"SALAMAT" aniya sa sekretarya ni Aling Lilia matapos nitong ilapag ang tasa ng kape sa kanyang harapan. "ano na nga ho iyong pag-uusapan natin?" baling niya sa ginang pagkuwang.
"Iyong singsing, maniniwala ka bang personal kong pag-aari iyon?" may kakaibang kislap sa mga matang winika ni Aling Lilia.
Hindi makapaniwala niyang tinitigan ang kaharap. "Really? Ibig sabihin kung gayon you were once engaged?"
Tumango ang ginang. "Ibinigay iyan sa akin ng nag-iisang lalaking minahal ko at magpasa-hanggang ngayon ay minamahal ko."
"But what happened?" ang curious niyang tanong.
Narinig niya ang mabigat na buntong hiningang pinakawalan ni Aling Lilia bago ito nagpatuloy. "He died, dalawang araw bago ang kasal namin naaksidente siya. Car accident, nahulog ang dala niyang kotse sa cliff."
"I'm sorry to hear that" totoo sa loob niyang sagot.
Matamis ang ngiting pumunit sa mga labi ni Aling Lilia. "Diamond is the hardest mineral, iyon ang dahilan kung bakit sinasabi nilang diamonds are forever. At kagaya nito, your love for her must last forever" magkasabay pa silang napalingon sa gawin ng pinto nang marinig ang magkasunod na katok ng sekretarya ni Aling Lilia saka nito iniabot sa ginang ang kulay pulang kahita.
"Kung sa iba baka isipin nilang bakit ko ito ipinagbibili? Ang totoo hindi sa dami ng pera na pwede kong kitain, kundi sa kagustuhan kong madugtungan sa katauhan ng iba ang isang magandang kwento na hindi naman nabigyan ng masayang wakas, iyon ay ang kwento ko. Sana magkaroon ng happy ending ang singsing na iyan sa inyo ng nobya mo hijo." nang kamayan siya ni Aling Lilia at magpaalam na siya sa ginang.
Tumango siya. "Makakaasa po kayo" aniya sa tinig na may katiyakan saka na lumabas ng opisina. Diamonds are forever, just like how I love you Anya.
SA pagkakaisip doon ay napangiti ng matamis si Lawrence. Binili niya ang singsing ilang linggo narin ang nakalipas, dahil iyon kay Anya. At ngayon, nakahanda na siyang ibigay ito sa dalaga. Alam niyang mahal na mahal siya nito at ganoon rin siya sa dalaga. Kaya wala nang dahilan para patagalin pa ang lahat.
Kaninang madaling-araw iniwan niya ito sa gamit nitong silid. Ayaw kasi niyang may makaalam na kahit sinong sa kwarto ng dalaga siya nagpalipas ng magdamag lalo at hindi naman sila talagang kasal pa ni Anya.
NAGISING siya kinaumagahan nang wala na ang binata sa tabi niya. Napangiti siya, ganoon rin ang nangyari sa kanya pitong taon na ang nakalipas. Pero hindi kagaya noon, wala siyang nakapang anumang takot sa dibdib niya. Sa halip ay naroon ang naguumapaw na kaligayahan.
Tinangka niyang bumangon pero napangiwi siya nang maramdaman ang pananakit ng ibabang bahagi ng katawan niya. Pagkatapos ay minabuti niyang ibagsak muli ang sarili sa kama saka nilinga ang bahaging tinulugan kagabi ng nobyo. Kinuha niya ang ginamit nitong unan saka iyon mahigpit na niyakap saka inamoy. Naiwan pa doon ang scent ng gamit nitong cologne.
"Huwag kang magseselos kay Claire okay? Wala na kami, tapos na iyon at ikaw ang mahal ko." Nang maalala ang sinabing iyon sa kanya ni Lawrence kagabi ay mabilis niyang naramdaman ang matinding kilig na nanuot sa kanyang puso.
Tama nga naman ang binata. Kailangan niyang magtiwala rito. Ang nakaraan ay bahagi ng buhay ng isang tao, at siya kagaya ng ginawa nitong pagtanggap sa nakalipas niya, ganoon rin dapat ang gawin niya.
