Chereads / CAUGHT IN HIS TRAP / Chapter 27 - Sore

Chapter 27 - Sore

Chapter 26. Sore

ALAS sinco ng hapon ang press conference, live at ekslusibong ipapalabas iyon sa network ng VBS, maging sa online streaming. Nagpaganda nang husto si Heizen para hindi siya lait-laitin ng mga manonood. She wore high heels, a white fitted slacks, black tube and a white corporate blazer. She also tied her hair into a bun and put light but full make-up coverage.

Nasabi na niya sa mga press na hintayin munang matapos ang mga sasabihin niya bago magtanong ang mga ito.

"Almost six years ago, I stumbled down. You all know about that issue wherein the Salazar Princess became a Pauper, right?" A silent pause. "A week before my eighteenth birthday, I lived at the orphanage. I was bullied, was violated and almost got raped." Pumiyok siya. "I was so determined to leave the orphanage once I turned eighteen. Binalak kong magtrabaho kahit saan para lamang makalayo roon."

Katahimikan ang namayani sa conference hall. Dahil kakaunti lamang silang nandoon ay pag-click lang ng camera ang maririnig.

"Then he came into the picture. He went to me and told me I should marry him because he'd provide everything... that he wouldn't let me live as a pauper." Napalunok siya. "Of course I didn't want to. Pero sa napaikling pagkakataong nakasama ko siya noong kumain kami ng dinner nang kaarawan kong iyon, napagtanto kong nahulog na ako sa patibong niya. I said yes but eventually he responded that it was just April Fools."

Nagsinghapan ang mga tao.

"I was surprised, I felt really fooled. I kept on thinking, 'Is there April Fools in the middle of April?'"

Natigilan ang mga ito.

"Pinalagpas ko. Siguro kasi, ayaw kong paniwalaan na biro lang ang lahat, na umaasa ako na ang umusbong kong damdamin ay matugunan. But he became colder for some reason. And because of that misunderstanding, we almost drifted apart."

Napapikit siya para pigilan ang pagluha.

"I kept my secret. And now, I will tell all of you— I am a dela Costa. Hindi ko sinasabi ito para sirain ang mga dela Costa. In fact, they were the one who urged me to tell the whole world that they are my family. My older brother, Rexton, will answer to your questions later." Umuwi si Rexton kinabukasan matapos kumalat ang video at ito rin ang nagdesisyong huwag siyang lalabas ng mansiyon. She was fully guarded, too. Maging ang presscon na ito ay kinailangan noya ang pagpayag nito bago natuloy.

Bulung-bulungan ang namayani sa silid at tumahimik din kalaunan.

"But I will remain a Salazar. I grew up a Salazar so I will keep this name until I get married. Kung nasaan man sina Daddy at Mommy ngayon, alam kong napasaya ko sila sa desisyon ko. Mahal na mahal ko sila't aaminin kong ilang taon kong hindi natanggap ang biglaang pagkawala nila."

Napahikbi siya nang maalalang pati ang pagsunog sa mga katawan nito ay planado ni Fina at ng mga kasabwat ng babae. Pinalabas ng mga halang sa bituka na lumubog ang barkong sinakyan ng kanyang mga magulang. The staffs inside the cruise were all accomplices.

Inabutan siya ng tissue ni Nona at nagpasalamat siya.

"And as for the previous issue, I didn't use my body to get back on my feet. Hindi totoong binayaran ako para bigyan siya ng panandaliang-aliw. I don't like that panandalian lang. I want forever with him. So you see... I really, really love Prince Alexander. Kaya sana'y tantanan na kami ng issue na ginamit o siya't ginamit niya ang katawan ko. I—" Napahikbi ulit siya dahil naalala ang mga nabasang comments and news tungkol sa kanila.

Nagpupunas siya ng luha nang umingay sa loob ng conference room. Nag-angat siya ng tingin at nakitang nakatayo si Ali sa may pintuan at mabilis na lumapit sa kanya.

"Heize, why didn't you tell me about this?" marahang bulong nito habang pinupunasan ang mga luha niya sa pisngi gamit ang likod ng palad nito.

"D-Doon ka muna. We're in the middle—"

"Uuwi na tayo," sansala nito. Hindi niya ito kinausap sa loob ng tatlong araw at mas lalong hindi pinaalam ng press conference. Kaya nagtataka siya kung bakit nandoon ito, hindi ba't abala ito sa Amerika? Napalingon siya kay Rexton at nakangisi lamang ito sa kanya.

Umiling siya. "I can't go home yet I'll tell them that I will marry you."

"Baby, if it's because of that damn video, it's fine. Don't be too pressured. I can wait until you're ready."

Napakagat-labi siya't humarap sa media.

