'Sino ba siya sa inaakala niya?'
'Grabe ang landi niya!'
'Napansin lang, nagmaganda na?'
'Ang kapal niya talaga! Eh parausan lang naman yan dun sa kalye eh!'
'Eww, pavirgin lang pala.'
'Hey slut—'
Swoosh.
'Alam mo namang ikaw ang mahal ko!'
'Huwag mo kong tatalikuran!'
Swoosh. Kriiing.
'Hello? Nasaan kana?'
'Papunt—'
Swoosh.
'Mama, bili mo ako nun! Nung color pink na asukal!'
'Hahaha boy taba!'
'Lobo! Bili na kayo ng lobo! Bente lang—'
'I'm Sorry but I'm breaking up with you.'
'What? No... no... you can't do th—'
"Konte pa. Hindi pa."
Beeeep. Screech. Peeeep.
'Ikaw, wag kang kaskasero!'
'Bigyan mo nalang ako ng limang daang piso, hindi kita titicketan.'
Swoosh. Bang. Bang. Kachaak.
'Freeze! Arestado—'
Swoosh. Creak. Blaaag.
'Kael, ngayon na. Oras na.'
'Kung ganun po'y mauna na ako. Isasabay ko na ang huk—'
Screech. Eeennggkk.
"Urgh." Napatakip ito ng tenga na kaagad din namang tinanggal.
Isang maaliwalas at tirik na tirik na araw, mula sa tuktok ng paaralan ng Saint Cataline, tahimik at nakapikit na nakatayo ang isang babae sa balostrahe ng nasabing gusali.
Inililipad-lipad ng hangin ang mahaba at medyo kulot sa may dulo nitong kulay krimsong buhok, gaya sa suot nitong bistidang hanggang tuhod at pawang panggotika pa na kulay itim na nababahiran ng kaunting kulay puti.
Unti-unti nitong iminulat ang kaniyang mapang-akit na mata na nagkukulay lila pa pagkatapos niyang mapakinggan ang mga nangyayari sa kaniyang paligid.
Tumingala siya sa maaliwalas na langit na ngayo'y unti-unti ng dumidilim dahil sa natatakpan ng ulap ang tirik na araw.
Napahawak siya sa kwentas na nasa kaniyang dibdib. Hawak-hawak nito ang singsing na may bungong disenyo.
"Oras na."
Tumingin siya sa ilalim ng gusali at bigla nalang napangiti ng mapagtanto ang taong kaniyang nakita.
"Ito na nga talaga."
Kasunod nun ay ang kaniyang pagdipa at pagtalon pababa hindi antala ang taas ng gusali at ang kaniyang babagsakan.
"Parating na ako."