"X Trigger's Pov
After Lunch.
Nakaupo sa classroom. Nakatingin sa right side row. Ah mali. Nakatitig pala. Siya pala yon? Nakabalik na pala siya.
Flashback.
We were eight years old. Mas matanda si Collin sa amin ng isang taon. Collin, Ross and me are best friends.. How?! Magbabarkada ang mga magulang namin mula pa nung high school sila. Astig noh?!
"Aalis na si baby." Malungkot na sabi ni Collin sa amin ni Ross. Baby. Yan ang tawag nya sa kapatid nyang babae.
"Oh bakit hindi mo pinigilan?!" Tanong ni Ross.
"Mama and Papa has decided on that already. Hindi na magbabago yun. Iyak nga ng iyak si baby pagkatapos sabihin ni Mama sa kanya eh."
"Eh bakit ba sya ipapadala sa Amerika?!" Tanong ko.
"Kasi naman itong si baby ko, pasaway! Sinuntok yung classmate nya, lalaki pa nga yung sinuntok. Astig din talaga nung baby ko, yun nga lang yun din ang dahilan kung bakit ipapadala sya dun sa Amerika para daw magtino." Kwento ni Collin.
"Bakit ba nya nasuntok yung classmate nyang lalake?!" Tanong ni Ross.
"Hindi ko nga alam kung dapat ba ako matatawa o maiinis eh kasi ang sabi ng baby ko sinabihan sya ng I love you Janet sabay halik sa pisngi nya, sa gulat ng baby ko nasuntok nya sa mata. Ayun ang kinalabasan blackeye hehehe." Natatawang kwento ni Collin.
Nagsawalang kibo lang ako at hindi na nagsalita.
Biglang nagsalita si Ross. "Nakakatakot palang magustuhan si Jann kasi nanununtok... Brutal! Hahaha.."
Naglaro nalang ako ulit dun sa gameboy pagkatapos ko pakinggan ang sinabi ni Ross. Paano na yan, crush ko pa naman si Jann. Sigh.
End Of Flashback.
Naalala ko rin yung unang beses na nakita ko si Jann. Bakasyon din yun eh.. That was 10 years ago, we were only 6 years old then.
Bakasyon no'n, my mom invited Titas and Titos, parents of Iron Ross and Collin. We went to our private beach resort in Surigao Del Sur. One of the places in the world that I have lots of memories with. Dito kasi kami palagi nagbabakasyon.
There I saw her with Collin. I didn't know that Collin has a sister not until I met her.
From that time on up to now, crush ko na sya. Cute nya eh. Buo lahat ang mga ngipin nakikita ko yun kapag pinapatawa sya ni Collin. Si Collin lang madalas nagpapangiti sa kanya. Pero masungit at madalas hindi pala ngiti sa mga taong hindi nya kilala o malapit sa kanya. Pero pag naglalaro na kami dun ko naman sya napapangiti. Mahilig sya sa laruang panglalake. Hinahayaan ko na lang sya laruin ang mga laruan ko, namin nina Ross at Collin kapag napapadalaw kami sa kanilang bahay para lang makasama ko sya.
Aloof din sya minsan, pero hindi ko alam kung bakit, yung tipong nakaupo sya malayo sa aming lahat. Ano nga kaya nasa isip nya nung panahong iyon? Dalawang babae lang naman ang nakagaanan nya ng loob noon maliban kay tita Mariz na Mama nila Collin, yun ay ang mga ate namin ni Ross. Yes. May kapatid akong babae at ate ko sya. Katulad kami ni I. Kaedad lang din ni Collin, yun nga lang naging babae si Collin kaya si Janet ang ka-closed nila. At ang dalawang kapatid namin ni I ay magbest friend naman, magkasama nga sila ngayon sa Europe eh, doon nila piniling mag-aral.
Kung noon crush ko lang sya, dahil maliit pa kami, musmos lang ang isip at ang puso pati damdamin. Hindi pa alam ang salitang pag-ibig. Pero ngayon gusto ko na sya.. Gustong-gusto ko na sya.. And I might even fall for her..
