"WAA SANDALE MANONG YUNG BAG KO!!! " malakas kong sigaw sa habang mabilis na hinahabol ang sasakyan. Ang bobo ko kasi sa kakamadali kong lumabas hindi ko na naalala na buhatin ang bag ko na nilagay ko sa tabing upuan ng bus. Alam kong mukha na akong tanga na sigaw ng sigaw habang tumatakbo pero yung bag ko kaylangan kong makuha,nandoon lahat ng mga mahahalagang gamit ko at ang pera ko.
"Tignan mo yung babae,hinahabol yung bus para namang maabutan nya"
"May shooting ba ng Boys over flowers ngayon?"
"Para syang si Shancai na hinahabol si Dao ming si hihi"
"Anong trip ni ate ghurl? "
Hindi ko maiwasang tumigil at tignan ng masasama ang mga taong parang bubuyog na ito. Hirap na hirap na nga akong habulin yung bus, may lakas pa silang i bully ako? Mga stupidmaderpakers. Para naman silang daga na nagiwasan at nagsialisan sa kanilang pwesto dahil sa titig ko aba dapat lang, nilalabas nila pag kademonyo ko eh.
"Naku ate, yung bus na hinahabol mo,nakalayo na!! "
Parang gusto kong suntukin ang mukha ko dahil sa tumigil ako sa pagtakbo.Nanlulumo akong napaupo habang pinagmamasdan ang bus na unti unti nang nawawala sa paningin ko.Paano na ako nito? Hindi ko akalain ang isang taon kong pagiipon para lang makapunta sa mindanao ay bigla nalang nawala na parang bula.Hindi ko din alam kung bakit napunta ako sa lugar naito. Masyado bang naging mahimbing ang pagtulog ko? O nanaginip lang ako ngayon? Inis kong sinabunutan ang aking sarili at di na mapigilang umiyak.
Ang tanga mo Leir! Eto nalang ang huli mong pagasa para makita ang kapatid at iba mo pang kamaganak! Hindi dapat ako sumuko, dapat magisip ako ng paraan para makapagipon ulit ng pera at matuloy nakong pumunta sa Mindanao.Sa lawak ng Manila alam kong may tyansa akong makahanap ng trabaho dito. Pero sinong tatanggap sakin?Wala akong resume oh kaya ID!Β Lahat ng mahahalagang bagay nasa bag ko!
Huminga ako ng malalim at tumayo at nag sign of the cross. Alam kong pag subok lang ito na binigay ng diyos Leir kaya wag kang susuko!.Pagkatapos kong mag AJA pose ay saka ko lang napansin ang mga taong seryoso, at medyo ding naweweirduhan at natatawang tinitignan ako. Wow para naman akong artista sa dami ng nakichismis sa akin.
"Tapos na ang drama ko,pwede na kayong umalis bago ko pa kayo pag uuntugin!" galit kong sigaw. Dali dali namang nagsibalikan sa kanya kanyang gawain ang mga stupidmaderpakers. Buti naman nakukuha sila sa isang tingin at salita lang. Napairap nalang ako at umalis na sa lugar na iyon.
Simulan na ang paghahanap ng trabaho
After 2 hours
Punyeta,naka dalawangpu nakong nagtry sa ibat ibang store pero walang tumanggap sakin dahil wala akong maipakita na Id o resume man lang dahil baka daw takas ako sa mental o sa kulungan. Tangna yung mga yun,sa ganda kong ito? Napagkamalan nila akong ganun? Mga bulag ba sila? Ako ang tinaguriang DYOSA ng mga DYOSA sa bayan namin tapos dito inaapi lang nila ang beauty ko? Mga stupidblindpaker!
"Aish, Pagod na ako, nagugutom na din ako, saan kaya ako makakakuha ng pagkain? "
"Hey, miss want some? "
"Ay,palakang natutot! " malakas kong sigaw ng may biglang kumalabit sa bewang ko at nagsalita. Pagtingin ko ay isang waaaaaa napakagwapong bata naman ito.Nakangiti itong nakatingala sa akin habang inaabot nya sa akin ang isang supot na may lamang donut.
"I heard that your hungry, so I giving you some donuts" napangiti naman akong kumuha ng isang piraso ng donut.Aba syempre wag nang mahiya sa bata,gutom na ako eh. Nilibot ko ang paningin ko, ngaun ko lang narealize nandito pala ako sa isang children's park. Kaya pala may gwapong batang naligaw.
"Halika, upo tayo sa duyan, at kainin na natin itong binigay mong donut" masaya kaming pumunta sa duyan at umupo dun. Sabay pa naming kinagatan ang hawak naming donut at nagtawanan kami. Nakakatuwa namang kasama ang batang ito. Nakakawala ng stress.
