Chereads / Jungle and LOVE / Chapter 3 - Flashback

Chapter 3 - Flashback

~Sa wakas natapos na din ang klase namin ngayong araw. Parang biglang sumakit ang katawan ko, wala naman kaming PE ngayon, pwera nalang sa emotional attack na ginawa sa akin ngayon ni Marco!... Grabe talaga! ~

~ Maaga akong nakauwi sa bahay, pero wala parin ang mga magulang ko. Doon parin sila sa ospital, busy sa pagtatrabaho. Dumiretso na ako sa aking kwarto, nag-iisip ako kung paano ako magpapaalam sa kanila baka kase hindi ako payagan lalo na at malayo ang pupuntahan namin. Nagbigay na din kase ang school ng form para sa gagawin naming Outreach. Maya maya pa ay tinawag na ako ni Nana Celia para kumain ng hapunan.~

"Wala parin sila mommy at daddy, mag-isa na naman akong kakain ngayon".

"Jessy, gagabihin daw sila mommy at daddy mo, may bigla daw kase silang gagawin. Matulog ka daw ng maaga, iyon ang bilin nila sa akin".< sabi ni Nana Celia>

" okay po"

~Pagkatapos kong kumain ay umakyan na ako agad sa kwarto dahil tatapusin ko pa ang iba kong mga assignment at ang group project namin, pagkatapos nun ay humiga na ako sa karma. Napag-isipan ko na Bukas nalang cguro ako magpapaalam sa kanila, kase napagod ako sa madaming nangyari ngayon sa akin.

~Kinabukasan, ganun na naman ang set up ng umagahan namin, parehas parin silang busy. Routine na nila yan araw araw, kahit gabing gabi na sila kung umuwi ay sabay sabay parin kaming nag be-breakfast. Isa pa nga pala, hindi nila pwedeng malaman na si Marco ang kapartener ko kase magagalit si daddy. Bata pa lang kase ako ayaw na ni daddy na kaibiganin ko iyang si Marco. Hindi ko naman alam ang dahilan. Ang alam ko lang ay may-ari din sila Marco ng isa malaking pribadong Ospital dito sa aming lugar ang King Cup Ospital. Seguro tungkol na naman sa business iyun. ~

"Aaah.. dad, meron po palang Outreach sa aming school, sa Bunsod Province po at ang mga graduating students po ang higit na kailngan para po sa Humanitarian Activity po ng school". < paliwanag ko kay daddy>

"Ganun ba? Di ba malayo yun? Ilang araw kayo doon?< tanong ni daddy>

"Tatlong araw lang naman po kami, ihahatid at susunduin daw po kami ng helicopter ng school. Yung iba naman po may mga personal na masasakyan po papunta kaya doon nalang po kami magkikita ng iba po." < tungon ko kay daddy>

" Okay, mag-paalam ka din sa mommy mo"< mahinahong sagot ni daddy>

"Mommy papayagan ninyo po ba ako?"

"Okay, cge, pinayagan naman ng school ninyo yan. Fine". < sang-ayon ni mommy>

~Sa wakas pumayag naman ang mga magulang ko, ngayon lang sila pumayag na malayo ako sa kanila ng tatlo araw, pero parang may kakaiba sa kanila, parang meron silang pinagdadaanan na dalawa...pero ayaw ko ng alamin pa, malamang tungkol iyon sa negosyo namin,baka makadagdag pa ako sa problema nila...Sa kabilang banda naman kailangan kong tatagan ang loob ko kase makakasama ko ng tatlong araw doon si Marco. ~

~Kinabukasan, Biyernes na naman, huling araw ng linggo. Maaga akong nakarating sa school. Naipasa ko na ang project namin. Kaya antok na naman ang lola nyo!... Pero parang hindi ko nakita ngayon si Marco, baka late? Hmm?... pero hindi naman na li-late iyon.~

~ Ano kaya nangyari sa Mokong na iyon? Tanungin ko kaya yung mga barkada niya, ayun si Mike.~

"Mike, parang hindi ko nakita yung anino ng mayabang mong kaibigan"

"Sino? Si Marco? Bakit mo siya hinahanap? Siguro na Namimiss mo na siya noh!? Hehehe..."

"Miss agad!? Hindi ba pwedeng nagtatanong lang?...baka lang kase natauhan na siya.. huwag ka ngang isip ng isip ng kung ano ano dyan!" < bwelta ko kay Mike>

"Naku, baka may problema na naman sa bahay nila. Ganun kase yun, hindi man lang nagsasabi sa tropa. Laging sinasarili ang problema" . < malungkot na sabat ni Simon, isa din sa kabarkada ni Marco>

"Ano ka ba naman! Simon...Huwag na nga nating pa-usapan si Marco. Kaya nya iyon, malakas kaya siya!. Kaya huwag ka na magtampo diyan". < sagot agad ni Mike >

~Yuck! Ang cheesy naman pala ng grupo nila, may pa tampo tampo pang nalalaman, kalalakeng tao.. hehehe..~

"Ah! Sige Mike, Simon salamat sa info, baka mag-iyakan pa kayo diyan.. hehe"

~Umalis na din ako agad at bumalik sa upuan ko. Pero hindi maalis sa isipan ko na may problema din pala sila Marco sa bahay nila. Ano kaya ang problema nila?....Ano ba yan! Bakit ko nga ba pinoproblema eh meron din naman akong sariling problema. Bahala siya dyan, kaya naman niya yan, tigas naman ng mukha nun eh.~

