~Dumating na ang araw ng Outreach namin. Maaga palang ay inihanda na lahat ni Nana Celia iyong mga dadalhin ko. Wala pa masyadong mga estudyante ng dumating sa school. Iyong ibang kaseng mga estudyante at faculty ay nanduon na sa venue, maaga silang nagtungo doon para ayusin ang lugar na pagdarausan ng aming aktibidad.~
~Pero hindi ko parin nakita si Marco, hindi parin kase siya pumasok simula noong umabsent siya, mag-iisang linggo na rin. Sabi naman nila ay nagkasakit daw. Maya maya pa ay papalapit sa akin si Mike.~
"Jessy, di ba kapartner mo si Marco? Nakita mo na ba siya ngayon?"
"Bakit? Natungan ba ako nang nawawalang kalabaw? Abay malay ko doon! Sa pulis ka nalang magtanong."
~Hmm?...Ibig sabihin pala, wala parin si Marco kase kahit mga kaibigan niya hinahap din siya, pero bakit parang may lungkot akong nararamdaman... yuck! Ano ka ba naman Jessy lumalambot na ba ang puso mo? No.. no.. no.. pero biglang nalang merong nagsalita na pamilyar na boses.~
"Sinong kalabaw?"
"Marco! Bro! .. Buti naman pumasok ka na... nag-aalala na yung buong tropa sayo eh.. at alam mo ba?... na mimiss ka na din ng ...IBA!! Dyan..< biglang sabi ni Mike sabay tingin sa akin noong nagsalita siya ng "iba">
"Ganun ba? (Sabay ngiti) .. sabi ko na nga ba.. hahanap hanapin mo din ako.. hehehe < pahayag ni Marco habang nakatingin sa akin>
"Bakit ka nga ba absent? Anong nangyari sayo? Nagkasakit ka daw bro?"
" Dami mo namang tanong. May inaasikaso lang ako, tara na...."
~ Hindi na ako nakinig pa sa mga kayabanagn nila, umalis na ako sa tabi nila. Maya maya pa ay nagtatawag na si Ms Ellane para sa unang batch na sasakay sa Chopper ng school, kase wala pa ang piloto ng helicopter papunta sa na venue ng Outreach kaya konti lang muna ang makakasakay. Medyo mahangin na rin ang panahon. Nang makita kami ni Ms. Ellane ay agad na niya kaming pinaunang sumakay para daw maaga kami doon kase kami ni Marco ang naka assign sa first aid, tutal naman daw pareho kaming may-ari ng ospital.~
" Marco at Jessy, kayo na muna ang mauna para maihanda ninyo ang mga kagamitan ninyo doon."
~Sumakay din kami kaagad ni Marco. Nagsimula ng umandar ang aming sinasakyan at nag-paalam na kami sa kanila. Nasa himpapawid na kami ay tanaw ko ang napaka gandang tanawin mula sa taas pababa sa mga kabundukan. Kulay luntian ang buong tanawin namin. Makalipas lang ang mahigit kalahati oras ay tumitindi na ang lakas ng hangin na aming nasasalubong at para bang hinihigop kami paikot ng hangin. Dama ko na ang takot sa dibdib ko, ano kaya ang nangyayari? Naririnig ko na na may kausap ang piloto at sinasabing pabalik muna kami dahil parang hindi namin kakayanin ang hangin. Hindi na rin maigalaw ng maayos ng piloto ang control, hindi ko na malayan na tinatanggal na pala ni Marco ang seat belt ko para makalabas kami sa chopper, meron naman kaming suot na parachute noong sumakay kami.
~ Habang abala ang piloto sa pagmamaniobra ay hinila na ako ni Marco para tumalon palabas ng chopper, sa sobrang takot ko ay hindi parin pumasok sa isipan ko ang mga nangyayari, para lang akong nakalutang sa kawalan. Nakarinig nalang ako na pagsabog. Sumabog na pala ang sinasakyan namin pero hindi ko alam kung saan iyon bumagsak.~
(Paglakalipas ng apat na oras)
Jessy: "Aahh!... ang sakit ng ulo at binti ko"
Marco: "Mabuti naman at gumising ka na. Kanila ka pa kase nakahiga. Ang lakas lakas nga ng hilik mo habang natutulog". < may pangungutya pa sabay ngisi>
Jessy: " Bakit? Ilang oras na ba akong natutulog? at anong humihik! Baka ikaw yun. Yabang mo!" < inis na tono ko sa kanya>
Marco: " Mga apat na oras na din kung hindi ako nagkakamali. May sugat ka din pala sa paa at konting mga galos. Kaya baka mahirapan kang makalad".
~Pagkasabi palang ni Marco na may sugat ako ay bigla ko ng naalala lahat ng mga nangyari kanina sa amin.~
Jessy: "Naku! Totoo bang lahat itong nangyari sa atin? Saan na tayo? Anong lugar Ito? Makakauwi pa ba tayo? Baka merong mga mababangis hayop dito... huhuhu natatakot na ako".
Marco: "Pwede isa isang tanong lang? Sunod sunod kase ang mga tanong mo".
Umiiyak nalang ako sa takot.
Marco: Alam mo tigilan mo na yang kakaiyak mo. Wala ding mangyayari kung mag ngangangawa ka pa diyan. Baka Marinig ka na niyan ng mga mababangis na hayop.
Natigilan ako sa sinabi ni Marco kaya pinilit ko ibalik ang aking sarili sa tamang isipan.
Jessy: Eh saan na ba tayo banda? Alam mo ba kung saan na tayo?
