~Wala na talaga akong nagawa pa sa nangyari kaninang pamamahiya sa akin ni Marco. Tinanggap ko nalang ang aking pagkatalo. Maya-maya pa ay may bago na namang binibilin sa amin si Ms. Ellane siya nga pala ang aming classroom teacher. Nasa sa 40 taong na siya pero wala parin siyang asawa, lagi niya lang sinasabi sa amin na strict daw ang parents niya at hindi na siya interesado doon dahil kami lang daw sapat na. Sobrang Corny, kaya hindi talaga siya makakapag asawa.
"So! (Pumalakpak siya ng isang beses para makuha ang atensyon naming lahat) Class, regarding nga pala sa group and final project ninyo, dapat lahat ay makapagpasa na this week dahil merong announcement mula sa Board of Committees ng school na nilagdaan na ng ating Principal, ay magkakaroon tayo ng isang outreach program, it aims to support our indigenous people dito sa ating bansa at part din ito ng humanitarian activities ng ating pinakamamahal na School. Ang napiling lugar ng ating Paaralan ay ang Bunsod Province na kung saan ay makikisalamuha kayo at maghahandog tayo sa kanilang ng serbisyong medical, education at tuturuan natin sila ng iba pang pwedeng pangkabuhayan. Para maging isa kayong ehemplo sa iba at hindi lang kayo mayayaman kundi meron din kayo mga ginintuang puso para makatulong sa ating mamamayan. Huwag kayong mag-alala dahil safe ang ating pupuntahan. Madaming taga doon ang gagabay at aalalay sa atin at para na rin maranasan ninyo kung paano mamuhay ng simple lang. Susunduin tayo ng chopper para mabilis tayong makarating doon. Any questions?"
~Nagtaas agad ng kamay si Angel.~
"Ms. Ellane, meron naman po kayang signal doon?"-tanong ni Angel kay Ms. Ellane.
"Well, Angel, sad to say, mahirap ang signal doon pero meron naman tayo two-way radio. Exited na ako para sa ating lahat."
"Ano ba yan Ms. Ellane ang boring naman pala doon, hindi nalang po ako sasama."
"Naku Angel, paano mahuhubog ang iyong pagkatao, kung hindi mo mararanasan ang hirap! Kaya ang hindi makakasama ay hindi
makaka-graduate dahil parte parin ito ng inyong final grade. Pasensya nalang sa iba diyan, at hindi pwedeng si daddy na ang bahala dahil alam naman ninyo ang patakaran ng school natin."
~Ang kulit naman ni Angel, dami pang tanong. Kapag sinabi pa naman ng school namin wala ng makakapagbago pa sa desisyon nila. Kilala kase ang school namin sa walang favoritism na tinatawag o VIP treatment. Dito wala sa kung gaano kadami ang pera mo, lahat dito pantay pantay..... Paano nalang pala yung inaabangan kong collectors item online next week? Fyung paboritong anime character niya) Naku! 30 piraso lang ang ilalabas nila kaya talaga unahan sa pagbili online...kaasar naman talaga!.~
"Regarding parin sa ating outreach, magkakaroon kayo ng bagong groupmates para sa mga gampanin ninyo doon. Kaya naghanda ako ng palabunutan na para kung sino ang magkakaparehas na number ay sila mag-partner, pero kapag nakakuha na kayo ng kapirasong papel dito sa box na hawak ko ay huwag ninyo munang bubuksan para sabay sabay ninyong malaman kung sino ang kapares ninyo. Di ba? Ang saya saya mga bata! Hehe".
~Bakas sa mukha ni Ms. Ellane ang kasabikan para sa gagawing outreach program. Siya lang yata ang natutuwa dahil halos lahat ng maaarte kong kaklase ay puro nakasimangot at may mga binubulong-bulong sa katabi... Isa-isa ng tinatawag ang pangalan namin para bumunot ng numero sa harapan.~
"Jessy Monteclaro" < tawag ni Ms. Ellane>
~Tinawag na nga ang pangalan ko. Lumapit na ako sa harapan at bumunot na ng numero at bumalik na muli sa aking upuan (nasa unahan siyang row at magkakatabi silang magkaka-grupo). Panghuli na kumuha ng numero sa unahan si Marco dahil lagi siyang nakaupo sa pinakadulohan. Ayaw yata niyang ginugulo siya, arte niya! Akala naman niya sobrang pogi niya. Bwisit siya! Naalala ko na naman ang ginawa niyang pamamahiya sa akin. Naku! kung sino man ang makakakuha ng kaparehas niyang numero ay tiyak napakamalas na tao... wahaha... siguro mabubwisit lang iyon sa kanya... eh walang kwenta ang kasama niya, kawawa naman siya.... pero naiisip ko palang natatawa na ako.. hahaha... Nagbigay na ng hudyat si Ms. Ellane para sabay sabay naming malaman kung sino sino ang magkakagrupo.
"Ayan! Tapos na kayong kumuha lahat, ngayon sabay sabay na ninyong buksan at hanapin ang inyong mga kapareha para makapag-usap na rin kayo sa maaari ninyong gawin. Dalawang miember lang bawat grupo."
~ Number 2 ang nakuha kong numero. Baka isa sa mga kaibigan ko ang aking kapareha, pero sana naman iba naman ngayon, nakakasawa na rin kase silang kasama.~
"Angel, Diane, Shane, may nakakuha ba sa inyo ng number 2?".
