Chereads / Primrose in Wonderland / Chapter 5 - IV - Primrose's Lost Smile

Chapter 5 - IV - Primrose's Lost Smile

━━━━━━━༺༻━━━━━━━

Kinabukasan...

Third day in Wonderland and my first day of training. I'm here on the same tent kung saan inintroduce sa 'kin ni Happy ang main casts ng show. Kami lang ni Moiselle ang nandito. I was watching her flying with trapeze bar on her feet as support.

Nakakatakot kung titignan mo dahil delikado ang kanyang ginagawa. Isang pagkakamali lang, puwede siyang malaglag. It could be fatal or it may result to bone fracture.

However, it was thrilling and exciting. Lahat ng makakapanood sa kanya ay talagang mapapabilib niya. A bird without wings. I wish I was her. I wish I can do that perfectly. But in my case, I am lack of experience, dedication and happiness. Without them, it would be impossible for me to fly.

Pagbaba niya, pinalakpakan ko siya. Sinuklian niya ako ng matamis niyang ngiti. Pero ako... Bagama't nagawa kong ma-impress sa talentong pinakita ni Moiselle, hindi ko magawang ngumiti.

"Anong klaseng ekspresyon 'yan? Pumalakpak ka nga pero nakabusangot ka," aniya na naupo sa aking tabi.

"Well, I'm living in a miserable life that's why," katwiran ko.

"Aww, don't bury yourself in too much sadness. Tutal ngayong nasa circus ka, dapat gamitin mo 'tong oportunidad para maramdaman mo ang saya. Hindi ka magsisisi, paglabas mo ng Wonderland, marami kang babauning alaaala na siguradong hindi mo malilimutan," sabi niya na tila ba walang nangyaring away kanina sa pagitan nila ni Happy. I'm now relieved. I hope mapatawad na nila ang isa't isa.

"Sana gano'n lang kadaling kalimutan ang bangungot ng nakaraan. It's not easy to lose your cherished possession - yes, my family. An accident happened two years ago. I was miraculously survived but my both parents died. Napunta man sa 'kin ang mga ari-arian nila, hindi 'yon sapat para makamove-on ako.

"As a result, naging makasarili ako, bugnutin at salbaheng amo sa mga tagasilbi ko. Iyon ay dahil wala akong magulang na siyang magwa-wasto ng mga pagkakamali ko. I became a spoiled brat. Lahat ng gusto ko, dapat makuha ko. At ang masaklap, nakalimutan ko na ang totoong definition ng salitang 'saya'."

I can't help but to burst my emotions. Humagulgol ako. Nilabas ko ang naipong sama ng loob ko na two years kong kinimkim. I've never been like this to Jude or anyone else. Only Moiselle witnessed the story behind my past. I can't explain this feeling but... You know what? Ang gaan ng loob ko sa kanya. I found comfort in her arms.

Nakakahiyang aminin pero si Moiselle ang kauna-unahang kaibigan na mayro'n ako since then. Akala ko kalokohan lang ang magkaroon ng isang kaibigan. Na kesyo iiwan ka rin lang sa huli at ipagpapalit sa iba.

But Moiselle proved that I was wrong. From the day she saved me from this strange land, Moiselle never leaves me. I believe she'll be on my side until my last day in Wonderland.

"Huwag kang mag-alala, Primrose. I will help you regain your happiness. Nandito lang ako. What kind of friend would I be if I will let you be eaten by your past?" She rubbed my back. Bumuhos lalo ang luha ko dahil sa sinabi niyang 'yon.

"Moiselle..." Ang sarap pala sa feeling ng may kaibigang masasandalan, ano? Kung noon pa kami nagkakilala, malamang nalagpasan ko na ang pagsubok na dumating sa buhay ko.

"Pasensiya na sa mga nasabi ko kay Happy, ha? Alam ko, nagulat ka sa inasta ko kanina. Marami lang akong iniisip. Hayaan mo, mamaya kakausapin ko siya."

"Sana magkaayos na kayo," I said to her.

Finally, at last.

