-----
- Catena -
-----
PAWISANG nagising si Angelo.
Tiningnan niya ang digital clock niya na nasa kaniyang bed side table. 4:33 am, sakto lang ang pagkagising niya at nagpapasalamat siya dahil sa nagising siya dahil kung hindi, isip niya'y sa purenarya ang kaniyang bagsak dahil sa bangungot.
Tumayo na siya at agad na dumeretso sa loob ng banyo sa kaniyang kwarto at humarap sa salaming nandoon.
Habang nakatingin sa kaniyang repleksyon, hindi mapigilan ni Angelo na hindi manumbalik sa kaniya ang kaniyang napaginipan. Hindi niya ito labis na maunawan.
Pagkagising na pagkagising palang niya sa gitna na kaniyang tulog. Hindi niya maintindihan kung bakit habol-habol nito ang kaniyang hininga at walang humpas ang kabog ng kaniyang dibdib. Pawa bang nanggaling siya sa mahabang takbuhan gaya ng sa kaniyang panaginip.
Mag-isa siya, sa gitna ng isang masukal na gubat. Walang humpay ang kaniyang paglingon para tingnan ang nilalang na may kulay pulang mata na humahabol sa kaniya.
Hindi niya mawari kung bakit siya hinahabol ng nilalang. Ni hindi din niya kilala kung anong uri ng nilalang ang nakahabol sa kaniya.
Hindi niya masiyadong maaninag ang mukha ng nilalang dahil sa suot nitong kulay itim na roba. Maliban nalang sa kulay ng mata nito na kumikislap sa dilim.
Nagpatuloy lang siya sa pagtakbo hanggang sa marating niya ang pinakalumang sementeryo sa kanilang bayan. Ayaw man niyang pasukin ang nasabing sementeryo dahil sa mga sabi-sabi na taong bayan na marami daw na ligaw na kaluluwa ang gumagala dito, pero wala siyang magawa o maisip pang puntahan, ito lang ang tanging lugar na mapupuntahan niya.
Sinuod niya ang sementeryo, hindi alintana ang malamig na hangin at alulong ng aso na kaniyang naririnig.
Natigil siya sa may pinakagitna at napasandal sa nag-iisang puno ng akasiyang naroroon.
Nasapo niya ang kaniyang dibdib na naninikip na dahil sa kawalan ng hangin at sobrang pagod.
Nanghina ang kaniyang tuhod hanggang sa napaupo ito. Ngayon-ngayon lang niya napagtanto kung gaano na talaga siya kapagod.
"Diyos ko, tulungan niyo po ako." Usal nito sa sarili.
Nanghihina man, pinilit niyang makatayo para makapagtago.
Nag-umpisa na siyang maglakad, sapo parin ang kaniyang dibdib. Pabilis ng pabilis hanggang sa napapatakbo na siya ulit.
Hindi niya napansin ang isang krus na nakaharang sa kaniyang daan kadahilanan para siya'y madapa.
Nakaramdam siya ng hapdi sa kaniyang kaliwang tuhod at nang kaniya itong tingnan, may dumadaloy ng dugo mula sa kaniyang tuhod.
Napabuntong hininga na lamang siya tsaka tatayo na sana subalit laking gulat na lamang niya ng makita ang nilalang na nakaroba na nakaluhod sa kaniyang harapan.
"Tatakbo ka pa ba?" tanong noong nakaroba sa kaniya kasunod noon ay ang pagkulog at kidlat ng kalangitan kadahilanan para makita niya ang nakasilay na kakaibang ngiti sa labi ng nilalang at muli na naman niyang nakita ang kakaibang matang meron ito.
"Maawa ka, hayaan mo akong makaalis." Kaniyang pagsusumamo. Naupo siya at paatras na lumayo sa nilalang.
"Hindi maaari."
"Pero-"
"Napakabango mo, tao." Sabay singhot nito sa hangin na waring may halimuyak ng bulaklak sa kaniyang paligid, "kaysarap mong tikman." Saad ulit ng nilalang tsaka niya tapos napansin na sobrang lapit na pala nito sa kaniya.
Nakayakap ang nilalang sa kaniyang bewang at ramdam niya rin ang hininga ng nilalang sa kaniyang pisngi.
"Ano ka ba?" nanginginig niyang tanong.
"Ano kamo ako?" natatakot man, pero tumango siya, "... ano nga ba ako?"
Kumalas sa yakap ang nilalang at lumayo't tumalikod sa kaniyang gawi.
Dahan-dahan naman siyang tumayo pagkatapos.
"Isa akong..."
Mabilis. Kasing bilis ng isang hangin. Hindi niya namalayang nakalapit na ulit sa kaniya ang nilalang at sinakal siya.
Ibinuka ng nilalang ang kaniyang bibig at may sinabi pero hindi niya ito narinig, para bang may biglang tumakip sa kaniyang tenga para hindi niya talaga marinig ang sasabihin ng nilalang sa kaniya.
Basta ang huli nalang niyang naalala ay may isang tinig siyang narinig sa kaniyang isip.
'Dormire,' Ani ng tinig kasunod noon ay ang unti-unting pagdilim ng kaniyang paningin, pagkakaroon ng isang baliktad na trayanggulo at may bituin sa bawat gilid nito't isang crescent moon naman sa gitna, lumiwanag ang simbolo. Isang nakakabulag na liwanag, wala siyang makita hanggang sa nagising na siya.
NAILING na lamang siya ng maalala ang naging panaginip. Hindi niya talaga aakalaing magkakaroon siya ng ganoong klaseng panaginip. Natatawa na nga rin siya.
