💙💙💙
"ANNIE?" Inalis ng lalaki ang suot nitong sombrero.
Doon ay tumabad sa kanya ang gwapong mukha ni Brix Montemayor, ang heart throb noong high school nila.
"Ikaw nga, Brix." Masayang sabi ni Annie.
"Long time no see, Ann. Kamusta ka na? I didn't expect we meet this way." Natatawang wika nito.
Ngumiti siya. "Ako din. I'm doing good. Ikaw, matagal na tayong di nagkita. Since high school graduation?"
Tumawa si Brix at tumungo. "I'm doing good. Ako ngayon ang namamalakad ng hospital ng pamilya."
Napatungo si Annie. "That's good to hear. CEO ka na kung ganoon."
"Yap and now trying to finish my studies on Medicine. Ilang taon pa at makapagtapos din."
"Wait! Nag-aaral ka ulit?"
Ngumiti si Brix at tumingin sa paligid. "We are not on a safe place to chat, Annie. Uuwi ka na ba? Ihahatid na kita."
Tumungo si Annie.
"Come on. My car is near." Tumalikod na si Brix.
Mabilis na sumunod si Annie sa kaibigan. Isa si Brix sa mga naging kaibigan niya noong nag-aaral siya ng high school. Noong una ay akala nila ay simpleng tao lang si Brix, nalaman nilang anak mayaman pala ito. May-ari ng isang hospital ang pamilya ni Brix maliban pa nga na may-ari ng isang rancho sa Ilocos. Pero kahit na ganoon ay kayang makisabay sa kanila ni Brix. Hindi ito nahirapan mag-adjust ng pumasok ito sa isang public school.
Ayon kay Brix ay nais talaga nitong maranasan na mag-aral sa isang public school. At dahil sa nag-iisang anak ito ay madali itong mapagbigyan ng mga magulang. Pero hindi sa school nila nagtapos si Brix. Isang taon lang ito nag-aral sa public school pero kahit ganoon ay nabuo pa rin ang pagkakaibigan sa pagitan nila. Kaya nga ng graduation day nila ay pumunta si Brix para batiin sila. Ang huling balita niya dito ay lumipad ito ng U.S para mag-aral.
Nang marating nila ang kotse nito ay halos lumuwa ang mga mata ni Annie. Isang itim na Ferrari ba naman ang kotse nito. Pinagbuksan siya ni Brix ng pinto at inalalayan na makasakay. Ngumiti siya sa kaibigan ng makapasok na rin ito ng kotse. Isinuot niya ang seat belt.
"Saan ka na ngayon tumutuloy, Ann?" tanong ni Brix.
"Novaliches na. Lumipat kami doon ng magtapos ng pag-aaral kami ni Kuya," sagot niya sa tanong ng kaibigan.
"Nova? Kung ganoon ay hindi pala ako mapapalayo. Nasa Commonwealth din ang condo ko."
Ngumiti siya kay Brix. Pinagmasdan niya ang dating kaibigan. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang taong kaharap niya ngayon ay si Brix.
"So, kamusta ka na, Ann? You look so good right now," anito.
Napayuko si Ann at hindi mapigilan na hindi mamula ang pisngi. May munting kiliting nadarama si Ann sa kanyang tiyan.
"Well, thank you. I'm doing good right now. Kasama ko sina Kuya sa bahay at nagtatrabaho na sa BGC."
"Sa BGC ka nagtatrabaho. Saan doon? Anong kompanya?" Sinulyapan siya ni Brix.
"Sa main building ng mga Wang. Sa Mei De Hau Group of Companies ako nagtatrabaho bilang Human Resources Assistant."
Tumungo si Brix. "Wow! Sa isang malaking kompanya ka pala pumapasok ngayon. That's good to hear from you."
"Thank you. Ikaw? Anong pinag-aaralan mo ngayon?"
Muli siyang sinulyapan ni Brix. "Iyong totoo sa U.S ako nag-aaral ng Medicine. Gusto kong maging especialista sa puso. Kunti lang kasi ang mga doctor sa ganoong field dito sa Pilipinas."