༺༻

Dumaan muna ako sa interview with Happy about sa kung anong talent ang meron ako. Tinanong rin niya ako kung ano ang gusto kong maging papel sa circus in case na mapasok ako as first-string member. I told him any kind of stunts basta hindi ko ikamamatay.

Knife throwing is the only option. But Moiselle is insisting me to try aerial ballet such as tightrope walking. Susmaryosep. Kasasabi ko lang, 'di ba? Ayokong umuwing bangkay sa reality!

"E-Eh..." Should I take her suggestion or not? Nakakahiya rin naman kay Happy kung tatanggi ako.

Kailan ka pa natutong mahiya, Primus? Bulong ng konsiyensiya ko. Shut up!

"Mukhang nakalimutan mo na yata ang sinabi ko sa 'yo kanina. I won't leave your side. I promise," said Moiselle. Yes, I do believe in you but not this time!

"Besides, it's just a practice. Magkamali ka man, kami lang ang makakakita. It's natural for a beginner like you to commit mistakes. Don't be afraid. Hindi ka malalaglag, may taling nakasuporta sa katawan mo."

Napilitan na akong pumayag sa gusto nila. Walang karapatan ang isang trainee na magreklamo.

For those who didn't know, Wonderland Circus is the only circus that provides special training for those who wanted to be part of their crew. Ang rules sa kanila, kapag napasahan mo lahat ng stunts na kailangan mong pag-aralan depende sa skills na gusto mo, automatic kang mapapabilang sa first-string members.

Lahat ng hindi papalarin ay papasok sa second-string members kung saan sila ang in charge sa pagse-setup ng stage, preparation ng anumang pangangailangan ng mga first string members or main casts.

Moiselle and I went upstairs where the rope was tightened up. Nilagyan na rin niya 'ko ng tali sa palibot ng balakang ko. Bago ako umapak sa rope, sinubukan ko munang mag-sign of the cross. I'm not gonna die, I'm not gonna die, I'm not gonna fucking die!

First step, okay. Second step, okay pa. I take the third step at medyo nawawalan ako ng balanse. Tumayo ako nang tuwid at pinigilan ang panginginig ng paa ko. Dumadagdag pa 'tong nerbyos ko! Isang maling galaw ko lang tiyak malalagla---

"W-woah! Aaaah!" Shit, 'yan na nga ba ang sinasabi ko, e!

"Three steps. Not bad," wika ni Happy. Is that a compliment or criticism?

Noon din ay inalis ni Moiselle ang tali sa balakang ko. "Ano, nag-enjoy ka ba?" tanong niya.

"PAANO AKO MAG-E-ENJOY? MUNTIK NA 'KONG ATAKIHIN SA PUSO!"

"That's enough, folks," ani Happy. "Yo, Barbara! Samahan mo kami rito!"

Kapapasok lang ni Barbara sa tent. Good thing, hindi niya naabutan ang buwis-buhay kong practice kundi, ewan lang kung anong isipin niya sa 'kin.

"Hindi ako pumunta rito para makipag-kamustahan sa inyo. Ikaw ang sadya ko dahil may ipapakilala ako sa 'yo," sabi ni Barbara kay Happy. Ba't ba ang sungit nito? 'Yong totoo, inaano ka ba namin?

"Oh, another trainee."

She raised her left eyebrow. Maldita talaga. "He will be the girl's partner for the rest of their training." Her eyes went to me like a flash. "I don't wanna hear any complaint against each other. Do you understand?"

Those mean eyes. It reminds me of the scene last night. Totoo nga kaya ang suspetsa sa kanya ni Moiselle?

"Y-Yes," utal kong sagot. Umirap lang ito at kanyang tinawag ang sinumang poncio pilato na magiging partner ko sa training.

Someone entered the tent and halos himatayin ako nang makita ko kung sino ang niluwa niyon. Nanginginig kong dinuro ang taong 'yon. No! How is that possible?! It can't be!

"J-JUDE?!" tawag ko sa pangalan nito. Yes, you read it right. Ang tinutukoy kong bagong trainee sa Wonderland Circus ay walang iba kundi si Jude Michaelis, ang butler ko sa Constantine Manor!

━━━━━━━༺༻━━━━━━━