Akira Tania Ynarez's POV
"Kuya! Bakit ako pinapunta dito ni mommy? Ano namang surprise ang inihanda niya? Di ba niya alam na nasa kalagitnaan ako ng panunuod ko ng paborito kong kdrama?! Nasasayang ang oras ko. Ano ba kase ang sasabihin nina mommy??" Iritang sabi ko nang makita ko si Kuya Kiro na prenteng nakaupo sa may sala ng makadating ako sa bahay.
"Tsk. Hindi sayang oras mo na pumunta ka dito. Baka nga matuwa ka pa. Baliw na baliw ka nga sa surprise ni mommy e. Mahal na mahal mo yun." sabi ni kuya. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin at nanatiling naka tutok lamang siya sa pag scroll sa cellphone niya.
I think tungkol nanaman ito sa crush kong model nang isang sikat na magazine kaya parang bored na bored mag salita si kuya. Not so supportive kuya tho.
Baliw na baliw? Mahal na mahal? Isa lang ang ibig sabihin non. Mom bought me the latest release ng magazine kung saan si Rage Hernandez ang model. For sure marami-raming poster din ang inuwi niya para sa akin.
Well, si Rage Hernandez ay isang sikat na modelo dito sa Pilipinas. Andami na niyang projects na ginawa at ang latest project niya ay ang mag model sa isang sicat na clothing brand. He's good looking, may malaking katawan, chiseled abs and jawline. Shit! Nasa kanya na ang lahat. When I say na nasa kanya na lahat. Ang ibig sabihin ko ay lahat lahat. The looks, wealth, fame and more. Although he's a model. Isa din siyang CEO nang isa sa mga bigatang 5 star hotels dito sa Pilipinas. Ang iba sa projects niya sa modeling ay para sa mga hotels at company nila at ang iba naman ay sa mga companya ng mga kaibigan niya. Sino pa kaya ang di ma iinlove sa isang tulad niya diba?
"Hey, you're spacing out again." Napalingon ako kay kuya nang mag salita siya.
"Whatever! Ano ba kailangan nina mommy?" Tanong ko ngunit tuniro lang niya ang office ni Daddy.
"Go inside. Hinihintay ka na nila. Pati nga yung future husband mo e." Rinig kong sabi ni kuya pero hindi ko narinig ang huli niyang sinabi.
"Ano?" Tanong ko. Baka sakaling ulitin niya.
"Wala! Ang sabi ko pati yung bagong standee na binili nila para sayo. Puntahan mo na lang sina mommy don." Sabi ni kuya dahilan para mapasigaw ako.
"Talaga??" Excited kong sabi. Omg! Legit ba yon? May standee ba si Rage na binebenta sa ng mga brands na pinag modelan niya? Well, Mom really knows how to make me happy pero sana talaga totoo yung standee.
"Yeah. Alis na!" Sabi lang ni kuya Kiro kaya agad naman na akong pumunta sa office ni Daddy.
Hay! Nako na uubos ang oras ko. Sana lang si Rage talaga yung standee na binili ni mommy dahil nako mag wawala ako dahil nasasayang ang oras ko. Nako! Gumagawa pa naman ako nung reaction paper ko sa kdrama na pinapanuod ko dahil yon ang habilin ng prof namin kanina sa klase. Nag aaral pa kase ako sa kolehiyo. Engineering ang course ko.
Binuksan ko ang pinto ng office ni daddy at huminga ng malalim bago ako mag salita.
"Mommy! Daddy! Ano na namang—" napahinto ako sa pag sasalita ko dahil sa nakita ko.
"Tania, my dear.." mom said pero nanatili lang akong natulala sa lalaking nakaupo sa may harap nina mommy. May katabi siyang isang babae at lalaki na mukhang ka age nina mom.
"Mom, nananaginip ba ako? Yung standee parang totoo." Nasabi ko na lang while looking at him. Nakita kong napatingin siya sa akin pero..
Hala! Inirapan ako nung standee!!
"No, you're not. Plus he's not a standee, my dear. He's real. As I promised you na I will bring him here for you. Here he goes.." Mom answered.
"Mom, nananaginip ako. It's impossible na mapunta na lang bigla dito sa bahay si R-Rage Hernandez." Saad ko. Nakita ko namang natawa naman yung babae at lalaki sa tabi ni Rage. Habang si Rage naman ay naka poker face lang.
"It's not impossible, hija." Sabi ng babae sa tabi ni Rage.
