Chapter 4 - chapter 3

sa isang maliit na silid ay nagulat si ana nang biglang bumukas ng malakas ang isang pintuan at doon ay kaagad na pumasok ang kanyang galit na ama matapos nito malaman na kinalaban ni ana ang kanyang mga kawal dahilan ng pag takas ni leo

johen: tunay ngang magiting ka sa larangan ng

pakikipaglaban anak. hindi ko alam kung

pagsisisihan ko na tinuruan kita upang

maging malakas..

ana: wala sa ating kasunduan na papatayin nyo

si leo..??

johen: kaya mo ba sya pinatakas!!

ana: oo ama!!! dahil mahal ko sya!

johen: kahangalan!! (hinawakan sa leeg si ana) sa

sa dinami dami ng mga ta-gong pinang

hahawakan ko bakit ikaw pa na sarili kong

anak ang mag tataksil sa buong zeressa!

ito ang tatandaan mo... walang sinuman

dito sa buong zeressa ang hindi pwedeng

susunod sa akin..dahil kamatayan lamang

ang maaring magantay sa kung sino man

ang hindi marunong susunod sa akin...

kahit sariling anak ko pa!!!!! kahit ikaw ana.

kahit ikaw na dugo at laman ko!! kayang

kaya kitang patayin.

ana: bakit hindi mo gawin ama.. nang pati ang

sarili mong apo ay mamatay na kasama ko

( agad syang binitawan ng kanyang ama)

oo ama!! dinadala ko sa aking sinapupunan

ang anak namin ng lariong iyon.. at ang

mawalay sa kanya ay katumbas narin ng

aking kamatayan( umiiyak)

mula sa mga luhang iyon ay naiwang mag isa si ana sa pinid na silid na iyon.. tanan ang kalungkutan at pangungulila sa kanyang pinakamamahal na si leo.

isang gabi ay bumalikwas si leo mula sa kanyang pagtulog dahil sa isang panaginip

leo: ana!!!!!!!

at mula sa silid na iyon ay pumasok ng marahan ang kanyang ama na si ROA

roa: ana??? sino sya..

leo: madilim.. nasa isang madilim na lugar sya mag

isa at umiiyak.. kailangan nya ko ama..

roa: ang ta-gon na iyon.. hmm..tama ka kailangan

ka nga nya... hindi ka nya minahal kahit kailan

anak dahil kailangan ka lang nya..

leo: di ko maintindihan ang nais nyong ipahatid

ama

roa: malalaman mo rin ang lahat... ang lahat ng

mga maling nagawa mo anak..

mga wika ni roa bago iwan si leo

samantalang may ilang araw nang balisa si haring johen kung kaya napagpasyahan na nitong ipatawag si LACAM mula sa silangan ang isa sa magagaling na manglalahad o mga nilalang na kayang basahin ang nakaraan o ang kinabukasan upang huminge ng edea mula sa mga nangyayari.

mula sa madilim na batong silid ay gumapang ang mga usok sa sahig matapos mamatay ng

pitomput tatlong mga kandila

lacam: sumpa.. nakakakita ako ng isang sumpa...

isang imortal na bata ang isisilang mula sa

dalawang lahi. mula kabundukan at mula sa

mainit na kalupaan. ang nagiisang anak ng

anak ng isang hari na unang anak na

galing pa sa ikatlong lahi ang pagmumulan

ng lahat ng ito. ikaw johen. hindi ba't ikaw

ang unang anak ng iyong ama mula sa

ikatlong saling lahi.