Chereads / Hacienda Casteel / Chapter 22 - Chapter 22

Chapter 22 - Chapter 22

Charlotte Monica POV

Mariscal Beach Resort (Little Boracay)

It's three in the afternoon, everyone's ready and excited to be at the beach. Ihahatid kami ng driver with the van. Pinaghanda kami ng mga makakain nila Mama at Tita Claire para sa camping namin. Basta ang paalala lang nila, mag-ingat kami, ayaw lang nila ang mapahamak kami lalo na mga minor lang kami pero may tiwala naman daw sila sa amin. Isa pa, magaling lumangoy ang mga kasama naming mga lalake, si Thirdy at Brian. At syempre pinababantayan kami kay Kuya Roy, sya kasi ang drayber. I mean, marunong sya mag-drive pero hindi sya ang driver talaga.

Nalulungkot na ako, pag-alis nila feeling ko tapos na rin ang summer. Napalapit na ako ng sobra sa kanila. I mean, kami palagi ang magkasama syempre gagaan na loob mo sa kanila. I guess, it's part of growing up.

I invited my best friends too. Erica can come. Chris can come. Jeane can't come. Too bad, nasa Spain pa sya. Pero excited parin ako makita si Erica at Chris.

"Chris!" Papasok pa lang sya sa bahay, well, kilala si Chris dito sa bahay, atin-atin lang madalas tumambay 'yan dito tapos panay kain ng baked cake ni Mama. Pagkalapit nya, niyakap ko agad sya.

"I missed you." Ginulo nya buhok ko. Tinuturing kasi ako nitong little sister nya. Psh.

"Ano ako aso?" Tumawa lang ang loko. Pinasok na nya ang bag nya sa loob ng van. "I missed you, too." Tugon ko pa. But he just smirked.

"Wala pa ba si Erica?" Tanong nya.

"Wala pa eh, darating din iyon.

Halika, may mga ipapakilala ako sayo. Mga kinakapatid ko." Lingon ko sa kanya. Hinila ko sa loob ng bahay si Chris. Nagpahila naman sya. "Nagmeryenda ka na ba? Alam ko paborito mo ang mga bake ni Mama." Andoon lahat sa sala at kusina, kumakain. "Mama, Chris is here!" Masayang sabi ko.

"Good afternoon po, Tita Angel." Tugon ni Chris.

"Chris, come inside, mabuti makakasama ka. And get your own plate, there." Lumapit sya kay Mama at humalik sa pisngi nito. Si Chris, halos dito na 'yan nakatira sa bahay kaya hindi na bago kay Mama o Papa at Lolo na palagi tambay 'yan dito. Kung anong meron sa ref o table kinakain nyan. Tumungo sya doon sa dulo ng mesa para kumuha ng plate at kutsara. Nag-slice ng cake at kumain.

"Teka, dyan ka lang, parang si Erica na iyong naririnig ko sa labas. Just eat there. Puntahan ko lang." Tumango lang sya. Paano, puno ang bibig ng cake. Hindi na makapagsalita. Patay-gutom yan kapag nandito sa bahay. Haha. Nadaanan ko sa sala sila, Brian, Angelique, Enrique at Thirdy. While I was passing nakita ko ang mga titig ni Thirdy sa akin. What's up with that? Pero 'di ko na pinansin pa. Lumabas na ako para pagbuksan ng gate si Erica. "Erica!" Agad ko syang niyakap. "Kumusta ang byahe?"

"I'm so good. I missed you, Charl." Naglalakad na kami papasok sa loob ng bahay.

"And I missed you, too." Huminto kami para magyakapan ulit. "Nandyan na si Chris, patay-gutom na naman."

"Sinong patay-gutom?" Pagkakita nya sa akin sa bungad ng pinto, naglakad agad sya patungo sa amin para batiin ng bagong dating.

"Opps, narinig nya pala." Bulong ko kay Erica habang nasa tapat ng bibig ko ang aking kamay. Sabay kaming humagikhik.

