Chereads / Primrose in Wonderland / Chapter 8 - VII - Smile

Chapter 8 - VII - Smile

━━━━━━━༺༻━━━━━━━

Primrose's POV

The moment of truth--este, preparation for my first show this evening. Maghapon kaming nag-practice ni Judas sa rehearsal tent pero ni isang salita ay walang lumabas sa bibig ko habang kasama ko siya.  Aba, 'di porket humagulgol ako sa kanya kagabi e, nangangahulugang okay na kami!

Tumambay ako kina Moiselle for almost two hours. Ang tent niya ay may kalayuan mula sa akin. Tulad ng nabanggit ko noong nakaraan, maganda, maluwang at ang daming laman ng tent ng mga main cast. Siyempre, sila ang spotlight ng show.

She lend me her purple corset na may ribbon sa gitna na tinernuhan ng purple stripes na shorts at itim na stockings. Black sandals naman ang sapin ko sa paa. Bagay na bagay sa suot ko.

Last night, nagpaturo ako sa isang circus member na gumawa ng eyepatch. Nawala kasi 'yong meron ako noong dumating ako rito. Sikat siya sa pananahi ng mga damit sa circus. If may gusto kang ipagawa, makipag-negotiate ka lang through barter then the deal is closed.

Marahil curious ka kung anong binarter ko sa mananahi. Huh, para makaganti, ipinalit ko ang pantalon ni Judas na sana'y gagamitin niya ngayong gabi. No choice ang mokong kundi manghiram kay Happy. Hahaha!

"Hmmm... You're missing something," Moiselle said with her hands on her elbow, thinking.

"What is it?" taka kong tanong. Mayamaya, binuksan niya ang cabinet at kinuha mula roon.

"Tada! Headdress. Isuot mo, bagay sa damit mo." It was a black hat with pink rose and ribbon stipes. May pagka-classic ang hat na 'to dahil kailangan mong itali sa sides ng mukha mo para hindi malaglag. "And for the final, this!" Kinabitan niya ako ng choker sa leeg. Ano 'ko, aso?

Hindi na ako nakaangal pa nang sumilip ang asungot na nagnakaw sa Alois ko at sinabihan kaming magprepare na. Para sa inyong kaalaman, mauunang magperform ang second string at trainees bago ang first string o ang main casts. Bigla akong ninerbyos. Tuloy, hindi ako nakakuha ng pagkakataon para bawiin si Alois kay Boy Labo na may pruner.

"Tara na," aya ni Moiselle. Hinatak niya ako palabas ng tent niya.

"You should be preparing for your act. You don't need to waste your time watching me there," I said. Besides, I don't know if my plan with Judas will succeed. It would be a shame for Moiselle after all she did for me.

"Watching my dear friend on her first act is not a waste of time. Spending my time here doing nothing is more wasting than a grain of rice. Mabilis akong kumilos kaya 'wag mo akong alalahanin. Let's go!"

Napailing na lang ako at the same time, na-touch dahil minsan sa buhay ko, hindi ko narinig 'yan mula sa isang kaibigan. Mouselle, ngayon pa lang mami-miss na kita. Alam kong one day, babalik din ako sa mundong pinanggalingan ko at iiwanan ko ang circus na 'to.

She's right. I should cherish ever single day of my life here. Hindi na maibabalik pa ang panahon kapag natapos ito.

Dumaan kami sa backstage ng tent. Shocks, pagsilip ko roon, ang dami nang tao. Lalong nadagdagan ang kaba sa dibdib ko. Sigurado ba si Judas na magwo-work ang plano? Baka sa halip na ma-impress ang mga tao eh, mapahiya pa kami.

"Rose," that guy called me. He was standing behind me with the same expression written on his face. C-O-L-D.

"J-Judas." Hindi ko maitago ang kaba ko. Ano ba 'yan!

"There's nothing to be afraid of. As long as you have me, you're safe."

Totoo ba ang narinig ko? Si Judas ba talaga 'tong kaharap ko o nagha-hallucinate lang ako?

Marahan akong tinulak ni Moiselle kay Judas kaya ang ending, napasubsob ako sa parehong dibdib na saksi sa kadramahan ko kahapon. "Aww, 'di mo naman sinabi sa akin, Prim. May tagapag-tanggol ka na pala!"