Ilang sandali pa ay minabuti niyang bumangon na. Bahagya pang nag-init ang mukha niya nang mapuna ang bahid ng dugo sa kulay apple green na takip ng kama. May alam naman siyang mabisang paraan para matanggal iyon kaya dali-dali niyang inalis ang bedsheet saka iyon dinala sa loob ng banyo. Tapos na siyang maligo nang mapasukan siya ni Lawrence.
"Anong ginagawa mo?" ang natatawang tanong nito nang makitang sa halip na buhok ay ang bedsheet ang ginagamitan niya ng hair-dryer.
"A-Ano k-kasi" ang nauutal niyang sagot.
Umangat ang makakapal na kilay ng binata. Itinulak pasara ang pinto, diniinan ang knob saka humakbang palapit sa kanya. "Naglaba ka?" sa nakita niyang klase ng ngiti nito mukhang nahuhulaan na ni Lawrence ang dahilan niya kaya mabilis siyang nag-blush. "you're blushing again? Nakakaaliw ka talagang babae ka, halika nga rito!" anitong mabilis siyang kinabig at sa isang iglap naramdaman nalang niyang angkin na nito ang mga labi niya.
"Iyong part lang na namantsahan" pagtutuwid niya. "teka sandali lang" aniyang itinulak ang binata nang maalalang naiwan niyang bukas ang hair-dyer. Binalikan niya iyon saka dinampot sa harapan ng tokador. "lumabas kana, susunod ako ilalagay ko lang ito" ang tinutukoy niya ay ang bedsheet.
Magkakasunod na umiling si Lawrence. Nasa mga mata nito ang damdaming nakita rin niya sa mga iyon kagabi habang inaangkin siya ng binata. Mabilis na niragasa ng magkahalong kaba at pananabik ang dibdib niya. Lalo nang magsimula itong humakbang palapit sa kanya.
"Hindi makatarungan ang gusto mong mangyari mahal ko" anito sa tonong nang-aakit na nakuha naman niya ang ibig sabihin. Sa isang iglap ay harapan na niya ang nobyo na mabilis siyang naikulong sa tila bakal nitong mga bisig.
"L-Lawrence naman, mamaya may biglang kumatok" half true ang protesta niyang iyon dahil ang totoo gusto rin naman niyang maulit ang nangyari sa kanila kagabi ng kasintahan.
Umangat ang sulok ng mga labi nito. "Bakit iba yata ang nababasa ko sa mga mata mo?" ang nanghahamon bagaman nakangiti nitong tanong.
Nagbuka siya ng bibig pero nakulong doon ang lahat ng gusto niyang sabihin nang susian nang maiinit na labi ng binata ang kanya. Sa pagkakataong iyon ay mabilis na nalusaw ang lahat ng pagtutol niya at sa halip ay tinugon narin niya ng mas maiinit pang halik si Lawrence.
Pikit ang mga mata niya pero naramdaman niyang itinaas siya ng binata. Noon siya nagdilat nang paningin kaya kitang-kita niya nang iupo siya ni Lawrence sa roundtable na nasa loob ng silid. "What are you doing?" ang nagulat niyang tanong nang sandaling pakawalan ng binata ang mga labi niya. Itinaas ni Lawrence ang laylayan ng suot niyang bestida saka siya muling hinalikan. At noon nanaman siya nawala sa sarili niyang katinuan.
Napasinghap siya nang maramdaman ang muling pag-angkin sa kanya ng binata sa ikalawang pagkakataon. Parang wala sa sariling ikinapit ni Anya ang dalawang kamay sa batok ni Lawrence habang nanatili namang magkahinang ang kanilang mga labi. At sa isang iglap, wala pa yatang limang minuto kapwa na nila narating ang dako pa roon.
"I love you so much" ang hinihingal na anas ng binata nang pakawalan nito ang kanyang mga labi.
Nag-iinit ang mga mata niyang sumagot. "I love you too" aniyang hinaplos ang mukha nito pagkatapos.