"Mga tol, nababaliw na yata tong si Angelo, natawang mag-isa oh!" rinig niyang pang-aasar sa kaniya ni Marvin na sinundan naman tapos ng tawanan ng buong barkada.
"Tigilan niyo nga ako. May iniisip lang akong nakakatawa kaya ako natawa." sagot naman niya.
"Malamang siguro tol, kaya nga natawa diba dahil nakakatawa yang nasa isip mo, alangang nakakaiyak. Tss, pamental ka na!" pambabara naman ni Paolo.
Nailing na lamang siya at natawa naman ulit ang mga kaibigan niya.
Kahit kailan talaga, Oo. Ang basag trip ni Paolo.
"Pero maiba tayo mga tol, narinig niyo na ba-"
"Hindi pa tol, bingi kami eh. Nawalan kami ng tenga." pambabasag ulit ni Paolo sa kaibigan namang si Nick.
"Ang gago mo Paolo, tangina you. Itikom mo yang bunganga mo." asar namang sabi ni Nick sabay nagmid fing kay Paolo.
"I love you too. Tara pakasal na tayo." sagot naman ulit ni Paolo.
Hindi nalang siya muling pinatulan ng kaibigan dahil alam naman nilang wala makakapigil sa pamasag at pang-asar na bunganga ni Paolo.
Tinuloy na lamang ni Nick ang naunsiyaming sasabihin sana kanina.
"So mabalik tayo... as what I am saying, if you ever heard about the news here in our campus, this one is confidential though but kalat na sa students ng school." pagpapatuloy niya pero tumigil din ulit.
"Nu ba naman yan Nick, tama ng pabitin effect, tangina cliff hanger ang gago." natatawa namang puna sa kaniya ni Angelo.
"Makamura ang puta ang hard. Whoo nabukol na ako." reklamo ni Nick.
"Ay punyemas, ang daming satsat, eh fucking tape ko yang bunganga mo eh."
"Haha Angelo, easy lang, pangalan mo anghel, bunganga tsk tsk." sagot pa niya pero sinamaan lang siya ni Angelo ng tingin, "eherm... to seryoso na talaga, yung balitang tinutukoy ko ay yung usap-usapan dito na may nakita daw yung isang janitor ng school na bangkay ng isang student." pagtatapos niya.
Labis namang ikinagulat ng barkada ang kanilang narinig dahil kung sakaling totoo man nga ang sinabi sa kanila ni Nick ay ito lang ang unang beses na may nakitang bangkay sa kanilang paaralan.
"Sigurado ka ba diyan, Nick?" paninigurado ni Marvin, tango lang ang naisagot niya dito.
"Kung ganun, ano naman daw ang ikinamatay?" tanong ni Paolo sa kaniya.
"Blood lost daw. Kasi nung nakita daw yung katawan, sobrang putla na daw nito, as in. Yung tipong pigang-piga talaga. Tapos may nakita daw na dalawang butas sa may leeg nito."
"Talaga?!" di makapaniwalang sabi ni Paolo.
"Yup, tapos eto pa, ni kaisang patak ng dugo wala manlang nakita sa lugar ng crime scene."
Natahimik sila dahil sa mga nalaman. Hindi talaga nila kayang mapaniwalaan. Hindi nila lubos maisip na may ganung pangyayari sa kanilang paaralan.
Talagang hindi hanggang sa isang malakas na tawa ang kanilang narinig mula sa kaibigan.
"Puahaha, ang lalangya! Ang eepic ng mukha niyo haha. Sayang hindi ko nakunan ng picture!" sigaw ni Nick sa pagitan ng tawa nito, "grabe lang, hindi ko aakalaing, serseryosohin niyo yun. Amputa. Haha."
Tumayo ito at tumakbo palabas ng library na kinaroroonan nila. Agad din naman siyang hinabol ni Marvin at Paolo samantalang nagpaiwan naman si Angelo sa loob.
Hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman, hindi niya maipaliwanag ang kakaibang takot na naramdaman ng marinig ang kwento ni Nick balasubas kahit sabay bawi naman ni Nick dito. Hindi din naman siya matatakutin pero heto siya kabado.
Nanatili lang siya sa pwesto niya- nila kanina. At ilang minuto narin ang nakalipas buhat nung nagsipaglabasan ang kaniyang kaibigan.
Napatingin siya sa librong hawak na 'Secrecy' bago sinipat ng tingin ang wristwatch niya.
'17 minutes nalang start na ng next class. Nasaan na kaya ang mga ungas, hindi parin nabalik.'
Itiniklop na nito ang binabasang libro at dinala sa librarian. Naisipan niyang hiramin muna ito ng matapos na niya kaagad.
NASA may hallway na siya papunta sa kanilang silid aralan ng harangin siya ng dalawang babae.
"Angel, si Nick..." sabi nung babae.
Sa tono palang ng pananalita nila, alam niyang hindi na maganda ang nangyari.
Nagmadali sila. Sinundan niya ang dalawang babae pero bago pa man din siya nakaliko at nakababa ng hagdan, may kung anong bagay na nakapagpapigil sa kaniya.
May nakita siyang isang kadenang nakahalang sa may hagdan. Hindi niya alam kung bakit parang malaking bagay para sa kaniya ang nakita.
"Angel bilis!" sigaw nung isa sa mga babae.
Ipinikit nalang niya ang kaniyang mata at winala sa isip ang tungkol sa nakita.
Ngunit nung tingnan nito ulit ang kinaroroonan ng kadena, wala na ito doon.
"Hintayin niyo ako. Ano ba ang nangyari?!"