Tumungo siya. Hindi pala talaga basta-basta si Brix. Well, nang galing naman kasi ito sa isang mayaman at kilalag pamilya. Ang alam niya ay tubong Ilocos ang lalaki at nandoon ang pamilya nito.
"Good luck then. Sana ay maabot mo ang mga pangarap mo." Tinapik niya pa ang balikat ng kaibigan.
Ngumiti lang si Brix sa kanya.
NAPAHINTO si Joshua sa paglalakad ng may napansin di kalayuan sa kinatatayuan nito. Pinasingkit niya ang mga mata para masigurado kung tama ba ang nakikita niya. Napakuyom ng kamao si Joshua ng masigurado na hindi nga siya na malik-mata sa kanyang nakikita. Lalapit na sana siya ng makitang nagpaalam ang lalaki kay Anniza. Kumaway naman ang huli at sinundan pa ng tingin ang lalaki na hindi niya alam kung ano ang pangalan. Nanatili sa kinatatayuan niya si Joshua at pinagmasdan ang mga galaw ni Annie.
Hanggang sa pag-alis ng kotse ay hindi umalis sa kinatatayuan nito si Annie. Sinundan pa talaga nito ng tingin ang papalayuong kotse. Nang hindi na makita ni Annie ang kotse ay naglakad na ito papasok sa building ng kompanya. Mabilis naman sumunod si Joshua.
"Annie," tawag niya sa babae.
Lumingon ang dalaga ngunit ng makita na siya ang tumawag dito ay nagpatuloy ito sa paglalakad. Lalong nabuhay ang inis sa puso ni Joshua. Hinabol niya pa rin si Anniza at hinawakan sa braso.
"Anong ginagawa mo?" Singhal ni Annie sa kanya.
Hindi niya ito pinansin. Napipikon na siya sa hindi pamamansin sa kanya ng dalaga. Tuyuan ng naputol ang pisi ng pasensya niya. Hinatak niya ito papunta sa elevator. Lahat ng mga empleyado na papasok ng mga sandaling iyon ay nakatingin sa kanila. Binaliwala niya ang mga tingin ng lahat.
"Ano ba, Joshua? Bitiwan mo nga ako." Sigaw ni Annie.
Pilit na binabawi ni Annie ang braso nitong hawak niya ngunit mas hinigpitan lang niya ang pagkakahawak dito. Nang bumukas ang elevator ay hinila niya papasok si Annie. Papasok sana ang ibang empleyado ng iniharang niya ang kamay.
"Sa kabilang elevator kayo. I use this one." Matigas niyang wika at pinindot ang close botton. He pushes the roof top bottom after.
Napatingin sa kanya si Annie. Hindi makapaniwala sa sinabi niya sa mga empleyado na sasabay sana sa kanila.
"Ano bang ginagawa mo? Bakit ka ba nang hihila na lang bigla?"
Binitiwan niya ang braso ng dalaga at mahina itong isinandal sa elevator. Nanlaki naman ang mga mata ni Annie sa ginawa niya. Idinikit niya ang katawan sa dalaga at inipit ang mga binti nito. Hindi niya hahayaan na ulitin nito ang ginawa noong huling nag-usap sila sa elevator. Baka kapag nangyari iyon ay hindi na talaga siya magka-anak pa. Hindi pwedeng hindi magpatuloy ang mga lahi ng pamilya nila.
"Bakit ba kasi ayaw mo akong pansinin, Annie? Ano bang ginagawa ko para iwasan mo ako sa tuwing lalapit ako sa iyo?" Tinitigan niya sa mga mata ang dalaga.
Sinalubong naman nito ang kanyang mga mata. Walang takot sa mga mata ni Annie. Noon pa man ay ganoon na ang dalaga. Nagtaas-baba ang dibdib nito.
"Kung anuman ang rason ko ay wala ka na doon." Sinubukan siyang itulak ni Annie ngunit hindi siya nagpatinag.
