Chereads / Gangster Jann (Cali White Gang) / Chapter 2 - Chapter 2 First Day Of Class

Chapter 2 - Chapter 2 First Day Of Class

Jann's Pov

Driving my black Porsche going to Elite Haven High School. Yeah I have a car. And I thought I did mentioned it the other day. Papa gave it to me kahit ayaw ni Mama. Kasi sixteen lang daw ako, well, I know how to drive car,  Alex taught me how to drive. He taught mw well. He is my best friend back from America. Nag-taka nga sila bakit marunong ako eh pero may excuses na akong nasabi kaya ok na.

All they knew was I just know how to drive car. They didn't know its my favourite in the world. The car racing and oh the gambling.  And I always won whenever I competed. Pati motor marunong din ako.  Kelangan eh. And honestly these are one of my hobbies. Ewan ko lang kung magagawa ko pa ang mga ito dito sa Philippines. As you all know it that I need to hide my true identity specially to my family. The truth is back there in America, I owned a sports car too and a motorcycle. Well I bought them secretly, though I doubt if they didn't know, but nevertheless they never asked or what so I have nothing to say. I just left it there, although the keys are with Alex. Both the car keys and motor keys.

When I enter the gate, pinakita ko sa guard yung ID ko. At nung mabasa nya ang last name ko. Medyo nagulat siya. Hala! Di ko naman siya inaano noh. Kinabahan ata. Pshhh.. Tatawa na ba ako?!

"Sorry po miss Han, pwede na po kayong pumasok." Ani mamang guard. Hah?! Na-tanga ako do'n ah. Kilala pala ng guard na to ang amo nya. I mean our great last name. Han. "Anak po kayo ng may-ari ng malaking paaralan na 'to." It's not a question but it's a statement. It's a confirmation.

What I hated the most, is that when people knew me, especially my great last name, they becomes different. And I don't like it. Gusto ko yung pa-mysterious eh. Paki nyo ba?! Hindi naman sa anti-social ako. Loner lang talaga ako. Psshh. Masaya ako dahil nakakapag-isip ako ng maayos 'pag tahimik ang paligid. That no one knows me existing. It's not that I don't to exist. I just don't like people pestering me. It annoys me the hell out of it.

"Manong guard, what's your name?!" Tanong ko. Huy, wala akong gagawin sa kanya ah. I'm just asking, kasi may sasabihin ako sa kanya.

"Po, miss Han?!" Medyo kinakabahan na sagot ni manong guard. People got scared or frightened when you eye contact them. They scared that you might read their thoughts.

Aish! Sabi ko sa isip ko. "Sabi ko ho, anong pangalan nyo?!"

"Alberto Roman po miss Han." Tugon nya habang nakayuko.

"Ahhh geh!" Tinaas ko na lang ulit ung window shield ko. Tinamad na tuloy ako magsalita. Ang tagal sumagot eh. Hindi ko naman sya inaano. "It's alright. No big deal who am I." In a low tone voice.

Nagpark nalang ako.

Tuloy-tuloy ako sa paglalakad nang may nakita akong nagkukumpulan at puro babae pa. Medyo na-curious ako. Tili nang tili yung mga babae. Ano ba yan ang ingay! Ano bang gulo dyan?! Sumilip lang ako. I tiptoed.

Tatlong lalaki na nakasuot ng plain black t-shirt, tapos may bandana sa leeg na kulay itim din, parhas naka-shades, black fitted pants and black semi high cut all star sneakers. Bakit puro black?! May namatay ba?! O modelo ba sila? Sambit ko sa sarili ko. O sasayaw ba sila? Terno kasi sila ng suot. Medyo natawa ako sa mga naisip ko.

Ayon sa kakatitig ko sa kanila parang familiar sa akin yung isa dyan sa tatlong lalaki na naka-itim. Tangina, si kuya Collin ba yun?! Anong trip to?! Hmm, parang kilala ko na sino tong taltlong gunggong na to ah. I mean yung dalawang kasama pa nya. Tawagan ko kaya?! Or tatawagan ko nalang mamaya si Collin tungkol sa nakita ko. Then I continue walking, passed through them and go to my classroom.

When I step in, while I set foot in front of the door, I stop for a bit seconds, bakit parang kakaiba tumingin ang mga to?! They all staring at me, not just looking but staring like I have committing something. This is so rude. Tsk. Siguro nga dahil newbie lang ako. Not a familiar face.

Weird!

Bakit ganito sila makatitig?! Stay calm Jann. And stay alert. Enemies are everywhere. Just stay alert. I told myself. Enemies? Yeah! Even in Philippines I have enemies.

