Chereads / Primrose in Wonderland / Chapter 2 - I - Chasing The White Rabbit

Chapter 2 - I - Chasing The White Rabbit

━━━━━━━༺༻━━━━━━━

"You're all bunch of useless idiots! Get the hell out of my sight!" sigaw ko sa tatlo kong mga katulong na walang silbi. Tumayo ang balahibo nila at sa takot na batuhin ko sila ng mamahaling pigurin na nasa gilid ng mesa ko ay sabay silang yumuko at humingi ng paumanhin.

"Patawad, young master! Hindi na po mauulit!" Nagkukumahog sila sa pagtakbo na tila takot mamatay. Inihagis ko ang tray sa ibabaw ng table at tumilapon ang mga laman n'on sa marmol na sahig.

Mayamaya, pumasok si Jude, ang kaisa-isang tao sa mansyong ito na may pakinabang. He's my butler.

"Linisin mo ang kalat sa sahig at dalhan mo ako ng panibago," walang paki na sabi ko.

"Yes, sir," aniya. Mabilis niyang nilinis ang mga nabasag na pinggan at natapon na pagkain. Aakalain mong hindi 'yon natapunan ng kahit ano matapos niyang punasan ito gamit ang manipis na tela mula sa bulsa ng kanyang coat.

Nag-bow si Jude bago ito umalis ng opisina ko. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko. Nakalimutan na yata nila kung bakit ko sila hinayaang magtrabaho sa mansyon ko. Ang tinutukoy ko ay sina Maylene, Finn at Troy.

Sa dami ng pagkain na maaaring ihanda ng mga inutil na 'yon, bakit nila ako hinainan ng toasted bread na halos 'di na makain ng tao, kape na kasing pait ng ampalaya at saging na may bulok sa gitna?

By the help of my aunt who's in US right now, nakakatungtong pa rin sa teritoryo ko ang tatlong iyon. If it wasn't for auntie Angelina, baka matagal ko na silang sinibak. Ang ayoko kasi sa lahat 'yong tatanga-tanga. I want someone who is proactive, maliksi kumilos at maaasahan.

I'm talking about Jude. Siya ang nag-iisa kong butler since then at never pa akong nagkaroon ng ibang tagasilbi. Wala akong reklamo kapag sa kanya ko inatas ang isang certain task. Ultimo pagligo ko, pagpalit ng damit, pagsuklay sa aking malambot na buhok at pagpe-prepare ng pagkain ko araw-araw ay sa kanya ko iyon inaasa. Nagkataon lang na maagang umalis si Jude upang makipag-kita sa business partner ko.

I forgot to introduce myself. I am Primus Constantine, the youngest businessman in the country. I've had this bluish gray hair, porcelain skin and a damaged eye. I prefer to remain it covered by an eyepatch.

Since my parents passed away, ako na ang humawak sa negosyo na kanilang iniwan. At the age of sixteen, I owned the largest company of candies in the country - The Constantine Sweets.

Maraming nagsasabing napakabata ko pa para pumasok sa mundo ng pagnenegosyo at marami ring duda sa kakayahan kong patakbuhin ito at dahil dito, sinubukan ng ilan na kunin ang pamana sa 'kin ng mga magulang ko. Ngunit ni isa sa kanila, walang nagtagumpay.

Iyan ay sa kadahilanang matalino ako. Hindi lang 'yon, katulong ko si Jude sa pagma-manage ng kumpanya ko. May sapat siyang kaalaman sa business kaya malaki ang tiwalang pinagkaloob ko sa kanya maliban sa good accomodation na natatanggap niya bilang butler ko.

After ten minutes of waiting, Jude has arrived with his most fancy dishes to serve for. I knew it before he could open the cover of the plate. I could smell the mouth watery food made from the finest quality of ingredients. Nakakawala ng stress.

"Here Sir, we have Espresso Waffles with Mocha Drizzle with almond flour and espresso powder. On the other hand, we have Da-Hong Pao Tea - one of the world's most expensive teas."

You heard him. A single bag of tea costs one life of a person. At hindi ako umiinom ng tsaang nabibili lang sa supermarket. I prefer those na kayang pawiin ang pagod ko at iyan ang isa sa halimbawa niyon.