Iniharang niya ang dalawang braso sa pagitan nito at mas inilapit ang mukha sa dalaga.
"I want to know. Gusto kong malaman kung bakit ka nagkakaganyan sa akin. Sa lahat ng mga kasamahan natin ay tanging sa akin ka lang ganyan."
"Bakit mo ba gustong malaman? Hindi naman magbabago ang pakikitungo ko sa iyo kahit na sabihin ko."
Lalong umusok ang ilong ni Joshua. Pa-ulit ulit na lang sila ni Annie. Talagang matigas ito. Lalo lang siyang nanggigil na hawakan ito sa leeg.
"You won't tell me."
"I won't. Kaya lumayo ka sa akin."
Tumaas ang isang sulok ng labi ni Joshua. "Pwes, asahan mo na hindi ako titigil sa kakakulit sa iyo." Inilapit ni Joshua ang labi sa tainga ni Annie. "Whatever you hidding from me, Annie. Malalaman ko din. Kaya pagbutihan mo ang pagtatago."
Narinig ni Joshua ang pagtunog ng elevator. Lumayo siya sa dalaga at iniwan ito na masama ang tingin sa kanya. Lumabas siya ng elevator at nilingon si Annie. Hinayaan niyang sumara ang elevator. Kailangan niyang lumayo dito para pigilan ang damdamin na nabubuo sa loob ng kanyang dibdib dahil kung hindi ay baka nahalikan na niya ang dalaga. And that's the last thing he needs to do to her.
Naglakad si Joshua sa hagdan pa-akyat sa rooftop. Bubuksan na sana niya ang pinto ng maalala na maaring nasa rooftop ngayon ang pinsan na si Shilo. Kaya naman bumaba siya at pumunta sa isang sulok malapit sa elevator. Kinuha niya ang phone sa bulsa at hinanap ang number ni Patrick. Nang makita ay agad niyang tinawagan ang kaibigan.
Nakakadalawang ring palang ay may sumagot na agad ng kanyang tawag.
"Early in the morning, Joshua." Iritadong sabi ni Patrick.
"I also have a bad morning." Sumandal si Joshua sa pader at tumingala.
"Walang mas sasama sa araw ko. May nabiktima na naman inosente babae ang gagong Brandon. Kaya wag mong dagdagan."
"Oh!" reaksyon niya. Kaya naman pala. "Hindi ko alam kung masama itong ipapagawa ko sa iyo pero kailangan ko lang talaga ang tulong mo."
"Go! Ibuhos mo na para isang bagsakan na lang ang galit ko ngayong umaga."
Tumikhim siya. "Pwede mo bang alamin kung sino ang may-ari ng kotseng may plate number na AAK-4563?"
Ilang sandaling hindi nagsalita si Patrick sa kabilang linya. "Bakit hindi na lang si Asher ang pahanapin mo?"
"Mas gusto kong ikaw ang umalam kaysa kay Asher."
"Bakit nga?"
Huminga ng malalim si Joshua. "Hinatid niya kanina si Anniza at gustong malaman kung sino ang lalaking iyon."
Pag-amin niya kay Patrick. Alam niyang hindi gagawin ni Patrick ang hinihingi niyang pabor kung hindi siya magsasabi dito ng totoong dahilan. At kahit naman hindi niya sabihin ay malalaman din nito. Patrick is not the type of guy who can easily deceive.
"So! Tungkol naman ito sa isang babae? Ano ba talaga ang gusto mo sa babaeng iyan, Josh? Sabihin mo nga sa akin, do you like her or do you love her?"
Pinagdikit ni Joshua ang mga labi. Wala siyang balak sagutin ang tanong ng kaibigan dahil kahit naman siya ay hindi talaga alam ang totoong nararamdam sa dalaga. Basta ang alam niya ay nais niyang maging kanya si Anniza. He has this possessive feeling for the lady that he can't hold. Habang tinatanggihan at nilalayuan siya ng dalaga ay lalong lumalakas ang kagustuhan niyang maging kanya ito.
