Chereads / Primrose in Wonderland / Chapter 6 - V - Judas

Chapter 6 - V - Judas

━━━━━━━༺༻━━━━━━━

Primrose's POV

My eye isn't playing tricks on me. My butler - Jude followed me and I know the reason behind it. He's here to save me from distress. But then, there's one thing I don't understand. Paano siya nakarating sa Wonderland? Nakita rin kaya niya ang malaking rabbit hole na tinalunan ko? Or maybe he was accidentally fell in the trap.

Isa pang napansin ko ay ang kakaibang kilos ni Jude. Ubod ng lamig ang presensya nito. Kilala ko si Jude. He acts professional as my butler at gaya ni Happy ay lagi rin siyang nakangiti. He's sweet, kind and thoughtful. Ngunit iba ang Jude na kaharap ko ngayon.

"This is Judas. I found him the other night. For some reason, nakikitaan ko siya ng potensyal kaya dinala ko siya rito upang kahit papa'no, may kasama ka sa training. You can help each other. Puwede kayong mag-pares para makabuo ng stunts. It's up to you what type of skills you prefer," mahabang pakilala ni Barbara.

Kaya pala nakita ko si Barbara noong nakaraang gabi sa labas. She's with the guy who looks exactly like my butler.

"A-are you sure na hindi siya si Jude? Kamukha niya kasi 'yong butler ko sa lugar na pinagmulan ko." Palaisipan man kung saan ako humugot ng kapal ng mukha para tanungin ng ganyan si Barbara, hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin. Jude, is that really you?

"Hindi ko alam kung saan ka nagmula pero natitiyak kong hindi siya ang taong tinutukoy mo," sabi ni Barbara na walang bahid ng pag-aalinlangan. She's talking like she knows him very well.

Ano bang tinatago mo, Barbara? I could sense na may hindi ka sinasabi sa 'kin.

Judas walked towards my direction. Inilahad niya ang isa nitong kamay na tila gustong makipag-shake hands. He's cold as ice. Just like Peter.

"I'm looking forward to work with you." Hindi ako sanay sa ganitong version ni Jude. Nasa'n na 'yong magalang at mabait kong servant? Eh, kabaligtaran 'to ng butler ko sa real world!

Para siyang si Claude Faustus ng Black Butler.

Nang aabutin ko na ang kamay niya, bigla niya itong ibinaba at basta niya akong tinalikuran na parang wala lang. Bastos 'to, ah! Anong karapatan niyang talikuran ako? Walang modo! Yes, Barbara's right. Hindi siya ang butler ko! Jude will never disrespect me!

Sumingit naman si Happy at pumalakpak upang makuha ang atensyon ng lahat. "Now everyone, let's get practice. We'll be having our show tonight so we need more preparation. Primrose, before you start, kindly assist this gentlemen to your tent. If I recall, you still have plenty of space to share with your partner. You can also discuss what tricks you'd like. Save the time then go back here when you guys ready."

What? Nagkatinginan kami ni Judas. Does he mean this cold-blooded guy would be in the same tent as I am? 'Yon nga lang mag-isa ako sa tent, hindi ako makatulog. Magdagdag pa sila ng isa? At saka, ayoko ng may kasama sa iisang higaan!

Well, it's not what you're thinking. Double deck naman ang kama, sadyang hindi lang ako sanay. Buti sana kung nakaka-adjust na 'ko sa bagong environment na kinalalagyan ko ngayon. Wala pa 'ko sa kalahati. I need more time.

But do I have a choice? Dito sa Wonderland, isa lamang akong hamak na dayong nag-infiltrate sa circus para may matuluyan habang naghahanap ng paraan para mabawi si Alois kay Four-eyes at makabalik sa mundo ko. My shoulders fell in disappointment.

"Yes," sabi ko. "Follow me," utos ko kay Judas. I used my coldest voice na madalas kong gamitin noong si Primus pa 'ko. Walang imik itong sumunod hanggang sa makabalik ako sa tent.

Tinuro ko ang itaas na bahagi ng kama pagpasok namin sa tent ko. "You'll be taking the top bed. Ako sa baba. Please take note that I don't wanna hear any kind of noise while I'm sleeping. I really hate distractions. Oras na mahiga ako sa kama, you cannot talk to me. Understood?"

Honestly, I'm starting to like my feminine voice. Mas okay pang pakinggan kumpara sa original version ko as Primus.

"Same as mine. Matalas ang pandinig ko so you better don't cause any trouble."

Ang kapal ng mukha!

I pushed him but not so hard. "And just who the hell do you think you are?! Sa ating dalawa, ako ang amo! Baka nakakalimutan mo, mas nauna akong dumating sa 'yo! Kaya huwag mo 'kong pagsalitaan ng ganyan por que fully trained ka sa pagpo-poker face at pagsusungit!"

Pasalamat siya wala ako sa mansyon. Kasi kung hindi? Kinaladkad ko na 'to palabas ng pamamahay ko!

