Chereads / I Don't Believe That My Father Is Already Dead / Chapter 3 - A Visit to an Old Friend

Chapter 3 - A Visit to an Old Friend

"Dammit, I'm late!"

Matulin ang lakad ni Keanne papunta sa main gate ng kanilang university. Late na naman siya kaya kailangan na niyang magmadali.

"Aheeem! You're late again Keanne Collins," tawag sa kanya ng lalaking nasa kanyang likuran.

Naiinis na nilingon iyon ni Keanne. Paglingon niya, "oh, magandang umaga Sir Ortega."

"Magandang umaga rin Keanne," sagot naman ni Eric Ortega, isa sa mga guro ni Keanne at matalik din niyang kaibigan. Mas matanda man ng anim na taon ang guro, nagawa pa rin nilang magkasundo ni Keanne sa maraming bagay kaya magaan ang loob nila sa isa't-isa.

"I guess we're both late? Hahaha," nanunuksong tanong ni Keanne.

"I think so. Hahaha! May importante kasi akong inasikaso kagabi kaya eto," sagot ni Eric.

Tinapik ni Keanne ang kaliwang braso ng guro sabay sabing, "uy, hindi ka na nagkukwento ng mga gimmick mo ha!"

Napangiwi sa sakit ang guro sa ginawang pagtapik na iyon ni Keanne ngunit madali itong nakabawi. "Nah. It was nothing. Anyways, okay lang ba na pumasok ka ngayon?" pag-aalala niya

"Honestly, hindi dapat pwede. We finally found papa's body and that we're supposed to have a funeral service starting today. But Tito Neil told us that they still need to examine papa's body to find more clues about his death. He also advised na huwag nang ipag-alam ang nagyari sa lahat--- Wait, how did you came up with a question like that?" nagtatakang tanong ni Keanne. "It happened last night and si mama at ang mga pulis lamang ang nakaka-alam sa nangyari---"

Natatarantang sumagot si Eric. "Uhhhm, it's because you seem very down. Kilala kita Keanne. You might be lazy and tardy most of the time but you always have this positive vibe, and today's different. That's why I guessed something happened. Eyes don't lie my friend."

"Ow, okay? I think I can't lie to you then," sagot naman ni Keanne.

Tumigil sa paglalakad si Eric at seryosong tinignan si Keanne sa mata. "Seriously, I'm sorry for what happened. My condolences to you and your mom."

"Thanks," malungkot naman na sagot ni Keanne.

"Oh siya, dito na ako kaibigan. You have my number. Call me if you need someone to talk to. Mag-iingat ka," paalam ng guro.

"Ikaw din, kaibigan," sagot naman ni Keanne at mabilis na tumakbo.

Hinihingal na nakarating si Keanne sa kanilang classroom.

"Should I go inside?' nag-aalangang tanong ni Keanne sa sarili.

He checked his wristwatch and discovered that it was 46 minutes past the first period. He's really late! After several thought, he decided not to enter the class anymore and waited for the second period instead.

**********

Pagpasok ni Keanne sa kanilang second period, nakita niya si Courinne kasama ang ilang kaklaseng babae na nagkukwentuhan sa unahan.

Sa pagkakataong iyon, hiniling ni Keanne na sana isa na lang siya sa mga babaeng iyon. Gusto rin niyang makausap si Courinne. Gusto niya itong kwentuhan sa lahat ng nangyari. Gusto niyang may taong yumakap sa kanya at sabihing magiging okay din ang lahat.

Ngunit bigo si Keanne.

Nakita siya ni Courinne papasok. Ngunit hindi siya nito pinansin.

Ramdam ni Keanne ang tensyon at ilang sa kanilang dalawa. Ngunit, isinawalang bahala na lang ito ni Keanne and still decided to greet Courinne normally. Desperado na siya.

"Hi Ko!"

Ngunit parang walang narinig si Courinne.

Muling sinubukan ni Keanne. "Uy Koko, hi!"

Sa pagkakataong iyon, nilingon na siya ni Courinne. "Hello," at madali ring bumalik sa pakikipagkuwentuhan sa mga kasama.

