Chereads / The Ideal Man / Chapter 2 - Chapter 2: Pictorial

Chapter 2 - Chapter 2: Pictorial

SINIKO siya nito at pabirong sinabi. "Yes, aleng Jeanlie, masusunod po!"

"Aleng Jealie ka dyan. Sa ganda kong ito, tinawag mo akong ale?" nakangiting tugon niya na may halong inis kunwari.

"Naku, tama na iyang kulitan ninyong dalawa. Tapusin na ninyo ang pagkain bago kayo maabutan ng bell.

Sabay na tumahimik ang magkaibigan at kumain na lamang. Makalipas ang kalahating oras tumunog na ang bell.

"Ma, balik na po kami sa loob ng classroom. May natitirang exam pa kami buong maghapon," tugon niya.

"Sige, ingat kayong dalawa. Uuwi na rin ako sa bahay," mabilis na sinamsam ni Aleng Nina ang empty lunch box habang tiningnan ang dalawang teenager na papalayo na.

Natapos ang buong maghapon at pagod na pagod si Jeanlie sa exam nila. Nahihirapan man siya sa Algebra, ramdam naman niyang naipasa niya ang finals nila.

"Jeanlie, sabay na tayo umuwi. Daanan lang muna natin ang sukli ko sa canteen. Kanina kasi walang barya sa one thousand peso bill ang canteen kaya iniwan ko muna," anito.

"Sure! Halika na!" aya niya rito at sabay na silang naglakad papuntang canteen.

Ngunit bago pa sila nakarating ng canteen nakita nila may pinagkaguluhang post ang mga student ng school. Sa may bulletin area. Mukhang importante ang post dahil malakas ang bulungan ng mga nakiusyusong estudyante.

"Bestie, halika tingnan natin ang bulletin board. Mukhang may good news!" sabay hila ni Nathalie sa kanya.

Sa lakas ng paghatak nito sa kamay niya halos madapa na silang dalawa. Nang tumapat na sila agad nilang nabasa ang announcement ng gaganaping beauty pageant sa bayan.

Dahil mahilig siyang sumali rito, binasa niyang maigi ang registration procedure maging ang nakalistang papremyo. Napasinghap sila ng sabay magkaibigan ng makitang thirty thousand ang grand prize, twenty thousand ang second prize at fifteen thousand ang third prize. May consolation prize na five thousand para sa fourth and fifth prize.

"Wow! What a huge amount!" narinig niyang bulalas ni Nathalie.

"Bestie! Sumali ka! Dali!" siniko pa siya nito at bakas ang excitement sa boses nito.

"Bestie, may registration fee, one thousand eh. Saang kamay ko naman kukunin iyang ganyan kalaking halaga?" nanlulumong tugon niya.

"Ano ka ba ako ng bahala sa registration fee mo. Dahil alam ko naman mananalo ka dyan. Saka kaya mo naman ibalik sa akin ang one thousand kapag nakuha mo ang grand prize. Saka tingnan mo oh, malaking pera iyan at may trophy pa. Imagine huh, kapag nanalo ka magagamit mo na iyan pang enroll sa college," anito.

Napakamot siya ulo sabay tugon, "May isa pa akong problema, wala akong extra high heels and gown,"

"No problem on it! Magkasukat naman tayo pahihiramin kita. Dali na sali kana!" udyok nito sa kanya.

"Eh paano ang isusubmit kong whole body picture, wala ako non!" muling reklamo niya.

"Jeanlie Cruz, sasampalin na kita! May studio shop sa bayan, magpakuha ka ng whole body pictures doon, total free naman ang gown na isusuot during pictorial saka kung ang problema mo pera na naman pambayad, meron nga ako!" nakapameywang nitong tugon.

"Alam mo, best friend nga kita!" Inakbayan niya ito sabay ngiti rito.

"Naman! Ako pa! Halika na kunin na natin ang sukli at dumiretso na agad tayo sa bayan," hinila na siya nito.

"Umm...tara!"