Wag nyo ko titigan ng ganyan, pag ako hindi makapagpigil dudukutin ko yang mga mata nyo! Kaya ang sinukli ko sa kanilang tingin ay isang matalim na tingin din.

So this is how they act when someone is new.

Pokerface.

And never let anyone know what's on my mind or read my face.

Umupo na ako sa may likuran sabay lagay ng earphones sa tenga ko, but staying alert. Soundtrip na nga lang ako habang wala pang teacher. Unang araw palang boring na agad. Tssk. Kung America to at kasama ang mga brothers ko malamang marami na silang napagtripan. Di naman kami bully, mahilig lang magprank but never bullied any one. Mali kasi yun. Iba ang prankster sa bully.. Well, ang bully yung sadyang nananakit ng taong mas mahina pa sa kanila.

Now Playing. Direction by Powerspoonz

🎶I don't wanna see your face. I need time and space, don't wanna look around, the feeling's got me up and down. I don't wanna know the score, i don't mind, don't tell me more. I wanna see you out that door, can't take this shit no more. 🎶 🎧

Hindi naman ako nakakarelate sa song na to.. Paborito ko lang talaga sya pakinggan. Kahit nasa Amerika ako nakikinig padin ako ng OPM. Isa silang reggae band from Cebu I think. Tssss kakastart ko palang makinig nang biglang dumating ang teacher kaya hindi ko na napakinggan ng buo ung kanta, tinanggal ko nalang agad ang headphones.

"Good morning class." Yung teacher.

"Good morning teacher!" Sabay naming sabi ng mga classmates ko.

Tapos naupo na kami ulit. Tapos may pumasok na dalawang lalaki na naka-itim. Sa pinakalikod din sila nakaupo pero left side sila umupo. Ako naman andito sa pinakalikod din pero right side naman nakaupo.

Parang ganitong set up oh..

....

.. .. .. ..

.. .. .. ..

.. .. .. ..

.

Nagsimulang magsulat ung teacher sa blackboard. Ah, she's writing her name, Miss Felicia Castro. Siya pala ang adviser ko. Pinakuha nya kami ng 1/4 sheet of paper. Sinulat ang name, age. She said she will call us one by one to introduce ourselves in the front. Corny.

Shit! Dapat pala talaga hindi nalang ako pumunta ngayon. Wala namang kwenta tong pinaggagawa namin. Magpapakilala lang naman ata ang gagawin namin sa araw na to. What a waste of time. Nagtraining na lang sana dapat ako. Sayang din sa gasolina. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko?! Andito na to, wala nang atrasan.

"X Trigger Gonsales?!" teacher Felicia called.

Tumayo yung lalaking nakaitim. Lahat naman kami hindi pa naka-uniform. Nasa harapan na sya, tapos tinanggal yung shades nya. Tsss Trigger!

"Hi, good morning." Tapos nagtitilian yung mga babae.

"What the hell." Bulalas ko ng mahina. Nag good morning lang, kelangan talaga tumili, ang lalandi naman ng mga babaeng to. Ang iingay na naman. Sino ba sya para pagtilian ng mga babaeng ito?! Normal lang naman ang pagmumukha nito. Makapal ang kilay. Naka-brush up ang buhok. Itim ang damit at fitted pants and sneakers. Ahh sila pala yung kasama ni kuya kanina. Tssss.. Ang tatlong gunggong. Pshhh..

"I'm X Trigger Gonsales. Nice seeing you all again-- classmates" Habang nakangiting sinasabi yun. Tilian na naman ang mga babae. Ano ba yan ang ingay! Parang palengke ang classroom. Tapos umupo na sya. Iyon lang?! Iyon lang talaga?! Mukang kilala pala sila dito ah?!

Nagsalita si Teacher Felicia. "Oh, quiet na class, hindi pa tayo tapos. I said quiet." Tangina! Sabi ko sa isip ko. Kelangan pa talaga sumigaw para matahimik lang kayo."Next student is, oh! She's a transferee, nanggaling pa sya ng America. Miss Janet, please introduce yourself to us." May 'miss' na salita talaga. Tsk.

Tumayo na ako at naglakad papunta sa unahan. Shit! Sabi ko sa isip ko. Kelangan ba talaga sabihin kung saan ako galing at transferee ako. Everyone is staring at me. Ayan na naman kayo. Fuck. I am wearing a plain t-shirt color purple and skinny jeans and a pair of black sneakers. Ganito kasi hilig ko na get up eh. Simple pero astig. Wag na kayo umangal. "I'm Janet, but you can call me Jann, spells like J-A-N-N. Thank you." I said. After that nag smile lang si teacher Felicia sa akin. Kilala na nya ako eh. Alam nya isa akong Han. But I didn't bother to tell everyone that I am a Han. Pero mukhang pasip-sip ang gaga. I smirked while heading back to my seat.

