Chereads / Reaching Heaven((Tagalog Story)) / Chapter 29 - Chapter 29

Chapter 29 - Chapter 29

"Young master? "iyan agad ang lumabas sa labi ko ng magising ako. Paano naman kasi pag mulat ko ng mga mata ko wala na pala akong gwapong katabi. Tsk. Inaasahan ko pa naman sana na babatiin nya ako ng goodmorning.

Gigil kong kinagat ang unan na ginamit ni Young Master na panghati sa pwesto namin sa kama.Bwisit na unan ito, dahil sakanya di ako nakayakap kay Young Master kagabi. Magkatabi nga kami sa kama pero so close yet so far ang peg naming dalawa ng aking langit..

"Makapaghilamos na nga" mabilis akong bumangon sa kama at dumiretsyo sa CR.

Nasaan naman kaya si Young Master?

Mas mabuti pang lumabas muna ako at maglibot sa Beach, baka kasi makita ko si Young Master don.

Nang makabihis na ako ay lumabas na ako sa room namin ni Young Master at dumiretsyo na papunta sa Elevator,ngunit hindi pa ako nakakapasok ng bigla nalang may mabilis na bagay na dumaan malapit sa mukha ko at dumikit ito sa pader.

Napamura naman ako ng makitang isang uri ng shuriken ang muntik ng makaputol sa ilong ko

"Long time no see, Doble Per" napatigil naman ako dahil matagal narin ng ng marinig ko ang pangalan na yun, dali kong nilingon ang taong tumawag sa akin noon at napamura nanaman ako na ikanatawa naman nito

"S-silver Fox? Taena? namiss kita! " agad akong lumapit dito at niyakap sya ng mahigpit sinuklian din nya ang yakap ko at tumalon talon pa kami habang masayang tumatawa.

Hindi ko akalaing pagkatapos ng dalawang taon ay makikita ko ulit ang bestfriend kong si Key

"Grabe di ko akalain na magkikita tayo ulit at tangina ka, muntik mo nanamang maputol ang maganda kong ilong! Lagi nalang ba ganon ang pangbati mo sa akin? "

"Di ka pa nasanay, Mia" sabay hila sa dulo ng buhok ko na lagi nyang ginagawa simula nong bata pa kami.

Umiling nalang ako at hinila ito papasok sa elevator.

Nang makalabas na kami sa hotel ay niyaya ko syang maglakad para maglibot na agad naman nyang sinangayunan

"Grabe ka Key! Talagang hinagisan mo pa ako ng shuriken sa loob ng hotel, di ba may cctv don? "

"Tsk, ano kaba,naka freeze ang cctv kanina bago pa kita hagisan" napatawa nalang ako sa kabobohan ko, oo nga naman pala,halimaw sa technology ang kaibigan kong ito

"Bakit ka nga pala nandito sa Boracay? May mission ka? "

"Wala sinasamahan ko lang si---"

Natigil sa pagsasalita si Key ng bigla nalang may lalakeng bumuhat sakanya na parang sako at walang sabi sabing nilayo si Key sa akin..

"PUTCHA! LOCK IBABA MO AKO! " rinig kong galit na sigaw ni Key

Ako naman ay nakakanganga at gulat na gulat sa nangyari, saka lang ako nakabalik sa wisyo ng hindi ko na masilayan si Key..

Totoo ba iyong lalake na nakita kong bumuhat kay Key? Ang taong kinakatakutan sa buong asya?

Taena, Key!!  Bakit ka nadikit kay Lock Survey?!!

Para akong bangag na bumalik sa hotel dahil sa nasilayan ko kanina. Parang gusto kong hanapin si Key at kausapin! Ano nanamang gulo ang ginawa ng babaeng yun!

"What the hell happened to you? " gulat naman ako kay Young Master na biglang pumunta sa harapan ko at nakapameywang.. Di ko napansin na nakapasok napala ako sa room namin..

"May nakita lang akong nakakatakot sa labas Young Master" pagdadahilan ko, tumitig muna ito sa mga mata ko ng ilang sigundo bago sya tumalikod sa akin at umupo sa sofa.. Nagtaka naman ako ng may makita akong mga pagkain sa lamesa

"I've been waiting for you chanak, go get your ass here and lets eat"

Napanganga naman ako sa sinabi nito.. Hinintay nya ako para mag breakfast kami ng sabay? Oh Lord, panaginip ba ito?

"You look like an idiot standing there, just sit beside me NOW so we can eat! " napaayos naman ako ng tayo at dali daling umupo sa tabi ni Young Master..Akala ko pa naman magiging sweet na talaga sya sakin ngayong umaga kaso mas nanalo parin ang demonyong ugali nito haay

"Susubuan mo ba ako Young Master oh ako ang susubo sayo? " napaubo ubo naman ito at napainom ng tubig dahil sa sinabi ko.

"LEIR MIA FUCKING FENIS?!!WHAT THE HELL ARE YOU SAYING?! "

Napatawa naman ako sa exaggerated na sigaw nito..