Sinimulan kong kainin ang nakahapag sa office table ko. Sa kalagitnaan ng page-enjoy ko sa aking almusal ay biglang sumagi sa isip ko ang nilalang na 'di ko puwedeng pabayaan.

"Si Alois? Pinakain mo na ba?" tanong ko kay Jude na nakatayo sa sulok.

"Yes, Sir. Si Maylene ang sinabihan ko habang naghahanda ako ng almusal mo, master," aniya. Of all tasks I gave to those bloody dodos, the only thing they didn't fail is to take care of Alois.

That rabbit is very special to me. Alois is a white European breed rabbit. My mother gave it to me, two days before she died along with my father. Pinangako ko sa puntod ni Mama na aalagaan kong mabuti si Alois. Sa tatlo ko binilin ang pag-aalaga rito dahil sobrang busy na ni Jude.

"Good." Pinagpatuloy ko ang pagkain. Matapos kong ubusin ang nasa plato ay tumayo na ako. "I'll go to the garden. Bring Alois as well."

"Certainly," ani Jude na puno ng paggalang. Nilampasan ko lang ito at nagpasya akong lumabas patungo sa harding tadtad ng iba't ibang klase ng halaman at bulak--

Napatigil ako nang makita ang pagbabago sa garden. Hindi ganito ang hitsura nito kahapon. Maayos ang arrangement ng mga halaman ngunit iisang uri ng bulalak ang makikita sa buong hardin.

B-Bakit ito pa?

"Jude, what is this?" cold kong sabi kay Jude na alam kong nasa likuran ko na. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. This flower... I don't love this flower. I just don't.

"M-Master I thought--" I cut him off. Nilingon ko siya ng may hindi maipintang expression sa aking mukha. Nandidilim ang paningin ko! Ayoko nito!

"How many times do I have to tell you, I don't wanna see this flower ever again!" I went closer to Jude and slap his face. Wala man lang akong makitang galit sa mukha nito nang gawin ko 'yon.

"I apologize, but your aunt asked me to do this for you. Especially now is your special day."

I snapped. I forgot. Today is my birthday. Dalawang taon ko nang kinalimutan ang araw na ito. Si Auntie Angelina lang 'tong mapilit, e. I already lost my parents and she's the only one who treated me as part of her family. But she's too far from me so para saan pa ang celebration? It makes no difference.

"I thought your interpretation with this flower will change on your birthday. I made a huge mistake. I'm sorry, Master."

"That Primrose flower, eh?" I took Alois from Jude's hand as I walked through the garden. Pumitas ako ng isang bulaklak saka ako naupo. "These colorful petals...no matter how precious it is, it won't change the fact how painful to lose my source of happiness. It won't bring me new life."

Because the same Primus that everyone knows is already dead. The flower's representation is useless. No one will make me happy and I forgot how to smile.

Sa 'di inaasahang pagkakataon, biglang tumunog ang grandfather clock na matatagpuan sa Japanese room. It's impossible for it to chime on its own 'cause it's already broken!

"Jude, kindly check the room to see what's going on." He agreed to my orders. As Jude disappeared, suddenly...

"Alois!" The rabbit slipped from my hand and ran away from me. "Hey! Come back here!" What am I saying? It's as if he understands me.

I chased the rabbit, I ran as fast as I can. Halos lumaylay ang dila ko pero wala akong pakialam. I need to bring him back. He couldn't just leave me alone!

The next thing I knew, my feet brought me in the woods. Pag-aari ko pa rin ang kagubatang ito ngunit malayo na 'to mula sa kinatitirikan ng mansyon.

"There!" Tinuro ko ang isang malaking puno. I saw it with my own eye. Alois popped down a large hole!

Hinihingal kong sinilip ang butas na sa sobrang laki e, kakasya ang tao. May kung anong enerhiyang nagtulak sa 'kin para sundan si Alois. I bite my lower lip then I decided to jump.

"Woah!" This is not what I'm expecting! Nuknukan ito ng lalim. Para akong nalaglag sa tunnel, no, I suppose hell is more correct.

Masyado pang maaga para ako'y mamatay! At kung sa impyerno man ang bagsak ko, bakit kailangang madamay si Alois? Come on, Primus! Is that what you're thinking right now? Once you hit the ground, you're dead!