Bakit ako namumula? Wala akong dapat ika-blush! "Shut up!"

Iniwanan ko sila. Plano ko sanang lumabas ng backstage at magpahangin nang dakmain ako ni Judas mula sa likod. I can't look straight to his eyes. Damn it!

"Where are you going? The show's about to start," sabi niya. Itinuro nito ang hadgan pataas. Sa dilim ng backstage, hindi ko napansing may stairs pala doon "Climb up, susunod na lang ako."

"Hmph!" Padabog akong umakyat ng hagdan. Pinabaunan pa 'ko ni Moiselle ng 'good luck' bago ako humakbang.

I'm on the top. Happy was standing on stage. The ringleader began to make his welcome speech (nga ba)? O pahapyaw na performance? He was riding in the unicycle!

"Ladies and gentlemen, welcome to the Wonderland Circus! I'm Happy, this evening's ringleader. A pleasure to meet you!"

He took five balls from his huge pocket and began juggling. How fantastic! Nagawa niyang paglaruan ang bola sa ere habang nakasakay sa unicycle! Well, that's the ringleader for ya'.

"For the beginning, let's give a round of applause to the new members of the house. Those fresh faces with incredible talent in tightrope walking, trapeze and knife throwing. Please welcome, Crimson and Rose!"

Crimson (Judas) and Rose (me). Our stage names. This is it.

I breathe heavily and take the first step on the rope. For three days of continuous practice, the maximum steps that I can take is up to six. According to Judas' plan, I must have to reach the center on my sixth step. Or else, we're doomed.

Oh, no! My feet is shaking! I'm on the fifth step though. Isang step na lang at nasa gitna na ako. Why now, all of a sudden? Hindi naman ako ganito noong practice, ah?

People below were noticed my situation. Damn, I need to stand still and don't move a sec! Pero mismong paa ko ang umaayaw. Tuluyan akong nawalan ng balanse. Judas, where are you? Please, save me from embarrassment! I can't fall--

"Woah!" Right before I met the ground, Judas made his appearance. Nakabaligtad siya at 'yong mga paa niya ay nakakapit sa trapeze bar. He was holding me with his hands. Thank goodness, Judas. I thought you will abandon m-- "Woooooaah!" The idiot just throw me! Teka, hoy! Wala 'to sa plano!

He was successfully catches me for the second time. This time, 'yong isang kamay naman niya ang nasa bar. The other hand supports me from falling. Bale nakayakap ako sa kanya. Gross!

"Don't lose your grip. Hug me as much as you could," he said. Do you really think I'm enjoying this?! Tatamaan 'to sa 'kin pagkatapos namin dito! "Now's your time."

Iyon ang go signal ko to release my knives from my pocket. "Do it."

"When you heard me saying, "do it," start counting from 5."

Five... Four... Three...

I bend my body reversely, like the water falls down the river. Walang halong pandaraya o suporta mula kay Judas. He didn't tell me to do this, it's my own idea. He's really counting on me. Alam niyang makakaisip ako ng stunts na hindi nila nasaksihan during practice.

I could see the knife board near us.

Two... One.

I throw the knives simultaneously on the board's direction where a young woman was pinned there. Himalang hindi natamaan ang babaeng naka-attatch sa board. Sa halip, tumama ito sa tatlong sulok na parang triangle ang hugis.

Halos mabingi ako sa masigabong palakpakang ibinigay sa 'min ng mga tao. Tuwang-tuwa sila, labis ang pagkamangha nila sa pagtatanghal namin ni Judas. Madalas kong naririnig ito kapag ako'y nanonood ng talent shows sa TV.  But now, it's different.

Nasa totoong circus ako and it was breath-taking! Nakakatakot, nakakanerbyos but the result of our efforts is worth it. I brought them joy as much as I made myself happy. Yes, you're right. Ang saya-saya ko!

As Judas and I were made our exit, I gave 'em the mark of happiness. My true smile.

༺༻

"Prim!" Sinalubong ako ng yakap ni Moiselle pagbalik namin sa backstage. "Ang galing niyong dalawa! Grabe, muntik akong himatayin nang bumaligtad ka kay Judas! Say, how did you learn that? I've never seen you doing that stunt way back on your rehearsal."

