne sa sarili. "I'll find you dad."

Nabasag ang katahimikang ninanamnam ni Keanne nang marinig nitong lumabas mula sa katabi nilang bahay ang tito nitong si Neil. Halatang nagmamadali ang tito.

"Hmmm. I wonder what he's up to," Keanne said to himself, smirking. Umaandar na naman ang pagiging imbestigador niya.

Dali daling tumakbo si Keanne sa pasakay na sana nitong tito. Hinihingal niyang tinanong ang nagmamadaling pulis, "Tito, what's wrong?"

Alam ni Neil kung saan papunta ang usapan na ito kaya inunahan na nito ang pamangkin. "It's a case Keanne and I know what you're planning. No! You are not coming with me this time. I'm telling you, this is not like the usual cases that we're handling," mabilis na pahayag ni Neil.

Nagtataka man, pinilit pa rin ni Keanne ang tito. "Don't worry tito. I'm a grown man now. Kaya ko na yang mga bagay na yan."

Neil held Keanne's shoulders and faced him.

"Keanne, look at me. This is a serious matter. I doubt maha-handle mo ang bagay na'to. Just stay with your mom, please" pakiusap ni Neil sa pamangkin.

"Now tito, you're making me more interested with this case with that serious face. Hahaha, come on," sabi ni Keanne habang papasok ng sasakyan.

"Wait," hinila ni Neil ang pamangkin bago pa man ito makapasok ng tuluyan sa loob. "Hindi ka talaga madaling pigilan eh noh? Okay then, you're coming with me---"

"Yes!"

"But let's have an agreement. Kung ano man ang madadatnan mo doon, handa kang tanggapin ito, okay?" pahayag ni Neil.

"Yeah yeah I get it. Come on tito bilis na!" naiinip naman na sagot ni Keanne.

"Wait, nagpaalam ka na ba sa mama mo?" tanong ni Neil.

"I'll call her," sagot ni Keanne.

Habang kausap ni Keanne ang ina sa telepono, hindi mapigilin ni Neil na titigan ang pamangkin. "You really are like your dad. I hope you'll forgive me when the time comes," malungkot na sabi ni Neil sa sarili.

"Okay na po tito. Ma knows I'm safe with you," alistong sabi ni Keanne.

**********

Abala si Mary sa pagliligpit ng pinagkainang hapunan nang mag ring ang telepono nito. It's Keanne calling her saying he's on an another adventure with his tito Neil.

Sanay na si Mary sa mga ganitong ganap ni Keanne sa buhay. "Like father, like son," ikanga ni Mary.

Makalipas ang ilang minuto mula nang tumawag si Keanne sa kanya, nag ring muli ang telepono ni Mary. Ngunit sa pagkakataong ito, text message lang ang kanyang natanggap.

"I managed to survive the operation kanina. Sad to say, my partner didn't. He died. Neil is on his way now to the crime scene. Don't worry." hindi makapaniwala si Mary sa mensaheng nabasa.

**********

"So what do we have here?" tanong ni Neil sa mga kasamahang pulisya pagkababa nito sa sasakyan.

Agad siyang sinalubong ni Dave. "Chief you're here. Apparently, this sedan car here was the suspect's vehicle. Look, the rear tire is flat, somebody fired on it. Also, a single cartridge was found," report ng pulis sa superyor.

"What about the victim?" tanong ni Neil.

"Sir, the kidnap victim is now in the nearest hospital. She's safe now. And this corpse, which apparently was dragged into this position ---" nag-aalangan na magpatuloy sa report si Dave. "Uhm, sir, do we really have to spill the name?" tanong niya.

Huminga ng malalim si Neil at sumagot, "it's fine, go on."

"The victim was identified as Ray Collins which ironically, reported as dead 4 years ago despite not seeing his deceased body. He has a gunshot wound in his head while the pistol here on the ground is believed to have been held by his left hand. At the moment, we can confirm that it is…"

"A murder case!" nanginginig na pagputol ni Keanne sa report ng pulis.

His eyes are filled with terror; his heart is in rage. Looking at the dead body lying on the ground he desperately asked "Papa… is that… really… you?!"