Lapitan ko kaya?
Aish! Nakakahiya. Baka bigla nalang akong suntukin. Pero hindi naman siguro? We're grown ups now.
Naalala ko pa yung mga time na naglalaro kami. Yung car, ung robots, cards. Teka hindi kaya tomboy sya? Pero parang hindi naman. Babaeng babae naman sya kung gumalaw, pati lakad nya, at saka mahaba ung buhok nya. Yung pananamit nga lang nya medyo boyish tignan. Pero hindi, babaeng babae naman talaga ung mukha nya. Yung kabuuang itsura nya. Mas lalo pa nga syang gumanda.
Nakikita ko ung pictures nya sa wall ng fb nya. Mas lalo ko sya naging crush. Shit. Crush ko talaga siya. Ligawan ko kaya? Baka naman magalit si Collin?
"Good afternoon class." Pumasok yung teacher na lalaki.
"Good afternoon sir." Refrain namin.
The same old song.
Introductory lang din ang ginawa namin. Matapos ang lahat ng introductory namin.
Dismissal na.
Officially bukas mag-start ang klase sa buong section. I mean sa buong school.
Nakita ko si Jann na nag aayos na ng kanyang gamit. Lalapitan ko na. Kapalan nalang ang mukha X. Kaya mo yan. Magkakilala naman kayo eh.
"Hi!" Bati ko kay Jann. Natigilan sya. Psshh pati mga classmates namin na naiwan sa classroom, mga less than ten people natigilan din. Paktay.
Tumingala sya. Aish! Tumingin lang sya tapos balik sa ginagawa nya. Ayaw mo akong pansinin ah. Dyahe tuloy. Pero sige lang. Kaya ko to. Ano pa't naging si X ako kung simpleng conversation man lang hindi ko masimulan di ba?!
"Kumusta?! Kelan ka pa nakabalik dito?! Tanong ko sa kanya. Hindi ko parin sya nilubayan. Maayos na lahat ng gamit nya. Tapos tumingin sya ulit sa akin.
Umupo na ako sa tabi at nakangiti sa kanya. Sana hindi magalit to. Kinakabahan ako.
"Ok naman. A week before the enrollment. Biglaan kasi eh." Sagot nya sa tanong ko.
"Ahhh... Uuwi ka na ba?! Sabay na tayo lumabas?! Tara!?" Aya ko sa kanya. Buti naman nagsalita na sya. Eh bakit ba, childhood friends naman kami ah at family friend na din. Nagtitinginan yung mga classmates namin sa aming dalawa. Mga usisirero! Narinig ko bulongan nila. Ang sabi, magkakilala pala sila noh?! Paano naman nangyari na magkakilala sila?! Tssss Mga usisirero talaga.
"May kasabay na ako, sina Sonya at Maia. Pero kung ok lang sayo pwede ka parin naman sumabay palabas hanggang parking area." Sabi nya sa akin. Assured me na ok lang talaga ang sumabay.
"Cgue, walang problema. Tara." Aya ko ulit sa kanya.
"Sonya! Maia! Ready na kayo?!" Tanong ni Jann sa mga new friends nya. Buti naman at may bago na syang kaibigan kasi sa pagkakaalam ko hindi nya gusto makipagkaibigan sa mga babae kasi maaarte daw. Iyon ang alam ko.
"Yes ma'am!" Sabay sagot ng dalawang babae. Eh hindi ko sila kilala eh kaya "dalawang babae".
"Ah, Trigger, si Sonya at si Maia pala. New friends." Pakilala ni Jann sa mga new friends nya sa akin.
"Hi X. Friends na tayo ah?!" Si Sonya.
"Ah, oo naman." Sagot ko sa kanya.
"Hi X! "Si Maia daw.
" Hello." I replied.
Naging classmate ko ata tong dalawa before? Hindi ko maalala e. Pero they look familiar. Lol.
"Jann, pauwi na ba kayo?!" Baling ko kay Jann. We're here in the parking area.
