Chereads / CAUGHT IN HIS TRAP / Chapter 2 - Pauper

Chapter 2 - Pauper

Chapter 1. Pauper

"THE Salazar Princess is now a Pauper."

Hindi magkamayaw ang mga reporters na naghihintay sa labas ng ekswelahang pinapasukan ni Heizen. It was her High School Graduation, then the news broke out. Mabuti na lamang at maganda ang security sa Gonzalez High School kung saan siya nag-aaral, kung hindi ay marami nang nakapasok na mga press sa loob ng campus.

Ang problema niya ngayon ay kung paano malulutasan ang mga media lalo pa't pauwi na sila. Sa Function Hall kasi ng campus ginanap ang graduation nila.

She's an only child, was just seventeen and people couldn't expect she could expertly handle their failing company, right?

Kalahating taon na ang nakalipas nang lumubog ang barkong sinasakyan ng kanyang mga magulang para i-celebrate ang 50th wedding anniversary ng mga ito sa pamamagitan ng cruising. Balak na mag-cruise ng mga ito sa European countries subalit isang araw pa lang ay dumagundong na ang balitang nasunog ang barko at lumubog. She never believed they really died just because they only found two burnt bodies having the same wedding ring worn on their ring fingers.

"Paano akong maniniwala gayong sunug na sunog ang mga bangkay? Hindi iyon ang mga magulang ko," she murmured, remembering the unfortunate incident.

But the authorities released that they're dead by the claim of her auntie.

Ampon siya ng mga Salazar pero namuhay bilang isang tunay na Salazar. People envied her for having the one of the richest families in the nation. She was really pampered and everything she wanted to do was supported by her parents.

After the tragedy, she couldn't focused on her studies. Napilitan siyang pumasok sa kumpanya sa mga naunang dalawang buwan. She always listened to their lawyer and her aunt's secretary. Kung may dapat i-approve o kung anumang nangangailangan ng pirma niya, ay tinanong niya muna sa lawyer bago niya pirmahan.

She still continued to study. Her school was very considerate because they gave her a choice to home school, but in the end, she chose to go to school and left the company decisions to the board of directors.

She honestly never knew something related about business. She was very vocal that she wanted to take Fine Arts and her parents agreed. She already took the college exams in the University she desired.

Pero mukhang malabo na ang lahat ngayon dahil hindi na siya mamumuhay na parang isang prinsesa. Salazar Group of Companies was already falling. At ayon sa tita niya wala nang makakaahon niyon.

She couldn't believe that in just span of six months, she failed everything.

"Heizen, sumabay ka na sa amin," ang kasamahan niya sa pagiging varsity player sa Volleyball iyon, si Eri.

She politely declined. Paniguradong kukuyugin si Eri kapag nakita siyang kasama nito.

She stayed inside the Function Hall for about two hours. Maraming nagtangkang ihatid siya, lahat ay tinanggihan niya. Kung alam lang niya na sa mismong araw na iyon lalabas ang balita, hindi na sana siya um-attend ng Graduation Rites.

Umiling siya. Gusto ni Mommy at ni Daddy na makaakyat ako sa entablado kapag nagtapos ako...

"Hija, are you alright?"

Napaangat siya ng tingin sa nagsalita. Kung hindi siya nagkakamali ay ito ang Guest Speaker nila. The successful cardiologist, Dra. Alana Quijano was an alumni of the school.

"Isasabay ka na na namin, parating na rin naman ang sundo ko."

Hindi niya alam kung paanong pumayag siya at napaiyak na lamang sa harap ng ginang.

Halos kalahating minuto na ang nakalipas nang dumating ang sundo nito. Sinisinuk-sinok pa siya nang mag-angat ng tingin sa binatang lumapit sa kanila.

Tumuwid siya ng upo at pasimpleng pinunasan ang luha gamit ang likod ng kanyang palad. She could still feel his critical gazes towards her. Nag-angat siya ng tingin at sa pakiwari niya ay nakita niya ang pinakamagandang pares ng mga mata sa buhay niya. She felt serene staring into his brown eyes. Bago pa niya masipat nang husto ang bagong dating ay bumaling ulit ito sa ginang.

"Ali, buy a bottled water for her. We will wait for you in the car," agad na utos ni doktora rito. Agad itong tumalima.

Ang sasakyan ay naka-park sa tapat lang ng Function Hall at hindi iyon makikita sa labas mg campus kaya kung sasakay siya roon ay walang makakakita sa mga press na naghihintay sa labas. She was so glad when she entered the heavily tinted car.