"Hanggang hindi mo ako sinasagot sa tanong ko ay hindi kita mapagbibigyan, Josh."
"Pero Patrick---"
"I will help you, if you tell me that you love her. Ayaw ko ng magkamali ulit ka, Joshua. Alam mo ang naging kapalit ng ginagawa mo noon. Sort your feelings for that woman first bago mo siya habulin."
Pinatayan na siya ni Patrick ng tawag at hindi man lang nagawang magpaalam. Napapikit ng mariin si Joshua. Hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang sagot ni Patrick. Why can't he move on?
'Bakit ikaw ba ay nakalimot na din?' tanong ni Joshua sa sarili.
Hindi nasagot ni Joshua ang sariling tanong. Naguguluhan siya ng mga sandaling iyon. Bakit ba kailangan maging ganito kakomplekado ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon?
"HERE." Inilapag ni Patrick ang isang brown envelop sa table niya.
Napataas siya ng tingin. Seryuso ang mukha ng kaibiga. Umupo ito sa katapat niyang upuan. Napatingin siya sa brown envelop na inilapag nito. Kinuha niya iyon.
"Ano ito?" tanong niya sa kaibigan.
"The one you asked me. Asher told me that he refused to help you." Kinuha nito ang baso at sinalinan ng alak.
Binuksan niya ang envelop at tumambad sa kanya ang mga larawan nakuha mula sa malayo. Isa-isa niya iyong tiningnan. Isang partikular na larawan ang agad nagpa-init ng kanyang ulo. Ganoon kalapit si Annie sa lalaking iyon para hayaan nito ang lalaking hawakan ito sa kamay habang naglalakad sa isang park.
"He's name is Thomas Brix James Montemayor. 23 years old. Sa ngayon ay siya ang CEO ng Monte Medical Center Inc. Ulila sa magulang pero may Tito ito sa Ilocos na isang Governador. Maliban sa MMCI ay may rancho din ito sa Ilocos."
"Paano niya nakilala si Annie?" tanong niya habang binabasa ang report na bigay nito.
"High school classmate ang dalawa at malapit na magkaibigan. Hindi mo dapat pang-alahanin ang isang tulad niya dahil aalis iyan bansa sa susunod na buwan para mag-aral ng Medisina sa U.S. at ang alam ko ay may babae itong gusto. Kaya nga ito pupunta ng U.S para sundan ang babaeng iyon." Sinalinan siya ni Patrick ng alak.
Tumungo siya. Kung ganoon ay tama ang hinala niyang mayaman ang lalaki. Isa itong Montemayor at ang alam niya ay hindi din basta-basta ang pamilyang iyon. Isa sila sa ma-impluwensyang tao sa bansa. Napangisi si Joshua. May kaibigan pala na ganoong tao si Anniza pero kahit na sabihin ni Patrick na hindi tinik ang lalaki sa mga plano niya kay Annie ay hindi pa rin siya makakapayag na lumalapit ito sa dalaga.
"Ngayon ay sagutin mo ang tanong ni Joshua. Ano ba talaga ang nararamdaman mo sa babaeng iyan? You won't do this if you are not interested at her." Nagbago ang tono ng boses ni Patrick.
Napataas siya ng tingin. Walang bahid ng pagbibiro ang mukha ng kaibigan. At sinasabi ng mga tingin nito na kailangan niyang sagutin ang tanong nito kung hindi ay may gagawin ito. Huminga ng malalim si Patrick at tinampot ang baso na may lamang alak. Inisang inum niya iyon.
"I don't know either, Patrick. Hindi ko din ma-intindihan ang sarili ko. Bigla na lang naging possessive sa kanya. All I think is her to be with me..." Sinalubong niya ang tingin ng kaibigan. "I want her for myself and myself alone. Hindi ko gusto may kahati pagdating sa kanya."