"Naku Jessy, number 5 ang nakuha ko ".
"Number 10 naman ang nakuha ko."
"Number 1 naman ung sa akin." < sagot naman ni Shane>
~ Wala man lang sa amin ang magkakapareho ng numero, pero parang natuwa ako kase iba ang makakapareha ko. Sino naman kaya? Wala pa namang pumupuntan pa sa akin para tanungin ako. Tanungin ko nalang sila isa isa. Biglang lumapit sa akin si Mike, isang tabang bata na ubod din ng ingay at yabang sa katawan."
"Jessy, anong numbero mo?"
"Number 2, ikaw ba?"
"Naku! Sayang naman, number 5 ako. Pero parang may nakita akong ganyang numero nasa bandang likuran natin".
~Buti nalang hindi kami magkaparehas ng numero. Ayoko siyang kapareha, kase naman ang ingay ingay niya at kabarkada din siya ni Marco. Papunta na ako sa iba ko pang kaklase ng biglang sumugaw si Mike.~
"Jessy!!, alam ko na pala kung sino yung nakakuha ng kaparehas mong numero,....si Marco, oo si Marco nga!"
"Ano??"
~Hindi!!!!....huhuhu ...Seryoso ba talaga??... bigla akong napalingon sa likod para tingnan siya....napakamalas ko naman, sa dinamirami namin dito, siya pa talaga ang nakapareha ko! ... Ang tadhana nga naman talaga.. iba din kung magbiro... huhuhu ...hindi na po nakakatuwa huhuhu...ang pinaka-ayaw ko pang tao ang siya ko pang makakasama.~
~Naku, papunta siya sa akin. Ano na naman kaya ang sasabihin niya..~
"Oh! Ikaw pala ang makakasama ko. Ang saya naman pala. Bigla tuloy akong na-excite. Hindi pala ako mabo-bored doon. Hehe... Pero pwede ding Oo. Saka nga pala, bagay yung numero mo sayo, Miss number 2! .. sige na takpan mo na yang bibig mo, naka nganga ka na naman sa akin. Sabi ko nga ba eh, type mo din ako... Sorry , pero hindi kita type... hehe... pero huwag kang mag-alala mag-eenjoy ka kasama ko."
~Anong sinasabi ng mokong na to?? Kapal tagala ng mukha...Ah!! Saksakan ng kayabangan!.... bakit naman kase sa tuwing lumalapit siya, na ninigas ang katawan ko huhu.. siguro may sa mangkukulam yang lalaki na yan! Hindi ako papayag na apihin niya ako uli, sasabihin ko nalang kay Ms. Ellane na magpapapalit ako ng numero. Ako nalang iiwas para wala ng gulo, ang bait bait ko talaga. Pupuntahan ko na nga si Ms. Ellane.
"Ms. Ellane, pwede po bang magpalit ng numero, kase po may phobia po ako number 2, (sabay tingin kay Marco habang kausap si Ms. Ellane na medyo pinalakas ang boses) -kapag po kase nakakakita po ako ng number 2 nasusuka at nangangati po ang buo kong katawan na para bang punong puno ng ....hangin!!!..."
"Totoo ba yan Jessy?
~ Tumango ako bigla na para bang maiiyak na ...pero ang totoo nanggigigil na ako.~
"Okay, cge cge, sino dito pala ang nakakuha ng number 2?"
~ Bigla namang sumabat itong si Mike ng malakas.~
"Ay! Ms. Ellane , si Marco po!"
~Kahit saan talaga, napaka taklesa nitong si Mike. Ang lakas lakas ng boses, akala mo nasa kabilang building yung kausap niya. Alam na tuloy ng lahat na si Marco ang kapartner ko. Bwisit! ~
"Cge, sino na ang gustong palitan si Jessy para maging kapartner si Marco sa ating Outreach?
"Bakit po Ms. Ellane? Ayaw po ba ni Jessy na makapareha si Marco? Naku! ( may pang-aasar na tono) ...Sabi na nga ba eh, may gusto din siya kay Marco... Ano ba yan! dami namang nagkakagusto sayo Marco... pano nalang ako? Wala ng natira sa akin
"Ako!? May gusto diyan?, Ha..ha..ha... nagpapatawa ka ba? Eh , hindi ka naman kalbo.. Capital W..A..L..A.. WALA! ..wala Akong gusto dyan! < sagot ko kay Mike habang nakapamaywang>
" Eh bakit ayaw mo siyang maging partner, siguro kinakabahan ka, baka kase hindi mo kayanin ang nararamdaman mo at mabaliw ka sa pagnanasa mo sa kanya. Haha"
~ Isa din itong bwisit sa buhay ko, lahat nalang ng mga kaibigan ni Marco bwisit!~
"Ako? May pagnanasa, diyan? ... ha! (Sabay tingin kay Ms. Ellane) Ms. Ellane, magaling na po pala ako! Bigla pong guminhawa ang aking pakiramdam, nawala na po yata ang Phobia ko , kase sa sobrang lakas ng shakra dito sa loob ng classroom."
" Ako ba pinaglololoko ninyo?...Hay naku! Kayo talaga!... cge na... tama na yan... Dahil diyan bawal na magpapalit ng numero ngayon!"
~Talagang pinagkaisahan ako ng grupo ni Marco... humanda ka sa akin... You want war, I'll give you war!.... hindi kita uurungan... world war 3 na ito.~