Maaliwalas ang mukhang ngumiti ang binata saka tila nanunuksong iginalaw ang ibabang bahagi ng katawan nito. "Really?" anitong tila nanunuksong inulit-ulit ang ginagawa.
Nanlaki ang mga mata ni Anya nang maramdaman ang unti-unting maramdaman ang arousal ng nobyo sa loob niya mismo. "Oh" hindi niya napigilan sabihin nang maramdaman ang masarap na kilabot na tila kamandag na kumalat sa kabuuan niya dahil sa patuloy na ginagawa ng binata. L-Lawrence stop!" aniyang hinampas ng mahina ang braso ng nobyo.
"Do you really want me to do that, huh?" anitong halatang hindi naniniwala sa huli niyang sinabi.
Hindi siya nagsalita at sa halip ay kumapit sa batok ng nobyo saka iyon kinabig para sa isang mas mainit na halik. "No, don't stop" pagkuwan ay amin niya saka muling hinalikan ang nobyo pero mabilis na umiwas doon ang binata. "hey!" ang naiinis niyang turan.
Nangingislap ang mga matang pinakatitigan siya ni Lawrence. "May itatanong lang ako" anitong itinigil ang ginagawa.
Nagsalubong ang mga kilay ni Anya. "What? Ikaw nga itong nagsabing hindi maganda ang nabibitin pero ginagawa mo naman pala!"
Napuno ng malakas na tawa ng binata ang kabuuan ng silid. "Sandali lang, importante ito" anitong amuse na hinagod ng tingin ang kanyang mukha. "will you marry me?"
Sa huling sinabing iyon ni Lawrence ay mabilis na kumawala ang mga luha ni Anya. "A-Anong sinabi mo?"
"Magpakasal na tayo, para mawala narin ang pag-aalinlangan mo sa akin?" sagot ng binata.
"Wala akong alinlangan sayo" aniya.
Niyuko siya ni Lawrence saka hinalikan sa noo. "Pero nagselos ka kagabi hindi ba? Inisip mong mas minahal ko siya kaysa sayo?"
Marahan siyang napatango. "I-I'm sorry" aniya.
Tumango ang binata saka ngumiti. "Okay lang, ang totoo para sa akin hindi naman sukatan ang kasal kung gaano kalaki ang pagmamahalan ng dalawang tao" si Lawrence. "hindi lahat ng nagpapakasal nagmamahalan, at hindi lahat ng nagmamahalan ng totoo pwedeng magpakasal. Patunay lang iyon na walang sukatan ang tunay na pag-ibig. Kasi ang importante naman talaga iyong pagkakaunawaan at nararamdaman ng dalawang pusong involve sa sitwasyon."
Hindi siya nakapagsalita sa narinig dahil totoo naman iyon. Kaya muling nagbuka ng bibig nito ang binata. "Pero tayo, nasa atin nang pareho ang dalawang iyon. Kaya masasabi kong napakaswerte natin. Kaya gusto kong ulitin iyong tanong ko?" ang nobyo niyang ginagap ang kamay niya saka hinalikan.
Hindi niya napigilan ang matawa ng mapuna ang ayos nila. Nakita niyang may kinuha sa bulsa ng pantalon nito ang binata. Isang maliit at kulay pulang kahon. Lalo siyang napaiyak nang buksan iyon ng binata sa harapan niya at tumambad sa kanya ang isang white gold heart-shaped diamond engagement ring. "will you marry me?"
Kung gaano kasaya si Anya nang mga sandaling iyon? Hindi niya masabi. Basta ang alam niya speechless siya at ramdam niyang tila may kung anong bagay ang nakabara sa lalamunan niya. Pero sa kabila noon ay pinilit parin niyang magsalita kahit luhaan ang kanyang mukha. "Y-Yes, I will marry you..." sagot niya.
Maluwang ang pagkakangiting isinuot ni Lawrence sa daliri niya ang singsing saka siya muling hinalikan. At kagaya kanina ay tinugon niya ng maiinit ring halik ang kasintahan. Habang si Lawrence ay nagsimula nanamang gumalaw sa saliw ng awiting parehong sila lang ang nakakarinig.