To tell you frankly, I have no idea. Basta lang akong gumawa ng katarantaduhan nang hindi pinag-iisipan.

"I-It's a secret. I can't tell you yet," pagsisinungaling ko. Sabihin ko man ang totoo e, siguradong hindi siya maniniwala.

"Alright, then. Aaaah!" She hugged me again and it was tighter than before.

"A-Ah, M-Moiselle, I can't b-breathe..."

"Pinabilib niyo 'kong dalawa, Crimson and Rose!" Sa wakas, binitawan din ako ni Moiselle nang sumingit sa eksena si Happy, na pansamantalang iniwan ang stage nang magsimulang magperform ang ibang cast.

"Happy," sabi ko. Happy ako, happy siya. Happy tayong lahat!

"Sa tagal naming nag-ooperate ng Wonderland Circus, ngayon lang kami nakakita ng trainee na kayang gumawa ng primary performer stunts! Congratulations for the both of you!"

"Thank you!" I cheerfully said. Ah, wala na yatang tatalo sa sayang nadarama ko.

"Thanks. Forgive me for being rude, Happy, but why are you congratulating us?" Common sense naman, Judas! Malamang nagustuhan nila ang performance natin!

"The answer is simple, Crimson. From now on, you are now part of the main cast! Sapat ang galing  mo sa trapeze and as for Rose, you proved to us how good you are in throwing knives. It was daredevil!"

I felt my cheeks got wet. Where was it come from? Sinundan ko ang pinagmulan ng basa sa aking mukha. Dinala nito ang mga kamay ko sa aking mga mata. My right eye was damaged but it was capable to release tears. Umiiyak ba ako? Bakit? Dahil ba sa tuwa?

"T-Thank you so much. Tama si Moiselle, Happy. I found true happiness in this place. Thanks for make me feel this emotion for the first time."

Para akong baliw na umiiyak habang nakangiti. You can't blame me for acting so foolish. Ngayon lang ako naging masaya after ng aksidente two years ago. Who would have thought that these people will bring me joy? Kung may isang bagay man akong hindi pinagsisisihan sa pagpadpad ko sa Wonderland, iyon ay ang nakilala ko sina Happy, Moiselle and the rest of their crew. Binago nila ang malamig, masungit at malungkot na Primus Constantine.

Kung ito man ay panaginip, ayoko nang magising pa.

"Stop crying, will you?" said Judas as he grab a piece of cloth. Pinampunas niya iyon sa luha kong patuloy pa ring bumubuhos. Then he lifted my chin. "You look ugly when you cry and horrible when you're sad. Huwag mong alisin ang ngiting 'yan. Ang ganda mo kaya 'pag nakangiti."

Napuno ng asaran sa backstage na may kasamang tilian, tulakan at tawanan. Pati mga crew, nakikitawa rin. Meanwhile, may plano pa ba para mawala 'tong pamumula ko? Ayaw maalis!

"W-Whatever." Mema lang. Memasabi! No friggin way, Primus! 'Wag kang Yaoi! Hindi 'to anime at mas lalong wala tayo sa shooting ng isang romance movie! Wala kang karapatang kiligin! Wala dahil isa kang lalaki, tandaan mo 'yan!

"Bago pa may mangyaring 'di kanais-nais dito, maybe I should barrow one crew to help you guys build your new tent. May isa pang tent na hindi pa nagagamit para sa main cast. I hope you can still deal with each other dahil magkasama pa rin kayo sa iisang tent. Anyway, Moiselle, why are you still here? Tonight's your act. Fix yourself and get ready!"

"Yes, Orange boy! Give me twenty minutes!" She quickly ran out of the backstage. 'Yan na nga ba ang sinasabi ko, e. Sabi ko, 'wag na akong panoorin. Tapos ngayon magkukumahog.

"Pa'no ba 'yan? Kailangan ko nang bumalik sa stage. In case you see Cheshire, ask for assistance. As far as I know, he won't be performing tonight. Once again, congratulations!"

Bagong tent. I assume kamukha 'yon ng tent ni Moiselle. But still, walang magbabago sa temperatura! Mainit pa rin! Argh! Una kong gagawin pagbalik ko sa mansiyon ay magpapalamig! Kung kinakailangang i-set ni Jude sa pinakamababang temperature ang aircon, gawin niya! Iyong kasing lamig ng Antarctica!