"Ah, not really, may dadaanan pa kasi kami. Actually magpapasama ako sa kanila. Hindi ko pa kasi kabisado ang mga lugar-lugar dito." Si Jann.
"Ay oo nga pala noh?!" I realized. Sa Amerika na to lumaki eh.
"So where you guys going?! Pwede ko ba kayong samahan?!" Hehe gusto ko lang talaga sya makasama.
"Ah, no thanks. Tutal kasama ko naman si Sonya and Maia. Sa mall kami. I' ll be bringing my car. Ikaw saan ka?! Pauwi na ba?! Baling nya sa akin.
"Ah ok. Ingat na lang kayo."
"X." Pwede ka naman sumama eh, the more the happier.. Hehe." Sabi ni Sonya.
"Ah, cge, okay lang, pauwi nadin naman ako. Cgue.." Doon pa kasi banda sa likuran naka park ang car ko. "Bye Jann. See ya. Girls." Paalam ko sa kanila.
"Bye X." Sabay paalam pabalik ni Sonya at Maia.
"Geh Trigger!" Paalam nya.
Simula nung makilala ko si Janet dun sa beach resort namin sa Surigao, palagi ko nang niyayaya si I na sa kanila C kami maglaro at tumambay pagkatapos ng school o bakasyon pero nung umalis si Jann madalang nalang kami kung tumambay sa bahay nila C, pero magakakasama parin naman kaming tatlo sa mga lakad. Kahit saan. Best friends kami e.
Naglakad na ako papunta sa car ko. Tinignan ko ung tatlong girls. Nakasakay na sila sa sasakyan ni Jann. Hanep! Naka sports car. Ang bilis naman magpatakbo ng sasakyan ang babaeng yun. Kaskasera! Umiling nalang ako habang nagmamaneho palabas sa campus. Haist bukas ulit...crush.
♥♥♥
Jann's P.O.V
"Girl, I mean Jann, sana pinasama mo na si X. Grabe noh, ang gwapo gwapo nya talaga! Lalo na sa malapitan." Si Maia'ng madaldal. We're on our way to the mall.
"Tssss.. Kapal kilay ang asar ko dyan sa kanya noon." Kwento ko sa kanila.
"Kapal kilay?!" Sabay sigaw ng dalawa. Sumisigaw na naman. Tsk. Tinakpan ko ang aking tenga. Tssss. Kung makasigaw tong mga to, wagas! Hindi naman ako bingi, letche!
"Oo, kapal kilay, eh sa makapal kilay nyan eh. Kita nyo naman diba?! Pagconvinced ko sa kanila.
"Hehehe oo nga noh!? Why not?! Pero ang gwapo nya pa rin. Kaya nga siya ang leader ng TBH eh. Astig na, gwapo pa." Pagyayabang ni Sonya.
"So crush nyo si Trigger?!" Tanong ko sa dalawang maingay na babae. Heto kami ngayon papuntang SM Lanang. Traffic tsk.
"Ay hindi naman! Sayong sayo sya girl." Sagot ni Maia.
"What the hell did you say?!" Sigaw ko kay Maia.
"Uy, ano.. Joke lang. Wag ka sana magalit. Eh bakit ba kasi Trigger ang tawag mo sa kanya?! Eh kasi ayaw raw mag patawag ng Trigger yan, nagagalit. Gusto yung X na first name nya lang ang pwede. Ani Maia.
"Dahil pangalan nya yun." Tssss. Arte.
"Oo nga naman, name nya yun, pero di yun sanay na tinatawag syang Trigger kasi, kahit yung TBH, X din naman tawag sa kanya." Pangungulit ni Sonya.
"Aish!" Kunot-noo ko sila tinignan. At sabi ko, "Because I'm used to call them in their second name. Kay Trigger, Trigger ang tawag ko. Kay Ross, Ross na talaga, yan na nga ang tawag ko sa kanila noon pa. So ano?! Hindi parin kayo kumbinsido?! Subukan lang nila magalit sa akin. Lagot sila sa akin." While smirking.
