mula doon ay umupo si murong sa harapan ni leo at ipinaliwanag ang lahat.
tahimik na namumuhay noon ang lahat ng mamamyan na naririto.. sila ay nasasakupan ng isang kaharian lamang ang kaharian ARCADIA
ang kahariang na humahawak sa hilaga, timog silangan at kanluran.. ang kaharian na puno ng pagkakumbaba sa lahat ng nasasakupan nito..
ang kahariang pinamumunuhan ni haring ATYAN
malakas, makisig, at napakabait na pinuno si atyan. dahilan kung bakit naging matapat sa kanya ang lahat ng kanyang nasasakupan. ang mga mangangalakal, mga tagabunkal ng lupa, mga nagmimina, mga nagpapanday, mga mandaragat at mula sa pinaka maliit hanggang sa pinaka mataas ng uri ng mamamayan na nasa arcadia lahat sila at pantay pantay lamang sa kaharian ng arcadia..halos tatlong taon palang na pinamumuhuhan ni atyan ang buong arcadia matapos mamatay ang kanyang ama sa pakikipagdigmaan. at mag pasa hanggang ngayon ay mapayapang pinamunmunuhan ni atyan ang buong arcadia.
isang umaga umalingasaw mula sa labas ng arcadia ang nalalapit di umano na paghihimagsik ng sorserang si agara. si agara ang isang rebelding sorsera na na itinakwil ng kanyang mga kasapi dahil sa kasakiman sa kapangyarihan. magaling si agarang gumamit ng itim na salamangka at kaya nitong buhayin ang mga nilalang na namatay na. at mula doon ay inihanda ni atyan ang kanyang mga hanay sa muling digmaang mararanasan ng arcadia..
mula sa mga kanyon nito na nakadungaw na mula sa matataas na pader ng buong arcadia,
ay inihanda rin ni atyan ang kanyang mga hukbo sa bawat sulok ng arcadia. alam ni atyan na na tuso si agara kayat agad nyan pinalikas ang mga mandaragat, mga minero at mangpapanday at pinatungo sa kanluran habang ang mga natira arcadyan naman at dinala niya sa silangan.. nang saganon ay hindi na sila madamay sa paparating na digmaan na dala ni agara.
matapos nga ang dalawang araw.. bago dumilim ang langit ay inihanda na ni atyan ang libolibong kawal na arcadyan mula sa ibabawa hanggang sa ilalim ng buong kaharian.
at mula nga sa lupa ay lumitaw ang mga kawal na namatay na nang nagdaang digmaan na muling nabuhay sa pamamagitan ni agara at doon ay muling nagpatuloy ang alamat ng mga magigiting na arcadyan.
leo:alamat ng mga magigiting na arcadia??
murong: tama ang iyong narinig.. noon paman mula pa sa ama ng ama ni atyan ay wala nang sinong mang nakatalo sa kaharian ng mga arcadia sa kahit anung larangan ng digmaan.. oo't nababawasan at marami ang sasawi sa kanila ngunit bago lumipas ang araw.. ang mga arcadyan ang nananatiling nakatayo hanggang sa huli..
kaya gaanon na lamang ang pag kagalit ni agara ng makita nya kung papaano tinalo ng mga arcadyan ang kanyang mga hukbo at mula sa kanyang likuran ay itinarak ni atyan ang mahiwagang punyal sa kanyang likuran.
ngunit bago pa ma malagutan ng hiningan si agara ay ibinuhos nya ang kanyang sarili upang bitawan ang isang sumpa.