Haist. Attendance lang pala ang kelangan. After that, dismissed na kami. Kada subject, introductory lang naman ang ginawa.

Boring naman talaga dito oh. Dapat talaga hindi na lang ako umuwi. Namiss ko na buhay ko sa Amerika. I can clean the house. I can cook for myself. Tapos magtrai-training. Makipagkita sa group. Maghahanap ng makakalaban. Oo dahil yan ang hilig ko. By the way, may house akong binili dito sa Pilipinas, and later I'll come there to take a view.

First half is over, mamayang hapon ulit.

_____

Lunch time.

Jann's Pov

Tatawagan ko lang muna si kuya, tapos pupunta na ako sa cafeteria. After ng ilang ring sinagot din nya. I'm still here sitting in my chair, in the classroom.

"Where are you?! Aish, kuya! Wala akong kasama magla-lunch, please samahan mo naman ako."

"Ayoko nga, kasama ko ang TBH eh." Kuya Collin says on the phone.

TBH?! Ano yun?! O Sino yun?! "Kuya naman eh please.."

Tot..tot..tot..

Shit binabaan ako.. Ayos ah! Bastos. Mamaya ka sa akin sa bahay. Makikita mo! Kainis ah! Aish. Naalala ko hindi nga pala ako uuwi mamaya. Tsk. Idi bukas nalang. Tssss.. O sa ibang araw na lang. Kainis.

Matapos ko ayusin ang mga gamit ko.

Tumayo na ko at naglakad palabas ng classroom para makakain na ng tanghalian, when suddenly, humarang ang dalawang babae sa may pintuan, na tadtad ng make up ang mukha. Party ba pupuntahan nila?! Aba sa sobrang kapal ng make up kulang nalang ang mag dress na sila para ready na sa party, pero heller school to, tapos mga fourth year high school lang kami. Parang clown. Ang aarte! Tsss bahala na nga sila sa trip nila. Paki ko ba.

"Hi! I'm Sonya." Sabi nung Sonya daw ang name. Yun sabi nya eh.

"Hello! I'm Maia." Sabi naman nung Maia ang name. Yun din ang sabi nya eh.

Tinignan ko lang sila. Aish! Ang lakas naman ng boses ng dalawang babae na ito. Nakakairita. Ngiting ngiti pa sila. Para namang interesado ako na makilala sila?! Lalampasan ko na lang sana sila.

"Huy! Magsalita ka naman girl." Sabi nung Maia. Aish sigawan ba ako.

Biglang pinulupot nung Sonya ang braso nya sa braso ko. Gumaya din yung isa, na Maia ang pangalan. Bale, yung Sonya nasa left side ko, yung Maia sa right side ko naman.

"What you two think you're doing?" Aalisin ko na sana ang mga braso nila sa akin pero mas hinigpitan pa nila ang pagkakapulupot sa akin kaya hindi na ako nakareklamo pa.

"Tara sa cafeteria, transferee ka di ba?! Malamang wala kang kakilala pa dito. Kaya sabay nalang tayo. Para hindi ka nag-iisa." Ngting ngiti sabi nung Sonya.

Ang ingay talaga nila. Nagsimula na kaming maglakad. What can I do?! Para akong kriminal na hinuli ng dalawang pulis. Aish! Sumabay nalang din ako.

Pagdating namin sa cafeteria, madami nang students ang kumakain. Yung iba nasa linya pa para bumili ng makakain.

"Oh dito na tayo pumesto para malapit sa TBH. Hehe." Si Sonya.

"Ay tama ka dyan friendship Son. Tara mag-order na tayo." Sabi ni Maia.

Ako, ito nakaupo lang, sabi nila, sila nalang daw ang mag oorder para sa akin.

While waiting, nag soundtrip ulit ako. The same song that I listen earlier, hindi ko natapos pakinggan eh.

Now Playing. Direction by Powerspoonz

🎶Things have been complicated, ever since the day you left my heart has been ristricted, got to take you off my chest, can't fight these tears no more, what are you waitin for?! I wanna see you out that door...

I need that direction,

Don't need complication,

I need a diversion

Vindicated

Think l'm wasted

I I I I

What was I supposed to do? My life has been torn apart.