Pinakatitigan siya ng kaibigan sa mga mata. Wari bang sinusukat nito ang mga sinabi niya. Pagkalipas ng ilang sandali ay sumandal si Patrick.
"You like her."
Natigilan siya sa sinabi nito. Hindi kasi iyon patanong. Para bang sinasabi nito kung ano talaga ang nararamdaman niya kay Anniza.
"What do you mean?"
"You like her. Maybe you already know but you just trying to deny you feelings." Umupo ng maayos si Patrick. Inilagay nito ang dalawang braso sa tuhod at pinakatitigan siya sa mga mata. "May nararamdaman ka na sa kanya. Nagiging possessive ka sa kay Annie dahil nilalaman na siya ng puso mo. Kahit itanggi mo iyan ngayon sa akin ay hindi mo pa rin maluluko ang sarili mo. You like her. You like Anniza."
Hindi nakapagsalita si Joshua. Umiwas lang siya ng tingin sa kaibigan. Naguluhan siya sa sinabi nito. Talaga bang gusto niya si Annie. Nakapasok na ba talaga ito sa puso niya. Kailan? At Paano? Paano nakapasok sa puso niya kung walang ibang ginagawa ang dalaga kung hindi iwasan siya?
"That's impossible." Bulong niya.
"It's not impossible, Josh. Alam kong mahal mo pa rin si Andria at hindi mo pa rin siya nakakalimutan pero iba si Annie. Hindi ka ganyan dati kay Andria. You let her hang-out with Shilo even you already know that she have feeling for your cousin. Pero iba ngayon kay Annie. Iba ang na-"
"Ano bang gusto mong palabasan, Patrick? Na hindi lang simpleng pagkagusto itong nararamdaman ko kay Anniza?" hindi na niya napigilan na sigawan ang kaibigan.
"Hindi ko alam. Ikaw ang makakasagot niya ng tanong mo, Josh. Tangging masasabi ko lang ay may nararamdaman ka kay Anniza. Na gusto mo siya kaya ka possessive pagdating sa kanya." Tumayo si Patrick. "Kagaya ng sabi ko sa iyo noong nakaraan. Sort your feeling for her. Alamin at tanggapin mo talaga kung anong nararamdaman mo sa kanya. Wag mong hintayin na ma-ulit ang nakaraan."
Lumapit sa kanya si Patrick at tinapik ang kanyang balikat. Wala ng sinabi ang kanyang kaibigan. Lumabas ito ng VIP room at iniwan siya doon na naguguluhan sa nararamdaman para kay Anniza. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Gusto ba talaga niya si Annie o mas higit pa doon ang nararamdaman niya para dito? Ano ba talaga ang nararamdaman niya para dito?
Kinuha niya ang isang bote ng alak at inisang inum iyon. He wanted to clear his mind. Kahit saglit lang ay gusto niyang maging alisin ang gulong tumatakbo sa kanyang isipan. At nais niyang mamanhid nag kanyang puso. Iisang tao lang ang nais niyang mahalin habang buhay at wala na ito sa mundong iyon. Kaya nga hindi niya nakikita ang sarili na kinakasal kanino man. He will get old alone. Dahil ang pamilya na nais niya ay matagal ng wala sa kanya.
Nagkakalahati na ng alak bago niya iyon tinigilan. He feels like floating at that moment. Wala na din siyang nararamdaman sa loob niya. He feels numb like what he wanted. Tumayo siya at nilisan ang VIP room. He wanted to shake off that crazy feeling he have for Anniza. Bumaba siya ng second floor at tinahak ang daan papunta sa dance floor pero bago pa niya narating ang gitna ay may humarang na sa kanya.
"What are you doing?" Matigas na wika ni Liam.
Napatingin siya sa kaibigan na ngayon ay hawak ang kanyang balikat. Nakikita sa mukha nito ang pag-aalala.
"Liam, my friend. Long time no see." Ngumisi siya sa kaibigan at tinapik-tapik pa ang pisngi.
