Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

in the name of love dragon vs lion

🇵🇭RILL_CRUZ
--
chs / week
--
NOT RATINGS
14.4k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - chapter 1 -ang dalawang lahi-

Ang bawat nilalang dito sa ating mundo ay may kanya kanyang mga hangarin.

ang makuha ang gusto ,marating ang nais, matikman ang kinasasabikan at masakop ang kanyang tinatapakan. mga bagay na minsa'y nag papalalim at nag papatapang sa isang nilalang at kapag napasakamay nya na ito..wala sino man ang maaring sumaklaw ng lahat ng bagay na kanyang natatanaw.

sa napakalayong panahon sa panahon natin sa ngayon.. sa panahong kung saan ang araw at ang gabi lamang ang nagbibilang ng oras..

ang panahon na tanging tag araw at tag ulan lamang ang panahon iyong mararanas..

panahon ng malalaking nilalalang sa mundo na pinagsasanib ng batas.

at panahon ng digmaan na magpasahanggang ngayon at hindi parin nag wawakas.

Sinasabing matapos mawala ng mga malalaking nilalagang dito sa mundo. bago pa man sumibol ang isang pangalang pinaniniwalaan ng lahat. ay may mga digmaan nang naganap dito sa ibabaw ng daigdig.mga digmaang nagwakas at mga digmaang tila walang dulo.

Mula sa hilaga sa malawak na kagubatan sa bundukan ng gehara mara ay matatagpuan mula sa sento nito ang kaharian ng ZERESSA. ang kaharian na pinamumunuhan ng hari ng mga ta-gon o mga angkan ng mga taong dragon si

haring JOHEN. tahimik na namumuhay ang mga ta-gon sa kagubatan ng zeressa. bihasa sila sa paglikha ng mga sandatang yari sa purong metal maging ang kanilang mga kasuutan mula sa paahan hanggang uluhan ay nababalot ng mga metal na may mahahabang mga retaso.

ang angkan ng mga manggagamot.

angkan ng mga malalakas at matitibay na nilalang. mga angkan na mangangaso at biyasa sa pag papanday.

at mga angkan na tila langgam na laging handa para sa araw ng tag ulan.

ngunit hindi ulan ang kanilang pinag hahandaan..

kung hindi ang posibelidad na muli silang atakehin ng kanilang mortal na kalaban ang mga lario.

mainit, malawak, at madalang ang malamig na hangin... ilan lamang iyan sa maaring mong maranasan kapag iyong narating mula sa timog ang malawak na disyerto ng habyerra kung saan mula sa dulo nito ay iyong matatagpuan mo ang napakalaking kaharian ng HABERNO ang kaharian ng mga taong lion o mas kilala sa tawag na mga lario..na tila lupa sa disyerto na nagiging matibay at matatag kapag hinalo sa tubig. tulad ng iba ay magaling din silang lumikha ng mga sandata na yari sa matutulis na bato, matitibay ng truso, mga sungay ng mga hayop at lason na nag mumula sa makamandag na hayop.

mula sa mga hayop ng kanilang napapaslang ay kinukuha nila ang mga balat at mga buto nito upang gawin nitang kasuutan at ang maseselang parte lamang ng kanilang mga katawan ang kanilang itinatago gamit ang kanilang naturang kasuutan. dahil narin sa nakakapasong init ng kanilang kinaroroonan.

sila ang mga lahi ng mga mangangalakal, mga lahing matagal mapagod at matagal mauhaw, mga lahing pinatibay ang mga balat ng sikat ng araw. mga lahing di mag papagapi sa mga nais na sumakop ng kanilang kaharian.