Chereads / Deathless Proposition / Chapter 5 - Immortale Proposto Quattrou

Chapter 5 - Immortale Proposto Quattrou

—————

- Frestella Viasci -

—————

"Paanong? Ikaw? Anong?" naguguluhang tanong nito sa babaeng nasa kaniyang panaginip na kasalukuya'y nakaupo sa may window frame ng kaniyang kwarto.

Tanging isang tinging nagtataka lang ang naibalik na sagot sa kaniya ng babae. Yung tipong wala itong kaalam-alam sa sinasabi ni Angelo.

"Ikaw... u-umalis ka! Umalis ka! De-demonyo!" ani Angelo sabay pinakrus ang braso nito paharap sa babae.

"Ano ang iyong sinasabi? Hindi ko maintindihan ang iyong ibig iparating." sabi nung babae sa kaniya. At halos manlamig naman siya ng marinig ang tinig nito.

Malamig. Malalim. Napupuno ng misteryo pawang nagmula pa ito sa sinaunang panahon. Ang kaniyang pananalita, ang kaniyang tono ay parang isang Ingles na nagmula pa noong medieval period.

Kahit na nahihiwagaan siya sa babae. Hindi nalang niya ito pinansin bagkos kay umatras pa siya hanggang sa madikit na ang kaniyang likod sa pader ng kaniyang kwarto.

"Huwag kang magmaang-maangan pa! Ikaw yun! Yung babae sa panginip ko. Sinaksak mo pa nga ako eh!"

"Ipagpaumanhin mo ngunit hindi ko talaga labis na maunawan ang iyong sinasabi, Ginoong Anghelo Faminiano." saad niya tsaka siya umalis sa kaniyang pagkakaupo't tumayo sa may gilid ng kama ni Anghelo.

Nakaramdam siya ng takot sa babae hindi lang dahil sa naging panaginip niya kundi dahil sa parang kilala siya ng babae higit sa pagkakakakilala sa kaniya ng lahat.

"Diyan ka lang... wag na wag kang lalapit!" ani Angelo sabay kuha sa gitara niyang nasa tabi lang ng pintuan. Umakto pa itong ihahampas ito sa babae.

"Ginoo." saad nung babae sabay napabuntong hininga ito ng malalim, "hindi ko talaga mabatid kung bakit ako nakakaramdam ng takot mula sa iyong puso ng dahil sa aking presensiya. Ni hindi ko nga rin matandaang may nagawa akong iyong ikanakatakot—"

"Wala?! Wala kamo?!" ibinaba nito ang kaniyang gitara, "wala bang matatawag na sinaksak mo ako sa dibdib ko sa naging panaginip ko ngayon-ngayon lang?! Eh tangina mo pala, aatakihin ako sa puso dahil diyan sa pesteng panaginip na yan!"

Halos mawalan na siya ng hininga dahil sa walang preno nitong sabi sa babae at sa kaniyang pagsigaw.

Kabado talaga siya sa babae. Ni hindi nga niya matandaan kung nakita na niya ito noon. At isa pa, alam ng babae ang buo niyang pangalan at basta-basta nalang itong nakapasok sa kwarto niya ng hindi manlang niya namamalayan.

"Umalis ka na! Wala kang mapapala sakin! Kung papatayin mo ako, please lang wag ngayon, kailangan pa ako ng kaibigan ko." sabi niya habang sinasamaan ng tingin yung babae.

Hindi niya alam kung saan niya nakuha itong lakas ng loob para kausapin ng ganun ang babae at tingnan ito ng masama. Basta ang pumapasok lang ngayon sa isip niya ay kailangan niyang ipakita sa babaeng hindi siya basta-basta.

"Pero Ginoo, wala naman talaga akong balak na masama—"

"Argh, fucking stop saying that to me! Alam kong masama kang babae, tao, halimaw, alien o kung ano mang tawag diyan sa sarili mo! Basta layuan mo ako! Nakakaputa!" sabay talikod niya.

Makalipas ang ilang segundo at hindi niya parin naririnig ang sagot sa kaniya nung babae, nilingon niya ito at tumingin sa babae diretso sa mata nito.

Kung tama man ang kaniyang nakikita sa mata ng babae. Nababahiran ng lungkot at sakit ang kaniyang mata.

