Chereads / The Ideal Man / Chapter 29 - Chapter 29: Condo

Chapter 29 - Chapter 29: Condo

"Hi hon, going to somewhere? "Tanung ni Mariz na nakasandal sa bubong sa labas ng condo ni Jethro. "Oh hi hon. Nakakagulat ka naman. What are you doing here? Pupunta ako sa launch ng bagong barko ng kompanya ngayon. "Paagap na sagot naman ni Jethro kay Maris dahil parang nakainum ito. At subra siyang nagulat sa biglang pagsulpot ng nobya."Pwede mo bang ibigay sa akin ang ilang minuto mo?I missed you hon. "Sagot naman ni Mariz habang nakayakap na ito sa matipunong katawan ni Jethro. "Ang bango at macho mo parin hon, nakikiliti parin ako pag niyayakap kita, parang gusto kitang hubaran. "Palanding sambit ni Mariz, na tinulak ang binata papasok ng condo, Kaya walang nagawa si Jethro kundi niyakap nalang ang nobya, at hinayaan nalang niya ang ginagawa nito sa kanya. Talagang namiss nila ang isa't- isa dahil halos hindi sila makahinga sa subrang higpit ng kanilang pag-kakayakap. "Hon you missed this?. "Patayong tanung ni Mariz na nakaharap sa nakaupong si Jethro sa gilid ng kama nito, habang hinuhubad pa isa-isa ang mga saplot ng kanyang katawan. Kung kaya ay bigla nalang siya hinablot payakap ni Jethro, at minadaling hinubad din nito ang kanyang damit.Nangyari na ang kinaasam-asam ni Jethro na galing kay Mariz,Ang araw na palagi niyang hinihintay ang makasama at makapiling ang nobya.

****

Pahingal na kumawala sila sa isa't-isa. "Gosh hon! You still the same. "Pakagat labing sambit ni Mariz kay Jethro, habang nakaupo na ito sa kama. "Namiss kasi kita subra hon. Kailangan ko pang sunduin si Jeanlie ngayon sa kanila, kasi nakapag promise ako ,na ako ang susundo sa kanila para papunta sa event. "Sambit ni Jethro na biglang naalala ang kanyang pangako kay Jeanlie ,na siya ang susundo nito. "Ipasundo mo nalang sa driver mo hon!I'm sure na napagod ka sa ginawa natin kanina eh.At kailan ka pa naging driver ng mga model mo?Hay nako,di ko nalang yan bigyan ng kahulugan, kasi alam ko naman na ako at ako lang ang mahal mo.dba hon?"Palanding tugon ni Mariz kay Jethro, habang nilalaro ang kamay nito sa dibdib ng binata. Pinisil nalang niya ang magkabilang pisngi ng nobya,at tumayo na si Jethro para kunin ang kanyang cellphone at agad na tinawagan ang kanyang driver, para ito na ang susundo kay Jeanlie. Pagkatapos niya matawagan ang driver, eh nakita niyang nagmamadaling nagbibihis na ang nobya. "Are you leaving? "Tanung niya rito, habang nakatayo siya sa harapan nito na nakaupo at nagsusuot na ng sapatos. "Yes hon, I need to go, baka malaman pa ng P. A ko na umalis ako don, at isa pa pupunta ka pa sa launch ngayon diba? Magbihis kana baka ma late ka.Alis na ako hon. Bye. "Nagmamadaling paalam ni Mariz sa kanya, at hinalikan na siya sa kanyang labi, at dumeretso ng lumabas. Pabagsak na napaupo si Jethro sa kanyang kama. Naiwan siya na may tanung sa kanyang isipan.At nalilito na rin siya. Gusto pa ba niya ang ganitong set-up nila ni Mariz? Parang mga bayaran lang sila, na pagkatapos gamitin ang isa't- isa ay aalis na ito kaagad. Doon na niya nalaman na, hindi na siya masaya sa ganoong set-up nila ni Mariz. Nagpakawala nalang siya ng malaking hininga, at nahagilap sa kanyang mga mata na isang oras nalang ang natitira ay magsisimula na ang event nila, siya pa naman ang opening remarks sa program nila. Kung kaya ay nagmadali na siyang nagbihis. Pagtingin niya sa kanyng cellphone ay nakailang tawag na pala ang kanyang Mommy, kung kaya ay kinabahan na siya, at tiyak na pagagalitan na naman siya ng kanyang daddy na subrang strekto sa oras. Kung kaya ay tinawagan na niya ang kanyang driver na magpasundo nalang siya dito sa condo niya. Pagtapos niyang tawagan ito, ay pinagpatuloy na niya ang kanyang pagbibihis.

*****

Siya na ang nagdrive para mapabilis ang pagdating nila sa venue, Sa kamalasan ay natraffic pa sila. Nang mag green na ang light, na senyales na pwede na silang magpatakbo ng sasakyan, ay may biglang humarorot na sasakyan sa tabi ng kanyang sasakyan, kung kaya ay napatingin siya dito, nabigla siya na parang si Mariz ang nasa likuran ng kotse na may katabing lalaki.Hindi niya masyado maaninag ,dahil natakpan ito sa lalaki na katabi.Para kasing magkapareho sa suot na damit ni Mariz kanina ang suot na damit ng babae na nasa loob ng kotse.Pero imposibleng si Maris yun kasi kanina pa ito nakaalis sa condo niya. Baka nagmalik mata lang siya. Kung kaya ay napailing nalang siya at nagsimula ng magmaneho papunta sa venue. Habang nagmamaneho siya ay tinanung niya ang driver, kung nakuha na ba nito sila Jeanlie, at sinabi ng driver na kanina pa niya naihatid sa venue ang dalaga at ang kaibigan nito.

Nakarating na sila sa venue at agad na siyang pumasok, agad niyang pinuntahan ang mga magulang niya ,na alam niyang kanina pa itong naghihintay sa kanya.At akma na sana siyang papunta sa gawi ni Jeanlie na nakatalikod, ay agad naman siyang tinawag ng Emcee, na papuntahin na siya sa harapan ng stage, para e welcome na ang mga tao.Habang pinapakilala niya si Jeanlie sa publiko bilang bagong ambassadress ng kanilang kompanya, ay napahanga siya sa ganda ng dalaga sa mga oras na iyon. Parang proffessional model na ito. Kung kaya ay dinumog si Jeanlie ng mga reporters at mga partners nila sa kompanya. Nang matapos na ang program ay, gusto sana niyang lapitan ang dalaga para manghingi ng pasensya, na hindi siya ang sumundo dito, pero sa tuwing lalapit siya ay may bigla na namang lalapit kay Mariz, kung kaya ay napaatras nalang siya, at habang hinihintay na mabakante si Jeanlie, ay may mga kausap naman si Jethro na mga partners nila sa kompanya. Naging abala si Jethro, kung kaya ay hindi na niya namamalayan na wala na pala si Jeanlie sa mismong event. Kung kaya ay nilapitan niya si Feisha at tinanung kung nasaan si Jeanlie, sabi nito ay hindi din niya napansin ang dalaga. Kung kaya ay nilibot niya ang sulok ng lugar na yun para hanapin si Jeanlie. Nang lumabas siya, ay nakita niya ang driver niya at tinanung kung nakita ba nito si Jeanlie. Sabi nito ay nagmamadali daw'ng umalis kanina kasama ang kaibigan. Kung kaya ay kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon, para tawagan si Jeanlie sa cellphone, pero pagtingin niya sa kanyang cellphone ay patay ito, naubusan na pala ng battery ang kanyang cellphone. Kung kaya ay napailing -iling nalang siya, at pumasok na uli sa loob.