Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Jungle and LOVE

🇵🇭naege
--
chs / week
--
NOT RATINGS
13.7k
Views
Synopsis
May-ari ng isang malaking Ospital sina Jessy at parehong doctor ang mga magulang nito. Salat man siya sa atensyon ng kanyang magulang dahil busy sa trabaho ay pinipilit parin niyang maging masaya. Hindi malaman ni Jessy kung ano ang kulang na kanyang nararamdaman sa buhay. Dagdagan pa ang kanyang pagkainis kay Marco na mortal niyang kaaway at sa hindi inaasahang pangyayari na babago sa kanilang buhay.
VIEW MORE

Chapter 1 - What a nice Day?

"Jessy, gising na! Jessy gising na!.. ano ka ba namang bata ka? Huwag mong sabihin na late ka na naman natulog. Hindi ka parin ba tapos diyan sa project nyo? Hala! Sige na, mag-ayos ka na at nasa baba na sila mommy at daddy mo hinihintay ka na".

~Hay naku naman talaga! yan ang yaya Celia ko, 62 taong gulang na siya pero malakas parin, lalong lalo sa umaga, kapag tinatamad akong gumising hehe.. Ganyan lang siya pero mabait yang yaya ko, cute cute nga eh, parang hindi buo ang araw ko kung hindi ko maririnig ang sermon niya sa umaga. Bata pa lang kase ako siya na ang nag-aalaga sa akin at siya rin ang yaya ng mommy ko nung bata pa ito. Kaya din siguro hindi na siya nakapag-asawa pa kase naman kami lang ni mommy sapat na.~

" Kung bakit kase ako lang ang gumagawa ng group project namin. Dapat hindi group project ang tawag dito, individual project. Ewan!".

~ Habang pababa ako sa hagdanan, nakikita ko ng nasa hapagkainan na sila mommy at daddy . Kakain ba sila o magtatrabaho parin? Kase naman, hawak hawak parin nilang dalawa ang kanilang mga laptop. Hanggang dito pa rin ba talaga? Ni minsan hindi ko sila nakitang sweet sa isa't isa o tumawa man lang sa mga corny jokes nila, lalo na si mommy. Lagi silang busy sa trabaho, pareho kase silang Doctor. Well, ipinapakilala ko nga pala ang mommy ko, siya si Dr. Elizabeth Monteclaro. Isa siyang Cardiologist, maganda ang mommy ko, sabi nga nila kamukha ko daw si mommy. And daddy ko naman ay si Dr. Miguel Monteclaro, isa siyang General Surgeon. Kaya kapag natapos na ako sa senior high mag-aaral naman na ako ng PreMed para makapag-enrol na ako sa Medicine at maging doctor. Kami lang naman ang may-ari ng Monteclaro General Hospital, isa sa malaking ospital dito sa lugar namin. Syempre, sino pa ang magmamana noon kundi ako, kase ako lang ang nag-iisang anak nila.~

~Pero ang gusto ko talaga ay maging isang fashion designer. Mahilig din ako manood ng cartoons at anime hanggang ngayon. Kaso tinatago ko sa kanila kase kapag nalaman nila malamang papagalitan nila ako. Baka daw kase mapabayaan ko ang pag-aaral ko, pero hindi ko naman iyon pinapabayaan, first priority ko parin ang aking pag-aaral. Sa katunayan nga ako yung pang top two sa buong klase naman. Gusto kong makilala sa sarili kong paraan at hindi dahil sa mga mayayaman kong magulang. Hay! Naku, hangang pangarap nalang ako.~

"Jessy, kainin mo na yang pagkain mo. Hindi mo yan mauubos kung tititigan mo lang. Dapat isipin mo na maswerte ka parin dahil nakakakain ka pa. Yung iba ngang mga bata diyan, walang makain, kailangan pa nilang magtrabaho para lang may makakain".

" Sorry mom, Uubusin ko na po".