'Bakit naman siya malulungkot at masasaktan? At tsaka pakialam ko ba?' sabi niya sa sarili at napaismid. 'And what's with her eyes? Asan yung isang pula? Bakit naging violet yung isa?'

"Nalulunkot ako't nasasaktan dahil sa iyong pagtrato sakin. Hindi ko aakalaing maaapektuhan ng sibilisadong panahon ang iyong puso't isipan." rinig niyang sabi nung babae sa mahinang boses.

Hindi niya maintindihan ang sinasabi sa kaniya ng babae? Siya? Masama ang ugali? Hindi niya iyon mapaniwalan. Kahit kasi hindi man sinabi ng babae ng direkta, alam niyang iyon ang pinupunto ng babae sa kaniya. Na masama ang kaniyang pag-uugali.

'And the fuck? Paano niya nalaman ang iniisip ko? Mind reader ba siya?'

"You know what, Miss? Just get lost! Baliw kana." kaniyang sigaw dito, may sasabihin pa sana siya ulit sa babae ng makarinig naman siya ng katok mula sa labas ng kaniyang kwarto.

"Angelo, anong nangyayari sayo diyan tol? Kanina ka pa sigaw ng sigaw ah!" sigaw ng lalaki sa labas na sa hula pa niya'y si Paolo.

Sinipat niya muna ng tingin ang babaeng kanina pa niya kausap bago binuksan ang pintuan ng kwarto.

"Pasensiya na tol, may babaeng akyat bahay lang. Nababaliw na nga rin yata dahil kung anu-anong pinagsasabi niya sakin!" sagot niya sa kaibigan.

"Babae?" pumasok ito sa kwarto niya, "wala namang babae ah. Sarado nga rin yung bintana mo kaya paano ka mapapasok? Tol, pacheck up kana, baliw kana yata." sabi ng kaibigan dala pang-aasar narin bago siya nito iniwan. Tumatawa rin ito habang lumalabas.

Agad niyang sinara ang pintuan ng kwarto't hinalughog ang buong lugar.

Sigurado siya na totoo yung babaeng nakausap niya dahil alam na alam niyang gising na gising siya.

"Nasaan na ang babaeng yun? Bakit bigla nalang itong naglaho? Pati yung bukas kong bintana nakasarado na."

Patuloy lang siya sa paghahanap. Pati kasulok-sulokan ay hindi rin niya pinalampas hanggang sa may paanan ng kaniyang kama, nakita niya ang isang kulay puti at itim na rosas at isang kwentas na may Crescent Moon Pendant na may nakaukit na letra sa gitna ng buwan.

F.V.

PARANG ganito rin yung nangyari sa kaniya sa kaniyang panaginip.

Nasa harap siya ng paaralan at pinagtitinginan, ang kinaibahan nga lang ay kasa-kasama niya ang dalawa sa kaniyang kaibigan.

"Dude, you're idling. Tama na yan. Late na tayo." nakaramdam siya ng mahinang tapik sa kaniyang balikat. Nang lingunin niya ito, si Paolo pala.

Hindi manlang niya namalayang napatulala na pala siya dahil sa mga iniisip niya.

'Bakit ba kasi nangyayari sakin ito?' sabi niya sa kaniyang isip.

Sumunod narin naman siya sa mga kaibigang nauna na palang naglakad sa kaniya.

'Kainis naman. Ayoko na talaga. Paadmit na kaya ako sa mental? Nakakabaliw.'

SAMANTALA, sa rooftop ng paaralan ng Saint Cataline Academy o kilala din sa pinakaorihinal na tawag na Academia de Santa Catalina.

May nakatayong babae sa balostrahe ng gusali. Nakasuot ito ng itim na bistida.

Idinipa niya ang kaniyang kamay para makapagbalanse sabay nagmasid sa kaniyang paligid, pawang may hinahanap.

Humihip ang malakas na hangin kaya inilipad-lipad nito ang kaniyang kulay krimson at kulot na buhok na parang sa manika.

Napabuntong hininga ang babae ng mapagtanto niya na hindi pa dumadating ang kaniyang pakay, kaya ay napagpasiyahan na muna niyang maupo sa balostrahe at magpahangin saglit.

Tumingin ang kaniyang itim na mata gaya ng sa mga hapones sa malawak na kulay asul na langit at masayang pinagmasdan ang malayang paglipad ng ibon.