"Salamat sa donut ah, ano palang pangalan mo? "
"My name is Angel lucas" nakangiting sabi nito.Hihi bagay nya ang pangalan nya mukha namang anghel ang batang ito.Di ko tuloy maiwasang sundutin ang pisngi nito at napahigikgik naman ito sa ginawa ko.
"Ako naman si Leir,18 years old ikaw ilang taon ka na pala? "
"I'm 8 years old"
"10 years lang naman agwat. Pwede pa"
"po? " nagtatakang tanong nito. Ay gagang child abuse ka LEIR! Talaga bang sinabi ko yun? Ganun na ba ako kadesperadang mag kajowa ng pogi? Bakit naman kasi halos lahat ng gwapo ang babata pa ihh pag di ko napigil sarili ko papatulan ko na ito hihihi. Ay bad Leir!
Sinampal sampal ko ang sarili ko dahil sa kagaguhang naiisip ko. Punyeta pati bata ata di ko na papalampasin. Harujusko!
"hehe wala yun,bebe boy, nasan pala ang mama mo? Balik ka na sakanya baka hinahanap ka nun at umuwi na kayo" ngumisi naman ito na pinagtaka ko.
"My mom have no idea that I'm here,Ate Leir. Tumakas ako sa amin just to play here.Im so genius kanina kasi natakasan ko ang mga guard" mukhang anghel ang batang ito pero para na syang angel na may sungay sa paningin ko ngayun dahil sa pilyong ngiti nito at mapaglarong mata.Umiling ako,sasabihan ko na sana sya na mali ang ginawa nya ng makarinig kami ng malakas na sigaw.
Paglingon ko sa likod namin ay ang daming mga armadong lalake na kinukuha ang mga bata at dinadala sa kanilang sasakyan. Ang mga ina at yaya ay umiiyak at sumisigaw dahil sa takot.
"Walang kikilos! Kunghindi pasasabugin namin ang mga ulo ninyo! "
"Mommy huhuhu"
"Mom"
"Bilisan nyong kunin ang mga bata na nasa edad 6 pataas!! "
Automatic na binuhat ko si Luc dahil sa narinig ko na sinabi lalake. Hindi ko hahayaan na makuha nila ang mga bata ng tuluyan!.Hinawakan ko sa pisngi si Luc at tinitigan. Bakas sa mata nito ang takot at palapit na itong maiyak. Ngumiti ako sakanya ng matamis at binaba ito
"Wag kang mag alala Luc, Ililigtas ko ang mga bata at hindi kita hahayaang mapahamak" tulala itong nakatingin sa akin. Ginulo ko ang kanyang buhok at sinenyasan na magtago sa mga naglalakihang halaman.
"B-be careful a-ate" sabi nito bago tumakbo at nagtago. Ngumiti naman ako at dali dali nang pumunta sa mga kidnappers.
"OY,PAKAWALAN NYO ANG MGA BATA,STUPIDKIDNAPPERS!"Β sabay na napatingin at napatigil ang limang kidnappers dahil sa sigaw ko.
"Ang ganda ko noh? "nakangisi kong sabi. Habang tulala pa sila ay mabilis na akong pumunta sa isang lalake at binigyan sya ng malakas na chop sa leeg na ikinahimatay nito. Mabilis kong hinablot ang pistol at inisa isang pagbabarilin ang apat.Namalipit sila sa sobrang sakit na tama sa binti nila. Kinuha ko ang mga armas nila at hinagis sa malayo.
"Gago kang babae ka!" madali ko namang naiwasan ang suntok nang pang anim na lalake. Ito siguro yung driver. Nagpaulan ito Suntok sa akin pero mabilis ko lang itong naiiwasan. Ng makahanap ako ng tiyempo ay,binigyan ko ito ng malakas na sipa sa tyan at sa mukha. Agad naman itong natumba. Ibibigay ko na sana ang last na nakakahimatay kong suntok nang marinig ko ang siren ng pulis. Napahinga naman ako ng maluwag.Rinig ko naman ang sigawan at pasasalamat ng mga tao sa akin.
"ATE LEIR!! " kinawayan ko naman si Luc nang sinigaw nya ang pangalan ko. Rinig ko naman ang masayang hagikgik nito habang papalapit sa akin. Iminuwestra ko ang aking kamay at nang nakalapit na sya ay agad ko syang binuhat at inikot.
"You're so cool while beating those bad guys!"
"Sabi ko naman sa iyo eh, ililigtas ko kayo hahaha" napahagikgik ulit ito at mahigpit na niyakap ang leeg ko at binigyan ako ng halik sa pisngi. Pipisilin ko sana ang pisngi nito ng may tumawag kay Luc.
"ANGEL LUC" sabay naman kaming napatingin sa tumawag at napanganga ako sa taong papalapit sa amin ngayon.
Omygod yung panty ko!