Really? really mommy ? Yan lang ba masasabi mo? Bakit? Kapag ba na ubos ko itong pagkain ko mabubusog sila? Come on, Mom! Pero syempre hindi ko pwedeng sabihin yan sa mommy ko dahil pagagalitan nun ako, sabihin niya lapastangan akong anak at baka palayasin pa ako. Bakit hindi nalang niya ako tanungin kung kamusta na ako, yung pag-aaral ko? Kamusta na mga grades ko? Whatever! Finally, Tapos na rin akong kumain.

"Mom, Dad, Aalis na po ako, bye."

~Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa, nang biglang may ibinilin si daddy.

"Jessy, basta pagkatapos ng klase mo ay umuwi ka agad. Baka kung saan ka pa pumunta".

"Yes po daddy."

As if naman nakakagala ako, ever since naman maaga na akong umuwi. Kahit nga mag mall ako ay may oras parin. Buong buhay ko, sa bahay at school lang umiikot ang mundo ko. Kaya din siguro ganito ang personality ko dahil puro anak ng mga kasambahay namin ang mga kalaro ko at close kaming lahat. Masunurin talaga akong anak...Ah!! Boring ng buhay ko.~

~Medyo may kalayuan ang bahay namin sa school, mahigit isang oras din . Kaya kailangan ko talagang umalis ng umaga para hindi namin maabutan ang traffic. Puro anak ng mayayaman ang mga nag-aaral sa school namin sa Winter High.

~Sa wakas nakarating na din ako sa school, kaso makikita ko na naman ung mga kaibigan kong maaarte. Hindi na nga nila ako tinutungan sa gruop project namin tapos puro kaartehan na naman ang pag-uusapan nila. Naku po! ayan na sila, papunta na sa akin.~

"Jessy! Sissy! Kamusta na yung project natin?

~Yan si Dianne, siya daw yung Presidente ng grupo namin. May-ari sila ng isang malaking mall dito sa amin.~

"Ano kase Sis, konti nalang matatapos na".

" Sis! Naku! Narinig ko, ngayong week na daw yung huling pasahan ng project".

~ Yan naman si Shane, siya naman daw yung Vice President daw namin. Meron naman silang Construction Company.

" Well, Sis! Ano ba naman kayo? Kaya yan ni Jessy, right Jessy? Maipapasa nya yan on time".

~And last si Angel, kung anong anghel ng pangalan niya ganun din kasama ang ugali niya. May-ari naman sila Television Company. Siya naman daw yung founder ng grupo. Eh sila lang naman nag-iisip nyan. Tigas din ng mga mukha ng mga ito, tinawag niyo pa akong sis! Ako din naman gumagawa. Inasa nyo na lahat lahat sa akin. Bakit naman kase ako napasama sa grupong ito, nagsimula lang naman ito noong first day ng klase namin, sila yung unang nakipagkilala sa akin at iyan nag tuloy tuloy na. Bahala na, malapit naman na kaming grumaduate last three months na namin ngayon sa senior high school. Konting tiis nalang naman.~

"Sure! Angel, Huwag kayong mag-alala".

"Good!, sige tara na girls!, pumasok na tayo sa loob ng classroom".

~Nagyaya na nga sa loob ng classroom si Angel, ng biglang may bumangga sa likuran ko. Ah!..Ang sakit naman. Sa lakas ng pagkakabang sa akin.Sino naman kaya yang walang kwentang tao? Pero pagkalingon ko, si Marco pala ung bumangga sa akin. Ano? Si Marko.. impakto! .. Nakakaasar! Ewan naman sa ibang mga babae dito bakit poging pogi sila sa impakto na to, pati nga mga friends ko din kinikilig, Ew!!! eh hindi mo naman makausap ng maayos dahil tahimik lang. Wala na nga siyang pakialam sa mga nangyayari sa paligid nya mayabang pa! At kaya second lang ako dahil siya ung first sa buong klase namin. Hindi ako magpapatalo sa kanya ngayon. Sakit sakit kaya.