"Who am I?" He quickly climbed up to his bed. Sa bilis n'on, hindi ko namalayang nakaupo na siya sa ibabaw ng kanyang kama. Sunod niyang inilabas mula sa bulsa ang tatlong piraso ng patalim at inipit sa gilid ng kanyang mga daliri. Nakatutok iyon malapit sa akin. "I'm simply one hell of a trainee you wouldn't want to be with. How about you? Who are you, really?"

Nanggigil ako sa mga mata ni Judas na parang sinusubok ako. Gusto kong dukutin ang eyeballs niya ngunit upang makaiwas sa sabutsaring debate ukol sa binabalak kong pagpaparusa sa nilalang na ito, mas mabuti pang tiisin ko na lang ang sandaling makikita ko ang pagmumukha ng walanghiyang 'to.

Utang na loob, huwag naman sanang dumating ang araw na makauwi ako sa mansyon ng may iniidang galit kay Jude dahil lang kahawig niya si Judas.

Tumawa ako nang may halong panunukso. "I'm the big storm that will surely ruin your entire life."

"Oh, how exciting." He jumped down, grabbed me and look at me face to face. "Can you show me some demonstration? I want to see where you are made from."

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Ginagago mo ba ako?"

"Well, if that's the right term to use then I'd say, yes."

Pigilan niyo 'ko bago ko mapatay ang hampaslupang ito!

"Akin na 'yan, akin na!" Inagaw ko kay Judas 'yong mga patalim na nasa kamay niya. Umatras ako hanggang sa maabot ko ang intrada ng tent. Basta kong itinapon sa kanya ang unang patalim na matagumpay niyang nasalo. Gano'n din sa ikalawa at sa ikatlong patalim.

It doesn't make sense! I was aiming the knife to his head but it fell into his fingers like it was meant to fall there. Nakaabang lang ang kamay niya na talagang expected niyang doon shu-shoot ang tatlong knives. May sa demonyo 'ata ito!

"Nice throw. You're good at knife throwing, eh?" he said.

"Huh, because I love throwing things especially when I'm upset."

At dahil hobby ko ang maghagis at magtapon ng kung anu-ano 'pag nagagalit ako, pati petite knife sa kitchen, ginamit kong weapon sa dart board noong minsang na-misplace ko 'yong mga darts sa mansyon.

"Kaya mo bang maghagis ng knife sa board habang sumisirko ka sa ere?" biglang tanong ni Judas. Naka-shabu ba 'to? Imposible kaya 'yon!

"Look, Judas. Kung ano man 'yang nasinghot mo, itigil mo na bago mo pa ako mahawaan ng pagiging adik mo."

"I'm deadly serious." Heto na naman po tayo sa makamandag niyang tingin. Nanlilisik, daig pa ang kriminal. Siguro marami na 'tong napatay. Baka nga siya 'yong pumatay do'n sa lalaking natagpuan sa gubat.

Enough with this nonsense, Primu--uh, Primrose. You're acting paranoid. The culprit is a vampire. There's no way a human could've done it.

"Serious, you say?"

He sighed. So you're giving up, huh? "Nakaisip kasi ako ng stunts na puwede nating gawin at magagawa lang natin iyon kung sasagutin mo ang tanong ko. Ano? Kaya mo ba?" he said harshly.

Maiintindihan ko pa kung babae siya at buwan-buwang dinadalaw ng regla kaya gano'n siya makipag-usap. Kaso hindi, e! Kalalaking tao, pumapatol sa bab--uh, yeah. In this world, I'm a young maiden.

Pinipigilan ako ng utak kong um-oo sa tanong ni Judas subalit iba ang gustong ipahayag ng puso ko. My heart was eager to experience how to fly and enjoy the show based on this man's idea. Minsan lang 'to sa buhay ko at kung mabibigyan ako ng chance na makaalis ng Wonderland, walang assurance kung makakabalik pa ako.

Iba ang Wonderland Circus sa circus na mayro'n ang real world. Sayang naman kung palalagpasin ko 'tong opportunity na ibinigay sa 'kin, 'di ba?

"Yes, I'll try." That's my choice. My only option for the sake of happiness na hopefully, maramdaman ko habang nasa circus ako. Gusto kong maging masaya katulad ng dati noong wala pa 'yong aksidente at no'ng buhay pa ang parents ko.

"Bueno, oras na para simulan natin ang practice. Wala tayong sasayanging oras. Lalo na sa kaso mong walang alam kundi knife throwing, marami ka pang kailangang matutunan."

Wow. Edi ikaw na ang magaling! Feeling part ng main cast, eh parehas lang naman tayong trainee!

Nauna na itong lumabas ng tent. Nilayasan ako. Ni-walkout-an ako. Teka, pangalawang beses na 'kong winalk-outan ng lalaki. Una, si Four-eyes na siyang tumangay kay Alois. Pangalawa, si Judas - ang lookalike ni Jude na tuluyang sumira ng araw ko.

No, simula ngayon, tatawagin ko na siyang Hudas!

Hinabol ko siyang papalakad pabalik sa tent na pagpa-practice-an namin. "Hoy, Hudas! Hintayin mo 'ko! Humanda ka 'pag naabutan kita!"

━━━━━━━༺༻━━━━━━━