"Come inside, my dear. Ipapakilala ka namin sa mapapangasawa mo." Sabi ni Dad. Inalalayan naman ako ni mommy at pinaupo sa may couch sa harap ng aming mga bisita.
Wait! M-Mapapangasawa???
Baka mali lang ang narinig ko.
"Hija, I'm tita Rica and this is your tito Henry. I think hindi ko na kailangan ipakilala ang anak ko dahil mukhang kilalang-kilala mo na siya." Natatawang sabi ni tita Rica. Mommy nga siya ni Rage at Daddy naman niya si tito Henry dahil may resemblance niya ang mga ito.
"A-Ah.. Hello po t-tita and t-tito." Nahihiyang sabi ko.
"Ay you don't have to call us tito and tita pala. Call us Mom and Dad kase kakasal na naman kayo ng anak ko." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni tita.
"K-Kakasal??" Gulat kong tanong.
"Yes, my dear. That's one of my surprise for your birthday bukas." Sabat naman ni mommy na nasa tabi ko.
"A-Ang ikasal??" Tanong ko at tumango naman sina mommy.
"Alam mo naman ang tradition ng pamilya natin anak diba? Arrange Marriage is one of our traditions." Napalingon ako nang magsalita si Dad. He's right but I don't like this tradition thing. I wanna marry someone whom I love. B-But it's Rage..
"I and Rica since then decided na ipapakasal namin ang mga anak namin noong college pa kami. Kaya eto ngayon may plano kase kami na imerge ang company nila at ang company natin dito sa bagong company na binubo ng Daddy mo kaya napag desisyonan namin na ipush na ang plano namin. At isa pa ay masaya sila na malaman na fan ka ni Rage kaya mas lalaong nag agree sila na ipakasal kayong dalawa." Sabi naman ni mommy. Literal na napanganga ako sa sinabi ni mommy. Gusto ko sanang hindi pumayag kaso.. I-It's Rage.. si Rage na ito e.
Ang tagal ko ng pinapangarap na makita siya sa personal. Pangarap ko din na ikasal kami at eto na yun oh! Andito na! Impossible man mangyari kung iisipin ko pero eto na yun oh. Yung lalaking pinapangarap ko andito na sa harapan ko. Yung lalaking mahal ko kahit na akala ko ay hindi ko makikita man lang sa personal ay mapapakasalan ko. Aayaw pa ba ako??
I'm not obsessed, okay? Pero.. I do love him..
Simula palang nang makita ko ang picture niya sa isang magazine ay sobrang namangha na ako sa kanya. I think it's love at first sight? Dalawang taon na rin iyon simula nang nag sinula akong subaybayan ang mga magazines niya at even ang mga interview niya sa t.v.. Even his ads, oh my ghad.
Hindi ko na nga pinapansin mga nanliligaw sa akin dahil sa kanya. I just love him so much kahit na akala ko noon ay imposible. This is my dream..
Pero si Rage..
Ayaw ko naman na ipag pilitan ang sarili ko..
"Pero.." bigla na lang lumabas sa labi ko dahilan para mapatingin sila sa akin. Nakita ko ang pagliwanag ng mukha ni Rage sa sinabi ko na ipinagtaka ko.
"Bakit ayaw mo ba, Tania?" My dad suddenly asked.
"Kung iniisip mo na ayaw ng anak ko. Nag kakamali ka hija. Napag usapan na namin ito. Am I right, Rage?" Sabi ng Daddy ni Rage. Napatingin ako kay Rage.
"Y-Yes, Daddy's right. Mukhang ikaw na nga lang ang kailangan mag pakilala sakin. I think kilala mo na naman ako kaya mukhang di na tayo mahihirapan pakisamahan ang isa't-isa." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Nginitian niya ako bago siya yumuko. Nahiya ata siya hala! Kinikilig naman ako! Omg!
"Kung okay naman po pala kay Rage ay mas okay na okay naman po sakin!" Masayang sabi ko.
Hindi ako makapaniwala. Naiisip ko na kung paano kasaya ang magiging buhay namin bilang mag asawa. Gosh! Ipapakita ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal. I promise to be a good wife!
"Then.. okay na! Tuloy ang kasalan!" Sabi naman ni Mommy.
"Yes! Tara na bff! Iwan na muna natin ang dalawa para makapag usap sila. Let's plan na for their wedding." Masayang sabi naman ni Tita Rica kay Mommy.
