Chereads / Primrose in Wonderland / Chapter 13 - XII - The Execution

Chapter 13 - XII - The Execution

━━━━━━━༺༻━━━━━━━

Primrose's POV

Pagbaba ko sa karwahe ay inalalayan ako ng mga sumundo sa 'kin na sina One, Three at Five. In-escort nila ako papasok ng palasyo. Palinga-linga ako habang tinatahak ko ang intrada ng Red Queen Palace. Wow. Napakalaki!  Maganda ang structure na aakalain mong nasa pelikula ka!

Panay kawal sa labas ng pinto at sa tantiya ko'y mga nasa isandaan sila. Okay, that's odd. They all dressed like playing cards. But then, hinayaan ko na lang sila. Everything in Wonderland is entirely strange.

Hindi lang ito ang palasyo sa Wonderland. Kanina noong nasa loob ako ng carriage, nadaaan ko rin ang palasyong naliligo sa puting pintura. Katapat lang din 'yon ng Red Palace. Tapos itong lugar na nilandingan ko'y pula ang nagsisilbing flagship color ng palasyo. Malamang, Primrose. Red Queen nga, 'di ba?

"Please come in," sabi ng kamukha ni Finn na si Three. Hindi ko namalayang nasa pintuan na kami. Ayan na, the pressure is killing me!

Mas tuminding ang balahibo ko nang ako'y makapasok sa loob. Napapalibutan din ng kawal ang buong hall. I walked to the center where I could see an empty heart-shaped throne. The queen is not yet arrived. Iniwan na 'ko ng tatlo at hinayaan akong tumayo sa harap ng trono.

Ilang sandali pa'y nakarinig ako ng trumpet na sabay-sabay pinatugtog ng mga kawal na mukhang baraha, hudyat na paparating na ang reyna. Nang tumigil ang tugtog, nagsalita ang isa sa mga card soldiers at pinakilala ang Red Queen bago tuluyang naupo ang reyna sa kanyang trono nang may nakakakilabot na tingin.

"You must be Lady Primrose." Hindi lang ang mga mata ng Red Queen ang pang-horror movie, pati na rin ang kanyang boses. Daig pa ang terror teacher ko noong high school.

Yumuko ako at magalang na sumagot, "Yes, Your Majesty."

"Very well. You are summoned in my palace for accusation of stealing my property." What did I steal from her? The queen called One, Three and Five. She pointed her finger at me and without second thought, she said, "Off with her head immediately!"

"Yes, of course, Your Majesty!" Awtomatiko akong napaluhod nang hawakan ako ng dalawa at 'yong isa na kamukha ni Maylene ay hinawakan ang tuktok ng ulo ko dahilan para mapayuko ako. Pilit akong nagpumiglas at pinaglabanan ang karapatan ko.

"What the? I didn't do anything, I swear! Hindi ako magnanakaw!" depensa ko.

Mahinang tumawa ang reyna. "Then how can you explain that choker on your neck?"

Snap! I'm wearing the same choker na pinahiram sa 'kin ni Moiselle. Hindi ko na naibalik sa kanya 'to since my first circus act.

"My... My friend l-lend it to me. I-I didn't realized it was actually yours, my Queen. Please, you've got to believe me! I'm innocent!" dahilan ko.

"Matagal ko nang hinahanap 'yan at nagbigay pa ako ng pabuya sa sinumang makapagbabalik sa akin ng mamahalin kong choker. And now you're just keeping it from me? I want you to pay for your crime with your own life! Do as I say! Chop her head!"

This is not what I'm expecting. Sabi nga nila, hindi mo matatakasan si Kamatayan, lalo na kung andiyan na siya sa tabi mo, hinihintay ang tamang oras na nakatakda upang kunin ka.

Sorry, Judas. Wala akong magawa. Patawad kung hindi ko tinupad ang pangako ko sa 'yo. Gayumpaman, umaasa akong susundan mo pa rin ako sa bagong mundong lalakbayin ko.

Ipinikit ko ang nag-iisa kong mata, na mulat sa katotohanan, sa tunay na nangyari. The real Primus did not appear so I'll be the one who pay the price.

"Mahal na Reyna!" Pansamantalang natigil ang pagsesentensya sa akin nang bumukas ang arkong pintuan. "May isang residente ang nagpupumilit na pumasok sa inyong kaharian! Ibig niyang tumayo bilang testigo sa panig ng nasasakdal!"

Did I hear witness? Who could it be?

Hinilot ng Red Queen ang kanyang sentido. "Well then. Call the witness."

Ang matapang na testigo ay ang taong hindi niyo inaasahang darating sa palasyo para linisin ang pangalan ko. I didn't expect her to be here, either. No one actually.

"M-Moiselle?" sambit ko na halos ibulong ko sa hangin.

"Walang kasalanan ang taong nakaluhod sa inyong harapan, mahal na reyna. Hindi siya ang tunay na nagnakaw ng choker," aniya na talagang sigurado siya sa kanyang mga binitawang salita.

"Kung hindi si Lady Primrose, maaari mo bang pangalanan ang tunay na salarin?"

"Si Primus Constantine," banggit niya. "Yes, I'm afraid that would be me."

Inalis niya ang maskarang nagsilbing mukha niya bilang si Moiselle, ang trapeze leader ng Wonderland Circus. Ang itinuring kong kaibigan. Ang sumaksak sa 'kin patalikod. Ang sangkap ng grim reaper na si Adrian Bartram upang maisakatuparan ang eksperimentong bumago ng aking buhay.

Now that he's here, it could only mean one thing.

"I saw your choker a long time ago. But I didn't return it to you even though alam kong kayo ang nagmamay-ari n'on. I thought it would be useful at nagamit ko ito laban sa taong naperwisyo ko nang sobra. At labis ko iyong pinagsisisihan." Lumuhod ito at nagsimulang rumagasa ang luha sa mga mata ni Primus. "Nakikiusap ako, Kamahalan! Ako na lang ang patayin niyo! Walang kasalanan ni Primrose! Biktima lang siya ng kasakiman at pagka-makasarili ko at handa akong pagbayaran ito ngayon!"

"P-Primus..." Inusig na siya ng kanyang konsensiya. Damn, if you just keep your mouth shut, you wouldn't be in this kind of situation, you fool! You're just a human! A human!

"Thanks for your honesty. Now, may I barrow one from you?" The Red Queen was referring to One, Three and Five. One stepped forward and took a bow as respect to the queen. "I order you, One, to pierce his heart!"

"Right away, Your Majesty." One dropped her sword. Walang anu-ano'y nilapitan niya si Primus na handa nang mamatay para iligtas ako. This time, he was willing to give up his own life for my sake.

She took a sharp weapon from her waist. It looks like one of the reaper's death scythe. A long sickle. The next thing she did is to pull off something on her face. It looks like some kind of mask. A disguise to be exact. My guess is right. The reaper Greta/Cheshire  disguised as One.

"It's time for you to die!" She buried it into Primus' chest, causing his blood to drip from his mouth.

Lumiwanag ang katawan ni Primus at may kung anong lumabas na parang photographic film mula sa dibdib kung saan siya sinaksak ng sickle. Mukhang ako lang yata ang aware sa nakikita ko maliban kay Greta.

"Time for you to die as well, Primie," Greta told me.

━━━━━━━༺༻━━━━━━━