"You are drunk." Singhal nito. Tumingin ito sa paligid. "Patrick let you drink. Mababaril ko talaga ang lalaking iyon. Sinabing hindi ka pwedeng maglasing."
"I'm okay." Nag-thumb up siya sa kaibigan para sabihin dito na okay lang talaga siya.
"You are not. Alam mo kung hanggang ilang baso lang ang kaya mong inumin. Malilintikan na naman kami nito kay Tito Zhel."
Dahil nahihilo na siya ng mga sandaling iyon ay mabilis siyang nahila ni Liam sa isang sofa na nandoon. Pinaupo siya nito doon.
"Stay here. Ihahatid kita sa bahay mo. Hindi ka pwedeng magmaneho ng ganyan. Papatayin kami ni Tita pagnagkataon." Umalis si Liam at iniwan siya doon.
Nabuhay ang inis na nararamdaman ni Joshua. Why everyone threaten him like a kid everytime he gets drunk. Hindi na din naman ma-uulit ang nangyari iyon sa kanya. Wala din naman siyang balak na magmaniho sa ganoong istado. Natuto na siya sa kamaliaan niyang iyon. Naipikit ni Joshua ang mga mata at napatingala ng maramdaman ang kirot sa kanyang sintido. Lasing nga talga yata siya. Ilang sandali din siya sa ganoong posisyon habang sa naging maayos na ang pakiramdam niya.
Nagmulat siya ng mga mata at tumingin sa paligid. Nanlalabo ang kanyang paningin ng mga sandaling iyon at nahihilo pa rin siya. Huminga pa siya ng ilang sandali bago tumayo para hanapin ang kaibigan. Tama si Liam, kailangan niyang magpahatid ito. Hindi na din safe na mag-taxi o Grab siya. Sa mabagal na mga hakbang ang lumapit siya sa bartender pero bago pa siya makarating doon ay may narinig siyang isang tawa na umagaw ng kanyang atensyon.
Tumingin sa kalawa si Joshua at doon ay may nakita siyang isang babae na may kasamang isang lalaki. At kahit nanlalabo ang paningin ng mga sandaling iyon ay kilalang-kilala niya ito. Tawa pa lang nito ay kilala na niya.
Sa mabagal na hakbang ay nilapitan ni Joshua ang dalawa. Ilang hakbang nalang sana siya ng mapansin siya ng babae. Agad na nanlaki ang mga mata nito ng magtagpo ang kanilang mga mata. Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. Kung ganoon ay nakilala din agad siya ni Anniza. Hahakbang pa sana siya palapit sa mga ito ng may humarang sa kanyang dinaraan.
"Don't make a scene here, Joshua." Banta ni Patrick.
"I take him home now, Josh." Hinawakan ni Liam ang braso niya ngunit mabilis siyang umiwas.
"Umalis ka diyan, Patrick." May pagbabantang utos niya sa kaibigan.
"Umuwi ka na, Josh. Lasing ka na at hindi magandang harapin mo si Brix sa ganyang istado."
"Wala akong paki-alam. Wala siyang Karapatan na makasama si Annie. Hindi niya pwedeng hawakan ang pagmamay-ari ko." Tinabig niya ang kaibigan pero hindi ito nagpatinag.
Hindi din ito nagsalita pa. Tumingin lang ito kay Liam na nasa likuran na niya ng mga sandaling iyon.
"Babantayan ko si Annie para sa iyo, Josh. Umuwi ka na at ituloy iyang kalasingan mo. Take him home now, Liam." Tumungo si Patrick kay Liam.
Bago pa niya nahulaan ang ibig sabihin ng tungo nito ay may tumama na sa kanyang batok dahilan para mahilo siya at mandilim ang paningin.
"I'm sorry, Josh pero hindi ka pwedeng gumawa ng kalukuhan. Hindi kita hahayaan. Not on my watch. Hayaan mong bantayan ko ang babaeng laman ng puso mo." Iyon ang huling mga salitang narinig ni Joshua mula kay Patrick bago tuluyang mandilim ang kanyang paningin.