"So ano? Iiwan na muna namin kayo ha! Enjoy!" Mom said at hinila na niya si Daddy palabas ng office at maging si tita Rica ay ganon din ang ginawa kay tito Henry.
"By the way, pinakita ko kanina sa kanila ang room mo dito sa bahay." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni mom. Mag sasalita pa sana ako ng isara na niya ang pintuan.
Oh my ghad! Y-Yung room ko dito pinakita niya kina Rage?! Baka isipin niya na obsessed ako sa kanya dahil puno lang naman ng magazines, pictures, posters at mga gamit na inendorse ni Rage kwarto ko dito. Shit! Nakakahiya naman!
Buti na lang at nalipat ko na ang iba kong mga gamit at magazines sa condo ko dahil napag desisyon nan ko na munang mag sarili para naman matuto akong maging independent pero...
Ang dami parin ng nasa kwarto ko. Hala lupa lamunin mo na ako.
"So.. Ikaw pala ang anak nina Mrs. Ynarez?" Napatingin ako kay Rage na ngayon ay nakatayo na pala sa harapan ko.
"Y-Yes." Nauutal kong sagot.
"My soon to be wife, huh?" Napangiwi ako sa tono niya. Hindi ko alam kung sarkastiko ba siya o ano.
Nagulat naman ako ng bigla niyang itukod ang mga kamay niya sa may couch kung saan naka upo ako. Napagitnaan ako ng mga braso niya. In short, naka corner ako sa kanya. Nginisian naman niya ako.
Napalunok ako sa kabang nararamdaman ko. Why is he acting like this. Anong nangyari? Na intimidate ako bigla sa kanya di gaya kanina. Now I can see his CEO aura. His superior aura.
"O-Okay ka lang b-ba?" Saad ko sa sobrang kaba ko. Nagulat ako ng ilapit niya ang mukha niya.
"I'm not okay and I will never be okay." Matigas niyang sabi na tila ba kada salita ay gusto niyang iparamdam sa akin.
"W-Why?" Ang bobo ko. Ang obvious naman kung bakit e. Umatras siya at tumayo ng maayos.
"Simple lang. Ayaw kitang pakasalan. Sino ka ba? I don't even know your name." Arogante niyang sabi.
"Bet you're a big fan of mine." Tsk! Malamang nakita mo kwarto ko.
"Have you heard some news about me being a womanizer?" Napatingin ako sa kanya nang dahil sa tanong niya.
Alam ko ang mga balita at issue sa kanya na womanizer daw siya but wala akong pinaniwalaan sa mga iyon dahil.. shit! The way he smiles sa mga magazine.. he's too sweet.. even sa mga intervies niya he is a sweet and a kind gentleman. I don't think he is a womanizer. I belive those rumors aren't true.
"Y-Yes." I answered. Nakita ko ang pag ngisi niya.
"Well that's true. I am a womanizer, miss. I do fvck girls. So I guess you should be ready with this marriage." Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. No! This is not real! He's l-lying!
"But still.. Ayaw kitang pakasalan sa totoo lang. I don't love you and I don't do commitments. I just fvck and I think it's like hiting 2 birds with one stone." Nangilabot ako sa muling pag ngisi niya.
"You need our main company and I need you father's company so that's one. And for two, I can use your body and just.." Himinto siya sa pag sasalita at tumingin sa may katawan ko kaya napatakip ako sa aking katawan.
"W-What are you t-talking about?" I said ngunit ngumisi lamang siya.
"Our company needs you.. your money.. And I.. I can use your body.." nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko. Bakit ganito siya? Hindi naman ganito ang pag kakakilala ko sa kanya. Ibang iba ang ugali niya at ang aura niya ngayon kesa kapag pinapanuod ko ang mga interview nil. Kung alam ko lang na ganito pala ang ugali niya edi sana hindi ko na lang siya nagustohan.. Sana di ko siya minahal..
"I-If you don't want to marry me.. Then let's tell our parents. A-Ayoko naman na----" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng mag salita siya.
"Do you think we can stop them?" Sabi niya napa iling naman ako. Knowing mom? Walang makakapigil sa kanya.
"Then.." linapit niyang muli ang mukha niya sa mukha ko.
"Welcome to hell, my dear wife.." nanindig ang mga balahibo ko sa sinabi niya.
Is this even real?
Marrying him is my dream but.. this is is not a dream. It's the opposite, a nightmare.
Ibang iba siya sa Rage na hinangaan ko..
---------------------------
To be continued..
1st Chapter ✅