She left me no clue 🎶🎧

Tinanggal ko na yung headphones. Andito na yung dalawang babae na maiingay.

May tatlong lalaki na nakaupo sa right side ko.

Kakaupo lang nila.

"Omg! Andito na yung TBH."

"Ang gwapo talaga nila noh!?"

"Kyaaaaaaaaaaaahhh"

Haist! Maingay na naman. Ang daming komento ng mga babae na yun pero hindi ko na inintindi pa.

Tumingin na lamang ako dun sa right side. Sa TBH na tinatawag nila.

Si kuya Collin. Kinindatan pa ako ng mokong na yun. Patay ka talaga sa akin. Mas pinili mo pa ang mga gunggong na yan kesa sa akin ha.

Tumayo sya, si kuya, at naglalakad palapit sa table namin. Tapos ung dalawang babae kasama ko sa table. Kinikilig. Tssss... Kilig naman kayo.

Then I bow down my head, can't help but noticed my tattoo.. In my right arm. Small font. Lettering tattoo in a script style lettering. The Cali White as I read it. Then this girl Maia howling like crazy...

"OMG! Girl palapit ata sa atin si Collin, waaaaa." Si Maia yun.

Tsk! Pasikat ka kuya! Magwre-wrestling tayo mamaya. Kunot-noo at halos magkadikit ang dalawa kong kilay habang papalapit siya. Tapos yung mga estudyante nagbubulong-bulungan din. Psh. Mga usisirero!

"Baby." Collin approached me.

Sabay halik sa pisngi ko. "What the fuck Collin!!!" Bulyaw ko sa kuya ko. Gulat naman ang mga tao sa paligid namin. Lalo na yung dalawang babae na kasama ko sa table.. Natahimik lahat sila.

"Wait. Janet, boyfriend mo si Collin?!" Pasigaw na sabi ni Maia.

Itong si Collin naman tawang-tawa sa sinabi ni Maia.

"Fuck! Hell no!" Bulalas ko sa kanila. "Collin would you mind not calling me baby!? I'm not a baby anymore." Dagdag ko pa.

"Idi mag-ano kayo?!" Sabay tanong ni Maia at Sonya.

Habang si Kuya Collin, ngisi parin ng ngisi. Ngayon nakaupo na sya sa tabi ko. Apat kasi ang upuan. Bale, square ang table. Nasa harap namin ni kuya sina Maia at Sonya. Tapos yung braso nya nakapatong sa likod ng upuan ko at naka de kwatro ng upo. Pa cool ang loko.

"She's my baby.. my little sister." Si Kuya Collin na sumagot. Ngisi parin ng ngisi.

May sayad na ata to eh. Dalhin ko na kaya to sa mental?!

Gulat na gulat naman yung dalawang babae. Pati yung mga usisera at usisero. Tssss.. Mga Chismoso't chismosa. Yung dalawang kasama naman ni Kuya tingin lang din ng tingin sa table namin.

"Wow! We didn't know that The Collin Han has a sister?!" Bulalas ni Sonya kay Kuya. "So your name is Janet Han?! Ang galing naman classmate tayo!" Dagdag ni Sonya.

"Anong Janet Han?!" Biglang singit ni Collin sa usapan namin.

"Eh diba Janet Han naman talaga sya?!" Sagot ni Maia.

"Ay nagkakamali kayo dyan, ang totoong pangalan nitong baby ko ay Janet Heavenly Han." Ngising ngisi sya pagkatapos sabihin ang buo kong pangalan.

"Pakyu Collin, I told you not to mention that second name. You know I hate it so much." Pinangliitan ko sya ng mata. Tssss.. Hindi yan takot sa akin kaya tawang tawa lang sya kapag naaasar ako tuwing binabanggit ang pangalan kong buo. Fuck.

"Ano namang meron kung kapatid ko si Collin Han na to?! Kuya please lang, tigilan mo na ang kakadaldal dyan. Alam mong ayaw ko na may nakakakilala sa akin. Tsss. Pasaway! Daldal!" Talim na nakatingin kay kuya.

"Hahaha hahaha." Tawa lang si kuya. Tumayo sya at hinawakan ang kamay ko, pinapatayo nya ako. Papunta kami dun sa kabilang table kung saan nakaupo ang dalawa nyang kaibigan. "Girls, excuse muna ah, ipapakita ko lang sya sa dalawang kaibigan ko." Paalam ni kuya.

"X! I! Meet my baby sister, Jann. Remember her?!" Nakatingala lang yung dalawang lalaki, dahil nakatayo pa kami ni kuya at sila naman ay nakaupo.

