matagal na panahon nang ipinagbawal ng magkabaling panig na hindi na maaari pang magkaroon ng kahit anong katiting na koneksyon o magdaungang palad man lang ang mga ta-gon at mga lario sa di mipaliwanag na dahilan galing pa sa mga salin lahi nito. kaya ganoon na lamang ang layo ng distansyang meron sila. dahil mula pa noon ang sinumang sumuway ng kautusang iyon ay maaaring kitilan ng buhay.
ngunit bakit sa kabila ng kabawalan na magkaroon ng kahit anong koneksyon ang magkabilang panig ay may nabuo paring pag mamahalan mula kila ana at leo. nang minsang iligtas ni leo ang buhay ni ana sa panganip nang subukan syang atakihin ng mabangis na roman sa kagubatan at mula doon ay sumibol ang kanilang pagmamahalan..
matagal na panahon na nilang itinatago ang kanilang pagmamahalan.. maingat silang nagkikita sa mga lugar kung saan nila nais magkita..
ngunit lahat ng bagay ay may hangganan..
lahat ng umpisa ay may dulo. at walang ng lihim ay nabubunyag.
di lingid sa kaalaman ni ana na matagal nang naghihinala sa kanyang mga ikinikilos ang kanyang ama na si johen.kaya may isang araw ay inatasan ng hari ang kanyang mga piling mga kawal na subaybayan si ana at alamin kung anu man ang kinawiwilihan nito. at mula doon at nalaman ng hari ang kataksilang ginagawa ng kanyang anak. kaya agad nya itong ipinatawag.
sinabi ng haring johen kay ana na kausapin nya muli ang lariong iyon at putulin na ang anumang namamagitan sa kanila ni leo. dahil kung hindi niya iyon susundin ay ipapapatay ng kanyang ama si leo. bagay na sinunod ng dalaga.
sa isang kagubatan sa malawak na parang ay agad napansin ni leo ang pagiging tahimik ni ana
leo: may bumabagabag ba sayo aking mahal
(tanong ni leo ngunit di umiik si ana)
ano ang iyong problema aking mahal akoy
naaalal sayo..
ana: noon ang tanging pangarap ko lang ay
magkaroon ng isang itim na kabayo..ngunit
ngayon.... pinapangarap ko na sana habang
akoy nasa piling mo...sanay panghabang
buhay na.. sanay naging normal na mamama
yan nalang tayo ng ating mga nasasakupan
nang sa ganoon ay malaya kong naisisigaw
mula sa burol kung gaano kita kamahal.
sanay hindi nalang tayo nangaling angkan na
kinabibilangan natin ngayon..
leo: anong ibig mo sabihin akong mahal.. hindi
kita maunawaan..hindi bat nangako tayo na
kahit ano man ang mangyari ay hindi natin
bibitawan ang isat isa.. hindi bat nagako....
ana: paano kung hindi ko na iyon magawa paano
kung hindi ko na magawang hawakan ang
mga kamay mo hanggang sa huli..
leo: alam mong mahal kita at nababasa ko sa mga
mata mo na mahal mo rin ako ana..pakiusap
wag mo sanang gawin ang ayaw kong isipin
ana: may mahal na akong iba.. at hindi na ikaw ang
nilalaman ng puso ko
leo: hindi yan totoo nililinlang mo lang ako ana.
ana: ung ang totoo.. pakiusap leo umalis kana..
tinatapos ko na ang lahat lahat ng namamagi
tan sa atin.
at mula doon ay lumabas mula sa mga puno ang mga kawal ng hari at inilabas ang kanilang mga ispada.
ana: anong ibig sabihin nito.. hindi nyo sya
papatayin katulad ng sinabi ng aking ama.
ngunit patuloy parin sa pag lapit ang mga kawal patungo sa kanila. kaya agad nyang pinatakbo si leo habang pinipigilan nito ang mga kawal.
ana: tumakbo kana leo takkkboooooo!!!