**********

Nang hapon na sa parehong araw na iyon, naisipan ni Keanne na maglakad lakad muna upang malibang ang kaniyang isipan. Habang mag-isang naglalakad sa hallway ng kanilang university, napansin nito ang isang maliit na poster na nakapaskil sa kanilang bulletin board. "Hmmmm, so may gaganaping university choir auditon at mamaya na ito."

Muling bumalik sa ala-ala ni Keanne ang mga panahong miyembro pa siya ng kanilang high school choir kasama ang ex nitong si Maigne.

"Since Courinne already dumped me, I guess it's already a fair reason for me to find out the truth why Maigne broke up with me. I guess joining this one might be the key. Para na rin malibang ang isipan ko mula sa mga nangyayari sa buhay ko," sabi ni Keanne sa sarili.

Habang naglalakad si Keanne papunta sa Audio Visual Hall kung saan gaganapin ang audition, naisipan niyang manood at makinig muli sa video ng babaeng pianista.

"Her music really soothes me," ang sabi ni Keanne sa sarili.

Nasa labas ng hall ang lahat ng sasali. Makikita sa kanilang mukha ang kaba, ang iba naman ay excited at ang iba naman ay cool lang at hindi pressured.

Lumapit si Keanne sa isa sa kanila. "Hi, I'm Keanne. Audition din?' tanong ni Keanne.

"Ah eh, oo eh. Pang-apat at huling subok ko na nga to eh. Sana naman pagbigyan na nila ako ngayon. Kahit graduation gift nalang, hahaha. Oh, I'm Ruel by the way," nagkamayan ang dalawa.

Matapos makapag fill-up ng audition forms ang lahat ng auditionees, ay tinawag na sila sa loob.

Naunang nag perform si Ruel.

Sa obserbasyon ni Keanne, mahusay naman kumanta si Ruel kung R&B ang pag-uusapan. Kaya lang siguro hindi ito nakukuha, eh dahil choir ang sinalihan niya.

Matapos mag perform, binigyan si Ruel ng kritiko ng isa sa mga senior member ng choir. "Uhm Ruel, this is your fourth time to audition right?"

"Yes," sagot ni Ruel.

"Uhm, even if we'll accept you this time, we doubt na makakahabol ka sa mga practice namin since graduating ka na. You know, OJT and stuffs. Besides, uhm, sorry but we think you're still not on the cut to be one of us and will never be. But don't worry, we'll give a call when we can finally make the final verdict."

Malungkot na lumabas si Ruel sa hall.

Sunod na nag-perform kay Ruel ay si Kyle. Mahusay ring kumanta si Kyle ngunit hindi ito marunong bumasa ng music notes. Dahilan upang makakuha ng isa na namang dehadong kritiko.

Pagkatapos ni Kyle, si Keanne na ang sumalang sa stage.

Tinignan niya ang ibang kasama na naka-upo sa kaniyang harapan at nakatitig sa kaniya. Tulad niya, bawat isa sa kanila ay may malalim na pinaghuhugutan ng emosyon sa pagkanta. Tulad niya, pinili nilang sumalang sa entabladong ito upang iparinig ang boses sa maraming tao. Tulad niya, mayroon silang kani-kaniyang dahilan upang lumaban.

Keanne smirked. "Perfect time to scream my heart out, I guess?" pabulong niyang sabi sarili.

Huminga siya ng malalim at nagsimula nang kumanta.

Doon niya lamang nakuha ang pagkakataong mabuhos ang lahat ng puot, galit at lungkot na nadarama. Mga emosyong hindi niya kailanman nakuhang ibahagi kay Courinne, kay Eric o kahit sa sinuman.

**********

Matapos ang audition, napagdesisyunan ni Keanne na umuwi na. Nasa main gate si Keanne ngayon upang mag abang ng bus papauwi. Habang naghihintay, he remembered an old friend of his na ilang araw na rin niyang hindi nabibisita.

"Madaanan nga saglit."

Maya –maya pa ay may dumating nang bus. Nang nasa loob na nito si Keanne, naka-tanggap ito ng isang text message galing kay Eric, tinatanong kung asaan siya.

Hindi na ito nireplyan pa ni Keanne dahil excited na ito sa pupuntahan.