"Ayieee, so closed pala talaga kayo noh?!" Sonya asked.
"Nope, not really, barkada talaga sila ni Collin. Pero dahil wala naman akong ibang kalaro nakikisali ako sa kanila. Ok lang naman din sa kanila. Halos araw-araw pa nga noon nasa bahay sila. Minsan na nga nagsleepover pa eh. My parents and their parents are all magbarkada since high school. So ayun pati kaming mga anak nila friends din." Paliwanag ko sa kanila.
"Ang galing naman. Sana maging friend ko rin si Ross." Salita ni Sonya
"May gusto ka kay Ross?!"
"Ay bakit ka ganyan Jann?! Masyadong prangka!" Nahihiyang tugon ni Sonya. Natatawa tuloy ako, hiyang hiya sya. Namumula ang mukha.
"May gusto ka nga sa kanya." Confirmed ko kay Sonya. Itong si Maia, ang tahimik. Tanungin ko rin kaya?!
Nakatingin sa baba si Sonya pagkasabi ko nun. Nahihiya. Tsss. "Don't worry, I won't tell him..yet. Hindi naman kami ganun ka close. Oh ikaw Maia, kanino ka may crush?! Sa kapatid ko o kay Trigger?!" Baling ko kay Maia. Akala mo palalagpasin kita ah.
"Collin is your crush." Gulat syang nakatingin sa akin.
"Pano mo nalaman Jann?!" Takang tanong ni Sonya.
"Tssss hindi sya makatingin ng deretso sa akin eh. At saka parang napipi. Sabay kindat kay Maia.
"Uy wag mong sasabihin sa kuya mo ah, please?!" Alalang sabi ni Maia.
"Bakit may nasabi ba akong sasabihin ko sa kanya?!
"Wala."
"Idi wala." Killing the convo.
Nakapark na kami. Dinner time muna. Its 7:30PM. Traffic jam kills me. Ganito na ba katraffic ang Pilipinas?! Or nasanay lang ako sa California?! I mean hindi ganito ka-traffic dati ang Davao City.
"Dinner muna tayo. My treat." Oh natuwa yung dalawa. "Pizza?!" Tanong ko sa kanila. Im craving pizza eh.. Haist! Kelangan ko na makauwi para makapagtraining na.
"Call!" Sabay sabi ng dalawa. First day palang kami magkasama pero magaan na yung loob ko sa kanila. Mukang mabait naman sila eh.
After the dinner. Pumunta kami sa ace hardware. May hinahanap kasi ko na tools. Kaso not available na daw dito sa hardware na to. Pshhh.. Mag search nalang ako sa online. Baka dun ako makakita.
After namin magpunta sa ace hardware at hindi nakita ang kailangan ko, inaya ko na lang sila na umuwi.
"Ihatid ko na kayo. Saan ba kayo nakatira?!"
"Naku Jann, wag na, tawagan nalang namin ang driver namin." Sabi ni Sonya.
"No, I was the one who invited you here. So I should take care of you, two.
"Jann, ang bait mo talaga. Pero ok lang. Ok?! Malapit lang naman dito ang bahay namin at saka kapitbahay kami ni Maia. Childhood friends din kami eh.. Kaya ok lang talaga." Paliwanag ni Sonya.
"Ok sabi nyo eh, pero hihintayin ko muna dumating ang driver nyo. Just to make sure na safe kayong makasakay at makauwi. And..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Wala pala akong number sa kanila. Tssss stupid.
"Ano yun Jann?! Tanong ni Maia.
"Wala akong number nyo."
"Ah hahaha.. Yun pala. Oh ibigay mo sa akin ang cellphone mo. I'll save it." Hingi ni Sonya. Andito na kami ngayon sa labas ng SM Lanang. Waiting for their driver. Kay Sonya nalang pala na driver. Tutal magkapitbahay pala ang dalawang to.
After we exchanged numbers, dumating din ang driver. Nakasakay na ang dalawa at nagpaalam na. Now I can go home, and it's time for me to do some training..medyo nakakastress ang araw na to.
To be continued..