Ngunit hindi rin naman katagala'y nagsawa siya sa kaniyang ginagawa, kaya ipinikit niya ang kaniyang mata at umusal na kung anong kataga sa hindi maintindihang lenggwahe.

Sa kaniyang pagbukas ng mata, ang dating itim nitong kulay ay nagbago at naging lulay lila.

Marahan siyang napatawa dahil sa pagbabago ng kaniyang Iris. Lalo na't kulay lila ang meron siya, ang kaniyang paboritong Kulay.

Tumayo siyang muli at muli ring ipinikit ang mata bago itinuon ang kaniyang atensyon sa pagpapalabas niya ng kaniyang kakaibang aura.

Hindi katagala'y napangiti siya ng sa tingin niya'y nasa ayos na ang kaniyang enerhiya dahil sa mga naririnig niya mula sa malayo.

'Sino ba siya sa inaakala niya?'

'Grabe ang landi niya!'

'Napansin lang, nagmaganda na?'

'Ang kapal niya talaga! Eh parausan lang naman yan dun sa kalye eh!'

'Eww, pavirgin lang pala.'

'Hey slut—'

Ang kaniyang unang narinig. Basi narin sa mga sinasabi ng mga kababaihan, nakikinita niyang merong inaapi silang kapwa nila.

"Kahit kailan talaga'y hindi mawala-wala sa mundo ang inggit. Ayaw magpasapaw, lahat, gusto ang nasa taas. Kahit ang manira ng kapwa ay gagawin para lang mapagbigyan ang sariling interes."

Iniwan niya ang senaryo at mas pinalayo pa ang distansiya ng kaniyang papakinggan.

Swoosh.

Napunta ang kaniyang atensyon sa isang magkasintahang sa tingin niya'y nagtatalo pa. Malamang ay dahil sa isang babaeng nakasuot ng malaking tshirt na sa tingin niya'y damit nung lalaki.

'Alam mo namang ikaw ang mahal ko!'

'Huwag mo kong tatalikuran!'

Agad din naman niyang tinigil ang pakikinig dahil ayaw na ayaw niya sa ganoong eksena.

Lumipat siya sa iba.

Swoosh. Kriiing.

'Hello? Nasaan kana?'

'Papunt—'

Swoosh.

'Mama, bili mo ako nun! Nung color pink na asukal!'

'Hahaha boy taba!'

'Lobo! Bili na kayo ng lobo! Bente lang—'

'I'm Sorry but I'm breaking up with you.'

'What? No... no... you can't do th—'

"Konte pa. Hindi pa."

Beeeep. Screech. Peeeep.

'Ikaw, wag kang kaskasero!'

'Bigyan mo nalang ako ng limang daang piso, hindi kita titicketan.'

Swoosh. Bang. Bang. Kachaak.

'Freeze! Arestado—'

Swoosh. Creak. Blaaag.

'Kael, ngayon na. Oras na.'

'Kung ganun po'y mauna na ako. Isasabay ko na ang huk—'

Screech. Eeennggkk.

"Urgh."

Agad siyang napatakip ng tenga dahil sa isang matinis na tunog na kaniyang narinig na lubhang nakakasakit sa kaniya.

Nang mawala na ang tunog ay agad din naman niyang tinanggal ang pagkakatakip ng kamay sa tenga.

Nanatili lang siyang nakatayo doon sa balostrahe, hindi alintana ang taas ng kinaroroonan.

Ang kaniyang buhok ay tangay-tangay parin ng hangin sa tuwing ito'y humihihip. Nagsasayaw din sa saliw ng musika ng hangin ang kaniyang kulay itim na kasuotan.

Unti-unti nitong iminulat ang kaniyang mapang-akit na kulay lilang mata pagkatapos niyang mapakinggan ang mga nangyayari sa kaniyang paligid.

Tumingala siya sa kaninang maaliwalas na langit na ngayo'y unti-unti ng dumidilim dahil sa natatakpan ng ulap ang tirik na araw.

Swoosh.

Kaniyang hinawakan ang kwentas nitong bungong may pakpak na nagsisilbing pendant na para bang isa iyong mahalagang parte ng kaniyang pagkatao. Puno ng pag-iingat.

"Oras na."

Inilipat niya ang kaniyang tingin sa ilalim ng gusali at bigla nalang napangiti ng mapagtanto ang taong kaniyang nakita.

"Ito na nga talaga." mahinang saad niya habang nakangiti, "Dumating ka narin."