"Ali is my fiancé. Mahigit isang taon na kaming engaged. I just didn't marry him yet because I wanted to—"

Natigil siya sa pagsasalita nang biglang hinuli ni Ali ang baba niya, bahagyang pinihit ang katawan niya paharap dito at kintalan siya ng halik sa labi. Agad na nawala siya sa sarili at natagpuan ang sariling sinasagot ang mga halik nito. He missed him so much!

"Oh, man! They look so in love!"

Natauhan siya at bahagyang humiwalay kay Ali.

"Pack-up na tayo. We already got the truth. Thank you, Ms. Salazar," baling sa kanya ng isa sa mga staffs.

Nakakatuwang nagsilabasan lang ang mga ito at iniwan sila sa loob ng press conference. Hindi na nag-abalang ayusin ang mga gamit.

Saglit na natahimik siya habang nakayakap pa rin kay Ali.

"Heizen, can you tell those words only to me?"

"Ang alin?" takang-tanong niya.

"I've been waiting for you... I only thought you liked me... That you're only lusting over my body."

Nangunot ang noo niya at nang makuha ang gusto nitong sabihin ay unti-unting siyang ngumiti.

"Hmm... my princess... huwag mo akong daanin sa maganda mong ngiti."

She smirked. "Didn't I say those words before?"

"Well, you were so—"

"Hey!" Tinampal niya ang braso nito. Akala yata nito'y nagde-deliryo lamang siya sa makamundong sensasyon habang pinaliligaya nito.

He pouted and looked really adorable. "You can't blame me. You told me almost a year ago that you'll marry me... When was that again? On Monday? Goddammit..." Hindi makapaniwalang ngumisi ito. "I just realized there's a lot of Mondays."

Hindi niya napigilang matawa. "Sorry naman... Totoo na talaga ito. Magpapakasal na tayo sa Lunes," she joked about the day.

"It's Monday today, baby." Ngumisi ito.

"Tara na agad. Magpakasal na tayo."

"I can't wait for our honeymoon... You'd be so sore that you won't be able to walk for days," tila naliliyong bulong nito habang palapit nang palapit ang mukha nila sa isa't isa.

Sabay silang nagulat nang bumukas ang pinto at naghiyawan ang mga taong nadoon sa loob kanina. Nalilitong bumaling siya sa mga ito.

"Pack-up na talaga," anang isa.

Nagulat siya nang magsalita ang isang media staff sa tapat ng isa sa mga mararaming camera. Hindi niya maintindihan ang sinabi nito. Basta nakuha na lang niya na naka-live pa rin sila at na-record ang lahat.

Damn, mabuti na lang pala at hindi niya dinakma ang pagkalalaki ni Ali. Kanina pa niya nararamdaman ang katigasan nito.

Nang bumaling siya rito ay pulang-pula rin ang mukha nito, mukhang hindi inaasahan na may mga camera pang nagro-roll, o baka masyado nang nasanay sa harap ng camera kaya hindi na namamalayan kung mayroon pa bang camera o wala.

Gustung-gusto nang umalis ni Ali pero hinayaan muna nilang umalis ang lahat. Medyo natagalan dahil halos lahat ay bumati pa muna sa kanila bago umalis.

"Muntik nang matuloy iyong video scandal natin, ah?" Nagawa niya pang magbiro, namula na naman ang tainga ng lalaki.

"I'd be so sore that I won't be able to walk for days, huh?" She smirked. "Tara na nga habang nakakalakad pa ako."

Napatili siya nang buhatin siya nito at dinala sa kanyang opisina. She's occupying the whole floor and no one was standing in the hallway. Pagdating sa opisina niya ay napakislot siya nang nandoon ang mga magulang ni Ali at mabilis siyang bumaba mula sa pagkakabuhat nito.

His mom was grinning widely while his dad was serious, with a faint smile on his lips. There's also a man in his fifties who's with them.

"Sorry, anak, nag-office raid na kami. Ang sabi kasi ng Papa mo ay dumiretso kami rito para i-officiate ang kasal ninyo."

"Siya nga pala si Judge Centeno," pakilala ng ama ni Ali.

Kinikilig na napangiti siya nang makuha ang nais mangyari ng mga magulang ni Ali. Sigurista ang mga ito kaya nagdala na ng judge para matuloy na ang kasal nila. And she's so sure there'd be a church wedding soon, too. Pangarap yata ni Ali ang makasal sa simbahan! Well, it's her greatest dream, too. Pero kahit sa ano'ng paraan pa, basta maikasal na siya kay Ali, ay perpekto na para sa kanya.

Mabilis lamang ang seremonya. Nagsilbing witnesses sina Nona at ang isang media staff ng VBS.

Ah, she never really liked Mondays but now, she'd love Mondays for the rest of her life.