Chereads / The Ideal Man / Chapter 28 - Chapter 28: Expecting For Nothing

Chapter 28 - Chapter 28: Expecting For Nothing

"Ma, magkano po ba ang babayaran sa exam ni Kuya? Ito po ang walang libo, yung subra po niyan itabi niyo na po, para pambili niyo ng bitamina. "Huwag niyo ng tanggihan po ito,may pang enroll na po ako. Kaya ito para sa inyo. At wag kanang bumali sa pinagtatrabahuan mo Pa. "Sabay abot ni Jeanlie sa kanyang Ina ang pera na kinuha niya galing kwarto. "Anak subra na yung ginawa mo sa pamilyang to. Apat na libo lang naman ang kailangan ng kuya mo. Pero salamat anak ha. Nauubusan na din kasi kami ng gamot ng Papa mo, kaya malaking tulong to. "Masayang sambit ni Aling Nina sa anak. "Wala yun Ma, basta ang importante makapagtapos na si Kuya, para naman makapagpahinga na si Papa sa pag kakarpentero.At sabihan mo lang po ako kung wala na kayong gamot,para mabigyan ko po kayo ng pera para pambili po."Tugon naman ni Jeanlie habang nakabalik na sa inuupuan at pinagpatuloy ang kanyang pagkain. Tinapik na lamang si Jeanlie ng Ama, bilang tugon sa pasasalamat nito. Maya-maya ay may nagbobosena na sa labas ng bahay nila, kung kaya ay mabilis na tumayo si Jeanlie sa inuupuan at tinawag si Nathalie na hanggang ngayon ay nasa kwarto parin. "Besh halika na, sigurado ako na si Sir Jethro na yung nagbobosena sa labas, nakakahiya kung pag antayin pa natin siya."Pasigaw na tawag ni Jeanlie sa kaibigan. Nagmamadali na din itong bumaba. Biglang kinakabahan si Jeanlie at napuno ng excitement ang puso niya, kasi susunduin siya si nI Sir Jethro niya. Feeling tuloy niya na para siyang prinsesa na sinusundo ng kanyang prinsipe. Kung kaya ay nagpaalam na sila sa mga magulang niya na aalis na sila. At sinundan nalang sila ng tingin ng mga ito habang sila ay papalabas."Ang swerte talaga natin sa anak natin Nin nuh? Subrang matulungin at maaalahanin sa mga magulang,Bata pa lang eh pamilya na ang inaatupag niya, hindi na niya na enjoy ang pagkadalaga niya, dahil wala siyang ibang gawin kundi maghanap ng paraan para makatulong sa ating pamilya.Madamdaming tugon ni Mang Ben sa asawa niyang si Aling Nina, habang pinapanuod ang kanilang anak at ang kaibigan nito na papaalis na.Nagulat nalang sila na yung driver ang bumaba at nagbukas sa kanila ng pinto.Nakasanayan na kasi ni Jeanlie na si Jethro ang magbubukas ng pinto sa tuwing sasakay siya sa kotse nito. Agad naman silang pumasok at nagtanung sa driver. "Kuya nasaan po si Sir Jethro? "Tanung ni Jeanlie sa driver. "Ay, may biglaan po kasi siyang bisita kanina sa condo niya Maa'm yung dating model din ng Montenegro. Kung kaya ay ako nalang ang pinapakuha sa inyo ni Sir ngayon. "Sagot ng driver sa kanya ng nagsisimula na itong nagmamaneho. Biglang madismaya si Jeanlie sa narinig. Napalitan ng lungkot ang masayang mukha niya ng papalapit sila sa sasakyan kanina,dahil akala niya, na si Jethro ang kukuha sa kanila. Dahil nagpresenta kasi ito, na ito na ang susundo sa kanya. Dinalaw nga lang ng ex-girlfriend niya eh, nakalimutan na ang pangako nito sa kanya.