Kasabay sa kaniyang huling binitawang salita ay ang kaniyang walang katakot-takot na pagtalon pababa mula sa ika-limang palapag ng naturang paaralan.

"Parating na ako."

SA KALAGITNAAN si Anghelo ng kaniyang paglalakad sunod sa kaniyang kaibigan, bigla nalang siyang nakaramdam ng kakaiba ngunit malakas na klase ng enerhiya sa kaniyang paligid. Kahit nga rin siya ay nagtataka kung bakit niya napansing may kakaiba sa kaniyang paligid.

Naramdaman niya ang pagdilim ng kalangitan at ang biglang pagkulay dugo ng kaniyang paligid.

Nakaramdam siya ng pagkabahala. Tiningnan niya ang kaniyang paligid, alam niyang may nangyayari pero hindi parin nawala sa kaniya ang pagkagulat ng makita niyang hindi na gumagalaw ang mga tao. Ni kahit anong bagay na gumagalaw. Pawang mga naging buhay na istatwa ang kaniyang nakikita.

"Paolo! Marvin!" tawag niya sa mga kaibigan ng makita din niya ang mga itong hindi rin gumagalaw gaya ng sa iba.

"What the fucking hell is happening?!" galit niyang usal habang patuloy parin niyang tinatapik-tapik ang kaibigan, nagbabasakaling gumalaw ang mga to kahit dulo lang ng daliri nila.

Natigil lang siya sa kaniyang ginagawa ng makarinig siya ng isang malakas na kalabog mula sa kaniyang likod.

Nilingon niya ito at nakita ang babae kanina sa kwarto niya't panaginip.

Nakadipa ang babae tapos nakapacross ang kaniyang paa, ang kanang paa nito'y nasa harap ng kaniyang kaliwang paa. Ang ang kaniyang tindig ay katulad ng sa balerina.

Ibinaba ng babae ang kaniyang kamay para maipanghawak sa kaniyang damit at yumuko sa harap ni Angelo, gaya ng ginagawang paggalang ng tao sa mas nakakataas sa kaniya.

"Magandang araw sayo, ginoong Anghelo. Alam mo bang kanina pa kitang hinihintay?" sabi ng babae, "At ginoo, ipagpaumanhin mo, subalit ang tao at bagay sa iyong paligid ay hindi makakagalaw hanggat bukas ang aking personal na dimensyon." umayos ng tayo ang babae't dahan-dahang lumapit sa kaniya.

"Anong pinagsasabi mo? At..." hindi niya kaagad natuloy ang sana'y sasabihin ng kaniyang mapansing may kakaiba sa pisikal na anyo ng babaeng kaharap niya, sa babaeng nasa kwarto niya at panaginip, "at bakit puro kulay lila ang mata mo? Bakit hindi pula ang yung isa? Ah wait, teka taympurs muna... ano ba talaga ang kulay ng mata mo? Sa panaginip ko puro kulay pula tapos kanina kulay lila at pula, then now pure violet? What the heck?!" sunod-sunod at takang tanong ni Angelo habang napapaatras din ito, "at bakit kulay crimson yung buhok mo? Hindi yung brownish at mablond?"

Ikinatigil ng babae ang kaniyang mga narinig mula sa kaniya. Malamlam siyang tiningnan nito na parang may iniisip pero hindi rin katagala'y nagsalita na ito ulit.

"Ano ang iyong sinasabi? Maaari mo bang ipaliwanag sa akin? Parang ikaw ay may tinutukoy na iba." sabi ng babae, "kasi sa aking pagkakaalam, ito talaga ang kulay ng aking Iris sa tuwing gamit ko ang aking kapangyarihan, puro kulay lila at crimson naman ang aking buhok."

"Sinungaling! Ikaw yun! Baka tinatago mo lang yung kulay pula mong mata!"

"Pero ginoo, hindi nga ako ang iyong tinu—" agad na pinutol ni Angelo ang sasabihin ng babae dahil nahuhulaan niyang itatanggi lang din ng babae ang lahat ng pinipilit niya.

"Kung ganun sino ka? Anong pangalan mo?"

"Ginoong Anghelo ang akin ngalan ay—" a ikalawang pagkakataon ay hindi na naman natuloy ang sasabihin ng babae dahil sa may biglang nagsalitang iba.

"Frestella Viasci."