Matapos kunin ang sukli sabay na sumakay sila ng jeep papuntang bayan. Pagdating ng picture studio agad na nagtanong si Nathalie sa staff na nasa harapan.

"Hey, Miss, how much is the payment for the whole body picture?"

"Package po ba ang kukunin ninyo?" tanong nito.

"Pwedeng malaman ang package content ninyo?" muling tugon ni Nathalie habang tahimik lamang nakikinig si Jeanlie.

"Meron kaming 3 copies po with gown and make-up na po iyon bali, 650php. Kapag naman 5 copies it cost 1 thousand pesos!"

"Ah... ang mahal naman," biglang bulalas ni Jeanlie.

"Naku, Miss mura na po iyong offer package namin kumpara sa ibang shop.

"Bestie, huwag na lang akong sumali. Malaki ang gagastusin mo," mabilis niyang tugon sabay hila kay Nathalie.

"Ano kaba nandito na tayo, uurong ka pa dyan? Hindi pwede! Sige Miss yung unang package kukunin po namin at pakigandahan ang make-up ng kaibigan ko," muling tugon nito sabay tulak kay Jeanlie.

"Sige po, walang problema. Paki-fill-up-an nalang po itong papel at pakibayaran na rin po agad. Ikaw naman Miss pumasok ka na po sa loob ng studio may make-up artist at photographer na po sa loob na naghihintay," anito.

"Sige na bestie, pasok na!" muling udyok ni Nathalie.

Nag-aalangan man, napilitan na rin si Jeanlie na sundin ang sinabi ng kaibigan. Suportado siya nito at naisip niya rin na kahit hindi man grand prize ang mapanalunan niya at least makapasok man lamang siya sa kalit alinman sa TOP FIVE  para maibalik ang magagastos nito.

Pagpasok niya sa loob ng studio nandon na nga ang dalawang staff ng studio at naghihintay ng customer.

"Dito ka po Ma'am, pero bago ko po kayo make-up-an pumili po muna kayo ng gown na nandito," sabay turo nito.

Agad siyang lumapit sa hilera ng mga gown at pumili. She pick up ng  Long Sleeve Mermaid Lace Emerald Green Gown. Nagustuhan niya ang design ng damit dahil elegante ang dating nito.

"Iyan na po ba ang napili ninyo? Kung iyan na po, andon po ang changing cubicle, pwede na kayong magpalit agad," udyok ng staff.

Mabilis na nagpalit si Jeanlie. Hapit na hapit sa katawan niya ang gown at may ipinasuot rin sa kanya na mga accessories ang staff na terno doon sa kulay ng gown na napili niya.

Makalipas ang fifteen minutes tapos na siya nitong ayusan. Lalong tumingkad ang taglay niyang ganda sa nilagay nitong make-up. Nakalugay lamang ang makintab niyang buhok. Nagsimula na agad ang pictorial nila. Iba't ibang anggulo ang kununan ng photographer sa kanya. Nang matapos pinakita nito sa kanya ang mga kuhang larawan para makapili siya ng ipapa-print.

Namangha siya sa ganda ng mga kuhang larawan niya. Dahil sobrang natuwa ang photographer bigla itong nagsalita.

"Ipi-print nalang natin po lahat ang larawan ninyo at ibibigay naming libre ang extra pero pwede ba namin ipa-frame ang larawan mo at gagamiting display sa main area?"

"Ah... Ta----talaga po?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo, kasi ang ganda mo. Makakadagdag hatak din ng customer para sa amin ang magandang mukha mo," nakangiting tugon nito.

"Kayo po ang bahala," nahihiyang tugon niya.

"Okay! Thanks!"

Lumabas na siya mula sa loob ng studio at sinalubong agad siya ni Nathalie. Kinuwento niya rito ang alok ng photographer at natuwa naman ito sa sinabi niya.

"Sabi ko sayo bagay talaga sayo ang maging beauty queen, kita mo, di ka pa nananalo sa contest may alok ka kaagad," masayang tugon nito.