Hindi sya makapaniwala na sa ganitong paraan lamang niya makikitang muli ang kanyang ama.

"Apat na taon akong hindi naniwalang patay ka na! Apat na taon akong naging determinado na maresolba ang nangyari four years ago! Apat na taon kitang hinintay! Four long years pa!" maluha luhang sabi ni Keanne.

Mabilis na tumakbo si Keanne. Lutang at wala siyang tigil sa pag-iyak habang tumatakbo sa madilim at mapunong lugar. Wala na siyang pakialam kung saang sulok man siya mapadpad. Gusto niyang magwala, gusto niyang sumigaw, gusto niyang suntukin ang bawat punong kaniyang nadadaanan.

Ngunit ang tangi lamang niyang nagawa ay magpatuloy sa pagtakbo habang iniiyak ang galit.

Nang inabutan ng pagod, sumandal si Keanne sa isang puno. Naghahabol ng hiningang yumuko si Keanne. Sa pagyuko niyang iyon, nakakita sya ng kumikinang na bagay. Lumuhod ito upang tignang mabuti ang bagay na ito.

Nagulat si Keanne sa nakita. Dalawang basyo ng bala ang nasa paa ng puno.

Tumayo ulit sya at nakita rin sa puno ang isang daplis ng bala.

Agad na tinawag ni Keanne ang kanyang tito.

"Hey Keanne are you okay? Bakit ka naman tumakbo kaagad? Kung napahamak ka dito, ano nalang---"

"Sssh. Tito please, I'm fine," pagputol ni Keanne sa nag-aalalang tito. "Look what I found here," sabi ni Keanne sabay turo sa dalawang basyo ng balang nakita.

"Hhmmm. I see. Thanks for informing us about this. Trust us with this one, okay? Now you need to go home. I'm sorry Keanne. I know this is too much for you to take in. But I want you to be tough not just for yourself but for your mom too. Be a man, alright?" ang madamdaming sabi ni Neil sa pamangkin.

Tinawag ni Neil si Dave upang ipahatid ang pamangkin.

Habang naglalakad papunta sa sasakyan sina Keanne at Dave, hindi maiwasan ni Keanne na magtaka kung bakit hindi mismo ang tito nito ang maghahatid sa kanya pauwi. Bagkos, mas pinili ng tito na magpa-iwan sa mismong puno.

Muling nilingon ni Keanne ang tito. Nakita nitong patingin-tingin sa gilid ang tito at tila ba may hinihintay mula sa malayo.

"Come on Keanne, kailangan mo nang umuwi," tugon ni Dave sa kasama.

"Ah eh, sorry po," sagot naman ni Keanne.

Sa buong byahe, nakatingin lamang si Keanne sa nakasaradong bintana ng sasakyan, lutang at hindi kumukurap. Mayamaya pa ay napansin nito ang numerong nakasulat sa maalikabok na bintana. "126?" nagtatakang tanong ni Keanne sa sarili. "Hmmmm. Ano ba yan, kung anu-ano na ang nakikita ko. Hahahahaha," mabalang na sabi ni Keanne sa sarili.

Tinapik ni Dave si Keanne sa balikat sabay sabing, "ibuhos mo lang yan."

Hindi na napigilan pa ni Keanne ang nararamdaman.

He cried his heart out.

**********

Ilang minuto lang ang nakalipas mula nang umadar ang sinakyan nina Keanne, nakarinig si Neil ng kaluskos hindi kalayuan sa punong kinatatayuan.

"Come on bro, it's clear now. Pwede ka nang lumabas," ang tawag ni Neil.

Lumabas ang lalaking may-ari ng dalawang basyo ng balang kanina'y nakita ni Keanne.

"This is sad bro. Hindi ko lubos maisip kung bakit humantong sa ganito. Kung 'di lang talaga dahil sa sniper na nakaambang, siguro'y nailigtas ko pa siya. Tsk! I'll make sure na magbabayad kung sinuman ang gumawa nito sa kanya. His death will never be in vain," ang madamdaming sabi ng lalaki.

[End of Chapter 2]