Habang nasa byahe, muli niyang pinakinggan ang babaeng pianista. "Valerie Salvador, your music really soothes me," Keanne said while staring at the screen, smiling. "Haaay, how I wish I could have a friend who is as amazing like you."

Nang makarating, sumalubong kay Keanne ang isang simpleng lumang bahay. Agad na kumatok si Keanne, "tao po? Tao po? Nay, nandyan po ba kayo?"

Maya-maya pa ay lumabas ang isang matandang babae. "Oh dong, nandyan ka pala!"

Nagmano si Keanne sa matanda. "Kumusta po kayo Ginang Theresa?" bati ni Keanne.

"Mabuti naman ako dong. Halika, pasok ka," imbita ng matanda.

Habang abala ang matanda sa paghanda ng egg sandwich at juice na paboritong miryenda ni Keanne, nagkwentuhan ang dalawa.

"Ilang araw mo rin akong hindi nabisita dong ah. Akala ko nakalimutan mo na ako eh," sabi ni Theresa.

"Ako makakalimot? No way! Hindi ko po kayo makakalimutan, sa galing nyo ba naman gumawa ng egg sandwich oh," masayang pahayag ni Keanne habang lumalamon ng kanyang paborito.

"Naku! Nakalimutan mo nga yung kababata mo, ako pa kaya?" birong pagtatampo ng matanda.

"Huh? Sinong kababata po nay? Nag-iisa lang naman po ako buong buhay ko eh," nagtatakang tanong ni Keanne.

"Anong nag-iisa ka dyan! Eh sino yung pinakilala mo sa akin noon na girlprend mo ha dong? Yung taga Valencia, yung mahusay kumanta, kasama mo sa choir niyo sa high school. Yung palagi kang pinapagalitan dahil sa pagiging 'isip bata' mo. Hahaha, naku naku dong," sagot naman ng matanda.

"Ah si Maigne po? Matagal na kaming wala nun. She decided to breakup with me and I don't know why," sabi naman ni Keanne.

"Dong, opinyon ko lamang ito ha. Huwag mo sanang mamasamain," pagpapa-alam ng matanda.

"Sure po," pagsisiguro naman ni Keanne.

"Sa tingin ko hindi kayo tugma nung Maigne na iyon eh. Para bang sa mga ipinapakita niyang pagkontrol sa iyo noon, sa pagiging galit niya pag ganito, ganyan ka, tila ba, nahihirapan siyang tanggapin kung sino ka. Ibang-iba dun sa kababata mo. Pero, hindi naman natin basta bastang maikukumpara ang dalawa, Grade 3 pa kayo noon ng magkasama kayo ng kababata mo eh," mungkahi ng matanda.

Mas lalo na ngayong naguluhan si Keanne. Tinanong niya ang matanda, "Nay, hindi ko po talaga maalala yang kababatang sinasabi nyo pong yan."

"Hindi mo talaga matandaan ang masayahing bata na iyon? Dahil siguro yan sa aksidenteng nangyari sa'yo," tugon ng matanda

"Nay please, sabihin niyo na po kasi," nagmamakaawang sabi ni Keanne sa matanda.

"Si Valerie dong. Si Valerie ang sinasabi kong kababata mo. Di'ba idol mo siya? Palagi mo nga siyang pinapaanood sa TV eh," tumatawang sabi ng matanda.

Nanlaki ang mata ni Keanne sa narinig at muntik pang mabilaukan. "You mean Valerie Salvador po? "hindi makapaniwala si Keanne. "Si Valerie nga po, yung nasa TV?!"

"Hahaha. Oo dong," tumatawang sagot naman ni Ginang Theresa.

"Yung magko-compete bukas sa Japan?" tanong ulit ni Keanne.

Kumindat lamang ang ginang bilang tugon sa kaniya.

Napaisip si Keanne; di makapaniwala sa mga nangyayari.

"After all this time, you're the one who is giving me the peace of mind when I'm occupied with pain. After all, you were once closer to what I expected you to be. After all this time, I've been a fan of the person whom I thought was never a part of me. After all this time, I failed to recognize you. Valerie Salvador."

[End of Chapter 3]