Marco: Hindi ko din alam kung saan na tayo. Basta ang alam ko bumagsak tayo sa kagubatan. At nakasagupa tayo ng buhawi. Kung hindi tayo nakatalon kanina baka nasa loob na tayo ng buhawi at baka nasawi na tayo. Swerte ka rin kase may kasama kang pogi sa tabi mo. < sabay kindat>
Jessy: Alam mo, biglang lumakas ang hangin dito... nilamig nga ako eh!... pwede huwag ka munang mang-inis ... sandali lang Meron ka ba diyan kahit compass man lang? O cellphone? Oo nga pala yung cellphone ko.
~Dali dali kong kinuha ang cellphone ko na nasa bag na nakakabit sa katawan ko dahil sinikipan ko talaga ang pagkakalagay kaya dala dala ko pa rin ito hanggang ngayon.
Jessy: Omg!... wala na dito ang cellphone ko! ... patay! Hawakhawak ko pala yun kanina noong kumukuha ako ng picture sa taas..." < malungkot kong sabi>
Marco: Alam ko may dinala akong compass, saglit lang, (hinahanap niya sa bag packed niya, buti nalang nadala niya noong tumalon kami) ... naku! wala na din sa lagayan ko, siguro nahulog iyon kung saan habang pababa tayo kanina.
Jessy: " paano na tayo nito?.. saan tayo matutulog? Ang tataas pa naman ng mga puno dito... mommy! Daddy! Help!!... < sigaw ko sabay iyak>
Marco: " Tumigil ka na diyan kakasigaw dahik hindi ka rin naman nila maririnig. Tara! Maghanap tayo ng mataas na lugar para makahingi tayo tulong kung may dadaang sasakyang panghimpapawid, o baka may makita tayong mga mangangaso o hikers. Tara na, ang bagal mo naman".
~Si nundan ko nalang si Marco dahil wala naman na akong maisip na gagawin. Baka nga naman may makita kami na pwedeng tumulong sa amin dito sa ginta ng kagubatan. ~
Jessy: Saglit lang Marco, pahinga muna tayo napapagod na ako. (Hingal kong sabi) kanina pa tayo kase naglalakad pero parang wala naman akong makitang pababago sa dinadaanan natin, puro malalaking puno lang ang nakikita ko. Pinagpapawisan na ako. Para na akong nag gym nito ng bongang bongga, nauuhaw na din ako, ubos na itong tubig sa bottled water ko < sabay punas ng pawis>
~Huminto din si Marco sa paglalakad at umupo din katabi ko habang nakaupo ako sa lupa na puno ng tuyong dahon. Ang lapit namin dalawa, omg! Bakit ako kinakabahan? Bigla naman bimilis ang tibok ng aking puso noong nagtampi ang aming mga braso.~
Marco: Jessy, naririnig mo ba iyong naririnig ko?
Jessy: Ano yun?
Marco: Ipikit mo iyong mga mata mo.
~Ako naman itong masunurin ay ipinikit din ang mga mata.~
~Wal naman akong narinig na kakaibang tunig kundi iyong mga ibon na kanina pa nag-iingay. Lakas talagang mang good time nitong si Marco. Ako naman bigla ding nagpauto. Hanggang ngayon pa ba naman puro kalokohan paring nasa kokote niya... badtrip!~
Jessy: Eh pinaglololoko mo naman ako! Puro huni lang naman ng ibon ang naririnig ko, eh kanina pa naman natin yan naririnig.
~Pero parang wala lang siyang narinig Sa mga sinabi ko at bigla siyang tumayo at tumakbo bigla diretso sa direksyon na aming kinaroroonan.~
~ Sa takot ko na maiwanan ay bigla din akong napatayo para sundan siya dahil ayoko din na maiwanang mag-isa sa gitna ng kagubatan. Wal talaga siyang puso, iiwanan niya talaga akong mag-isa. Kailangan ko talaga siyang sundan dahil kaming dalawa lang dito ang tao. Kainis talaga!~
~ Hindi ko na siya makita dahil nasa bandang dulo na siya, masakit na rin yung sugat ko kakahabol sa mokong na iyon. Pero pinilit ko parin siyang sundan para maabutan ko siya dahil takot akong mag-isa.~
~Nang papalapit na ako sa direksyon na pinuntahan ni Marco ay may naririnig akong buhos ng tubig? Oo tama, tubig nga, na para bang merong falls dahil sa pabagsak na tunog ng tubig. Kahit ang sakit sakit na ng binti ko ay pinilit kong makapunta doon.~
~ Pagkarating ko doon ay meron ngang talon na napaka blue ng kulay ng tubig. Medyo maliit lang siya na parang swimming pool at bumagsak ang tubig galing sa taas ng bundok. Ang tataba ng mga halaman sa gilid nito na kulay berde at mga bulaklak na ngayon ko lang nakita, na para bang dinesenyogan para bang merong mag photo shoot doon. At syempre nanduon na si Marco at naliligo na rin. Para siyang bata, tuwang tuwa na ngayon lang nakaligo. Pero kanina pa nga naman kami naglalakad at puro pawis na ang buo naming katawan.~
Marco : Jessy!! ... halika dito! Ang sarap sarap maligo, magiginhawaan ka , ang lamig sa pakiramdam at par hindi ka na din ma highblood.. sige ka baka ma stroke na niyan... wooh!!! Sarapa lumangoy! ..< tuwang tuwang niyang yaya sa akin>
~ Para namang makakaligo ako, eh ang sakit nga ng sugat ko. Nang-iinggit pa talaga. Pero kung titingnan mo nga naman ang paligid eh parang iisipin mo na nasa paraiso ka. Ang daming mga bulaklak na tumutubo sa paligid. Meron ding ibat ibang uri ng punong kahoy na may mga bunga na hindi ko alam kung pwedeng kainin at meron din parang saging pero kakaiba sa matatagpuan sa kapatagan. Ang ganda talaga~