༺༻

Binisita namin si Cheshire sa tent niya. Nai-spot-an namin siyang nagbabasa ng makapal na librong hindi ko malaman kung saang siglo nagmula dahil sa sobrang kalumaan. Agad niyang itinago 'yon sa ilalim ng kanyang higaan.

"Balita ko napanganga niyo 'yong mga audience. Well, congrats." Halata sa boses niya ang matinding kaburyokan. Bored pala e, bakit hindi siya nag-perform?

"We need you," sabi ko. Napako lang ang tingin niya sa 'kin. May mali ba sa sinabi ko?

"Wow! Ano ako, slave na uutusan niyo kung kailan niyo gusto? I'm busy. Shoo! Shoo!" aniya na kung ipagtabuyan kami ay parang mga aso. Pasalamat 'to nasa mood ako at wala kami sa manor kundi naku, ihahagis ko sa kanya lahat ng babasagin sa kusina!

"I can handle this." Naupo si Judas sa kama ni Cheshire at sinubukang landiin ang bakla. "Y-You're so beautiful especially if you take that outfit of yours. Mind if I do?"

"Pfft--hahaha!" Hindi ko napigilang tumawa. Akalain mong may talent din pala si Judas pagdating sa pang-aakit ng babae? Ilang babae na kaya ang nilandi nito? Hahaha!

Surprisingly, his seduction plan worked. Mukhang nakuha niya ang loob ni Cheshire. Easy to get masyado. "Oh, Judas! Please take it off! Take it off!" Naku po!

"Let's save the games for later." He pinched his chin. Bigla siyang niyakap ni Cheshire at habang wala sa 'min ang mata ni Cheshire ay halos 'di maipinta ang mukha ni Judas. I just ignore him. He started it, he finished it.

Sa tulong ni Cheshire, na-assemble namin ang bagong tent na aming gagamitin throughout the days. Nag-start na rin kaming maglipat ng mga gamit. Katabi namin ang tent ni Four-Eyed Rabbit Thief.

Pasikreto akong napangiti nang maisip kong mas mapapadali ang pagkuha ko kay Alois gayong maliit lang ang distansya namin ni Four-Eyes Labo Mata. Mabawi ko lang si Alois, titiyakin kong hindi na siya mahahawakan ng kahit sino.

"I forgot. Don't try to sneak into Four-eyes' tent. Marami 'yang pinlantang patibong to make sure na walang magtatangkang mangialam sa mga belongings siya, especially his new rabbit Will. Whoever tries to steal the rabbit will meet their end."

All of my hair in my body stood up. Salita palang ni Cheshire, mangingilabot ka na. So kahit na katabi ko lang si Labo, walang paraan para makuha ko si Alois? Ano ba 'yan!

"Primrose, are you okay?" Napansin ni Judas ang pagtaas ng balahibo ko. I answered him with yes.

'Di ko pa gaanong kilala si Judas. Humingi man ako ng tulong sa kanya, there's no guarantee na hindi siya magsusumbong kay Labo. Malay ba natin kung magkumpare sila, 'di ba?

"Matanong ko lang, Cheshire, how long have you been here? Pansin kong halos kilala mo na lahat ng members sa circus," sabi ko to change the topic.

"Matagal-tagal na rin. Mga one month na." Wow, so isang buwan na siyang nagtitiis sa mainit na tent na 'to?

"You're only here for amusement, aren't you?" Si Judas ang nagtanong. Ano bang klaseng tanong 'yan?

"What do you mean? Of course!" See?

He smirked like a devil. "The book you're handling earlier. It's not just a book."

"Zip your mouth or I'll breathe fire on you!" Cheshire covered Judas' mouth. "Whatever you saw is none of your business. I'm done with you two so I gotta go. Good night."

Umalis si Cheshire at nagmamadaling bumalik sa sarili nitong tent. Naiwan kami sa labas, pinapanood ang kanyang kilos.

"Say, Judas. What kind of book is that?" tanong ko naman sa lalaking 'to.

"None of your business," aniya sabay talikod. Pumasok na ito sa tent at iniwan ako.

Galit akong nagpapadyak na parang bata. Argh! Mga walang kwentang kausap!

━━━━━━━༺༻━━━━━━━