~Katatapos lang ng klase namin sa araw na ito. Pauwi na ako sa bahay namin ng bigla kong maisip kung bakit pala ako galit kay Marco.~

~Noong bata pa lang kami, nakita ko na siya sa isang party. Kung matatandaan ko,birthday party iyon ng isang doctor na kaibigan nila mommy at daddy. Sa sobrang bagot ko sa loob ay Lumabas muna ako saglit sa garden kase nakita ko na marami silang tanim na magagandang bulaklak. Habang tumitingin tingin ako sa mga halaman, ay may nakita akong bata na pinapagalitan ng isang lalake. Lumapit ako sa kanila pero nagtago ako sa halaman, doon ko na kita na sinampal ang bata sa pisngi ng lalakeng iyon saka iniwanan ang bata at bumalik ulit sa loob ng party ang lalake.~

~Nabigla ako sa nangyari, hindi ko na malayan na naapakan ko na pala ang tuyong dahon at narinig niya ako.~

"May tao ba diyan? Pwede ba, lumabas ka dyan sa likod ng halaman at baka makagat ka pa diyan ng ahas".< sabi ng batang lalake sa akin>

~Sa takot ko ay bigla naman ako napasigaw at umalis sa aking kinatataguan.~

"Ay!!... saan? Saan? Saan? " < bigla kong sabi>

~ Sa taranta ko ay napadapa ako.~

" Hahaha ... matatakutin ka pala, madali ka ding mapanilawa sa sabi sabi lang... nakakatawa ka naman! Madumi na tuloy yang damit mo".< sabi sa akin ng bata>

~ Nainis ako sa sinabi niya kaya bigla akong tumayo para sabihan siya na, pero ng magtama ang aming mga mata ay para bang bigla akong nakakita ng prinsipe o anghel sa katauhan niya. Ang pungay ng mga mata, ang haba ng pilik mata na para bang babae, kulot ang buhok niya at namumula ang pisngi at labi niya sa kaputian nito. Grabe! ang pogi niya, tumagal ang pagtititigan namin ng 15 segundo. Nang may napansin akong tumutulong dugo sa bibig niya, agad kong itinuro ang bibig niya, pero walang boses na lumalabas sa bibig ko para sabihin na may sugat siya sa labi, kaya tinuturo ko pa ang nguso ko para mas maintindihan niya . Ilang beses ko din inulit ulit iyon. Pero parang iba ang pagkakaintindi niya sa ginagawa ko. Hanggang sa nagsalita siya.~

" Anong gusto mong gawin? Halikan kita? Haha... nakakatawa ka naman... pero seryoso ka ba? .. hmmm.. baka magsisi ka?"

~Naku! Mali ang akala niya, papalapit na siya ng papalapit sa akin ng bigla kong maalala na may panyo pala sa bulsa ko kaya dali dali ko itong kinuha. Nang akmang hahalikan na niya ako ay bigla kong ipinahid ang panyo sa duguan niyang labi. Sa pagkabigla niya ay hinawakan niya din ang panyo at naglapat ang aming mga kamay, para bang bigla akong na kuryente at natanggal ang pagkamanhid ng katawan ko. Nagtaka siya sa nangyari.~

"Ano yang ginagawa mo?

" Ikaw?...Anong gagawin mo sa akin, kanina ko pa sayo sinasabi na may dugo diyan sa labi mo. < sambit ko sa kanya>

~ Bigla siyang napayuko sa hiya. Hindi niya alam kung paano niya ako sasagutin ...ng biglang may nakita akong paru-paru na bumagsak nalang sa lupa. Nang pupulutin ko na ito ay bigla niya itong inapakan. Agad ko siyang tinulak para iligtas sana ang paru-paru ngunit huli na ang lahat, napitpit na ito.~

" Bakit mo pinatay iyong paru-paru?.. Ang sama sama mo!... Ganyan ka ba talaga? Wala kang puso!

"Hindi na ako magtataka kung bigla ka nalang sasampalin ng lalakeng iyon dahil masama kang bata! Siguro ayaw din ng mga magulang mo sayo... Salbahe ka! At ayaw ko ng alamin kung ano pa ang pangalan mo..

~Biglang siyang tumayo, lumapit siya sa akin at tiningna niya ako ng masama. Ngumisi siya at Sabay sabi ng~

" Ako nga pala si Marco Salvador. Oo tama ka! Masama akong bata. Tatay ko nga pala ang sumampal sa akin at tama ka na naman uli..ayaw nila sa akin. Kaya simula ngayon ay layuan mo na ako. Masama talaga ako.m".

~Tumigil ako sa aking pag-iyak dahil sa kanyang sinabi at Nagalit dahil hindi man lang siya nag sorry at ipinagmalaki pa niya kung gaano siya kasama.~

"Ang salbahe niya talaga! Talagang ipinagmamalaki pa niya... Simula ngayon hindi na kita kaibigan, kaaway na kitang mortal.. Tandaan mo yan!!" < galit na galit kong sabi pero wala na siya>

"Pero hindi niya ibinalik ang panyo ko, bahala ka na! Sayo na yan! Isaksak mo sa baga mo!, nakakainis talaga!"

(Balik sa Present)

~ Hay naku! Kapag naaalala ko na naman ang mga nangyari noon, ay mas lalo lang lumalamin ang galit at inis ko sa mayabang na iyon. Akalain ko bang maging kaklase ko pa siya. Seguro naman kapag college na kami hindi ko na siya nakikita pa.. Sana talaga..