"Hey! Marco! Bulag ka ba o puro utak ka lang pero walang pakiramdam. Mag-ingat ka naman sa susunod oh! hindi yung bigla ka nalang bumabangga at baka may mapatay ka pa. Ang sakit sakit kaya".

~Yes! haha, Nakaganti din ako kahit papaano.~

"No". < tugon ni Marco>

Ano ka ngayon Marco? Hehe..Wala kang masabi noh! hehe...Wait lang! Anong ginagawa niya? Bakit papunta siya sa direksyon ko? Hala! Anong gagawin niya sa akin? Susuntukin ba niya ako?....Naku, bakit sobrang lapit na namin sa isa't isa. Nakikita ko na yung mga pores nya sa sobrang lapit. Hala!....Bakit hindi ko magalaw yung katawan ko? Wait!....Hahalikan ba niya ako? Wala pa akong first kiss, Hindi ito pwedeng mangyari. Nanakawin pa niya ang unang halik ko. Hindi ako makakapayag. Pero bakit ako kinakabaha? Sa kana ko napapikit ako, ....hindi ko na maibuka ang mga mata ko. Huhuhu Nararamdaman ko ang hininga niya sa pisngi at tenga ko sa sobrang lapit naming dalawa.~

"Paano kita mapapatay? Kahit langgam hindi mamamatay sa ganung pangyayari. Alam mo miss number two, hindi ko na kasalanan kung kain ka ng kain at tumaba ka. Bibigyan kita ng advice, libre lang ito. Una, bawasan mo ang pagkain ng kanin at pangalawa, mag-exercise ka para lumiit yang braso mo. Para naman sa susunod magkasya na tayong dalawa sa pintuan. At ikaw na rin ang nagsabi na matalino ako, kaya mag-aral ka pa ng mabuti para malampasan mo ako dahil malapit na ang finals.. miss number two. At pang huli....pwede mo ng buksan ang mga mata mo.. bakit sa tingin mo ba hahalikan kita? Gumising ka na, stop daydreaming.. hehe wala ka na yata sa tamang oag iisip.

~Noong natapos nasiyang magsalit, para akong binuhusan ng malamig na tubig, at nagagalaw ko na ang aking katawan. Nang buksan ko ang aking mga mata, nakatingin lahat ng mga kaklase namin sa amin. Grabe! Sobra talagang nakakahiya, gusto kong manglaho sa pagkakataong ito. Ang kapal talaga ng mukha nitong si Marco! Gusto ko siyang sabunutan at ingudngod sa sahig, pero hindi pwede at baka ma principals office kami at ipatawag sila mommy. Big no no Jessy, isip ka nalang ng iba.~

"Anong sinabi mo?? Baka Ikaw ang wala sa tamang pag-iisip! And for your information kahit ikaw nalang ang matirang lalake dito sa mundo hindi kita pag-iinteresan. Manigas ka! At para sabihin ko sayo hindi ako mataba, healthy lang talaga ako, Period!"

~ Naku! Bakit iyon naman ung sinagot ko sa lahat ng ginawa niyang pamamahiya sa akin. Ano ba yan! ako na nga itong sinaktan ako pa itong napahiya.

"Ganun ba? Miss number two?. Sige tingnan natin kung hindi ka din maghabol sa akin next time. Hehe"

" Marcus! Jessy! Ano pang tinatayo tayo ninyo dyan sa may pintuan. Pumasok na kayo at mag sisimula na ang klase".

~Aaahhh!!! Pasalamat ka Marcus, at pinapapasok na tayo ni Miss Ellane sa classroom kung hindi sasaktan na talaga kita..... Pero buti din naman na nagsalita si Miss Ellane kundi ako din ang kawawa dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Buti naman pumasok na yung mokong na yun sa loob. Bad trip talaga!!!