"lalong gumaganda ang pangalan ko pag binabanggit mo Young Master,pwedeng pakiulit? Tanggalin mo lang yung "fucking" sa gitna heheh" napa aray ako ng bigla nalang tinampal ni Young Master ng malakas ang labi ko

"What are I am going to do with you chanak? the words that always came out on your mouth was a sin! Should we cut your tounge now? " napatawa nanaman ako ng malakas dahil halatang na iistress na sa akin si Young Master.Pinukol naman ako nito lalo ng nakakakamatay nyang tingin kaya tinigil ko na ang pagtawa at pumeke ng ubo.

"Anong pwede mong gawin? Mahalin mo ako Young Master, di naman mahirap yun" napatitig naman ito sa akin kaya ngumiti ako at binigyan sya ng mabilis na halik sa pisngi saka ko tinuon ang pansin ko sa pagkaing nakahanda sa harapan namin

Di naman na umimik si Young Master sa sinabi ko kaya tahimik lang namin tinapos ang pagkain namin.

Tahimik lang kaming nakasandal sa sofa hanggang sa umupo ako paharap kay Young Master

"Young Master,babanat ako sa sayo ng mga sweet lines pag kinilig ka, aamining mong may gusto ka na sakin" kinikilig kong litanya, bored lang itong tumingin sa akin at nangaasar na nagsalita

"oh really? Okay, show me what you've got"

Inayos ko muna ang upo ko at inhale... Exhale..

"You're like a topic of planets Young Master"

"Why? "

"because everytime I heard your name u always get my attention." sabay pakita ng nakakamatay na ngiti sa kanya.. Pero seryoso lang nakakatitig sa akin si Young Master..

Wow, di man lang kinilig?

Pero okay lang marami pa akong baon..

"If there was no gravity on this planet, I would still fall for you"

Wala pading reaction

"You must have a high current because I can't seem to resist you"

Waley... Padin react

"My favorite element on the periodic table is Uranium because I am in love with U"

Napapikit ako dahil naiinis na ako kasi wala paring ka react react si Young Master sa mga banat ko..

"giving up already? " sinamaan ko lang ng tingin si Young Master..

Masyadong mapangasar eh..

"You should stop throwing pick up lines on me,It wouldn't work because I don't like you" nagyayabang na sabi nito..

Sige lang Young Master...asarin mo pa ako.. Baka marape na kita now na!

"Do you want to form a zygote with me?" banat ko ulit, agad naman itong napaayos nang upo at galit na sumigaw

"What the fuck?! "  napangisi naman ako.. Aba green pick up lines lang pala ang makakapag react kay Young Master

"Young Master,Lason ka ba?Handa kasi akong mamatay matikman ka lang" nangaakit kong sabi sabay dila sa labi ko habang nakakatitig kay Young Master.. Napa yes naman ako ng namula ang buong mukha nito

"Hahah,may gusto sakin si Young Master, Namula sya..ayieeeee" tumayo pa ako at napasayaw pa ng step ng candy na kanta ng idol kong si Baekhyun..

"I don't like you! My face got red because of your green jokes! Damn you chanak! You are fucking shameless and have no filter mouth! " galit na galit na paliwanag ni Young Master., napatawa naman ako at bumalik sa pagkakaupo at humarap sakanya

"Masyado ka atang defensive nyan Young Master? Aminin mo na kasi di naman mahirap eh" pangaasar ko pang sabi dito..

"Damn you! " sabi lang nito sa akin. Kaya lalo ko lang binigyan ng pangaasar na tingin si Young Master..at maya maya kumapit ako sa braso nito at sumandal sa balikat nya pero di nya inalis..

Kainis.. Kinikilig ako hihi

"Yayayain mo na ba ako mag date Young Master? Sige na.. Go on Young Master ask me out" may pa English pa ako nyan ah.. Wala eh kilig kasi ako..

"Okay, get out"

Agad ko namang sinuntok sa braso si Young Master sa sinabi nya..

"Patay kilig ka noh? namo ka!" inis kong sabi at tumayo at pumamewang sa harap nya

"Dahil bukas uuwi na kami nila Ketong at magwawakas na ang ang bakasyon ko dito sa boracay, Mag dadate tayo mamaya Young Master para may unforgettable moment naman ako dito" utos ko sakanya.. Syempre utos talaga dahil hindi ako papayag na ireject nya ako sa date noh!

"Whatever" sagot lang ni Young Master at tumayo narin sya at lumabas na sya sa room..

Napakabastos talaga!! Nangiiwan nalang basta basta?

At ano yung whatever nya? yes ba meaning nun sakanya?? Ah basta!

Kinuha ko ang cellphone ko sa kama at nagsearch ng magandang restaurant na malapit lang dito sa Beach para sa date namin ni Young Master mamaya...

Iniisip ko palang na magdadate kami ay kinikilig na ako...

Sana maging maganda ang kalalabasan ng date namin....