Ilang minuto pa ay dumating ang binata.

"'Ma, hindi ko po alam ang bilihan dito. Palagay ko, sa kabilang building pa," pagbibigay-alam nito sa ginang.

Napakurap-kurap siya. "'Ma?" takang-tanong niya.

"I have my tumbler here, ito na lang ang inumin mo," he added when he finally went in and sat on the driver's seat. Kung ganoon, ito ang anak at ang magmamaneho sa mamahaling sasakyan. She honestly thought he was Dra. Quijano's driver.

Agad naman siyang tumalima at uminom sa tumbler nito. She felt refreshed because the water was still cold.

"Siya nga pala, ano'ng pangalan mo?" tanong ni doktora.

Napatitig siya sa rear view mirror at nang magtama ang paningin nila ng nagmamaneho nang si Ali ay umiwas siya ng tingin.

"Heizen po," halos pabulong na sagot niya. "Heizen Salazar."

"You are that Salazar Princess?!" Natutop ng doktora ang bibig. Obviously, she's famous not only in the business world right now.

Tabingi siyang ngumiti.

"I hope you're fine, hija. Alam kong hindi biro ang pinagdaraanan mo."

Napayuko ako at kumuyom ang mga palad kong nakapatong sa aking hita. Hindi ko namalayang sunud-sunod nang pumatak ang aking luha.

"Oh my god! Ali, pakiabot ang tissue."

"I'm sorry... P-Pakibaba na lang po ako riyan, mag-t-ta-taxi na lang po ako," aniya sa pagitan ng paghikbi.

"No. I can not allow you to go home. Narining kong pinalayas ka ng Tita mo..."

Napahagulgol siya sa narinig. She was never close to her Tita Fina. Bata pa lang siya ay ramdam na niya ang pagkadigusto nito sa kanya, nagiging mabait lang kapag nakaharap sila sa mga magulang. Pero hindi kailanman siya nagsumbong dahil naniniwala siyang magiging malapit din sila kalaunan. Pero hindi iyon nangyari.

Hindi nalalayo ang edad nilang dalawa. She's seventeen, turning eighteen in a week, and her aunt's nineteen. Ito na rin ang kasalukuyang humahawak sa papalubog na kumpanya.

Pinalalayas siya nito dahil sinisisi siya sa pagkamatay ng kanyang mga magulang. Sinisisi siya nito sa pagbagsak ng kumpanya. Higit sa lahat ay sinisisi siya nitong nabuhay pa siya sa mundong ibabaw. Na sana ay hindi na lang siya inampon. Na wala siyang karapatang tumira sa mansyon dahil hindi naman siya tunay na Salazar.

"'Ma," awat ng nagmamaneho sa sasakyan. Mukhang sinasabi nitong huwag magkialam ang nakatatanda sa problema niya.

"But son! I know her parents. They were good friends of mine during high school."

"Ayos lang po ako." Pilit na pinatahan ang sarili. "Sa bahay-ampunan po ako titira."

Siguro'y tadhana niya talaga ang tumira sa isang orphanage. After all, she was once an orphan.

"Aampunin kita. You will be part of our fami—"

Malakas na preno ang nagpatigil sa sinasabi ng ginang. Halos masubsob din sila kung hindi lang napakapit sa sandalan ng upuan.

"Ali, be careful!"

"'Ma! I won't allow you to adopt her!" Dumagundong ang boses ni Ali sa loob ng sasakyan.

Napasinghap siya at nasasaktang tumingin sa lalaki. Punung-puno ng pagtutol ang nasa mga mata nito. Pagkuwa'y dumiretso ang tingin sa daan at nagsimula nang magmaneho.

Bahagya pa siya nitong sinulyapan sa rear view mirror at may kung anong emosyong nagdaan sa mga mga nito na agad ding nawala nang bumaling ulit ito sa daan.

"Pagpasensyahan mo na ang anak ko, Heize— Can I call you 'Heize'?"

Napapikit siya ng mariin, naisip niya ang kanyang ina.

"Heize, anak, pinagtimpla kita ng gatas."

"Heize, ano'ng gusto mong ulam?"

"Dalaga ka na, Heize. May crush ka na siguro, 'no?"

Napabuntong-hininga siya at tumango, pagkuwa'y pinili na lamang tumahimik sa buong durasyon ng biyahe.