"Kayong dalawa ha!" Niyakap nya si Erica at humalik sa pisngi nito.

"Nga pala, halika kayo, ipapakilala ko kayo sa mga kinakapatid ko. Una ko tinuro si Angelique. "That pretty one there, is Angelique." Ngumiti naman ng malapad. "That is Brian. Ang katabi nya." Sunod na pinakilala ko si Enrique. Nag-hello din ito. Ang huli si Thirdy, na tumayo pa talaga para lumapit sa amin. "Thirdy, this is Erica and Chris." Ni-ngitian naman nya si Erica. Tapos nakipag-handshake kay Chris.

"Erica!" Pagkakita ni Mama sa kanya na galing sa kusina.

Lumapit naman si Erica kay Mama. "Tita Angela, hello po. Kumusta?" Sabay beso-beso pa nya.

"I'm good, dear, kumain ka na ba? Kasi si Chris kanina pa kumakain ng cake." Tinignan ni Mama si Chris gamit lang ang mga mata nito.

"Tita Angel naman." Natawa na lang kaming lahat. Kinamot naman nya ulo nya. Haha.

Hindi naman kalayuan ang resort sa bahay, siguro dalawang kilometro lang. Pero dahil pagabi naman na, hindi na masyadong maraming sasakyan. Pero lib-lib din ang daan papunta doon. Madilim.

"Kuya Roy, ingat po sa pagmamaneho." Sabi ko pa kasi, madilim na nga.

"Naku, Charl, wag kang mag-alala, kabisado ko ang daan natin." Oo kabisado nya talaga, malapit lang kasi ang bahay ni Kuya Roy sa beach resort.

Nasa ikalawang row ako nakaupo, napaggigitnaan ako ni Angelique at Erica. Si Erica nasa tapat ng pinto, si Angelique ang nasa may bintana naman. Sa likod namin magkakatabi naman si Thirdy, Brian at Enrique. Katabi naman ni Kuya Roy na syang driver, si Chris. Magkakilala naman sila. Kasi nga 'di ba tambay 'yang si Chris sa bahay namin. Lol.

Mukhang nagkasundo si Angelique at Erica parehas kasi nilang crush si Cha Eun Woo, iyon bang male lead character sa My ID is Gangnam Beauty. Kinikilig ng sobra. Haha.

"Hello, invisible na ba ako?" Kumaway-kaway pa ako sa kanilang dalawa.

"Sus, ikaw kasi hindi mo crush si Eun Woo kaya 'di ka makasakay sa kwentuhan namin." Sabi pa ni Erica.

"It's because she has a crush already." Sumabat bigla 'tong si Thirdy. Actually, kanina pa sya walang imik, ngayon lang nagsalita.

"Ha? Talaga, Thirdy?" Tanong ni Angelique sa kanya. Lumingon kaming tatlo sa kanya. Naghihintay ng isasagot nya.

"I guess so." Sabi nya iyon pero hindi naman nakatingin sa amin.

"What? You're making up a story! That's not true. Oh my gosh! Don't believe what Thirdy said." Depensa ko sa sarili ko. Anong ibig sabihin ng sinasabi ng isang 'to. Nakakaloko kasi tumawa lang sya. Weird nya. Kanina tahimik ngayon kung ano-anong sinabi.

Then he said, "I'm just kidding." Iyong may sarcasm ang pagbitaw ng sinabi nya.

"Thirdy!" Saway ko sa kanya. Ang kulit!

"What? I said, I was just kidding."

"Don't play innocence there." Warning ko sa kanya. Kainis! Nang-iinis 'tong isang 'to.

Panay tawa lang nilang lahat. Hmp. Ayon hindi na ma-drawing ang itsura ko. Tumahimik na lang ako. Panay titig sa akin ni Thirdy kahit nakatalikod na ako, ramdam na ramdam ko eh. Bakit ba kasi gumawa pa sya ng kwento? Napikon ba ako? Wala naman akong ginawang mali sa kanya 'di ba? Napapaisip na tuloy ako. Tsk.

To be continued..

📝 Jannmr