"Oh, hi Jann.." Bati ni Ross "Ikaw na ba talaga yan?! Mas lalo kang gumanda ah from last time I saw you." Last time I saw you?? Kelan yun?! Pero hindi ko na tinanong.

"Hoy I! Wag mong isasama sa mga collection mong mga babae tong kapatid ko. Anak ng kabayo!" Daldal ni Collin pero nakangiti naman.

"Grabehan ka C! Hindi ako ganun! Jann wag kang maniwala dyan sa kuya mo. Sya lang tong playboy sa amin ah."

"Hi!" Bati nung isa, sabay bawi ng tingin sa amin ni kuya.

"Hello." Bati ko na lang din sa kanila. At hindi ko na sinagot ang tanong ni Ross. Gunggong talaga, eh bata ko pa kaya nun.. Oo, I remember these two gunggong. Before I left for America, sila yung mga kalaro ko. Best friends sila ni kuya Collin. Palagi sila sa bahay. Bakasyon eh. Tapos yung parents naman nila barkada ng parents namin. Ewan ko ba pero mas gusto kong kalaro ang mga lalaki kesa sa mga babae na puro kaartehan lang ang alam. No, hindi ako tomboy ah, boyish oo, pero tomboy.. No fucking way! Babae parin ako.

"Upo na kayo." Biglang nagsalita si Ross.

"Collin, balik na ako dun sa table namin ng kasama ko. Ross geh!" Sagot ko.

"Baby, dito ka na." Sabi ni kuya.

"Tsss naka-order na ako, and may kasama na ako. Kanina I called you, anong ginawa mo binabaan mo ako. Tapos ngaun yayain mo ko! Alis na ako." Sagot ko sa kanya.

"Sorry na baby." Lambing ni kuya. Tapos yung si X tahimik lang kumakain. Problema nito. Tsss. Si Ross naman pailing-iling lang na nakangisi.

"Ganyan ba kayo maglambingan magkapatid?!" Nakangising sabi ni Ross.

"Shut up I." Hindi na tuloy nakapagpigil si Ross tumawa na sya ng malakas. Loko to. Batukan ko kaya to?!

"Geh na! Balik na ako dun, Ross alis na ako. Tama na yang tawa mo hindi na nakakatuwa. Kuya, kita nalang tayo sa bahay." Paalam ko sa kanila.

"Baby, di ka ba sasabay sa akin mamaya?!" Tanong ni kuya..

"Tssss... Collin, I have my car. I can drive, at saka dadaan ako mamaya sa mall." Sabi ko habang naglalakad na papunta dun sa table ko kanina.

"Okay! Basta mag iingat ka ah. Madaming loko loko dito. At you're not familiar with the places here." Concerned si kuya. Tsss.. Sila ang mag ingat sa akin. Di nila ako kilala.. I have waze, di ako mawawala.

Nakabalik na ako sa table kasama ang dalawang babae na abot hanggang tenga ang ngiti.

"Janet, kain ka na. Eto na yung carbonara and pineapple juice mo. Grabe ka ah! Kapatid mo pala si Collin?! Tapos kilala mo din sina I at X. Grabe hindi ako makapaniwala. Alam mo ba, sikat yan sila, sa loob man o labas ng campus." Kwento ni Maia.

"Janet, friends na tayong tatlo mula ngayon ah?!" Si Sonya.

"Tssss don't call me Janet, call me Jann, okay?! Kung gusto nyo ko maging kaibigan." Inis na tugon ko sa kanila...

"Okay." Pagsang-ayon ng dalawa.

"Pwede ba kami magtanong sayo ng medyo personal?!" Tanong ni Sonya.

"Depende sa tanong." habang ngumunguya ako. "What are your questions?! Tanong ko sa kanila, sabay baba ng kutsara at tinidor sa pinggan.

"Ah, kasi.. Bakit sa Amerika ka nakatira? Tapos, Mag isa ka lang doon?" Sonya asked me. Curiously.

"Its none of your business, next question please."

Ayon lungkot ang mukha ng dalawa. Eh sa hindi ko kelangan magpaliwanag sa kanila eh.

"Okay." Lungkot ang mukha na kumakain si Maia.

"Don't worry, friends ko na kayo from now on." Pampalubag loob sa dalawa.

"Ay talaga?!" Aba biglang nabuhayan ang mga mukha ng dalawa.

"Oo, geh na, tara na balik na tayo sa classroom." Tumayo na ako at nauna nang lumabas ng cafeteria pagkatapos namin kumain.

To be continued..