"Ah!" Ramdam ko ang pagbagsak ko sa kalupaan. Pinilit kong bumangon sa kabila ng matinding pananakit ng katawan ko. "Alois?"

I explored my surroundings. I couldn't find that rabbit. He vanished like a bubble.

This place is quite strange to me though. There are lots of animals around, marami ring prutas sa mga puno ng ewan ko kung anu-anong klaseng mga puno iyon. Malinis ang lugar. Meron ding maliliit na kabahayan.

A kind of paradise to be exact.

At ang mga tao... They looked different. Don't get me wrong. Hindi sila katulad ng mga nababasa niyo sa fairytales. They are humans from head to toe. But the way they dressed and how they communicate with others, it's too odd from what I get used to.

"A drop of water? Perhaps it came from the top of the tree," my mind told me. Pinunasan ko ang basang bahagi ng braso ko subalit nasundan pa 'yon ng sunod-sunod na pagpatak ng tubig. It's too late to realize that it was raining at lalo pang lumalakas ang pagbuhos ng ulan.

Sumandal ako sa katawan ng puno. The volume of people starts to decrease. Umupo ako at niyakap ang sarili. Nasa'n ba ako? I don't recall a place like this outside the manor!

Wait a minute... I remember when I went to the woods to chase my rabbit and then I fell in the hole where I jumped and now, I found myself here - lost.

Mariin kong niyakap ang tuhod ko nang makaramdam ako ng panlalamig. Why in the world am I here?

"Hindi ka dapat sumisilong sa ilalim ng puno," sabi ng boses na siyang tumawag ng aking pansin. Nag-angat ako ng ulo upang makita kung sino 'yon. A girl just about my age with blue eyes and short brown hair. "Tumayo ka diyan, young lady. Tignan mo ang hitsura mo, para kang basang sisiw."

Y-Young lady?!

Noon ko lang napansing suot ko ang isang damit na pambabae. Hindi lang basta damit, ang haba nito'y hanggang talampakan at may ribbon sa nagkabilang sides. It's so pink at napapalibutan ito ng ruffles.

Aside from that, I noticed some heavy on my head. Nang kunin ko ang nakalagay sa ulo ko, nalaman kong isa pala iyong sumbrero na puno ng rosas. Kakulay din nito ang gown na suot ko.

And my hair... Damn, what happened to my hair? Why is in pigtails?!

"N-No way in hell..." Hindi makapaniwalang sabi ko. Makalawang beses ko nang sinipat ang sarili ko pero walang nagbago. I even slapped myself just to wake up from this terrible dream.

"Ano bang nangyayari sa 'yo? Ayos ka lang ba?" takang tanong ng babae. Judging by her looks, 'di mo iisipin sa una na babae siya. Matigas itong kumilos at magsalita. Sa madaling sabi, boyish. "Ako nga pala si Moiselle. Ikaw, anong pangalan mo?"

Moiselle. Ang unique ng pangalan niya.

"P-Primus," I mumbled. I wasn't sure if she heard what I said.

"Wow! Ang ganda naman ng pangalan mo, Primrose! At saka, 'yong kasuotan mo. Saan mo pinagawa iyan? Suspetsa ko'y hindi ka taga-rito dahil walang manggagawa ng damit ang kayang lumikha ng ganyan kagandang kasuotan! Kamangha-mangha!" tuwang wika ni Moiselle. What did she call me?

"It doesn't matter, alright? By the way, it's Primus not Primro--" Hinatak niya akong bigla. Sakto at kakatila lang ng ulan. "Teka, sa'n mo ako dadalhin?" Shit, my voice. It's too feminine!

Tumigil sa pagtakbo si Moiselle kaya ako'y napapreno rin. "Kailangan mo ng masisilungan pansamantala at may alam akong lugar na puwede mong tuluyan!"

Sa huli, napilitan akong sumunod kay Moiselle kahit labag sa kalooban ko. She's right. I shouldn't stay here. Mahirap nang magkasakit sa lugar na 'di ko alam kung saan. I guess I should rest my head for a while.

Kailangan kong mag-ipon ng lakas para hanapin si Alois.

━━━━━━━༺༻━━━━━━━