****

Limang minuto nalang ang natitira bago magsimula na ang event, pero wala pa rin si Jethro, kung kaya ay tinawag si Feisha ng mga magulang ni Jethro , para utusan itong tawagan na ang binata, dahil ito pa naman ang mag opening remarks sa program ngayon. Agad namang kinuha ni Feisha ang kanyang cellphone sa bulsa nito ,para tawagan na si Jethro.Di palang paipindot ni Feisha ang numero ni Jethro, ay agad na itong sumulpot sa kanilang harapan na pawang hinahabol ang hininga nito sa kakamadali. Nakita ni Jeanlie ang ama ni Jethro na masama ang tingin nito sa binata. Nagalit na din siguro ito dahil muntik ng malate si Jethro sa program. Agad namang kinuha ni Jethro ang panyo sa kanyang bulsa, at pinupunasan ang pawis nito sa mukha.At agad na itong lumapit sa mga magulang nito para bumati.

Sa kalagitnaan ng seremonyas ay madaming humahanga sa simpleng ganda na taglay ni Jeanlie. Lalo na pag kumawala siya ng malaking ngiti sa mga tao ,nung pinakilala siya ni Jethro sa mga tao bilang bagong ambassadress ng kompanya.Agad naman itong ngumiti si Jethro sa kanya, pero kunwari ay wala daw siyang nakikita. Sa tuwing subukan ni Jethro na lumapit sa kanya ay, umiiwas siya nito, at kunwari ay abala siyang nakikipaghalobilo sa mga bisita. Nang matapos na ang exposure ni Jeanlie sa event ay nagmamadali na itong lumabas sa venue, hinila niya si Nathalie na subrang abala sa kausap nitong tisoy. Sa gulat ni Nathalie sa pagkahila niya ay wala nalang siyang nagawa kundi ay nagpaalam nalang siya bigla sa kanyang kausap.

****

"Oh my god besh! Ano bang nangyari? bakit ba subrang nagmamadali ka? Para ka namang hinabol ng multo. "Sunod-sunod na tanung ni Nathalie kay Jeanlie habang minadaling tinatahak ang labasan. "Basta! sumunod ka nalang kasi. "Sabay hila pa niya kay Nathalie.Taxi na ang kinuha nilang sasakyan dahil sa walang jeep ang bumabyahe sa lugar na yun. "Oh alam ko na bakit ka nagmamadali. Hmmmm. Dahil ba nagtampo ka, kasi hindi si Sir Jethro ang sumundo sa atin kanina? Paalala ko ulit sayo besh, wala kang karapatang mag ganyan kasi walang kayo. "Pataray na sabi ni Nathalie kay Jeanlie habang nakasakay na sila ng taxi. "Gusto ko na siyang iwasan besh. Ayoko na kasi sa nararamdaman ko para sa kanya. Kaya kung may pagkakataon na umiwas ako, iiwas talaga ako. "Palungkot naman na sagot ni Jeanlie kay Nathalie. "Tama lang yang ginawa mo besh! Focus nalang muna tayo para sa future natin. "Sabay yakap ni Nathalie sa malungkot na kaibigan.

****

"Oh anak! napaaga ata ang uwi niyo? Akala ko eh gabihin pa kayo? "Sambit ni Aling Nina sa anak, na sinalubong ito galing sa labas. "Ay akala ko nga din Tita, may banda pa naman don! Nag iinarte din kasi yang anak niyo po.! "Si Nathalie na ang sumagot sa tanung ng ina para kay Jeanlie. "Pagod lang kasi ako, at may trabaho pa bukas. "Patamlay na sagit ni Jeanlie, habang kinukuha ang kamay ng Ina para magmano. "Kumain muna kayo, nagluto ako ng ginatang manok, at nagpreto ako ng tuyo. "Yaya ni Aling Nina sa dalawa. "Wow! sarap niyan Tita ah, teka lang po hubarin ko lang tong suot ko, para makabanat ako ng kain, di kasi ako masyadong nakakain kanina, dahil baka lulubo ang tiyan ko sa busog. "Bulalas ni Nathalie habang tumatakbo papunta sa kwarto nila ni Jeanlie upang magpalit ng damit.